bc

Chasing the one I hate (TSP series #1)

book_age18+
3.0K
FOLLOW
26.8K
READ
billionaire
revenge
possessive
badgirl
comedy
twisted
bxg
bully
nerd
first love
like
intro-logo
Blurb

Analyn Kyle Sebastian- hindi ko gusto ang lalaking humahabol-habol sa akin, para itong aso na kahit saan ako magpunta ay naka buntot pa rin ito sa akin. How I hate him so much.

Kahit maubos pa siguro ang lalaki sa buong mundo ay hindi ko ito papansinin, I will never ever like him.

Iñigo Crawford- masugid akong manliligaw ni Analyn Kyle, I love her so much na kahit pinapahiya at inaayawan na niya ako ay hindi pa rin ako tumitigil sa paghahabol sa dalaga.

Pero paano kung mapagod na ang binata at sundin ang kahilingan ng dalagang huwag ng magpakita rito. Makaya kaya ni Iñigo na malayo sa dalaga?

Sa muli nilang pagkikita mananaig ba ang pagmamahal ni Iñigo kay Analyn? O mas mananaig ang paghihiganti sa binata?

Mahalin na kaya ni Analyn si Iñigo?

chap-preview
Free preview
Chapter One- First Meeting, Analyn
Nandito ako ngayon sa tabi ng pool. Nakaka-stress ang araw ko dahil sa daming mga flowers and chocolates na pinapadala sa akin. I really hate those guys. They are irritating. Nakasuot ako ng two piece na kulay red. Maputi ang balat ko kaya naman bumagay sa akin ang kulay. I'm so bored now. Siguro need ko na talagang pasukin ang mundo ng business. Kinuha ko ang baso ko na may lamang juice at ininom 'yon. Maaga pa kaya hindi pa masyadong masakit sa balat ang sinag ng araw. Ilang sandali pa ay lumusong na rin ako sa pool. Nanuot kaagad sa balat ko ang lamig ng tubig. Lumangoy ako, tatlong beses akong nagpabalik-balik sa paglangoy. Nang makaramdam ng pagod ay nag-floating na muna ako. Ipinikit ko ang aking mga mata ng medyo masilaw sa liwanag na nagmumula sa araw. Napadilat ako ng marinig ang sasakyang dumating. Lumangoy ako papunta sa may hagdan ng pool. Umahon ako at kinuha ang roba ko sa may bench na naroroon. Habang naglalakad papunta sa may garahe ay isinuot ko ang roba ko. Tumaas ang kilay ko nang makita ko ang kapatid kong kakababa pa lang sa sasakyan. He's back. For good? I guess so. Anwyll Lexis Sebastian, my so hot brother, is now coming back home. He studied abroad because he is a lot of bad record in any prestigious institution here in the Philippines. Paano ba naman? Lapitin ng gulo and he's very unpredictable. Umikot ang mga mata ko nang makitang nakatingin ito sa akin at ngumisi. Tsk! He's so handsome, kaya maraming babaeng nabibilog ang ulo para lang mapansin nito. Hinintay ko ang paglapit nito sa kinatatayuan ko. Hindi pa rin nawawala ang ngisi sa labi nito. Iba ang kutob ko, baka may ginawa na naman itong kalokohan na magpapasakit sa ulo ng parents namin. "Hello my little sister!" nakangiti nitong bati sa akin. Hinalikan niya ako sa kaliwa kong pisngi. "So, are you staying for good?" taas-kilay kong tanong. Lumapad pa ang ngiti nito. "You don't want me here?" medyo may tampo sa tono nito. Actually hindi naman kami magkaaway ni Kuya Anwyll, hindi lang talaga kami ganoon ka-close dahil pareho kaming spoiled brat. "Hindi naman sa ganoon. Naisip ko lang na baka may kalokohan ka na namang ginawa sa States kaya ka umuwi rito." Mataray ko pa ring paliwanag. Tinawanan lang ako ni Kuya. "Magbihis ka na nga muna at baka sipunin ka. Let's catch up later okay? Kararating ko lang din, I need some rest," saad ni Kuya. Halata ang pagod sa gwapong mukha nito. "Okay, bye! And welcome home!" nakangiti kong bati sa kanya at hinalikan ko ito sa pisngi. I'm happy that he's back after all he is my one and only brother. - Pumanhik na ako sa ikalawang palapag kung nasaan ang aking silid. Dumeretso ako sa banyo upang mag banlaw. Inabot rin ako ng halos kalahating oras sa pagbabanlaw, ayaw kong nagmamadali sa pagligo. Paglabas ng banyo ay tinungo ko ang aking walk-in closet. Wala naman akong lakad dahil it's Saturday, kaya naghanap ako ng pambahay na maisusuot. Nakita ko ang isang fitted black crop top shirt ko, tinernuhan ko 'yon ng dolphin short. Nasa bahay lang naman ako at napakainit ng panahon kaya gusto ko ang mga ganitong style. Nagbabasa ako habang nagpapaantok. Basa pa rin naman ang buhok ko eh. Ilang sandali pa ay hinihila na rin ako ng antok. Romance book naman kasi ang binabasa ko, mas excited ako sa mga mystery na libro. Pero dahil nagpapantok ako ay mas bet ko ang ganitong mga genre. Maybe I believe in love but it's not my thing, for now. Hindi naman ako takot masaktan, hindi ko pa lang siguro nararamdaman sa sarili ko na may minamahal ako. Inilagay ko sa ibabaw ng mesa ko ang libro at tinungo ko ang aking kama. I'm so sleepy na. Guminhawa ang pakiramdam ko nang maramdaman ko ang lambot ng kama sa likod ko. Mabilis akong nakatulog. Katok sa pinto ang nagpagising sa natutulog kong diwa. Iminulat ko ang aking mga mata at ikinurap-kurap 'yon. Muli ko na namang narinig ang katok sa silid ko. "Hindi ata makapag-hintay!" naiinis kong bulong. Tinungo ko ang pinto at pinagbuksan ang kung sinomang kumakatok sa labas. Wala akong pakialam sa hitsura ko. "Yes?" mataray kong tanong sa isa sa katulong namin na si Emma. Nakita ko naman ang takot sa mga mata nito. "A-ah... pinapatawag po kayo ni Señorito Anwyll." Nanginginig nitong imporma. "Bababa na ako." Mariin kong saad at mabilis na isinarado ang pintoan. Nagsuklay ako at tiningnan ko kung maayos ba ang mukha ko. Wala namang muta or tuyong laway. Naglagay ako ng cream sa aking pisngi at naglagay rin ako ng pressed powder sa mukha ko. Pinahiran ko rin ng lipgloss ang aking labi. Nag-spray ako ng favorite cologne ko. When I'm satisfied with my looks ay bumaba na ako. - Nagpalinga-linga ako sa paligid at hinahanap ko si Kuya Anwyll. Hindi naman sinabi ng katulong kung nasaan si Kuya eh. Nakakainis talaga. It's a waste of time kung hahanapin ko pa ito sa buong bahay. Patungo na sana ako sa kusina nang makarinig ako ng tawanan sa may library. Tumaas ang kilay ko. May kasama ba si Kuya? Kababalik pa lang niya sa Pilipinas tapos barkada kaagad ang inaatupag nito? Kapag talaga bumalik sina Dad at Mom galing sa trip nila galing Switzerland ay siguradong malalagot si Kuya. Napailing na lang ako sa naisip. Dahan-dahan akong humakbang papunta sa library. Nakaawang ang pinto kaya hindi na ako kumatok. Hindi ko alam kung ilan sila sa loob. Narinig ko na naman ang malakas na tawa ng kapatid ko. Itinulak ko ang pinto at saka pumasok sa loob, matapos kong maisara ang pinto ng library ay humakbang na ako papasok sa loob. Nagtama agad ang paningin namin ni Kuya. "Hi my little sister!" tawag ni Kuya sa akin. Napasimangot ako dahil sa tinawag nito. "I have my name Kuya!" naiinis kong saad dito. Kahit kailan talaga napaka mapang-asar nito. Hindi ko napansin ang kasama nito, kung hindi pa ito tumikhim ay hindi ko ito lilingunin. Tumaas ang kilay ko sa uri ng titig na ibinibigay nito sa akin. Para bang hinihigop nito ang enerhiya ko. He is handsome, I must admit that fact. But I don't like the way he dressed, very old-fashioned. Umikot ako sa may couch at umupo sa tabi ng kapatid ko. Kaharap ko na ngayon ang kasama ni Kuya. Silang dalawa lang pala ni Kuya rito. Muli kong pinasadahan ng tingin ang kasama ni Kuya. He wears eyeglasses and his hair is like a style of Jose Rizal. I can say that he is a definition of tall, dark and handsome, pero sana naman mas naging fashionable siya. Napalingon ako nang tumikhim si Kuya. Tumaas ang kilay ko sa kakaiba nitong ngiti. "I want you to meet my best friend, Iñigo. Pare, kapatid ko nga pala si Analyn." Pagpapakilala sa amin ni Kuya. He's a shy type, I guess. Dahan-dahan nitong itinaas ang kamay nito upang makipag-kamay sa akin. Ayaw ko naman itong bastusin sa harapan ni Kuya kaya inabot ko 'yon. Gusto ko sanang matawa dahil nanlalamig ang kamay nito. Mabilis ko lang na hiniala ang aking kamay mula kay Iñigo. "N-nice meeting you." Mahina nitong wika. Nautal pa talaga. "Nice meeting you too." Walang emosyon kong sagot. Hindi ako plastic kaya pasensyahan na lang. Ibinaling ko kay Kuya ang paningin ko. "Bakit mo ako pinatawag dito?" mataray kong tanong. "Papasama sana kami ni Iñigo sa farm tomorrow. Mangangabayo kami, ikaw naman ang mas may alam sa pasikot-sikot doon di ba?" pahayag nito. Well, nami-miss ko na rin si Snow, isa sa mga kabayo ko sa farm. Not a bad idea after all. "Fine. Kailangan nating agahan bukas," pagpayag ko, tumayo na rin ako. "Aalis ka kaagad?" si Kuya. Tumaas ulit ang kilay ko. Sa totoo lang ay iba ang pakiramdam ko sa kasama nito. I don't know why, basta naiinis ako sa binata. Wala naman itong ginagawang masama sa akin. "May kailangan ka pa ba?" balik-tanong ko rito. Nagkibit-balikat ito. "Wala naman," sagot nito. "I gotta go, bye!" paalam ko sa kanila. Sinulyapan ko ang kasama ni Kuya at saka tinanguan. Ayaw ko namang maging bastos. Pagkalabas ko ng library ay napabuntonghininga ako. Hindi pa rin mawala-wala sa isipan ko ang kakaibang titig nito sa akin. Hindi nga rin ako makapaniwala kay Kuya Anwyll na magkakaroon ito ng kaibigan na kasing weird n'ong binata. Huminga ako ng malalim bago humakbang papunta sa kusina. I need to drink water. It's our first meeting, pero para bang ang tagal na naming magkakilala? May ganoon kayang pakiramdam? Napaka-weird talaga.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
177.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.8K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook