"The pool is warm scarlet dear, you want to dive in?" biglang sabi ni precilla.
"let's go? join us? para naman masulit ang pag punta natin dito. " pag-aya ni carmi na tumayo na at nag-inat ng mga binti at braso. at pagka tapos hinatak na ako pa-tayo ng upuan.
wala na akong nagawa kundi ang sundan ang mga ito. bungad pa lamang ng mansyon ay kita na ang napaka gandang interiors nito sa may sala, para itong lobby ng isang luxury modern hotel. may nakasabit din na malaking portrait sa wall na ang larawan ay ang dalawang batang wang at mga magulang ng mga ito.
may biglang nag flashback sa aking isip pero hindi ko mawari kung ano, isinawalang bahala ko na lamang iyon. pag dating sa may grand staircase mamamangha ka na lamang sa gold aluminum staircase railings nito na european style at sa itaas naman ay ang spiral crystal chandelier.
pag-dating namin ng ikalawang palapag napaka lawak ng espasyo roon makikita naman agad ang mga naglalakihang pinto na sa tingin ko ay ang mga kwarto nito. sa may kaliwa dun ay ang patio na tanaw din ang city lights kahit na may glass door at tulle curtain na naka takip doon.
"scarlet, here! " biglang tawag ni carmi sa akin na naka pasok na pala sa isa sa mga kwarto roon. humakbang ako papasok sa kwartong iyon. sa sobrang laki ay natulala ako king size bed. napaka laki rin ng tv sa wall nakasabit at may lounging area din sa loob katabi naman ay refrigerator.
"woah! ang laki naman ng kwarto na ito ate precy! " manghang sabi ko habang pinalilibot ko parin ang mga mata sa kabuuan ng silid na iyon.
"mas malaki pa ata to sa buong bahay namin sa bulacan! " muling sabi ko.
natawa lang si precilla sa aking sinabi.
"it's the master's, dito ka matutulog mamaya. kasi si sven may sarili din yang kwarto. iyong pinto sunod nito. " sabay turo sa pinto kung na san kame ngayon.
"come, palit na tayo ng panligo. "
pag-aya nito. si carmi naman ay nasa patio pa may tumawag kasi sa cellphone nito.
pumasok kame sa pinto sa dulo ng silid na iyon pagbukas pa lamang ng pinto ay natutop ko ang aking bibig. hindi nga nagsisinungaling ang mga ito. para nga talaga itong department store. mga naka hanger na clase-claseng damit, may mga shelf din at may mga bags na naka display na alam kong hindi ko ma aafford ang mga 'yon, ibabang shelf naman ay mga sapatos, chinelas at mga flats.
binuksan ni precilla ang isang aparador at pinalapit ako para pumili ng masusuot na panligo.
"this, bagay yan sa'yo, or ito? gumagamit kaba ng swimsuit? kasi sabi ni lola ay sumasali ka raw sa mga local pageants at nag pe-freelance model ka raw dun?"
tumango at tipid na ngumiti lang ako sa huling sinabi ni precilla.
"Kung ano na lang siguro ang kasya sa'akin diyan. hindi naman po ako mapili. maliligo lang naman po tayo." tango lamang ang sagot ni precilla sabay lingon muli sa aparador.
"ito lang kasi ang small sizes dito. yung iba kasi nagamit na namin last time, noong biglaan kameng pumunta rito."
baling niya sakin na hawak-hawak ang mga small sizes na swimsuits para ipasuot sa akin.
tinignan ko ang mga iyon. tatlong choices lang naman. kinuha ko ang mga iyon sa kaniya at sinipat bawat isa.
isang one-piece na deep v-neck orange.
dalawang pares ng two piece yung isa ay mala Marilyn Monroe vintage style na high waisted na black at tube type na mustard yellow.
"all of three will definitely suit you best.
pero choice mo na lamang ang kailangan." sambit ni carmi pag-pasok sa walk-in closet ng master's bedroom.
nilingon ko ito sabay ngumuso dito dahil nahirapan ako sa pag pili.
"but i suggest, this will be the perfect one for you dear, dahil may cover-up yan." sabay kuha ni precilla nung dalawang swimsuit at iniwan ang isa na ipapasuot sa akin.
palabas na kame ng mansyon at papunta na sa may pool area. bungad sa pool ay narinig ko ang pag "woah" na di ko alam kung sino iyon. nauna kame ni carmi kay precilla dahil may kukunin pa raw ito sa kwarto.
"albie, your manners! " rinig kong saway ni james kay albie. wala naman dun sa grupo si Stephen dahil kita ko itong patalikod sa pool at pa harap sa nagkikinangang mga city lights.
pag suway ni james kay albie agad naman napalingon si Stephen. pansin ko ang pagka bigla at mangha nito ng lumingon sa gawi namin ni carmi. ngumit lamang ako ng tipid dito. yung mustard yellow na tube type ang sinuot ko at yun din ang suggest ng dalawang ate ko.
bago pa man kame lumabas ng master's ay sinipat kong mabuti ang suot ko kung bagay. medyo nasiyahan naman ako rito dahil sa tingin ko ay bumagay ito sa kulay ng aking balat. feeling ko tuloy mas pumuti ako. bago pa kameng tuluyan lumabas ng master's ay isinuot ko na rin ang cover-up.
"halika na scarlet. " anyaya ni carmi sa kin para lumusong na sa pool. napalingon muli ako kay Stephen na hanggang ngayon ay nakatitig parin sa gawi namin. ano kaya iniisip nito? bakit hindi naimik tong taong to? iniisip parin ba niya yung punishment na sinasabi nito sakin? ano kaya iyon? kulitin ko nga to mamaya para malaman ko kung anong pakulo nito.
"Guys! come and join us. boring ha! tatlo lang kame naliligo. sulitin niyo na ang gabing to!" sigaw ni precilla na papalusong na rin sa pool.
"I'll definitely join," sabat ni albie sabay tanggal ng mint green na button down shirt at old skul vans shoes nito. at huli ang khaki na chino short. bago pa man ito tumalon sa pool ay pinalakas pa nito ang tugtog ng outdoor stereo system.
tatalon talon si precilla at carmi bilang sayaw sa tugtug na EDM ni albie.
ako naman ay pa langoy langoy lamang.
"Hey! you two! jump over now! or sasabuyan ko kayong dalawa ng tubig diyan? " pagbabanta ni albie sa dalawang lalaki na nasisiyahan na lamang sa panonod samin na naliligo.
"Relax dude! I'll join..I'll just regain my consciousness. " sagot ni Stephen kay albie na biglang tumawa ng malakas sa sinabi ni Stephen.
"goodness, sven! did you just sleep? hindi ka naman din lasing? at hindi ka talaga malalasing sa isang baso ng vodka soda, ano ba ang nakain o nakita mo at nawala ang consciousness mo? " natatawang sagot ni albie kay Stephen.
"hey! shut it albie. ito na nga at maliligo na. dami mong alam! " nang uuyam na sagot ni stephen dito.
ang kukulit talaga ng mga ito. ganiyan naman talaga kapag comportable ka na sa mga kaibigan mo parang aso't pusa kung nag tutuksuhan. parang kame rin nina joela at mariane pag magkakasama.
agad naman tumayo si Stephen sa pagkakaupo at nag-umpisa nang maghubad ng damit at maliligo na rin daw ito kasabay namin sa pool.
una nitong tinanggal ang white v-neck na T-shirt nito na agad ay mapapansin ang mga muscles nito sa tiyan at ang firm ng mga biceps. sunod ang stan Smith na white nito at pang huli ang acid white tattered skinny jeans nito. gaya ni albie ay naka boxer brief din ito.
sumunod naman si james sa pag tanggal ng saplot sa katawan. si Stephen ay naglakad muna sa may shower area ng pool magbabanlaw raw muna siya bago lumusong sa tubig ng hindi raw ma contaminate ang tubig at baka raw may dala siyang bacteria sa katawan.
sumunod rin sa kaniya si james sa pag banlaw madali lamang iyon at sabay rin silang tumalon sa pool ni james. naka harap ako sa mga ito ng tumalon sa pool. without any warning kasi ang pag talon ng mga to kaya hindi ako naka ilag at deretsong nag splash ang tubig sa aking mga mata at natigilan ako sa aking kinatatayuan dahil masakit iyon. hindi ko alam siguro nung umahon sa tubig si Stephen ay agad siguro ang mga mata nito sa akin kaya nung nakita niya siguro ako na na-setback ng aking mata ay ngali-ngali itong lumapit sakin na mag pag-alala sa boses?
"does it hurt? I'm so sorry, i didn't mean to hurt you. your eyes, " sabay angat nito sa aking mukha paharap sa kaniya at isa nitong kamay ay naramdaman ko na humawak sa baywang ko.
" let me see? " i saw his eyes widened and worriedly asking me questions regarding to what I'm feeling.
madali namang nawala ang sakit sa aking mata. agad ko naman binukas ang mga mata ko para hindi na ito mag-alala lalo.
"o-okay lang ako, napuwing lang. hindi naman grabe. maligo kana. okay lang talaga ang mata ko, " kumurapkurap pa ako para ipakita na wala lang talaga iyon.
"are you sure? dadalhin na kaya kita sa clinic para malagyan ng eyedrop? " nakita ko na medyo nabawasan ang pagka taranta nito. pero naroon parin ang pag-alala sa mga mata nito.
"no!hindi na, oh-oh, see?! " kumurap kurap akong muli para maniwala na nga ito ng tuluyan na wala na talaga ang hapdi.
"that's a relief!" marahas pa itong bumuntong hininga. sabay kabig niya sakin palapit sa kaniyang dibdib. naguguluhan man ay hindi ako nakaprotesta sa ginawa nitong pag kabig. siguro ay nasiyahan lang nito dahil hindi naman grabe ang sinapit ng aking mga mata. dinig na dinig ko ang pag-aalboroto ng puso nito. nag-alala nga talaga ito ng husto.
"hoy! ano yan? corrupting minor ka ata 'tol? " sabay saboy ng tubig ni albie kay Stephen.
"tumahimik ka nga albie. " saway ni carmi dito. habang tumawa naman ng malakas ang huli.
"okay na yan si scarlet, tol! nagamut mo na eh. " isa pa talaga albie ha! babala ni carmi kay albie ulit.
"okay fine! I'm just messing around. You good, scarlet? " tanong ni albie sa akin na sumeryoso pa ang mukha.
ngumiti lang ako bilang sagot.
"here, 'wag ka kasi diyan sa gilid. " sabay hawak nito sa isa kong kamay at hinala palapit kina carmi at precilla sa medyo gitna ng pool. pagka bitaw nito sa aking kamay ay agad akong nag salita.
"ok na ako dito, sige na, lumangoy kana."
tipid siyang ngumiti at humakbang patalikod sa lumangoy na papunta kita albie at james sa kabilang dulo ng pool.
"Let me your eyes scarlet dear? " hawak sabay pihit nito pa harap sa kaniya. agad naman din lumapit si carmi na may pag-alala rin sa mata nito.
"o-okay lang po ako. napuwing lang po. " at masuyu ko silang nginitian.
"naku! nadali mo kame dun. akala namin malalagot na kame kay lola isay. "