The billionaire's first love episode 2

1616 Words
Pabaling-baling si scarlet sa kaniyang kama. Mag-aala una na ng madaling araw ngunit hindi pa siya dinadalaw ng antok.hindi niya alam kung dahil ba sa excited lang siya or ano. Nang biglang may flash sa kaniyang memory. ang imahe ni stephen wang na pinakita ng tita belle niya kanina sa cellphone nito. Mas lamang ang s*x appeal ni stephen kaysa kay steve. bumaling siya paharap nang pinto. "Ganun ba talaga siya kagwapo?" Anas niya sabay kapa sa mini bedside table niyang nabili niya sa flash sale ng shopee. nang makapa niya ang pakay na cellphone ay kinuha niya iyon at agad binuhay ito at nagtype ng kaniyang password. Hinanap niya yung app na siyang makaka search sa pangalan nang kaniyang pakay sa i********:. Hindi naman siya mahilig mag post ng mga larawan niya sa i.g napilitan lang din naman siyang gumawa ng account don dahil narin sa mga shows at loca endorsement niya sa kanilang bayan. Last post niya nga dun yung kinuha siyang muse ng isang basketball team na dumayo pa sa kanilang bayan isang buwan na ang nakakalipas. Agad ay nag type at search siya ng pangalan ni stephen wang hindi nagtagal ay lumabas na ang mga results. Agad pinindot niya yung profile pic na nakita niya kanina nang ipakita sakaniya ng kaniyang tita ang larawan na nakatuxedo na maroon ito. Nang mabukas na ng tuluyan ang account nito pinindot niya na kung saan ang mga pictures. At pagkabukas nun agad na bumungad ang pictures nito kasama ang isang babaeng kaakbay nito na mukhang sopistikada at maganda din mukhang modelo at masasabi kong maysabi din sa buhay. Malamang girlfriend niya ito. "Bagay kayo." Muling napaanas ako sa sarili. "Scarlet,gising na!naku itong batang to. Tatanghali kana niyan sa skwelahan. Alam mo naman na luluwas na tayo bukas." Napapungas-pungas pa ako nang hindi pa tuluyan nagising. Ang ingay naman kasi sa isip ko. Nang tuluyan na nagsink in ang mga sinabi ni lola. "Ta-tanghali na?!bakit hindi niyo ako ginising ng maaga lola." Wika ko na half asleep at half awake. agad-agad akong bumangon at tumingin na cellphone ko. Napa masahe ako ng light sa sentido nang makita ang oras. 8:30am na. Ang usapan namin ng aking mga bestfriends na sina joela at mariane 7:30 magkikita kame sa entrance gate ng skwelahan. Chineck ko ang mga text at maraming missed calls nila. "Carly,andito na kame sa entrance. dalian mona at mainit na banda rito."ani joela sa text nito. "Huy girl! Ano na? Kalahating oras na kame nag hihintay rito. Pupunta kapa ba?" Text ni mariane naman. Dali-dali kinuha ko ang tuwalya at nagtatatakbo sa banyo. "Ayan kasi,kung ano-ano siguro pinag gagawa mo kagabi Sa cellphone mo.imbis sa matulog na."ani lola na hinahayon na ang kurtina at binuksan ang bintana. "Ehh kasi naman lola eh,maaga kayong na gising ni hindi niyo ako ginising." Sigaw ko mula sa may pinto ng banyo. "Aba'y! Malay ko ba na gigisingin kita ng alas singko ng umaga kasi kailangan kong pumunta ng bayan upang mamili ng mga dadalhin natin bukas na pasalubong kina donya amanda at sa mga kawaksi ng mansyon." Ani lola na nalakad palabas ng aking silid at dumeretso na ng kusina. "o'siya, maligo kana at ipagtitimpla na kita ng gatas at gawan ng sandwich." Na bumaling sakin habang nagsasalin ng mainit na tubig sa baso. Tango nalang ang isinagot ko at deretso na sa banyo. Hindi na rin ako natagal sa pag ligo gaya ng usual na na ginagawa ko para matapos agad. "Oh,inumin mo na yang gatas dahil hindi na yan sobrang init." Ani lola na nakaupo sa dining at naghihiwa ng karneng baka. Kalalabas ko lang ng silid at naka ayos narin. "Dito kaba manananghalian?" Pagkuwa'y bumaling ang tingin sakin. "Hindi na lola, baka sa mall na lang kame kakain ng mga kaklase ko. Walking distance lang kasi yun sa school. May allowance pa naman ako sa ipinadalang pera ni mama nung isang linggo.at andiyan pa naman si tita belle may kasama kang kumain." Tumango tango si lola at muling nagsalita. "huwag na magpagabi ng uwi. Mag-iimpake pa tayo." ani lola na bumaling sa hinihiwang karne. Nagmano at niyakap ko si lola patalikod sa kaniyang inuupuang silya. "Alis na po ako la." Pagkuway sabi ko at lumakad na papuntang sala kung saan nandun yung sling bag ko na nakasabit sa may pintuan "Osiya sigi. Mag-ingat ka sa daan apo." Pagkalabas ko nang maliit na gate Namin sakto naman at may paparating na jeep. Agad ay pinara at sumakay na ako. "Naku scarlet ha! Balak mo pa siguro kameng maging statwa sa labas nang gate ng school natin ha. Halos isang oras din kameng nakatayo at naghintay sayo dun.ni wala man lang reply?"ani joel na kaklase kong bakla. Pero joela ang tawag namin sa kaniya. "Napano ka girl?" Sabat naman ni mariane. Habang binebeso ko silang dalawa. "Hindi maganda tulog ko kagabi. Hindi ko rin alam kung bakit. Ngayon lang din ako hindi nakatulog agad pagka higa ko sa kama. Weird nga eh." Sabi ko sabay hatak na sa kanila papuntang library kung san nandun yung adviser namin. "Baka napasobra ka sa kape girl.?" Untag ni mariane. "Lol! Kilala niyo ako hindi ako umiinom nang kape. Ayaw ni lola na nagkakape kame ni tita belle." Bahagya pa kameng napahinto nang may huminto sa harap namin. Agad nagsalubong yung kilay ko sa aking nakita. Si leonard Ang anak ng mayor namin dito sa bulacan. Na pangisi ngisi pang nakatingi sakin. Gwapo naman siya maputi,medyo chinito at matangkad.graduating narin ito sa kolehiyo Pero di ko bet ang awrahan niya. Masyadong mahangin at pinaka ayoko dahil wala pa talaga sa isipan ko yang mga pag-ibig churva na yan. At di hamak na anim na taon yung tanda niya sakin. It's a big no no for me. "Ano nanaman ngayon leo." Wika ko na umiiwas ng tingin sakanya. Na umisang hakbang pa palapit sa amin. "Invite sana kita sa birthday ni mommy mamayang gabi." Biglang baling ko sakanya na akmang hahawakan ang kamay ko. "Nag aksaya kapa talaga ng oras na pumunta dito para lang i-invite ako sa birthday ng mommy mo? Irap ko sabay iwas ng kamay ko na akmang hahawakan niya. "Alam mo na ang sagot ko diyan Leonard." Marahas na Bumuntung hinga siya bago nagsalita. "Ano bang problema mo sakin scarlet? Ang dami mong arte. Ikaw na nga itong sinusuyu. Kaw pa tong madrama. Sa dinami daming babae na humahabol at nagkakandarapa sakin. Choosy ka pa ba?" Untag niya na may inis na sa kaniyang boses. Bahagya akong napatawa sa sinabi niya. "Well, mind you mister tan!" Diniinan ko pa ang pag sabi na mister tan. "Wala naman akong sinasabi na suyuin mo ako ha? Wala kasi akong matandaan Na sinabi ko yan. At yang mga sinasabi mong mga babae na humahabol sayo. Wala akong pakialam. Hindi ako aso at lalong hindi pa ako ulol!" Bahagya pa lumapit ang bibig ko sa kaniyang tainga. Sabay hila ko sa aking mga kasama paalis sa harap ni Leonard. "Bongga yun girl!" Tili pa ni mariane habang lumalakad na papuntang library. "Bagay lang talaga yun sakanya. Sobra kung magpalipad hangin sayo bakla! Akala niya makukuha niya lahat ng babae. Kahit na gwapo siya kung ganun naman ugali. Nakakahiya siyang ipagmalaki bilang anak ng mayor" ani joela na Ngising-ngisi pa. "San tayo mag la-lunch? Gutom na kasi ako."sabi ko na katatapos lang naming pumila sa library kung saan ang signing of clearance ng aming adviser. "Sa wakas cleared na tayo. Makakapag bakasyon narin talaga." Wika ni joela na lumakad palapit sa akin. Kasalukayang hinihintay namin si mariane na sina-sign pa lang ni ma'am ang kaniyang clearance form. "Sa belize nalang tayo kakain? Nang makapag window shopping pa tayo sa mall after kumain?" Ani joela sabay lingon kay mariane na sumangayon sa plano ni joela. "Deal. Sa Belize na tayo. Miss kona yung carbonara at cucumber juice nila."ani mariane na palapit na samin." "CR lang ako girls. Kanina pa ko ako banyong banyo. Madumi at mabaho kasi yung cr sa school natin." Pahayag ko pa habang tumayo na sa pagkakaupo. "I know right girl" sabay sabat ni mariane sa sinabi ko. "Samahan kita?" Untag ni Mariane na akmang tatayo narin. "Wag na, i can manage. Saglit lang naman ako iihi lang talaga. Mamaya na tayo mag freshen up after natin kumain." Tumango tango lang ang dalawa sa sinabi ko. "Pag dumating na ang order pwede naman na mauna na kayong kumain." Sabi ko habang papalayo sa lamesa namin na lumalakad papuntang cr. Nang makapasok sa cr agad dumeretso ako sa vacant na cubicle at sinara at mabilis na nag bawas ng panubigan ko. Pagkatapos kong i-flush agad ay lumabas ako ng cubicle at nag deretso sa lababo para mgahugas ng kamay at ipadry sa hand dryer malapit sa sink. Nang matapos ay humarap muna ako ng salamin saglit at tinignan kung okay paba ang buhok at mukha ko. Mukhang all is good pa naman. Kaya napagdesisyonan konang lumabas ng cr. Akmang lalabas na ako ng pinto ng mag ring ang cellphone ko. Pero tuloy-tuloy parin Ako sa pag lakad habang kinakapa yung sling bag ko nang makuha kona yung cellphone sa bag ay siya din ang pagdundol ko sa isang bulto sabay hulog ng cellphone ko buti nalang matibay yung casing nun. "I'm sorry miss. Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo" Wika nang isang lalaki na baritono ang boses. Pinulot ko muna ang cellphone bago ako sumagot. "Kung di ako tumitingin! Eh ganun ka rin naman din eh. Magkabanggaan ba tayo kung tumitingin ka rin sa dinaraan mo?" Umangat na ang tingin ko sa lalake habang pinupunas ko and cellphone ko na nadumihan. At ganun nalang ang gulat ko nang mapagsino ang lalake.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD