Nagising ako dahil feeling ko may taong nakamasid sa akin. Nang imulat ko ang aking mga mata ay agad na nagtama ang paningin namin ni Iñigo. Wait? Nasaan ba ako? Oh my gosh! Naalala ko ang pinaggagawa ko kagabi. Bigla tuloy akong nahiya. Dahil sa maiinit nitong titig ay ako na ang unang nagbaba ng tingin. Bakit ang gwapo niya kapag wala siyang suot na salamin? Analyn! You hate him okay? Siya ang nagdala sa 'yo sa sitwasyong ito. Muli kong tiningnan ang binata, ganoon pa rin ang ayos nito. Nakasandal ito sa hamba ng pintoan at nakalagay ang kaliwang kamay sa bulsa ng kanyang short. Bakat na bakat ang abs nito sa kanyang suot na puting sando. Nag-init ang mukha ko nang maalala ko kung paano ko kagabi pasadahan ng aking mga palad ang malapad at matigas nitong dibdib. Parang matutuyuan na yata

