Hindi na ako na bigla sa kung sino ang may-ari nang boses na iyon. Malaki ang posibilidad na siya iyon sabi ng isipan ko siya iyon at wala ng iba.
"Look who's here?" Wika nito na nangingiting nakaka-inis. nang tuluyan kona siyang Nilingon.
"Ganyan kaba talaga kapag hawak mo ang cellphone mo wala ka nang nakikitang iba sa paligid mo? Or should i say na, wala ka talagang pakialam sa mundo?" Pagpatuloy pa nito. Wala akong ipinakitang emosyon sa aking mukha. Kahit na sobra nang kumakabog ang aking puso. Pagkuway bumaling na ako muli sa aking cellphone na kasalukuyang kachat sina Joela at mariane na ang plano ay sa susunod na linggo ang luwas nila papuntang maynila. Akmang magsasalita pa ito nang siya ring pagbukas nang pintuan ng van at bungad doon ay si lola na ikinabigla pa nito nang makita si stephen sa likuran parte ng van. "Naku stephen ijo! Narito ka? Akala ko ba'y nasa Australia kapa?" Nangingiting wika ni lola rito. Ramdam ko na bahagyang gumalaw ang van hudyat na gumalaw ito sa kaniyang upuan. At nag mano kay lola. Pagka mano nito kay lola ay siya ring yakap pabalik sa kaniya ni lola.
"May importanteng business meeting kasi ako kahapon dito sa bulacan. Na nasaktohan ding pauwi ako ng pilipinas kaya ako na lang ang ipinapunta ni daddy dito." Tatangong ngiti pa ni lola na mukhang masaya sa nakita at narinig niya rito.
"Buti naman kung ganun ijo, sasabay kana ba samin pabalik ng maynila? Sabi ni lola na nang tuluyan na makasakay at maupo sa upuan ng van. Si manong George narin ang nagsirado ng pintuan.
"Opo lola isay, Pero hindi naman din ako tatagal dito at babalik na ulit ng Australia. May aasikasuhin lang ako rito." Pahayag pa nito. Di nag tagal ay bumaling ang tingin sa akin ni lola.
"Siya nga pala ijo, si scarlet ang nag-iisa kong apo. Yung kalaro mo dati nung maliliit pa kayo. Naaalala mo pa ba siya?" Kumunot ang noo ko sa narinig na sinabi ni lola. Kalaro ko siya dati? Yung maliit pa kame? Teka nga bakit parang di ko Maalala? Tanong ko sa aking isipan.
"Ah! Siya po ba yun? Yung iyakin at parati kinukuha yung lollipop ko kahit nasa bibig kona. Kapag hindi ibigay sa kaniya umiiyak?" Natatawa pang pahayag nito kay lola. Lollipop sa bibig niya inaagaw ko? Yuck! Kadiri! May laway na yun ahh... ? Nagtatalo na ang aking isipan sa mga oras na yun.
"Siya na nga stephen,naaalala mo pa pala iyon." Tumango-tango si lola habang bumaling ulit sakin.
"Scarlet, iyan ang anak ni donya amanda at don Miguel na si Stephen. Bumati ka." Pagpipilit pa ni lola sakin na batiin ito. Mukhang wala akong choice. Ayoko naman na mahalata ni lola na kilala o nakita kona ito. Sa hindi magandang pagkakataon. Bumaling ako patalikod at binati ito na puno nang kaplastikan
"hello po sir Stephen. Ako po si scarlet apo ni lola isay. Ikinagagalak ko po na makilala kayo ngayon." Hindi kona tinapunan ito ng tingin. Pumisik lang ito. Na tipong nang-iinis.
"Si steve ba ay narito rin?" Pagkuway tanong ni lola muli rito. "Sa susunod na linggo pa po lola. Kasabay kina mommy at daddy." sagot muli nito kay lola.
Mabilis rin kameng nakarating sa makati kung san ang forbes park na siyang naroon ang mansyon nang mga wang. Di nagtagal ay pumarada na ang van sa harap ng malaking golden padbolt automatic sliding gate. At bumukas na iyon bungad sa gate ay ang malawak na garden na may artificial water falls at outdoor patio ito na ang sofa set ay made of rattan.malapit sa falls ay ang wooden bridge na meant for landscaping ideas. Napaka ganda naman ng pagkaka landscape sa garden na ito. Anas ko sa aking isipan na parang nalulula parin sa mga nakikita. Sa di kalayuan ay tanaw mo na ang mansyon ng mga ito. Napaka laki at modern. Parang pina re-design nila yung mansyon into a modern design. Napaka lawak din ng parking area na sa may kabilang gilid ng outdoor patio ng mga ito. Nang biglang nasagi sa mata ko ang isang puting sasakya na naka parada. Kung di ako nagkakamali. Yan yung sasakyan na gamit niya kahapon ah. Bakit andito na ito sa mansyon? O baka naman kapareho lang din or nagkamali ako nh tingin. Muling anas ko sa aking Sarili. Nang makababa na ng van ay agad kameng sinalubong ng mga kawaksi sa main entrance door ng bahay. Napanga-nga ako at hindi naiwasan na libutin ng mata ko ang kabuoan nito. sa nakitang disensyon ng mansyon ay kumbinsido akong pina-redesign nga. Dahil sa pagka-alala ko nung huling punta ko dito ay isa lang ang hagdan na naroon paakyat.
Modern luxury mansyon na ang interior nito ngayon. Na bungad sa main door ay ang grand foyer with domed ceiling na may spiral led chandelier sa gitna at dual ang staircase paakayat ng 2nd floor nang mansyon. Marble din ang flooring na napaka kintab at walang bahid na alikabok at halos maaninag mo na ang sariling repleksyon dun. Nasa ganoong wisyo ako nang may nag salita sa gilid ko.
"Baka mapasukan nang langaw iyang bunga-nga mo." At ganun na lang din ang baling ko sakanya na wala parin bahid na emosyon sa aking mukha ayaw kona kasi magkaroon pa ng issue, kaya ako nalang ang umiiwas..
At agad ay nag-iwas nalang ako ng tingin hinanap ng aking mata si lola. Pa linga-linga ako nang wala mapansin na ibang tao kundi kameng dalawa lang. "Straight ahead. Then,turn left." Untag nito na kunot noo ko siyang binalingan. "They're in the kitchen." Pagpatuloy niya pa.
"Okay, thank you!" Napakurap-kurap pa na sabi ko. Akala ko kung ano nanaman ang sinasabi nito.
"Naku lola isay! Ang ganda ganda na talaga nitong apo niyo. Artistahin na ang ganda at ang kinis parang pang mayaman." Pahayag pa ni aling tina na siyang kasamahan ni lola dito sa mansyon ng mga wang.
"Ay! agree ako diyan tina. No'ng maliit kapa ay napaka cute mo na,ngayon naman ay nagdalaga na napaka ganda monang bata ka. Kanino ba ito nagmana lola isay?" Sabat pa ni aling tessi na taga luto dito sa mansyon.sabay subo ng pasalubong namin cassava cake.
"Mukha kay lola isay naman yan nag mana. Sa ilong palang alams na!" Untag pa ni jenny na siyang taga laba ng mansyon. Akmang sasagot pa si lola sa sagot nila ay siya ring pag pasok ni Stephen sa kitchen at agad naman tumayo si lola at kinuha ang 2packs ng pastillas na ube. At lumakad na ito palapit kay lola at kinuha iyong mga pastillas Sa kamay ni lola.
"Akala ko nakalimutan niyo na po ito lola isay." Wika pa nito na may ngiti sa mukha.
"Naku ijo,makalimutan kona ang lahat ng pasalubong 'wag lang yang paborito mong pastillas. Ipinabili ko talaga yan kay scarlet kahapon. Kasi,wala na akong oras para dumaan sa mall." Sabi ni lola habang naupo na sa silyang ukupado niya kanina. Lumakad naman ako palapit sa lamesa at naupo sa silyang bakante doon.
Naturingang mayaman pero sa halagang 80 pesos na pastillas hindi makabili. Eh andun naman din siya sa mall kahapon. Kuripot pa ata ito piping sabi ko sa aking isipan.
"Ehh diba senyorito nasa bulacan din kayo kahapon? Bakit hindi kayo nakabili ng pastillas? Sabat pa ni aling elena na kakapasok lang sa main kitchen galing sa may dirty kichen sa kabilang dako ng main kitchen dala-dala ang fried chicken at kare-kare na niluto nito para sa aming tanghalian.
"Hindi kasi ako nadaan sa mall. It's too crowded and may business meeting ako kaya wala na akong time para makabili pa. Alam ko rin naman na makakabili si lola isay." Paninigurado pa nito.
"At siguradong-sigurado talaga kayo diyan senyorito." Untag pa ni aling jenny." "101% sure about that manang." Sagot niya pa sa huli.
"O'siya kumain na tayo." Pagkuway sabi ni lola na inaayus na ang mga pinggan sa lamesa.
"Dadalhan kana ba namin ng pagkain sa kwarto niyo senyorito?" Tanong ni aling tina sa amo nito. "
Hindi na po. Sasabayan kona kayo dito manang. Kotang-kota na ako kumain mag-isa sa Australia.hanggang dito ba naman." Tatawa-tawa pa na sabi nito. Pagkuway tumingin pa sa akin saglit bago maupo sa harap ko kung san may bakanteng upuan.
"May nilagang baka pa sa refrigerator senyorito. Gusto niyo initin ko para saiyo?sabi niyo kasi kagabi ay nilagang baka ang gusto niyong ulam para sa hapunan niyo. Pero hindi na kayo nauwi kagabi pagka-alis niyo" pa kamot-kamot pa sa ulo na wika ni aling elena. Pagkuway tumikhim ang kanilang amo at nag salita.
"Tumawag kasi c misty nag-ayang lumabas nung nalaman niya na nakauwi ako. Kaya hindi na rin ako naka tanggi pa."sagot nito kay aling elena.
"Ehh san kayo natulog kagabi senyorito? At bakit kasama niyo pong dumating sina lola isay?" Pag pa tuloy pa nito. Mukhang natigilan pa ang lalaki sa tanong ni aling elena.
"Ang daming tanong nitong si elena. Kumain na nga lang tayo,nagugutom na itong si stephen. Kumain kana ijo." Sabat pa ni lola sa mga sinabi ni aling elena.
Tahimik kameng kumakain Nang biglang tumikhim ito pagkuway nagsalita.
"Ikaw ba scarlet,anong kurso ang kukunin mo sa pasukan at san ka mag-aaral?" Biglang tanong nito habang titig na titig sa mga mata ko. Naiilang ako sa titig niya kaya muli kong ibinaba ang aking tingin sa aking pinggan. At sumagot "Grade 10 palang po ako sa pasukan sir stephen at sa st. Lorence highschool po ako nag-aaral." Tumawa ito ng pilit "Don't be too formal. Just call me stephen! Nakakatanda naman yung sir stephen mo. Parang hindi tayo naging playmate nung tayo'y maliliit pa lamang." Wika pa nito. Agad akong nag angat ng tingin sa kaniya na mukhang seryoso naman sa mga sinabi niya. Tumango-tango na lamang ako.
"Oo nga naman ija. Magkalaro naman Kasi kayo dati. Kaya nakakailang kay senyorito na sir ang itatawag mo sa kaniya." Dagdag pa ni aling tina. "Opo,makakaasa po kayo." Sabi ko nalang at muling sumubo na ng pagkain.
Mag aalas tres na ng hapon ng maisipan kong pumunta sa may pool area.. Nalula ako laki nang pool at napakalinis nito. Tuloy parang gusto ko na tumalon at maligo dun. Kaso mabigat ang aking tiyan. Kakatapos lang kasi namin kumain ng desserts na fruit salad at may leche flan pa na gawa ni aling elena na si stephen daw ang nagpa gawa kagabi. Lahat ay paborito ko kaya hindi na ako tumanggi at kinain ang mga nakahain. Naupo at sumandal ako sa may unan ng round outdoor lounge ng mga ito malapit sa pool at pinag mamasdan ko lang ang mini falls sa may gilid napaka preskong tignan. Tuloy at napapikit ako ng mata. "Ehem! Sa pag kakaalam ko ay may nakalaan naman na kwarto mo sa loob ng bahay. Bakit dito ka natulog?" Naupo ako bigla sa boses na narinig ko. Akala koba makakapag bakasyon ako ng tahimik sa mansyon na ito. Pero may sulpot ng sulpot naman na lalaki. Anas ko sa aking sarili. At hindi nagtagal ay tumingi ako sa may ari ng boses na yon. Nang bigla ay natigilan ako sa nakita. Naka board shorts lang ito na medyo hapit at medyo maikli din iyon. Wala ring saplot pang itaas at tanging towel lang ang nakasabit sa may kaliwang balikat nito. Agad naman ay nabawi ko ang aking tingin at sumagot sa sinabi nito.
"hi--hindi naman po ako matutulog dito. Busog lang po kasi ako kaya naisipan kong ma--maglakad lakad at hindi sinasadya na mahiga sa lounging chair niyo po. Papasok na po ako." Walang tingin-tingin ay lumakad na ako papuntang entrance door paloob ng bahay. Ngunit nang malapit na ako sa may pwesto niya at agad niyang hinaklit ang aking braso. Napaigtad ako sa ginawa niya at agad na babawiin ko sana ang aking braso ng lalo niya pa iyon hinigpitan.
"Let go of my arm. Masakit na eh." Untag kopa. "Bakit parang umiiwas ka masyado sakin? Nandidiri kaba dahil mas di hamak na matanda ako saiyo? Sabi pa nito na unti-unti ay binitawan na ang aking braso. At ang mga mata ay deretso lang nakatitig sa mga mata ko napaka sersyoso din iyon
"It's just 5 years scarlet!fr----ng' just 5 years! That's not old enough for you to ignore me like that?" Dagdag pa nito. Napaisip ako. Bakit parang big deal talaga sa kaniya ang agwat ng edad? Dinibdib niya ata yung tinawag ko siyang manong kahapn sa mall? At bakit kung tawagin nito ang pangalan ko ay parang casual at parang sanay na ito na tawagin ako sa ganoong paraan? Ang weird. Sabi ko sa isip ko.
"Wala naman po akong ginagawa or sinasabi sa inyo na sa pag-aakala niyo ay umiiwas ako? Kung meron man ay siguro dahil ayoko nang magkaroon pa ng issue or misunderstanding pa about sa engkwentro natin kahapon. Kayo pa naman po ang amo ni lola."