The billionaire's first love episode 4

1702 Words
Akmang tatayo narin ako dahil tapos narin ako sa aking pagpapa-ganda nang may tumikhim sa bandang likuran ko. At nagsalita. Sapat lang para marinig ko iyong sinabi niya "Don't be confused by my age. Looks can be deceiving always remember that." Napakaigtad ako sa narinig at bumalot ng kilabot ang aking sistema. Napa maang nalang ako ng tingin sa kaniya nang padaan na siya sa aking gilid. Buti nalang at hindi naka tingin yung dalawa sa akin at naglalakad narin papuntang pintuan ng belize gaya ng kasamang babae ni stephen na naka tayo na rin sa may pinto upang hintayin siya. "Wait, guys may nakalimutan ako. Pagsisinongaling ko." Dahil gusto ko lang mauna nang lumabas si Stephen at ang kasama nito. At bago pa man na lumabas ng tulay ang lalaki sa pinto ng belize ay tinapunan pa ako ng nakakalokang ngiti. The heck! What's that for? Anas ko sa aking isipan. "Tig lilima po ng lahat ng flavors nitong pastillas. At dalawang packs nitong puto, pati narin isang box ng cassava cake narin po." Sabi ko sa tindera na bilihan ng pasalubong. "780 pesos po total ma'am, sagot ng tindera." Kukuha na sana ako ng pera nang may maalala pa na ibang pinabili si lola. Ano pa nga ba yun? Nakalimutan ko. Nang mapabaling ako sa minasa,kalamay at inipit na puros magkakatabi lang. "Ah ate, paki dagdagan na rin po ng dalawang bao nito,tukoy ko sa kalamay at,12packs ng inipit at dalawang jar niyang minasa. Yung malaki po" wika ko habang kinapa yung wallet ko sa bag. "1,530 po total ma'am" anang tindera. Sabay abot ko ng dalawang libo. "Uwi na ba agad tayo pagka tapos dito?" Ani mariane. "Ang aga ha!" Sabat naman ni joela. "Aba,sa bigat nitong dala ko may gana pa kayong gumala?" Sabi ko Habang nilalagay ang sukli sa aking wallet. "Kung Sa bagay,ok uwi nalang tayo nang makapag pahinga narin. Maaga pa pala kayo luluwas ni lola isay bukas." Wika ni joela sabay bukas ng pintuan samin ni mariane. Naghiwalay narin kameng tatlo may mga sundo naman kasi sila habang ako ay maghihintay pa ng masasakyan. Pinilit man nila akong ihatid nalang ay hindi narin ako pumayag. Mapapalayo pa sila ng daan pauwi sa kanila. Magkalapit lang kasi ang subdivision nila. Ako lang ang na-out of way. "Mag taxi ka ha. Para di ka mahirapan sa dala mo." Bilin pa ni joela sakin. Habang papasakay na sa kotse nila. At bineso pa ako bago tuluyang makasakay sa loob. Nauna nang masundo si mariane ng kanyang daddy dahil may pupuntahan pa sila. Nag flying kiss at wave nalang ako kay joela habang nakadungaw parin ito sa bintana at sumenyas ng "call us." gets ko na man iyon. Tatawag ako pag nakaluwas na kame bukas. May 20 minutes na akong nakatayo sa may paradahan ng taxi ng mapansin kong may paparating narin sa wakas. Sakto naman na nagvibrate yung cellphone ko sa loob ng aking sling bag kaya dali-dali ko iyon kinuha. Baka si lola. Baka may idadagdag pa habang hindi pa ako tuluyang nakauwi ay babasahin ko muna iyon. Habang yung isa kong kamay ay pumapara sa taxi na parating ni hindi ko man lamang iyon tinapunan ng tingin. nailapag ko muna yung dala ko sa sahig kanina kasi mabigat ang mga iyon. At nang mahinto sa tapat ko yung sasakyan agad naman na kinuha ko ang aking dala na nakatuon parin amg tingin sa cellphone. Nagtext kasi si lola na bumili ng mga ingredients sa flea market malapit sa aming bahay kung pauwi na ako. Ingredients ng pinakbet at nagpapabili ring isang kilong galunggong para sa hapunan. Agad ay binuksan ko yung pinto ng sasakyan nabukas naman din agad. Nang maupo na ng tuluyan sa loob nanibago pa ako dahil sa sobrang bango ay kakaibang awra sa loob. Pero may isang text pa amg dumating at agad ko ring binasa. Si lola ulit na nagpadagdag ng malunggay at isang kilong manok at nag i love you at ingat pa sa huling text nito na siyang nagpangiti sakin sabay sabi sa driver. "Manong, sa may san agustin lang po." Na hindi ko pa rin tinapunan ng tingin dahil nagreply ako kay lola ng "okay po la, nasa taxi narin ako pauwi. I love you too!" Sabi ko sa text para kay lola. Bahagyang nakunot ang ang noo ko ng mapansin hindi parin umaandar ang sasakyan. Ganun na lang tigil ko sa aking hininga. Na lalo pa nagpakilabot sakin ng mag salita ito "kanina lang ay isang matandang lalaki ang tingin mo sakin. Ngayon naman taxi driver?" Ganun ba ka-baba sa tingin mo itong sports car ko? Naniningkit pa na wika nito. Ngalingali akong buksan ang pinto nang hindi iyon mabukas. Lock na ito? Hinanap ko agad ang pag u-unlock ng pinto ng wala akong makita. Malamang sports car nga ito sabi ng lalaking to. Natigilan ako ng marealized ni lock niya ba ito? Wala na akong ibang choice kundi ang magmakaawa. "Sorry na po kuya sa inasal ko kanina. Inaamin ko na...nainis lang ako kanina sa sinabi niyong tatanga-tanga ako. Buksan niyo na po yung pinto.naghihintay na po ang aking lola sa akin." Pagmamakaawa ko pa rito. Napa pisik sabay anas pa ito ng "kuya?" sa sinabi ko at ngumiti na parang nainsulto. Nainis na siguro ito nang tuluyan kaya di rin nag tagal ay ine-unluck niya na ang pinto. At walang salita-salita agad ko yung binuksan at nagmadaling makalabas sa loob. Naka hinga ako ng tuluyan nang makalabas at sinerado agad ang pinto ng sasakyan nito. Agad naman ito nagpa sibad ng sasakyan na hindi ko na tinapunan pa muli ng tingin. sumakay na ako taxing nakaparada. Nang makaupo na sa loob. Marahas akong napabuntong hininga. Parang tatakas na ang puso ko sa sobrang kabog na iyon. Napaisip tuloy ako kung sasama paba ako kay lola bukas sa maynila. Parang di ko Na kakayanin pa na makita itong muli. Napaka terible naman kasi yung first encounter namin. "Ayusin mona yung mga gamit na dadalhin mo scarlet, nang maimpake kona." Wika pa ni lola habang nakatayo sa may pintuan ng aking silid. Kasalukuyan ko pang kachat si mariane at joela na nag pa-plano na kung nasa maynila na raw ako. Ay pupunta din daw sila dun at doon na raw kame gagala. Para hindi raw namin ma-miss ang isa't-isa. Which i kinda agree kasi sanay narin kame sa isa't-isa na halos hindi na kame mapaghiwalay sa skwelahan kung magkasama. "Opo la,aayusin kona po ngayon." Inilapag kona ang aking cellphone sa may bedside table ko at humakbang na papunta sa aking aparador. At kinuha ang mga dapat ko lang dalhin. Kung kukulangin ay bibili nalang ako sa divisoria. May makakasama naman ako kung nagkataon. Kasi luluwas rin naman sina mariane at joela pa maynila. May bahay Kasi sina joela dun. na sakto sa makati rin ito. Sa forbes park kasi ang bahay ng mga wang. At sa san lorenzo naman ang kina joela. Kinabukasan ay maaga akong ginising ni lola alas singko palang ng umaga pero naka ready na ang almusal na sinangag na may hotdogs at itlog. 7am kasi darating ang sundo namin ni lola. "Si tita belle po la anong oras nang umuwi kagabi?" Tanong ko kay lola ng maalala na ginabi at tinatanghali na ito ng uwi at gising. "Mag aalas diyes na rin. Galing sa internet cafe nag research para sa final defense nila ng mga kagrupo nila. Andun sila ngayon tatlo sa kwarto tulog parin. Kasi nang maalimpungatan ako ng madaling araw naririnig ko pa silang nag papractice." Pahayag pa ni lola na sinasalinan na ng sinangag ang aking plato. "Ang hirap pala pag graduating student kana po la noh?" Muling wika ko at sabay subo sa aking bibig ng hotdog. "mararanansan mo rin yan. Kaya dapat parati kang nakahanda sa mga ganyang bagay." Tumango-tango na lamang ako dahil may laman yung bibig ko. "Pagkatapos mong kumain maligo kana agad at magbihis at ako'y tapos ng maligo. Para hindi na maghintay ng matagal sa atin si mang George. Tukoy nito sa driver ng mga wang na siyang magsusundo saamin ni lola. Nakaupo na ako sa may sala habang nanonood ng videos sa aking cellphone nakabihis narin ako kasi mag-aalas siyete na rin ng umaga. Habang si lola ay may kinuha lang sa silid nito. Nang may bumusina na sa labas nang maliit naming gate. Nag madali narin akong puntahan si lola. "La,malamang andiyan na yung sundo natin. May bumubusina na po sa tapat ng bahay natin." Wika ko pa na agad na kinuha ang maliit kong maleta kung san nakalagay ang mga gamit na dadalhin ko for 2months. na siyang ginagamit korin sa mga local shows and events kong sinasalihan dito sa bulacan. Agad naman naglakad si lola Palabas ng bahay para buksan ang gate at bumalik agad sa loob ng bahay para ipagsabi sakin na ilagay na ang mga gamit na dadalhin sa may pintuan at kukunin lang iyon ni mang George na siyang maglalagay sa loob ng sasakyan.sinunod ko ang utos ni lola. Nilagay kona ang mga gamit sa may pinto at bumalik sa loob ng bahay para magpaalam na muna kay tita belle habang si nanay at nilock ang pintuan sa may kusina at tinanggal yung mga nakasaksak na appliances. Nang makapasok sa silid ni tita belle sakto naman na kagigising lang nito agad akong nag paalam at nag beao rito. Ganun din si lola. Nauna na akong sumakay sa van kasi si lola nagbibilin pa kay tita Belle sa mga dapat na gawin nito tuwing aalis ng bahay etc. Nakasakay na ako sa loob nang van, ni hindi ko narin tinapunan ng tingin ang loob ng van kasi busy rin ako kakadutdot sa aking cellphone. pero parang kakaiba yung pakiramdam ko. parang may nakamasid sa may likuran ko. isina-walang bahala ko na lamang iyon. kasi ang alam ko ay kame lang dalawa ni lola ang pasahero nitong van. nanindig ang aking balahibo at para ako naging tuod sa aking kina-uupuan nang may nagsalita sa likurang bahagi ko. walang ano-ano ay agad ko iyon nilingon. pamilyar kasi ang boses, parang narinig kona iyon nang ilang beses. at tama nga ang aking iniisip kung sino ang may-ari ng boses na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD