Nasa lounging area kame ng pool side, natapos na kame sa pag ligo sa pool, nakapag palit na rin kame ng mga damit. nakapag disco narin ang mga ito kanina malapit sa pool, at kasalukuyang nag-kukwentuhan lang ang mga ito ngayon, sinasali naman nila ako sa usapan pero hindi ako maka relate masyado dahil tungkol ito sa college life nila at future CEOS sa mga kumpaniya na kanilang pag-aarian balang araw.
"Scarlet, why don't you transfer na lang dito sa manila? i know lola isay would be glad, transfer ka na lang din ng school here? anyway graduating kana rin naman ng high school diba?" napaisip ako sa sinabi ni carmie, may punto ito. sa araw kasi na makapag tapos kasi si tita belle ay sigurado maghahanap agad iyun ng trabaho, pangarap kasi ni tita bell na makapag abroad nang maka-ipon at makapagpatayo ng bahay na ipag rentahan. yan ang plano naming dalawa ni tita belle. tumingin ako rito at tipid na ngumiti pagkuwa'y sumagot.
"Actually, hindi ko yan naisip. at hindi rin ata naisip ni lola iyan, na once makapag tapos na si tita bell ay mag-hahanap agad ito ng trabaho dahil gusto narin niyang tumulong kina mama at papa na kasalukuyang nasa ibang bansa.pangarap din namin kasi ni tita bell na mangibang bansa para mas makakaipon at madali kameng makapag patayo ng bahay na ipagpa rentahan namin." mahabang lintanya ko.
"nako naman scarlet! hindi mo na kailangan pang mangibang bansa para makapag ipon ka. believe me, mas gaganda buhay mo rito. basta pagbutihin mo lang ang pag-aaral mo, kame na ang bahala sayo. pangako namin yan! hindi ba guys?" sagot naman ni precilla.
"couldn't agree more!" si carmi.
nag thumbs up naman si albie, samantalang parang ang lalim ng iniisip ni Stephen nakatunghay lang ito sa pool.
si james naman ay tumango at ngumiti lamang.
"So that means pala pag nakapagtapos na iyung tita mo ay mag-isa ka nalang matitira sa bahay niyo do'n?
" parang ganun na nga po, " pag sangayon ko sa sinabi nito.
"that's not going to happen scarlet, ako na mismo ang magsasabi kay lola isay na ipa-transfer kana rito sa maynila. " nabigla pa ako sa biglaang pagsalita ni Stephen.
naisip ko tuloy ang mga kaibigan sina joela at mariane, hindi siguro papayag ang mga iyon na magkakahiwalay kameng tatlo.
Maghahating gabi na nang maisipan nina carmie at precilla na magpaalam dahil may meeting pa nga raw ang mga ito ng maaga bukas kasama ang kanilang mga magulang. sasabay narin si albie paalis sa ito.
"How 'bout you bro?" si albie kay james.
"aalis din ako, magpapahangin lang ako sandali. "
"okay, we're going na!" kasabay ng pag sabi no'n ni precilla ay pag beso nila sa akin.
"bye scarlet dear! "
"sven, take care of scarlet, ha!" malalagot tayo kay lola isay pag may dumapong lamok diyan!" natatawang sabi ni carmie.
"don't need to remind me, that is what I'm good at doing."
hindi na rin nagtagal at nag paalam narin si james. ilang minuto lang pagkatapos makaalis sina carmie.
nasa patio ako ng tinutuluyang kwarto ng master's at kausap si lola sa kabilang linya. nagbilin lang ito na matulog ng maaga at gumising din ng maaga para makapag handa ng agahan nila ni Stephen dahil wala ang mga katiwala ng mansyon na iyon kinabukasan kasi linggo day-off raw ng mga ito.
mag-aala una y medya na ng madaling araw pero hindi ako dalawin ng antok. naisip ko tuloy kung may gatas ba sa kusina nitong mansyon. at imposible rin naman kung wala. naisipan kong magtimpla na lang ng gatas. pihadong tulog naman na siguro itong si Stephen.
pinihit ko ang pinto palabas ng silid na aking tinutuluyan wala namang ingay. binukas kona iyong pinto at dahan-dahan lumakad pababa ng hagdan. pasilip kong tinignan ang sala mula sa hagdan. wala na ngang ingay.
dere-derecho akong lumakad papunta ng kitchen. alam ko na kung saan iyon dahil napuntahan kona iyon kanina kasama nina carmie at precilla kumuha kame ng ice bucket at chips. kumuha na ako ng mug mula sa cupboard ng center island sunod ay kinuha ang kutsarita sa may drawer ng island. sa pantry kanina habang kumukuha kame ng chips ni carmie ay napansin ko na may mga coffee jars at chocolate drinks doon naisip ko na baka may gatas din doon hindi ko lang napansin. pumasok ako ng pantry, at tama nga nasa pinaka itaas ito na shelf.
Habang sumisimsim ako sa mug naisip ko tuloy kung pwede akong kumuha ng tinapay at ng spread. hindi kaya nila mabibisto na nagalaw na ito? kita ko ang isang buong loaf bread sa may acrylic bread box container nito katabi ng toaster. nagutom kasi ako sa kaka-swimming at chips lang kinain namin habang nag-kukwentuhan sa lounging area kanina. hindi na ako nag dalawang isip at kumuha na nga ako ng dalawang piraso ng tinapay at kinuha ko narin ang cheese spread sa pantry. habang ipinapahid ang cheese spread sa tinapay nagulantang ako ng may mag salita sa likuran ko.
"make it two. gusto ko rin kumain niyan. " kaswal lang ang pagkasabi nito. pero dahil may guilt akong nararamdaman ay hindi ko na ito binalingan at tumango na lamang. kumuha ulit ako ng dalawang piraso ng tinapay para kay Stephen. hindi ko ito tiningnan hanggang sa maka balik muli ako ng center island kung san naroon ang cheese spread at ang gatas na tinimpla ko. nagpapahid na ako ng spread ng maramdaman ko naupo ito sa stool sa gawing kanan ko kung san ko inilagay ang gatas at tinapay na una ko ng nagawa. napasinghap ako nang walang babala ay ininom nito ang gatas ko sabay kagat sa tinapay. feeling ko namula ang aking mukha sa inis, aba'y bastos pala ito. hindi man lang nag paalam muna. pwede ko naman siyang itimpla ng bago.
"nainom kona iyang gatas na yan." ini abot ko ang tinapay nito sabay turo sa mug na ininom nito.
"I know, " sumimsim itong muli.
"gawa kana lang bago para sa'yo."
hindi na ako nakipag talo. nagtimpla na lamang ako ng panibago. pagkatapos no'n ay nag paalam na ako para umakyat muli sa kwarto. tumango lamang ito.
bago pa ako tuluyan makalabas ng kitchen ay naisip kong itanong kung ano ang gusto nitong umagahan mamaya.
nakita kong tumayo na ito at lumalakad papuntang sink.
"ano pala ang gusto niyong breakfast mamaya?" sabi ko rito. agad din namin ito humarap sa gawi ko.
"no need, hindi mo na kailangan mag abala at mapapagod kapa. go ahead, at matulog kana. it's 2 am already. may taga luto naman dito." wika nito na sumeryoso bahagya ang mata.
"iyon na nga sabi ni lola, day-off daw kasi bukas ng mga taga luto niyo dahil linggo." kita ko na bahagya itong napa isip at pagkuwa'y nagsalita muli.
"it doesn't matter, mag-oorder na lang ako ng uumagahan natin. 'wag mona isipin yan, at matulog kana."
"sigi p-p, aakyat na ako." hindi kona itinuloy ang pag banggit ng po dahil mahirap na maparusahan.
"scarlet," tawag nito sakin.
binalingan ko rin naman agad.
"good night!" untag nito na ngumiti pa.
"g-goodnight din, S-Stephen." kita ko na kumislap ang mga mata nito pagka banggit ko sa pangalan nito.
Napabalikwas ako ng gising ng mapansin ko na mataas na ang tirik ng araw sa loob ng silid galing sa patio sumisilip ang araw. sinipat kong maigi ang maliit na alarm clock sa bedside table nanlaki ang mga mata ko ng makita kung anong oras na. 9:00am na. kinuha ko ang aking cellphone at tiyak malalagot ako kay lola. bilin pa naman nito na maagang gumising para maka luto ng umagahan. kahit na sinabi ni Stephen na 'wag na raw ako mag abala. tatlong missed calls galing kay lola. tatawagan ko na lamang siya mamaya. bumaba na ako ng kama at inayos ang higaan, pumasok ako ng cr para makapag hilamos at toothbrush at nag ayos lang ng buhok. malamang tulog pa iyong amo ko bababa na lang ako at titignan ko kung ano ang maluluto ko sa ref. pag-akyat ko kasi kagabi ay hindi rin agad ako nakatulog dahil hinintay ko pang lumamig ng konti yung gatas kaya nag scroll muna ako sa sss account ko para malibang ng sandali. hanggang sa nawili na nga ako kaka-scroll.
Dinahan-dahan ko ang hakbang pababa ng hagdan ng nakababa na ng tuluyan deretso na agad ang mga lakad ko papunta sa kitchen. ngunit bago pa man marating ang kusina ay may ingay na akong naririnig at tila may nagluluto dahil naamoy ko na iyon. nasa isip ko ay baka isa sa mga katiwala na hindi nag day-off kaya itinuloy ko na ang paglakad papasok doon, nang hindi ko inaasahan na lalake ang nasa built-in gas range naka talikod ito kaya alam ko na hindi nito napansin ang pag pasok ko. akmang aalis na sana ako dahil kilala kona kung sino iyong lalake nakakahiya kasi ako dapat ang mag-luluto ng breakfast nito kung maaga lang akong gumising, isang hakbang palabas ng kusina ay na bigla ako ng mag salita ito.
"it's almost ready, maupo kana. inumin mo na rin ang gatas mo, pili ka na lang kung san diyan. pareho lang naman ang timpla niyan." iisang linya ang pagkaka sabi nito. na hindi lumilingon.
tumango na lamang ako at naglakad pabalik sa center island.
"M-may maitutulong pa ba ako? gawan kita ng sandwich? or pan cake?" mahina na pagkakasabi ko. nakita ko itong nag smirk dahil may colored glass splashback pala iyong gas range kaya siguro ay nakita niya ako na pumasok sa kitchen kani-kanina lang. hindi ko man lang iyon na pansin.
"hindi na, sapat naman na siguro itong niluto kong garlic rice, may bacon at sunny side up egg narin. pero kung kulang pa gawan kita ng sandwich?" nangingiting sabi nito habang nag lalagay ng garlic rice sa dalawang plato sa harapan nito.
"k-kayo ang nag luto nito? bakit hindi niyo nalang ako ginising. malalagot ako kay lola niyan." turo ko sa mga pagkain sa center island." nayayamot kong sabi.
"it doesn't matter, scarlet. besides, I'm used of cooking my own breakfast sa Australia. wala kameng katulong doon," nag-alalang wika nito.
"don't worry, lola isay will never know about this. you can count on me." sabay ngisi sa huling sinabi. nabuhayan naman ako ng loob kaya naging comportable na ako habang sumimsim ng gatas.
habang kumakain ay naisip kong tanungin kung bakit sa Australia nito pumili mag-aral eh kung sa una palang pala ay plano rin niya ang mag-aral sa
Wellington international school.
"sariling desisyon niyo ba na mag-aral sa Australia? at bakit pa kayo lumayo pa eh, kayang kaya niyo naman mag aral dito. same standard lang naman din yung Wellington at school sa ibang bansa hindi ba?" kuryosong tanong ko rito. nag angat ito ng tingin at tumitig sa akin na walang reaksyon. bigla naman kumabog ang aking dibdib,hindi ko mawari kung bakit. hindi kopa naramdaman ang ganitong pintig sa tanang buhay ko. naiinsecure siguro ako dahil sa titig nito? o takot dahil masyado akong intregera sa buhay ng ibang tao? pero iba parin talaga parang sasabog sa kaba. hindi ko na lamang ipinahalata na kabado ako sa ano mang sagot nito. nag baba na ako ng tingin dahil mukha wala itong balak na sumagot sa aking tanong.
"well, i was already enrolled in Wellington, when dad called me, to back out my plans studying in the Philippines. i wasn't prepared to what he was saying. i went home, saw mom crying,she said they had a fight with dad. for a certain reason that leaving me with no choice. " nag angat muli ako ng tingin rito ng sumagot. seryoso at tila may lungkot at galit sa mga mata nito.
"i had to follow dad's decision, dahil malaki ang possibilities na mag-aaway at mag-aaway na lang sila ni mommy if i will disagree. mom is against dad's decisions. ayaw niyang malayo ang anak niya sa kaniya." nag buntung hininga ito bago mag salitang muli.
"to this certain reason which lead me to trigger my anxiety, hindi ko alam kung paano ko yon na overcome through the years. it pained me everytime i think about it! but i think, things have changed and it turned out somewhat okay, i must say.indeed god, moves in mysterious way. i think I'm okay now." tumitig ito muli sakin na may ngiti na sa labi at kislap sa mga mata.