The billionaire's first love episode 3

1703 Words
Ganun nalang ang gulat ko nang mapagsino ko ang lalaki. S-Stephen wang? Anas ko sa aking isipan. Tama, siya nga. Pero hindi ko dapat ipahalata na kilala ko siya. Pero bakit parang may gulat din sa kaniyang mukha nang makita ang mukha ko? Nagandahan siguro siya saakin? Asyumera ka girl?giit pa nang isipan ko. Pero bakit nandito siya sa pilipinas? Akala ko ba nasa Australia pa ito nag-aaral? Tumikhim ito bago nagsalita ulit. "Accident happens for a reason. Para siguro hindi kana tatanga-tanga sa susunod." At nagpatuloy na itong lumakad palayo sa kinatatayuan ko. Umangat ang inis sa aking sistema at hinabol ko nalang siya ng tingin at muli akong sumagot nang bahagyang pasigaw na sapat lang para marinig niya. " pasensya na po manong. Hindi ko kasi alam na matanda na pala ang kasalubong ko na marahil malabo na ang Mga mata."with matching paawa look ko pa yung tipong awang-awa ako sakanya. Hindi kona hinintay yung sagot niya at nagmamadali na akong tumalikod at lumakad palabas ng pathway ng cr. Napatili ako ng sigaw ng may humaklit ng kamay ko at nagsalitang muli. "Do i look that old to you?" May inis na wika nito. Na hindi kona tinapunan ng tingin at nag kibit balikat nalang bilang sagot na lalong mukhang nainis sa inasta ko. "Can you just let go of my hand? This conversation leads to nowhere po. So, please, just let go of my hand. At may naghihintay sakin sa labas." Pagmamakaawa ko. Na napakurap kurap siya sa sinabi ko at unti-unting bumitaw sa aking kamay. Agad agad akong kumaripas ng takbo palabas. Nang makarating sa may table namin biglang napalingon ang dalawa kong kasama na may pag-alala sa mga mukha nila."Oh Bakit mukhang nakakita ka ng r****t sa cr girl?" Untag ni mariane. "Naputla ka?" Sabat pa ni joela. Bumuntung hininga ako at naupo sa upuan. "Sobra naman kayo. Gutom lang to. Kasi nga gatas lang ang inalmusal ko. Naka isang kagat lang ako sa sandwich na ginawa ni lola kanina sa pagmamadali. "Okay, kumain kana baka mahimatay ka sa gutom sa putla mong yan." Ani mariane na tinanggal pa yung nakatakip na tissue sa kubyertos ko. "Kain na tayo." Untag ko na tinignan sila ng saglit. At tumango tango na ang mga ito. Papasubo na ako ng maalala ang tumawag sa aking cellphone kanina. Kaya muling kinapa ko ang aking cellphone sa aking sling bag at binuksan iyon. Si lola ang tumawag. Bakit kaya? Anas ko sa aking isipan. Wala din namang text. Tatawagan ko nalang siya pagkatapos kong kumain. Katatapos lang namin kumain nang magsalita si joela. "Sis, hindi ko alam kung namamalik mata lang ako or what. Pero kanina ko pa napapansin yung gwapong lalaki sa may gilid mo na panay tapon ng tingin sayo. Kaharap ko si joela at sa side namin si mariane. Kaya siguro napapansin niya ang mga taong nasa likuran at gilid ko. Hindi lantarang bakla si joela. Samin lang ni mariane siya lumantad. Kung umayos din naman ito yung tipong korean boy look na nababagay lang din sa kaniya kasi makinis at maputi siya. Matangkad din ito na petite typical na korean weight lang din may kaya rin sa buhay gaya ni mariane. Ako kasi scholar lang ako sa skwelahan namin na private school. Akmang lilingon ako ng pigilan ako ni joela sabay hawak sa aking kamay. " Huwag ka munang lumingon sis. Baka mahalata niya na sinabi ko sa'yo na tumitingin siya sayo." Inangat ko ang aking tingin kay joela pagka tapos kong uminom ng tubig At pagkuway "ano itsura"? Untag ko sakanya. "Gwapo pa kay Chris evans girl." Sabay tawa at lingon ni mariane sa sinabi ni joela nang matigilan si mariane sa nakita. At napa "OMG!" Ng anas. "Is he even real?" Tanong ni mariane kay joela na parang natutulala pa. "I know what you feel girl. Ang hottie niya kahit mukhang matured pa sa'tin" Patango-tango pang sagot ni joela sakanya.Tuloy curious na akong makita kung sino ang tinutukoy nila. Tawang-tawa pa ako sa itsura nilang dalawa nang lumingon at tignan ang lalaking sinasabi ng mga ito. At ganun nalang ang salubong ng kilay ko nang masino ang tinutukoy nila. Yeah right! Stephen wang. Piping sabi ko sa aking isipan at bahagyang nainis sa nakita. Sakto naman na tumingin siya sakin while me looking at him. Caught off guard nanaman ako. Agad na bumaling ako sa aking plato. Pagkuway "ano ba kayo,ang tanda na nga niyan. At hindi siya appealing sa mga mata ko." Sabi ko sabay irap. "Sa bagay wala ka palang taste Pagdating sa mga lalake." Tatawa tawa na wika ni joela sakin. Sabay death stare ko sa kaniya sa sinabi niya sakin. "Sino kaya yung kasama niyang girl? Ang ganda. Mukhang artista or big time model/commercial model." Ani mariane na hindi parin matanggal ang mga mata sa kabilang table. "I'm sure. She is one of the few girlfriends niyan." Inis na wika ko. "Sa itsura niyang yan? Magiging stick to one ba yan?"pagpatuloy ko pa. "You sounded so bitter sis?" Ani joela sabay tingin ulit sa lalaki. Iba kasi yung kasama niyang babae sa post niya sa i.g na magka-akbay sila.malamamg Hindi nalalayo na ganun nga siya "Alis naba tayo?" Sabi ko sabay hawak sa cellphone ko. "Mag freshen up muna tayo. Mukhang dry na kasi tayo." Untag ni mariane. Tumango ako sabay dial ng number ni lola. "Tawagan ko lang si lola saglit. Hindi ko kasi nasagot yung tawag niya kanina." Ini pwesto kona sa aking tainga ang cellphone ko nang mag-riring na iyon. Nagthumbs up lang ang mga ito bilang sagot. Tumayo na ako at naglakad palabas sa may pinto ng belize. "La, napatawag ka? May kailangan ka ba?" Tanong ko nang may sumagot na sa kabilang linya "Bakit hindi mo sinasagot tawag ko kanina? Pinaalala mo ako scarlet." Wika ni lola na may bahid na pag-alala sa kaniyang boses. "Kumakain po kasi kame la, at nung tumawag kayo nasa cr po ako. Naiwan ko yung cellphone sa table namin. Pagsisinongaling ko para hindi na mag-alala si lola. "Ahh buti naman kung ganun. Yun nga kasi tumawag ako kanina may ipapabili lang ako sa'yo. Nasa mall pa ba kayo?" Tanong nito sa kabilang linya. "Opo la,katatapos lang naming kumain ng lunch. Ano po ba yung ipapabili niyo?" Pagkuway sabi nito "may pera kapa ba diyan? Babayaran ko lang paguwi mo." "Opo la,may extra pa akong pera sa wallet.kung kukulangin mag wiwithdraw po ako." Sabi ko. Kasi lahat ng allowance na pinapadala ni mama at papa ay iniipon ko sa bangko. Wala naman ako masyadong ginagastos. Maliban sa baon ko sa pang araw-araw at kung may mga projects. Sa tuition libre naman ako ng scholarship ko. Sa mga gamit ko naman ay hindi rin naman ako bumibili ng mahal. Sa groceries at mga personal hygiene na gamit ko ay si lola na ang bumibili. buwan-buwan ay natatanggap niya ang pension ni lolo bilang Magiting na police noong nabubuhay pa ito. "Ano po ba yun la?' Ulit kong tanong. "pastillas de leche, pastillas de yema, pastillas de ube, macapuno/ube balls, minasa, inipit,cassava cake,puto at kalamay. tig lilimang packs nung pastillas lahat ng flavor. Sa minasa dalawang malaking jar lang. yung kalamay dalawang bao lang. At isang box ng cassava cake. Yung puto kahit dalawang packs lang na tig 12pcs lang yung laman. Namiss daw yan ng mga kawaksi sa mansyon. Pahayag ni lola na medyo excited ang boses "Ahh yun lang ba lola? Kaya pa naman pala ng extra pera ko sa wallet. Kayo po ba may ipapabili ba kayo para sa inyo?" Untag ko sabay pasok sa pintuan ng belize at lumakad Papuntang mesa na ukupado namin. "Wala na apo, basta mag-ingat ka pauwi at wag na magpa abot ng dilim. Marami pa tayong gagawin at kailangan matulog ng maaga kasi maaga tayong susunduin ng driver ni donya amanda." Wika ni lola "Opo la,pagkatapos namin dito sa mall at bihin lahat ng pasalubong uwi na rin ako." "Buti naman kung ganun apo. Sige na't kukunin ko pa yung mga sinampay ko." Ani lola na nawala na sa kabilang linya. Inilagay kona yung cellphone sa sling bag ko at kinuha na yung pressed powder at liptint doon. "Samahan niyo akong mamili ng ipangpasalubong namin ni lola para bukas." Sabi ko sabay apply ng liptint sa aking labi habang nakatingin sa salamin ng aking pressed powder. Nang hindi sumagot ang dalawa tinignan ko ang mga ito. Na parehong nakasalubong ang mga kilay. "Hoy! Sabi ko samahan niyo akong mamili ng pasalubong namin ni lola para bukas." Ulit kopa. "Sasama ka sa lola mo sa maynila?" Curious na tanong ni joela. Tumango ako. "Oo, since summer vacation natin naman. Might aswell travel. Kahit hindi naman totally leisure travel. Dahil sa mansyon ng mga wang lang naman ako mag stay for 2months." Alam nila na nagtatrabaho si lola bilang isang mayordoma sa mansyon ng mga wang. "Akala ko pa naman magkakasama tayo ngayong summer mag A-outing,gagala at sleepovers." Ngiwing baling sakin ni mariane. "Oo nga, hay! Nakakalungkot isipin,hindi ka namin makakasama at makikita ng dalawang buwan." Sabat ni joela na nakangusu pa. "Alam niyo naman na hindi ko mahindian si lola. Gusto niya akong isama. Last kasi na punta kong maynila eh nung grade 3 pa ako. At Same location parin sa mansyon ng mga wang. At saka parati naman natin yan ginagawa kahit hindi bakasyon. What's new? Buti nga kayong dalawa naka pasyal na sa ibang bansa. Samantalang ako hanggang maynila lang muna." Malungkot na wika ko. "Ay sus! nagdrama ang miss photogenic ng grupo." Ani joela sabay pisil sa aking pisngi. "Malamang may wifi doon sa mansyong iyon. Usu ang video call girl ha. Wag madamot sa maganda mong mukha." Sabat pa ni mariane sabay pisil sa tungki ng ilong ko. "Alam niyo grabe kayo sa mukha ko!" Sabay haplos ko sa aking pisngi at ilong na pinisil ni joela at mariane. "I'm just reminding you. Kasi magrarason ka nanaman na wala kang data." Muling sabi ni mariane na pinagmamasdan akong nag susuklay nang aking buhok. "Let me remind you din na, hindi ko mansyon yun para makiki-connect ng wifi." "at magbabakasyon ako doon para makapag relax. hindi makipag video call." natatawang inirapan ko silang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD