"Kung ano naman po ang naging desisyon ni don miguel, malamang para sa ikakabuti niyo rin siguro iyon.hindi naman gagawa ng desisyon ang ating mga magulang kung sa tingin nila hindi ito magdudulot ng maganda." tipid lang ako ngumiti at ibinaba na muli ang aking tingin sa plato.
"hindi sa lahat ng panahon ay tama ang desisyon ng mga magulang, sadyang may mga panahon talaga na hindi pa natin kayang labanan ang mga desisyon nila sapagkat tayo ay bata pa. at wala pang lakas para labanan ito." seryosong sabi nito at marahas pang nag buga ng hangin. napatingin muli ako rito. umiba na kasi ang awra nito, naging seryoso na habang sumimsim ng gatas sa mug. napaisip tuloy ako,
akala ko perpekto ang buhay nito dahil mayaman, mabait naman ang mga magulang base sa storya ni lola sa akin at dahil mukha naman okay silang mag papamilya. pero may mga problema talaga na kailangan itago upang hindi makasira sa kung ano mang rason at desisyon.
Nakaupo ako sa lounge area sa may pool, pagkatapos kasi namin mag umagahan ako na ang nag presinta na mag-hugas ng mga pinangkainan namin, nilinis ko narin ang kusina pagkatapos ay lumabas na ako. hindi ko na alam kung san si Stephen,pagkatapos kasi nitong kumain at nag presinta ako maghugas tumango lamang ito at lumabas na ng kusina.
habang nakaupo hawak-hawak ko ang aking cellphone nireplayan ko ang message ni joela na sabi ay nasa terminal na siya ng bus at hinihintay si mariane na dumating. tatlong oras pa ang hihintayin nila para sa sunod na larga ng bus papuntang manila.
"Joela girl: girl, sa cubao na kame bababa mamaya ha. kita tayo don. mga 4:00 pm nasa manila na kame, tatawag na lang ako mamaya kapag malapit na."
"sige, maraming oras pa naman, uuwi narin kame maya-maya, maliligo at magpapalit lang ako ng damit." sagot ko rito, alam nila na nag overnight ako sa rest house ng mga wang na kung tawagin nilang magbabarkada ay burmers. may kahulugan daw ang pangalan na iyon, hindi kona naitanong kung ano. excited si joela at mariane na pumunta rin dito
gusto din nila ma-experience na makirelax at maligo rito, wala naman siguro problema kung magpapaalam ako sa susunod na mag stay kame ng mga kaibigan ko rito bago mag-pasukan muli. kahit isang gabi lang.
isang tikhim ang nagpa balik sa aking ulirat. napa lingon ako rito, hindi ko namalayan nasa katabing upuan na pala si Stephen naka sandal na ito sa ulunan ng lounge chair at naka tingin sa ciudad.
"Are you hungry?" sabi nito na naka tunghay parin sa malayo.
"h-hindi pa naman, at tsaka maaga pa naman para sa lunch." tinignan ko ang oras sa cellphone.
"magaalas onse pa lang naman, mga 12 siguro pwede na, ano ba ang gusto niyong ulam? " tanong ko rito.
"No need, we'll eat out na lang or I'll order food?" sagot naman nito.
aba'y naman pinahirapan pa akong mamili. kung kakain kasi sa labas pagka tapos no'n deretso uwi na, eh gusto ko pang mag swimming dito dahil di hamak na mas maganda ang tanawin dito. kung mag oorder naman ng pagkain mas okay naman dahil may oras pa akong mag swimming. pero hindi parin ako nakapag desisyon.
"k-kayo na lang po ang bahala, pero p-pwede naman ako ang mag luto, m-marami naman karne at gulay sa loob ng refrigerator. " nauutal na sagot ko rito, ewan koba iba talaga ang kabog ng puso ko, hindi ko pa ito na experience kahit na kailan. nakaka intimidate siguro talaga ito kaya ganito ako.
"no! hindi mo na kailangan na mag-luto, narito ka para mag unwind at mag relax, hindi ka nag stay dito para mag luto at pagsilbihan ako!" ma awtoridad na utos nito sumeryoso pa lalo nang tignan ako.
" 'wag mo ng ipagpilitan yang naiisip mo, just answer me with yes or no!"
tignan mo, hindi mo talaga ma espelengin mood nito, minsan sweet pero bigla-bigla nagiging dragon!
"eat out? answer!" napatingin ako rito na may pagdududa sa tanong nito.
"answer me with yes or no?"
naiinis na sabi nito.
"eat out?" muling sabi.
"y-yes?" nagdadalawang isip na sagot ko.
"you're not sure with your answer, scarlet." balik tanong nito.
"i-ikaw na lang kasi ang mag decide, idea niyo naman iyan." pagmaktol ko rito.
Pagka pasok namin sa loob ng isang fine dining restaurant sa makati agad naman kame sinalubong ng isang waiter.
"good afternoon mr. wang, please follow me." iginiya kame ng waiter papunta sa isang reserved table. nag desisyon nga ito na kumain na lang sa labas dahil hindi na ako sumasagot sa mga tanong niya sa inis. at binigyan niya na rin ako ng oras para maka pag swimming muli ng sa ganoon kung aalis na kame sa burmers ay deretso na rin uwi sa mansyon. naisip ko rin na mas maganda nga iyong idea dahil kailangan ko rin mag ayos at mag pahinga kahit sandali bago makipag kita sa aking mga kaibigan. ramdam kona na may nagtatalo sa aking tiyan. gutom na gutom na pala ako dahil 12:30 na at nag swimming pa ako bago kame lumarga.
"may i take your orders, sir and ma'am? " nakangiting wika ng waiter.
"yes, 2 orders of risotto and lamb chops. "
sagot nito sa waiter. "habang ako tinignan ko ang menu hinanap ko agad kung ano ang risotto, may mga picture kasi sa menu. ahh, ito pala iyon? kanin lang pala, pinaganda lang iyong pangalan.
"scarlet, please choose our dessert." napa angat ako ng tingin rito sabay tango at hinanap kung san ang mga desserts. napasapo ako sa noo ng makita ang mga pangalan ng mga dessert. ang hirap naman banggitin ang mga ito. tinignan ko muli si Stephen at gusto kong sabihin na siya na lang ang bahala. pero baka isipin nito na wala akong desisyon sa buhay at puro asa na lang sa magiging pataw ng ibang tao.
"B-black truffle whipping cream na lang." pag sagot ko rito, dahan-dahan sa pagkaka sabi dahil baka mali sa pag pronounce. ngumiti ito ng ubod ng tamis at kita kong kumikislap ang mga mata nito pagkuwa'y tumango.
parang na engkanto ako sa ginawang pag ngiti nito, nag aabnormal nanaman ang t***k ng aking puso. ano ba kasi talaga itong nararamdaman ko? may sakit na ata ako sa puso.
"yes, we'll order 2 black truffle whipping cream as for our dessert."
Habang kumakain tumunog ang aking cellphone sa lamesa at rumihistro sa screen ang pangalan ni joela. nagdadalawang isip ako sagutin iyon at baka mapapagalitan nanaman ako dahil oras ng pagkain. hindi ko na lamang iyon pinansin at naisip ko na tawagan ito pagka Tapos namin kumain.
"Why don't you answer it?" tanong na nagpa angat sa'kin ng tingin. naka titig lang ang mga mata nito sa aking cellphone habang iniinom nito ang kanyang juice sa baso.
"sino ba yan? bakit parati kang nagdadalawang isip na sagutin ang mga tawag sayo if I'm around?" muling sabi nito.
"k-kaibigan ko po, hindi naman ata importante ang sasabihin, magkikita naman din kame mamaya. t-tatawagan ko na lang siya pagkatapos kong kumain." malumanay na sabi ko rito. alam ko naman na sasabihin lang no'n na paalis na sila ng terminal, or baka wala pa si mariane.
tumango ito, ngunit bigla ay parang napaisip.
"magkikita kayo? where? and for what?"
naguguluhang tanong nito.
"n-ngayong araw po kasi sila aalis sa bulacan papunta dito, since sa makati rin ang bahay na tutuluyan nila, n-nag decide kame na magkikita. alam na rin naman ni lola sa plano namin."
sagot ko.
hindi na muli ito nag tanong. tinapos ko na rin ang aking pagkain at nag-paalam na mag babanyo lamang do'n ko na lang tatawagan si joela.
"me: girl, sorry di 'ko na sagot call mo. kumakain pa kasi ako. ano update?"
text ko kay joela.at habang hinihintay ang reply nito ay nag pasya na muna ako mag bawas ng panubigan. pumasok ako sa loob ng cubicle nang may marinig na nag titiliang mga babae na papasok sa cr.
"OMG!!! Did you see that? he looked at me!" tili ng isang babae. "No, he didn't! he looked at me and almost smiled." sagot ng isa pang babae, "why on earth he look so gorgeous without doing any effort. ugghh! I'm so dead!"
muling sabi ng isang babae na unang nag salita kanina. "what is he doing here anyway? may kasama ba siya? for all i know is, nasa Australia siya. and saw his last i.g update he was in Adelaide."
na wala ang atensyon ko sa dalawang babaeng nagkekwentuhan ng mag vibrate ang aking cellphone.
"joela sis: we're getting ready, kadarating lang ni mariane, and sabi ng operator malapit na rin bumiyahe ang bus kinakargo lang daw ito. " reply nito sa text ko.
"me:okay, girl, pauwi na rin ako sa mansyon. maliligo at magpapalit lang ako ng damit, text ka lang pag malapit na kayo. see you, later!" pagka reply ay agad na rin akong lumabas sa cubicle. naabutan ko ang dalawang babae na nag rere-touch at patuloy parin ang pagkekwentuhan sa crush nila ito malamang. lumapit ako sa may sink para maghugas lang ng kamay. at lumabas na rin agad. habang lumalakad nag vibrate muli ang aking cellphone.
"my lola isay: scarlet, anong oras ang uwi niyo ni Stephen? magpapa handa pa ba ako ng tanghalian niyo? tanungin mo nga si Stephen, dahil wala akong numero niya." text ni lola. agad ko ito sinagot.
"me: lola, 'wag na po. kumain na po kame. at pauwi narin kame riyan ngayon." reply ko naman. nagpatuloy muli ako sa paglalakad papunta sa aming table ng ma pansin muli ang dalawang babae na nag uusap sa katabi ng table namin.
"what do you think? should i approach him already? he might want someone to talk to?" sabi no'ng isa sa mga ito.
"i don't think he's alone tiff. see the other end of the table, there's an emptied plate. he might be waiting for that person to comeback." sagot no'ng isa.
"you think so?well, if he has already a girlfriend, what a lucky girl i might say. to have a Stephen wang in your life is way better than having a dessert after every meal. ugghhh!" napalingon muli ako sa mga ito, so, si Stephen pala ang pinag-uusapan ng mga nila? ng malapit na ako sa lamesa agad na lumgingon si Stephen at ngumiti sakin, pagkuwa'y tumayo na at nagsalita.
"are you done? shall we go now?"
ngumiti ako rito at tumango. ang gwapo nga naman talaga ng lalakeng 'to! yung tipo mapapa lingon ka ng maraming beses kapag nakita mo siya. di nga ako nagkakamali, si Stephen talaga ang pinag-uusapan nila. at ngayon naman lahat ng mga tao sa loob ng restaurant ay nakamata sa amin. bakit parang hindi ko na pansin kanina na pag pasok namin na pinagtitinginan pala kame ng mga ito.
"ito scarlet, tikman mo yan, ako ang gumawa niyan." sabay lapag ng kakanin sa lamesa ni ate jenny na siyang taga luto nitong mansyon. nasa isang oras na rin ng dumating kame sa mansyon nakaligo at naka palit na rin ako ng suot. habang hinihintay ang tawag ni joela ay naisipan ko na dito sa kusina na lamang mag hintay para makipag kwentuhan kina lola at iba pang kawaksi ng mansyon.
"salamat ate, paborito namin ni mama tong inutak. marunong ka pala gumawa nito?" sabi ko dito sabay subo ng inutak.
"ang layo pa ng pupuntahan mo para maki pag kita sa mga kaibigan mo? hindi ba't dito rin sila sa makati mamamalagi? dito na lamang kayo mag kita mamaya." si lola na kapapasok lang ng kusina galing sa kwarto niya.
"may pupuntahan kasi kame lola malapit do'n, kaya naisipan namin na ako na ang pupunta sa kanila, mamayang pauwi magkakasama na naman na kameng tatlo. magtataxi naman ako 'la." sagot ko rito sabay ngumusu.
"sabay ka na lang sa akin scarlet, may pupuntahan din ako malapit do'n, mahal bayad sa taxi." nagulat pa ako sa biglang pag salita ng isang baritonong boses ng lalake. hindi pa naman ako nakalingon alam kong si Stephen iyon dahil sa pamilyar na mamahaling pabango nito at boses. nag-aabnormal nanaman ang aking puso sa hindi ko alam na dahilan.