Chapter Nine- Confession, Analyn

1887 Words
Isang linggo na simula n'ong may magpadala ng white roses sa akin. Hinintay kong kumpirmahin ni Iñigo na ito ang nagbigay sa akin ng mga bulaklak, ngunit wala akong narinig mula rito. Siya lang ba ang magbibigay ng bulaklak sa 'yo? Really Analyn? Napabuntonghininga ako. Ayaw kong mag-assume na ang binata nga ang nagbigay. Wala namang big deal 'di ba? Yeah, walang big deal d'on. Naisipan ko na lang na magpaparlor ngayon at bumili ng books. Hindi kasi natuloy ang plano ko last time. Isang black fitted shirt ang sinuot ko at tenernuhan ko 'yon ng fitted blue jeans ko. Sinuklay ko ang buhok ko at itinali 'yon. Naglagay rin ako nang pressed powder at konting make-up sa mukha ko. Kinuha ko ang sling bag at bumaba na ako. Pagbaba ko ay nakita ko kaagad si Kuya Anwyll. He's reading book about business. Uuwi na sina Dad at Mom next week. Kaya naghahanda na si Kuya. For the meantime ay si Mr. Delgado muna ang humahawak sa company. Ang balita ko pagdating ni Daddy saka palang si Kuya magsisimulang mag-training. "Kuya, aalis muna ako." Paalam ko rito. Nag-angat ito ng paningin sa akin. "Take care," sabi nito at ibinalik kaagad ang paningin sa librong binabasa nito. Wala ata ito sa mood. Nagkibit-balikat na lang ako. Akma na akong tatalikod ng magsalita ito. "Is someone courting you?" seryoso nitong tanong. Hindi ako lumingon sa kapatid ko. Who is he referring to? Is it Iñigo? "I can't answer you that." Tanging sagot ko sa kanya. "Too personal? But let me say this to you. Huwag kang magkakamaling mag boyfriend muna, there's more important thing than having a relationship, for now." Baritonong wika ni Kuya Anwyll, para bang may laman ang sinabi nito. Pero inisip ko na lang na concern lang ito sa akin. "I know, at baka sa pagbalik nila Dad at Mom ay makapag-decide na akong mag work sa company natin. I will help you," pahayag ko rito. Hindi na ako lumingon pa at agad na umalis. I hate responsibilities, lalo na sa company namin. Ewan ko ba 'di ko feel mag manage ng isang business, gusto ko lang ay malayang gawin ang gusto ko. Magbasa at maglakwatsa. Minsan nagba-bar din ako. Hindi ako katulad ng ibang kaibigan ko na may patutunguhan ang buhay. I think, I need to grow up Hindi naman kasi habang-buhay ay ganito lang ako. Mas malala pa ata ako sa isang palaboy, sila nagtatrabaho para mabuhay, habang ako walang ginagawa kundi maglustay ng pera ng mga magulang ko. Dahil sa sobrang pag-iisip ay hindi ko naramdamang may sumakay sa kotse ko. Nagtataka ko itong tiningnan. Anong ginagawa niya rito? "Why are you here?" tanong ko rito. "Sabi ng kapatid mo samahan daw kita." Balewala nitong saad habang isinusuot ang seatbelt nito. Bumangon ang inis at galit sa puso, isa ba siyang robot ni Kuya? How dare he follow Kuya's order without my permission. "Get out!" malakas kong bulyaw rito. Ngunit hindi man lang natinag ang binata. s**t talaga! Matalim ko itong tiningnan. Nasa unahan ang paningin nito. "Ano? Tutunganga ka na lang ba dyan? Hindi mo ako susundin?" naiinis kong tanong dito. Lumingon ito sa banda ko. Walang emosyon ang mga mata nitong nakatitig sa akin. I really hate the way he stared at me. Para bang isa akong kriminal na kailangang bantayan. "Sinusunod ko lang ang utos ng kaibigan ko na kapatid mo." Malamig ang boses nitong saad. Umikot ang mga mata ko. "Tapos hindi mo ako tatanungin kung papayag ba ako o hindi?" sigaw ko rito. Hindi ito umimik at muling bumaling ang tingin sa unahan. Dahil sa inis ko ay pinaghahampas ko ang busina ng kotse ko at malakas 'yong tumunog. Wala akong pakialam kung mabulabog man ang buong kabahayan. Gusto kong ilabas ang inis na nararamdaman ko kay Kuya Anwyll at sa kaibigan nito. Ilang sandali pa ay kumalma na ako. Para talaga itong bato at hindi natitinag. Okay ayaw mo talagang bumaba. I will give you what you want. "Ayaw mong bumaba?" nakangisi kong tanong. Bigla naman itong lumingon sa gawi ko at mukhang kinabahan. Mas lalong lumapad ang ngisi sa labi ko nang tumango ito. Alright baby boy, it's showtime. Pinaandar ko ang sasakyan at mabilis na pinatakbo iyon pagkalabas namin ng gate. Diniinan ko ang apak ko sa accelerator at halos lumipad na kami sa lakas ng pagpapatakbo ko. Nakita ko ang pamumutla ni Iñigo. Mas lalo akong ginanahan sa pagmamaneho. Ilang beses akong nag-overtake sa ibang sasakyan. "S-stop the c-car!" nauutal at malakas na sigaw ni Iñigo. Natatawa na ako sa hitsura nito. "I can't hear you. What did you say?" maang-maangan kong tanong. "Stop this damn car!" mas malakas nitong sigaw at mababakas na sa boses nito ang pinaghalong inis at takot. "Say please." Utos ko rito. I saw how his face become sour. I want to laugh hard. 'Yan kasi nakikinig ito sa Kuya ko. He didn't know me well. Kaya kong gumawa ng kalokohan na siguradong hindi nito magugustuhan. "P-please! Stop the car!" malakas nitong sigaw pero may halo ng pakiusap. Dahil mabait ako ay hininaan ko na ang pagpapatakbo ng sasakyan. Nakita ko kung paano ito lumunok. Parang nakahinga ito nang maluwag. "Next time don't try my patience. Kapag sinabi kong hindi ka pwedeng sumama sa akin, hindi ka sasama. I can do more crazy things than this. Understand?" pahayag ko at sinulyapan ito ng tingin. Tumango ito, halata pa rin ang takot sa mga mata ng binata. "Good boy." Ngiti ko rito. Nang makarating kami sa mall ay agad akong lumabas ng sasakyan. Gagawin kong taga-bitbit si Iñigo. Mas napangiti ako sa kapilyahang naisip ko. Alam kong nakasunod sa akin ang binata. Sumakay ako ng escalator at pumunta sa third floor. I will buy new clothes and shoes, wala naman ito sa plano ko kaya lang gusto kong pahirapan si Iñigo, para sa susunod na utusan ito ni Kuya ay hindi na ito papayag pa. Pumasok ako sa boutique ng mga damit. Ang gaganda ng mga new arrivals nila. Nilingon ko ang binata at tahimik lang itong nakasunod sa akin. I saw how the saleslady look at Iñigo, gwapo naman ang binata kahit nga nerdy type ito. Sinenyasan ko itong lumapit sa akin. "Mamimili ako ng mga damit, at gusto kong ikaw ang maghusga kung bagay ba sa akin o hindi. Remember we're in a new generation at gusto kong sabay sa uso ang mga damit ko." Mataray kong pahayag dito. Baka kasi mamaya katulad ng style niya ang i-approve nito. Ang talino mo rin kasi Analyn no? Alam mong nerd tapos siya pa magiging judge sa susuotin mo. Sita ng isipan ko. Gusto ko lang siyang pahirapan okay? Depensa naman ng kabilang isipan ko. Napabuntonghininga na lang ako. Umupo ang binata at sinusundan lang ako nito ng tingin. Lahat ng magustuhan ko ay ibinibigay ko sa saleslady. Kaysa tumitig lang siya kay Iñigo, at least sa akin may trabaho siya. Natawa ako dahil nang lingunin ko ang babae ay hindi ko na makita ang mukha nito. Tsk. Ganyan, trabaho ang atupagin mo at hindi landi. "Ilagay mo na rito Miss at isusukat ko na." Utos ko. Mabilis naman itong sumunod. Inilagay nga niya sa basket ang mga napili ko at ipinasok sa fitting room. Agad akong nagsukat ng red dress na hapit na hapit sa katawan ko, sleeveless 'yon at kita ang likod ko. Lumabas na ako ng fitting room at ipinakita kay Iñigo. Matamis ko pa itong nginitian. Nakita ko ang humahanga niyang mga mata sa akin. Mas lalong lumapad ang ngisi ko. "What do you think?" tanong ko rito at umikot pa talaga ako para mas malinaw niyang makita ang buong desinyo ng damit. Nadismaya ako nang umiling ito. Tsk! Conservative. Kasalanan mo naman 'yan eh. May pa judge-judge kapang nalalaman. Sigaw ng isip ko. Pumasok ako ulit sa loob ng fitting room at isinuot ang isang long sleeve na damit at tinernuhan ko 'yon ng isang square pants na kulay khaki, hapit naman sa katawan ko ang damit. Nakasimangot akong napatingin sa binata ng mabilis itong mag-approve sa suot ko, hindi pa nga ako nakakaikot. Tsk! Lahat ng mga sexy'ng damit ay inaayawan nito, nakakainis talaga ang binata. Ang mga conservative dress namang sinusuot ko ay aprobado kaagad nito. Pero dahil dakila akong suwail ay hindi ko binili ang mga pinili nito. Nagtataka niya akong tiningnan nang makitang hindi ang mga napili niya ang binili ko. Ako ang magsusuot at hindi siya, kaya ako ang masusunod. Pumunta kami sa shoes and bag department. Namili rin ako roon. Huli naming pinuntahan ang bookstore. Titingnan ko kung may mga bagong labas bang libro ang mga paborito kong author. Gusto ko talagang genre ay 'yong mga mystery at science fiction. Nagbabasa rin naman ako ng romance pero pili lang din. "You love books?" mahinang tanong ni Iñigo na nakasunod sa akin. Hindi ko ito nilingon. "Hindi ako mahilig sa books, kaya nga nandito ako sa bookstore dahil hindi ako mahilig magbasa." Sarkastiko kong sagot sa kanya. Narinig ko na lang ang buntonghininga nito. Namimili na ako ng mga librong nakuha ang interes ko. "Pareho pala tayong mahilig magbasa." Rinig kong saad ni Iñigo. Hindi ko ito pinansin at hinayaan ko lang itong kumuha ng gusto niya. I will buy him a book, pasasalamat ko sa kanya. May puso rin naman ako no! "Analyn?" isang tinig ang nagpalingon sa akin. Napatingin ako sa gwapong lalaki na nasa harapan ko ngayon. He's familiar. Pilit kong inaalala kung saan nga ba kami nagkita nito. Amuse niya akong tiningnan. "Don't you remember me? Sabagay matagal na rin naman n'ong huli tayong magkita. It's me Zion. Your classmate, back on high school." Pagpapakilala nito. Wait, Zion the nerd? Really? Paano ko naman itong makikilala eh ang laki na ng pinagbago nito. Wala na ang makapal nitong eyeglasses at hindi na rin ito jologs manamit kumpara n'ong high school kami. "Zion? You're not a nerd anymore!" natutuwa kong saad sa kanya. Malakas naman itong natawa. "I already changed, and I hope this time magustuhan mo na ako." Deretso niyang wika. Nakita ko ang kaseryosohan sa mga mata nito. Laglag ang pang kong tiningnan ang dati kong kaklase. "H'wag mo nga akong biruin ng ganyan." Hilaw akong natawa, I felt awkward. "I'm not kidding. Matagal na kitang gusto at ikaw ang isa sa dahilan kung bakit ako nagbago." Seryoso nitong pahayag. Napabuntonghininga ako. Bigla na lang umukilkil sa utak ko ang bilin ni Kuya Anwyll sa akin. "I'm sorry, pero hindi pa ako handang makipag relasyon. I hope you understand." Mahinahon kong sagot dito. Ngumiti ito sa akin. "Hindi kita mamadaliin. And I'm happy na nagawa ko nang mag-confess sa 'yo ng feelings ko," malambing nitong saad. Tumango lang ako. "And I hope you like the flowers I sent to you last week." Nanlaki ang mga mata kong tiningnan ang binata. So, siya pala ang nagpadala ng bulaklak sa akin? I thought it was Iñigo, kaya pala walang nabanggit ang binata sa akin tungkol sa mga bulaklak dahil hindi naman talaga ito ang nagbigay. "I like it, thank you." Tanging nasambit ko. Hanggang sa bahay ay iniisip ko pa rin ang confession ni Zion sa akin. My goodness. Bakit ako pa? Hindi ko naman ito pinapansin noon eh. Tsk. Lapitin yata ako ng mga nerd eh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD