The billionaire's first love episode 15

1637 Words
Wala na nga ako nagawa kundi ang sumabay rito. dahil si lola na ang nagpumilit, para hindi na raw ako mahihirapan mag commute at gumastos pa ng pamasahe since pareho naman ang ruta na pupuntahan din ni stephen. habang naka sakay na sa sasakyan nito palihim ko itong tiningnan dahil dinig ko ang sunod-sunod na pag buga ng hangin. ako man din ay hindi na alam ang gagawin, parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang kaba na hindi ko mawari kung ano ang dahilan. "so, where are you going after meeting with them?" tanong nito na walang lingon deretso lamg sa kalsada ang mga mata nito. "may bibilhin lang po kame sa mall na gamit para sa bahay na tutuluyan nila." sagot ko rito.tukoy ko sa bibilhing gamit ni mariane. bibili siya ng comforter at unan. "may susundo ba sainyo after niyo mamili?" muling tanong nito. "w-wala po, pero ok lang. mag-tataxi naman kame pauwi. at malapit lang naman yung bahay na tutuluyan nila sa subdivision niyo po." sagot kong muli. tumango ito at muling nag salita. "subdivision natin, doon ka rin nakatira ngayon." seryosong sabi nito. "o-okay po." nauutal na sagot ko. "may load kaba?" biglang tanong nito. nilingon ko ito pagkuway itinaas ang aking cellphone. "m-meron, pero u-unlimited call at text lang.b-bakit?" naguguluhan na sagot ko. "unlock it, then give it to me." ma awtoridad na utos nito. naguguluhan man ay ginawa ko iyong pinagagawa niya. at tsaka inabot ang cellphone ko rito. kinuha nito ang aking cellphone na wala parin lingon,pagka abot agad itong nag tipa sa screen nasa stop light pa naman kame. pagkatapos ay ibinalik naman agad ang cellphone sa akin sabay ngiti.hindi ko na inalam kung ano ba ang ginawa nito. baka nakitext lang, iyon ang pumasok sa aking isipan. "s-salamat, ingat po sa pag maneho." sabi ko rito sabay bukas sa pinto ng suv niya. hindi kasi nito ginamit ang sports car. mukhang importante ang lakad may mga gamit ata ilalagay sa loob ng sasakyan niya kaya ito ang ginamit niya. umiiling ito nang binalingan niya ako. "that po again! gagawa na talaga ako ng agreement para diyan. that punishment remember?" namilog ang mata ko sa sinabi nito. oo nga noh, nakalimutan kona ang tungkol do'n. "sorry, bigyan niyo lang ako ng isang linggo or kahit tatlong araw lang. magiging comportable rin ako sa pag sagot na wala ng po." sagot ko rito sabay sapo sa aking noo. "fine! 3 days, as you've said.well...then, take care. 'wag na magpa gabi, b-baka mag-alala si lola isay." sabi na lang nito at ngumiti ng tipid. ayon oh! naghehesterical nanaman ang puso ko, sa simpleng ngiti lamang nito. "Iba-bagage na muna natin ito, hindi tayo makakapasok sa department store sa dami ng dala natin. " sabi ko habang hatak-hatak ang small luggage bag ni joela, si mariane dalawa ang luggage bag at may duffle bag pa na si joela na ang nagbitbit. karga rin kasi nito ang isang malaking eco bag na laman ay ang mga ipinabili kong pasalubong. mabigat iyon dahil sa mga calamay at jars ng minasa. habang nasa bedding aisle kame nang may naulinigan akong babae na ang daming utos sa mga sales lady, nakakarindi naman kasi pakinggan. nilingon ko ito at sinipat ng mabuti ang babae, maganda ito,mukhang mayaman, maputi,makinis rin. kasing tangkad korin ito kung ikukumpra. medyo mas matanda lang sa akin siguro mga 5 years. lumingon na muli ako sa gawi ni mariane na ipinapakita sa akin ang napili nitong comforter. "should i pick this, or this?" nahihinuhang tanong nito sa napili niya na comforter. "this one, mas maganda ang design." pili ko sa puti na may abstract na disenyo. yung isa kasi overwhelming ang design. Lumalakad na ako papunta ng cashier nang may naulinigan akong pamilyar na boses ng lalake, agad ko itong nilingon. hindi nga ako nagkakamali, at kasama niya pa pala iyong babae na demanding sa mga sales lady kanina. patay malisya ko lang itong nilingon sabay tipid na nginitian ito dahil nakatitig ito sa'kin. kahit ang totoo ay parang hindi ako makahinga sa nakikita. para saan ba talaga itong kabog sa dibdib ko sa tuwina nakikita ko si Stephen? mas tumindi pa ngayon na may kasama pa itong babae,parang malalagutan ako ng hininga. nagpatuloy lang ako sa pag lakad. nauna ako kina mariane at joela habang dala-dala ang isang unan, bumalik kasi si mariane sa bedding aisle para kumuha ng kumot, si joela naman natigil sa make-up aisle at bibili lang daw ng lip balm. habang naka linya sa cashier amoy na amoy ko ang pamilyar na mamahaling pabango mula sa likuran ko. nagdududang lumingon ako rito, bigla ay para akong naging tuod sa kinatatayuan ko. tumikhim pa ito bago nag salita. "Sasabay kana sakin pauwi. " anito na bahagya pang yumuko sa likurang tenga ko. "No! sasabay ako sa kanila pauwi. and besides, ayokong maging third wheel sa lakad niyo." mariing tanggi ko at nilingon ko na ito paharap. nagulat pa ako sa reaksyon nito nagsalubong kasi ang kilay nito. "Third wheel?" maang na sagot nito. "i mean, m-may kasama ka. ano na lang ang iisipin ng kasama mo kung sasabay kame." pagpapaliwanag ko habang luminga linga. hinahanap ko yung kasama nitong babae. "ohh..you mean that girl?" sabi nito sabay turo sa babaeng kasama nito kanina, na ngayon ay may kasama na ring ibang lalake. "she's thea, she's my cousin,sa father side and that's her boyfriend." nangingiting paglilinaw nito. maling akala kasi ako. tumango tango na lang ako habang nakatunghay rito then all of a sudden, without any warning, i got startled while staring at his face looking from his deep set of brown chinito eyes, to his poreless face, perfectly shaped nose, lips that's naturally red. para akong malalagas ng hininga, first time ko ata matulala sa isang lalake tanong saaking sarili. nasa gano'ng pag-iisip ako ng may sumaway sa akin. "girl, ikaw na ang sunod! kanina kapa tinatawag ng kahera.my gawd!" napasinghap ako sa bahagyang pasigaw na boses ni joela na palapit na pala sa akin. nakita kong sumilay ang ngiti sa mukha ni Stephen, napansin ata nito ang pagkatulala ko sa kanya. ng wala sali-salita agad akong tumalikod rito at patakbo tinungo ang cashier. "nakakahiya ka, scarlet arrgghh!" mahinang saway ko sa aking sarili. "hindi ka naman ganyan sa mga lalake. sila ang natutulala sayo! pero ngayon anong ginawa mo?" pagpatuloy ko. "sino siya girl? ang gwapo!" mahinang tili ni joela sabay pinag angkla ang aming mga braso. napalingon akong muli, nakasunod pala ito sa amin. hindi ko sinagot tanong nito. nagpatuloy lang ako sa pag abot ng mga pinamili namin sa kahera, ng bigla ay may nag abot din ng ilang pares ng silk terno pajama set. napahalukipkip ako, "ang dami mo atang binili na pantulog girl?" tukoy ko kay mariane, hindi ito sumagot. kaya nilingon ko ito. nakatunghay ang mga ito sa aking likuran. sinundan ko ang mga tingin nito at ganun nalang ang gulat ko, ang lapit pala nito sa aking likuran, yung tipo pag lingon mo mahahalikan mo ang dibdib nito. malawak ang ngiti sa akin sabay may inabot sa kahera. umatras ako bahagya, hindi na kasi makahinga ng normal pag malapit ito sa akin. "It's on me, i will pay for your friends items too." nakangiting sabi nito. hindi ako naka imik, para ako naging tuod. ganun na din iyong dalawa. parang na estatwa. "it's past 7:30, have you eaten your dinner?" untag muli nito na ngayon ay kinausap ang dalawa kong kaibigan. tanging iling lang ang sagot ng mga ito.dahil parang nakakita parin ang mga ito ng anghel. "great! let's have dinner before going home? is it okay with you guys?" tanong nito habang pinalipat lipat ang tingin sa aming tatlo. "May malaki kang kasalanan sa amin scarlet girl! omg! bakit hindi mo sinabi na ganyan pala kagwapo ang amo ni lola isay!" tili na joela. "edi sana nag apply na lang din ako kahit tagalinis ng pool, or tubero ba! I will lower my standards, kung ganiyan naman ka gorgeous ang amo kong lalake." tuloy pa nito with gestures pa. "heh! tumahimik ka nga, pinagtitinginan kana ng katabi nating mesa." saway ko rito. "i don't really care!" joela answered then rolled his eyes. "i just don't get it..argghh! why does he care about us not eating dinner and he even paid for our items." madramang tanong nito. "mabait talaga sila sabi ni lola, namana raw nito ang kabaitan ni tita amanda. nanay nila." sagot ko "yeah i think so mabait talaga siya, but there is something pa eh.." si mariane pinagsalikop pa nito ang kamay at nag salumbaba. tila may iniisip pa. "there's something in his eyes kasi, when he looks at you." patuloy nito. "hoy sira!anong something sinasabi mo diyan? muta ba yan? para sabihin kosa sainyo, kuya na turing ko diyan. malamang nakababatang kapatid tingin niyan sakin. wag kang fake news diyan!" sita ko rito. "you know what? i agree with mariane." si joela. "what?? i can't believe you,guys!pinagkakaisahan niyo ba ako? naku, wag na wag--" hindi kona natuloy ang sasabihin dahil nakikita kona ang papasok na bulto ni Stephen sa loob ng restaurant. hinatid muna kasi nito ang mga gamit sasasakyan at pinauna kame rito. "tumahimik na tayo okay, he's coming. mamaya kung ano-anong kalokohan pa ang lumabas sa bunganga niyo ako ang mapapahiya. wag tayong assuming. may girlfriend na yan sa Australia." pagsisinungaling ko sa mga ito sa huling sinabi ko. dahil ang alam ko ay wala ito naging girlfriend as stated ni Carmi at precilla maliban sa isang babae na first love umano nito na hindi parin maka-move on? parang ganun ata yung dinig ko. sa isip ko, may magtatangka pabang e reject ito? i don't think so? "ah! talaga ba ha? scarlet? so kung ikaw ang ligawan nito hindi mo e rereject?" epal ng aking isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD