"Bro! I will go back to the Philippines, want to come with me?" I heard my best friend Anwyll ask me. My parents are one of the richest family here in USA, but I don't feel the happiness inside me. Siguro dahil iba ako sa lahat. I prefer to be like this, a nerd, old-fashioned man. Who cares right?
"I will ask my parents about it." Maikli kong tugon. Tinitigan lang ako ni Anwyll. Napailing na lang ako sa mapanuri nitong titig.
Napabuntonghininga na lang ito at ipinagpatuloy ang pagkain. Ewan ko ba at bakit naging magkaibigan kami ni Anwyll, he just help me back then, pero di ko akalain na magiging malapit kami sa isa't-isa. Ang layo-layo ng hitsura ko sa kanya. Not like he is more handsome than me, but the way he dress is so far different from my style. Anywll is confident to socialize, and me? Nah! I prefer to read my books inside our library than to socialize those people who will used you for their personal interest.
"Are you afraid?" tanong nito. Hindi ko ito tiningnan. It's more than five years na rin n'ong mangyari ang pang-bu-bully sa akin, and I'm thankful that Anwyll saved me from those bastard who tried to beat me. Kaya nag-decide ang parents ko na ilipat ako rito sa States para mailayo sa mga kaklase kong bully. Anwyll decided to come with me here kaya matagal na rin kaming magkaibigan, siya rin lang din naman ang naging malapit sa akin kahit na nga ba malaki ang kaibahan naming dalawa.
Bumalik ang diwa ko nang tumikhim ito.
"Hindi ako natatakot, gusto ko lang munang magpaalam sa parents ko. Alam mo namang strict sila." Biro ko. Natawa na lang si Anwyll sa akin.
"Fine, next week pa naman ang flight ko, and I want you to meet my little sister." Tumaas ang kilay ko, he always talk about his sister. I think Anwyll is so proud of her. Parati niyang kinu-kwento sa akin ang kapatid niya, hindi ko alam kung malaki na ba o bata pa dahil little sister ang parati nitong tawag. Na-curious tuloy ako sa kapatid nito.
"I will call you." Tanging sagot ko rito.
-
"What do you think, Dad?" tanong ko sa aking ama nang magpaalam akong sasama kay Anwyll pabalik ng Pilipinas.
"It's okay with me. Kasama mo naman si Anwyll eh, I trust him." Napangiti ako nang pumayag si Dad. Tiningnan ko si Mom na ngayon ay nakangiti na rin sa akin.
"Take your time anak, naging busy ka rin sa mga nakalipas na taon. You need time for yourself too. Malay mo at makita mo na ang babaeng magpapatibok dyan sa pihikan mong puso," nakangiting saad ni Mom. Umiwas na lang ako ng tingin dito. I don't have time for women. Kahit nga ganito ang style ng pananamit ko ay marami pa ring babaeng naghahabol sa akin. They are chasing me because of our money, hindi lingid sa kaalaman ko 'yon.
Kung hitsura lang naman ang pag-uusapan ay hindi ako pahuhuli, I'm a definition of tall, dark and handsome.
-
Nag-empake na ako nang mga gamit ko, I'm so excited to have my vacation in the Philippines. Alam kong mag-e-enjoy ako r'on.
"Pwede ka namang tumira sa bahay namin eh." Suggestion ni Anwyll.
"Ayaw ko, I'm not comfortable. I have my condo kaya d'on ako titira," tanggi ko sa gusto niya.
"If you say so. May farm kami sa probinsya, let's have a back horse riding!" excited na saad ni Anwyll. Natatawa na lang ako sa kanya. Para lang itong bata.
"Bakasyon ang pinunta ko d'on kaya I'm always in." Sang-ayon ko sa mga plano nito sa pag-uwi namin ng Pilipinas.
-
Nasa NAIA na kami ni Anwyll. Hila-hila namin ang aming mga maleta. Hindi man lang nagdala ng pasalubong si Anwyll para sa kapatid nito. Hinihintay namin ang susundo sa amin at maghahatid sa tutuluyan kong condo.
"Sure ka na ba talaga sa desisyon mo? Sa bahay ka na lang." Pangungulit pa nito.
"My answer is still no, nakakahiya kaya." Tanggi ko pa rin.
"If it's your final decision then I will respect you. Basta kapag nakita mo ang kapatid ko huwag ka lang ma-fall at baka ikaw na mismo ang magyaya sa akin na sa bahay ka na lang titira." Mahabang litanya ni Anwyll. Nangingiti na lang ako sa pagiging childish nito. Pero sa isang banda ay napaisip ako sa hitsura ng kapatid ni Anwyll. Is she really that beautiful? Hindi naman siguro ako magkaka-interes sa dalaga.
-
Nagpahatid muna ako sa condo unit ko. Magpapahinga muna ako bago pumunta sa bahay ng aking kaibigan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isipan ko ang sinabi nito. Excited tuloy akong pumunta sa bahay nila Anwyll.
Dahil sa kaiisip ay hindi na ako nagpahinga at nagpahatid na ako sa bahay ng kaibigan ko. Hindi ko pa man nakikita ang kapatid ni Anwyll ay bumibilis na ang t***k ng puso ko.
"Bro! Excited ka ah!" biro nito, agad akong napakamot sa aking ulo. Ang bilis ko yatang mabuko. Narinig ko na lang ang malakas na tawa ni Anwyll. Napangiti na lang ako sa mga kalokohan nito.
"Let's go to the library, ipapakita ko ang album ko n'ong mga bata pa kami." Yaya sa akin nito. Pumasok nga kami sa library nila. Naamoy ko kaagad ang bango na nagmumula sa mga libro. How I love books.
"Your collections?" tanong ko nang makita ko ang mga nakahilerang libro ni Shakespeare. Pinasadahan ko 'yon ng tingin. Napangiti ako nang makita ang isang limited edition na libro nito. Halatang napakatagal na ng libro na iyon. Hinimas ko 'yon at inamoy.
"Addict ka na ba?" natatawang biro ni Anwyll. Ngumiti ako sa kanya.
"I just love books, lalo na ang mga old books." Naupo ako sa sofa na naroroon. Magkaharap kami ni Anwyll. Hawak-hawak nito ang isang photo album.
"Collection 'yan ni Dad," sagot nito sa tanong ko kanina.
Tumango na lang ako.
"Hanapin mo ang pagmumukha ko dyan!" natatawa nitong saad, iniabot nito sa akin ang photo album, kinuha ko rin naman 'yon.
Pagbukas ko pa lang ay mukha ng isang batang babae ang bumungad sa akin. Nakangiti ito at may hawak itong bola. She's beautiful. Binuklat ko pa ang ibang pahina sa album, lahat ay picture ng batang babae na sa tingin ko ay ang nakakabatang kapatid ni Anwyll. Bumilis ang pintig ng puso ko nang makita ko ang isang litrato nito na nakasuot ng night gown. Pinakatitigan ko ito. Halos ayaw ko nang mawala ang paningin ko sa dalagang nasa litrato.
"Na-star struck ka na ata ah!" narinig ko ang pagbibiro ni Anwyll sa akin. Napalunok ako. Nakakahiya mang aminin pero iba ang dating sa akin ng dalaga. Walang lumabas na salita sa bibig ko. Narinig ko na lang ang malakas na tawa ni Anwyll. Sinadya niya ata 'to eh. Wala man lang kahit isang litrato ang kaibiagan niya
"She's beautiful." Amin ko. Sumeryoso ang mukha nito.
"Of course, gwapo ako kaya maganda rin ang kapatid ko. But she's a tigress."
Napalingon ako nang pumasok ang katulong nila Anwyll.
"Pababa na si Señorita Analyn," imporma nito.
"Thank you, Emma. Ipaghanda mo kami ng makakain." Utos nito sa katulong.
"Masusunod po, Señorito." Mabilis na ring tumalikod ang katulong. Analyn, what a beautiful name. Nagre-rewind sa isip ko ang pangalan ng dalaga.
"How old is she?" interesado kong tanong.
"Interested?" he smirked at me. Napangiti ako.
"Yes. I like her." Walang paligoy-ligoy kong amin. He's my best friend at wala akong inililihim sa kanya.
"Wala naman akong tutol sa 'yo. But, you should pursue her. Kakaiba ang kapatid ko, kailangan mo ng mataas na pasensya kung gusto mo itong mapaamo." Seryoso nitong pahayag. Napalunok ako. Hindi ko nga alam paano manligaw eh. Nalilito man ay tumango ako sa sinabi ng kaibigan ko.
Masaya kaming nagtatawanan nang marinig ko ang malamyos na tinig ng kapatid ni Anwyll. I felt my heartbeat stopped when I heard her sweet voice. Para akong naestatwa, nababahag ang buntot ko pagkakita sa dalaga. Hindi niya nga ako kaagad napansin. Titig na titig ako sa mukha ni Analyn. Tumikhim ako para mawala ang bikig sa lalamunan ko. Napalingon ito sa gawi ko. Nakita ko ng buo ang mukha nito. She's gorgeous. Sinundan ko ito ng tingin haggang sa umupo ito katabi ng kanyang kapatid.
Kahit na nahihiya ay inilahad ko ang kamay ko sa dalaga nang ipakilala kami ni Anwyll sa isa't-isa, nanlalamig ang kamay ko nang iabot ko 'yon sa dalaga. Ilang ulit pa akong napamura sa aking isipan ng manginig ang kamay ko. Ngayon ko lang 'to naramdaman sa isang babae. Mabilis niya lang na binitiwan ang kamay ko, pero naghatid 'yon ng libo-libong kuryente na dumaloy sa buong sistema ko.
Iba ang tingin ng dalaga sa akin, she doesn't like me, I thought. Sa buong buhay ko ay hindi ako naging insecure sa hitsura ko. Pero dahil sa disgustong nakikita ko sa mga mata ng dalaga ay biglang nanliit ang tingin ko sa aking sarili.
Mabilis lang itong umalis. Natulala pa ako sa kawalan. Am I in love already? Is this they called love at first sight?
Hinawakan ko ang dibdib ko nang bumilis ang t***k n'on pagkaalala sa mukha ni Analyn.
"Hey! Are you okay?" si Anwyll. Wala sa sarili ko itong tiningnan.
"I'm in love." Amin ko kay Anwyll. Narinig ko na lang itong malakas na tumawa.
Kunot-noo ko itong tiningnan. May nakakatawa ba sa sinabi ko?
"Natamaan kaagad ni Kupido 'yang puso mo!" tumawa ulit ito.
"Maybe. And I love this feeling." Nakangiti kong saad. I will chase her no matter what.