Nainitan ako sa loob ng kwarto kaya naman nag paalam ako kay lola na tatambay lang ako sa may outdoor patio kung san may artificial na water falls at may outdoor sofa. maliwanag naman sa gawi dun dahil maraming nakapalibot na lamp post. at may mga dimmable lights din sa pinaka patio. napaka relaxing ng feeling maupo dun. para kang nasa bukid na may falls. napa presko ng hangin at yung sound ng tubig sa falls ay nagbibigay ng kapayapaan ng isip. naupo na ako sa may sofa. kinuha ko ang aking cellphone naisip ko kasing mag selfie. sayang naman kasi yung chance dahil ang ganda ng background ko. yung pinaka falls may mga pailaw din kasi dun kaya kitang kita ang ganda nun. inayus ko lang ang aking buhok at in-open kona ang camera app sa aking cellphone. at agad na ipi-nost sa i.g at f*******: account ko naka public lang ang mga ito dahil yung account ko ay for endorsement and events purposes lang din naman. pagkuway sumandal na ako sa sofa na may throw pillow.kinuha ko iyong isang unan ipinatong ko sa aking binti dahil naka dolphin shorts lang ako. sanay naman ako gumamit ng ganoong shorts dahil sa bahay namin sa bulacan ay sobrang init at babae lang naman kame halos sa bahay. nag rerelax na ako ng tumunog ang aking cellphone hudyat na may notification na dumating. at meron nga. comment iyon sa picture ko na pang limang comment "Set your account to private setting.you're showing off too much!" kumunot ang aking noo sa nabasa. sino'ng pesteng tao ba to na nag comment. anas ko pa sa aking sarili. nakapangalan dun ay (sven w.) pailing-iling ako. kasi wala naman akong kilala na sven ang pangalan. in-open ko yung account nakaprivate naman iyon. kaya hindi ko napigilan na isipin kung sino iyon. napa hilot pa ako sa aking sintindo sa kaiisip. sumandal akong muli sa sofa at kinuha muli ang throw pillow at ipinatong muli sa aking binti.ibinaba kona sa may ko gilid ang aking cellphone. ng makarinig ako na pagbusina na hudyat na may sasakyan sa labas ng gate. wala si manong George sa post niya kasi nasa kusina ito kumakain ng kaniyang hapunan. kaya naisipan ko na ako nalang ang bumukas non. patakbo ang lakad ko papuntang gate at ng makalapit ay agad ko munang tinigna yung cctv sa loob ng post ni manong George.puting sports car yun at sigurado akong kay stephen iyon.agad kong pinindot yung pindutan don. may nakalagay naman na lock and unlock na pula. agad naman iyon bumukas ng unti-unti. ng tuluyan na mabukas papasok na yung sasakyan ng tumigil ito sa may post ni mang George at nag salita "Bakit ang tagal niyong buksan ang gate manong geo-" na may pagkairita sa boses nito. ngunit na natigilan ang sasabihin niya ng makita na ako ang nasa post. napakurap-kurap pa ito. at muli sana mag salita kaya inunahan kona. "Nasa kusina po kasi si manong george kumakain. sakto naman na nandyan lang ako sa may patio tumambay kaya ako nalang po ang nag bukas nitong gate." pahayag kopa. kunot noo niya ako hinagod ng tingin mula ulo hanggang pa. " You don't have to do that. bisita ka rito. at hindi utusan." untag pa nito. "okay lang naman po. kasi wala naman din po akong ginagawa. at nabobored ako sa loob ng bahay kaya naisipan kong tumambay sa patio. at na saktohan naman na wala dito si mang George. hindi ko din kaya na alam ko naman na may tao sa labas ng gate na busina ng busina, at naririnig ko naman tapos hindi ko bubuksan iyon. nakakakonsensya po sa part ko." sabi ko sabay lakad palabas ng post ni mang george. "what are you wearing?" untag nito. sabay tingin ulit sa shorts at crop top ko na kunot na kunot ang noo nito. "ano'ng ibig niyo pong sabihin?" tanong ko pa rito. "why do you wear those kinds of clothes?" muling tanong nito.at bahagya pang umirap. anong problema kaya nito sa suot ko? bawal ba magsuot ng ganito dito sa mansyon nila? tanong kopa sa aking sarili. "ah,kasi po comportable ako sa ganitong suot,lalo na ngayon na mainit ang panahon. nakasanayan kona rin po kasi. ano bang problema sa suot ko po?" bahagyang paanas pa sa huling sinabi ko. "well,you're not allowed to wear those here. and it's final! no ifs,ands or buts about it. may aircon naman sa guestroom kung san ka natutulog. tapos maiinitan kapa?" sabi pa nito. "hindi naman kasi ako sanay sa aircon po eh."
"i said no buts. and that's final! now go and change your clot-." hindi na niya natuloy ang huling sasabihin ng may bumusina naman sa may likod ng kaniyang sasakyan. at agad naman bumaba dun ang isang lalake na kasing tangkad din ni stephen maputi rin ito at gwapo,pero mukha itong half pinoy at half american. samantala si stephen ay half pinoy and half Chinese/korean naman ang awrahan ni stephen. mukha rin laman ng gym ang dalawang to na kita naman sa overly confident facade ng mga ito."sven stephen wang." tawag pa nito kay stephen na agad naman tumalikod sakin at nilapitan ang bagong dating. "we are currently not accepting visitors at the time." tatawa-tawa pa na wika nito sa bagong dating. at nag fist bump pa. "who is she?" dinig ko na tanong nito kay stephen. "none of your business bro." sagot pa nito. hindi kona narinig ang kwentuhan nila at nagpatuloy na ako sa aking paglakad pabalik ng patio. naiwan ko pala yung cellphone ko dun. napatili ako dahil sa lakas ng busina sa aking likuran at agad ko iyon nilingo. "where are you going? i said go inside and change your clothes!" pasigaw pa na sabi nito dahil nasa may gate parin sila nakatayo na sa may kotse nito. hindi kona yun sinagot at nag patuloy sa paglakad papuntang patio dahil naiwan ko nga yung cellphone ko don.at pagkakuha nun ay papasok naman din ako para matulog. nang bumusina itong muli at hindi na tumigil ito sa pagbusina. ang scandaloso naman ng tao na to.anas kopa sa aking sarili. kaya bumaling ulit ako paharap sa mga ito at pasigaw na ako sumagot. "opo senyorito,papasok na po ako. kukunin ko lang po ang cellphone ko sa patio. at papasok narin ako para matulog."pagkuway patakbo na ako sa patio hindi kona hinintay ang sagot nito. ngunit muli itong sumigaw "DROP! THAT! WORD! SCARLET!" na may inis na sa boses nito. hindi ko na iyon pinansin at dali-dali na akong lumakad papuntang mansyon nakuha ko na rin ang aking cellphone sa sofa ng pation.
mag-aala una na ng madaling araw ay hindi parin ako makatulog. ang init kasi sa kwarto. tanging bintilador lang ang gamit ko. may aircon naman pero hindi rin ako sanay sa sobrang lamig na klima. kaya bumangon ako sa kama at naisipan na buksan nalang ang bintana sa may balcony ng guest room ng aking tinutuluyang silid. ayaw kasi akong patulugin ni donya amanda sa maids quarter at nagbilin pa ito kay lola na sa guest room ako ipatulog. si lola naman may sarili ding silid na hindi din sa maids quarter.pagbukas ko ng bintana ay hinawi ko na ang puting kurtina ng makapasok ang hangin doon. napatingin ako sa may pool ang ganda naman itong pag masdan. nakakarelax talaga ang sound ng mini falls doon. kaya naisipan ko muna na lumabas sa may balcony at lumanghap nalang muna ng sariwang hangin. tagaktak na kasi ang pawis ko sa noo at leeg kahit na naka loose white tshirt na ako at shorts.kumuha narin ako ng pamaypay na magazine sa may bed side table. at nagpatuloy na ako sa paglakad papuntang balcony. habang pumapaypay pinagmasdan ko ang mini falls sa kabilang dako ng pool. nang makarinig ako na may mga tumatawa at nag kwekwentuhan. pinagmasdan ko iyon. si stephen at yung kaibigan niya kanina at may isa pang lalaki malamang barkada din nila yun nagiinuman ang mga iyon sa bar malapit sa pool. muling bumaling na ako sa may falls. nakakarelax talaga iyon. habang hawak parin ang magazine na ginawa kong pamaypay. wala parin kasi masyadong hangin sa labas. hanggang sa makarinig ako na katok sa silid ng aking tinutuluyang kwarto. kunot noo akong lumapit sa pinto. sa isip ko ay baka si lola mangangamusta siguro ito o nagdala ito ng gatas kaya binuksan ko yun agad-agad. nang natigilan dahil mali ako ng inakala.
Sa pagbukas ko ng pinto ay si Stephen iyon. pero bakit ito nandito? nagkamali ba ito ng kwartong papasukan? baka akala niya ay kwarto niya ito? pero kung alam niya na kwarto niya naman ay hindi na siya kakatok pa. lasing ba ito? pero mukhang hindi naman ito nakainom at hindi amoy alak. pero bakit ito narito sa labas ng silid na aking tinutulugan? kaya hindi kona napigilan pang itanong kung bakit ito narito."bakit po? may kailangan po ba kayo?" kibit balikat lang ang sagot nito sa aking tanong sabay hawak sa magkabila kong balikat at itinulak paloob ng silid. napatili ako sa ginawa nito hindi ako makagalaw masyadong mahigpit ang pagkakahawak nito sa aking balikat. hindi nag tagal naramdaman ko nalang ang malamig na pader sa aking likod. napapikit ako sa maaring gawin nito sakin. ngunit ilang segundo na ang nakalipas ay wala naman akong naramdaman na kakaiba. kaya agad kong iminulat ang aking mga mata at natigilan sa pagkat nakatitig lang ito sa akin na may pilyong ngiti sa labi. "why? expecting something to happen?" pagkuway sabi nito. nahiya ako sa aking inasta kaya umayos ako ng tayo at kumalas ako dito at lumakad papuntang pintuan para naman may ideya naman itong lalake na lumabas na ng silid. ang awkward na kasi ng feeling ko. hindi ako sanay na may lalake akong kasama sa kwarto. "what?? of course not! bakit naman ako magiisip ng ganun? hindi pa ako hibang. at wala pa yan sa isip ko. nakakasira lang yan ng buhay." naiinis na sabi ko rito. "pansin ko nga wala ka ngang ineexpect." sabay tawa pa nito ng pagak. nang-iinis talaga tong damulag na ito. "bakit ka nga ba nandito at nang-iistorbo ng tulog?" sabi ko na lang para lumihis na kame sa topic na iyon. "oh really?tulog kana nga ba talaga scarlet? sa balkon kaba natutulog? at may dala kapa talagang baon na pamaypay." wika nito na pigil na hindi matawa. nabigla ako sa sinabi niya pero hindi ko ipinakita ang gulat. nakita niya ako sa balkonahe? anas ko sa aking sarili. eh ano naman ngayon! wala naman akong ginagawang masama.
"matutulog na kasi talaga ako. nagpahangin lang saglit. kasi sobrang init naman kasi nitong kwarto."
sabi ko nalang. "talagang maiinitan ka talaga dito pag hindi mo ito i-oon" sabay buhay niya sa aircon. "hindi rin kasi ako sanay may aircon. malamigin akong tao." pagsisinongaling ko nalang. ang totoo ay nahihiya ako at hindi ako marunong pano yun buhayin gamit ang remote. "well, you have no choice. 'coz this room is meant for airconditioned room. kaya pag hindi mo i-on itong aircon ay masu-suffocate ka rito. at hindi rin advisable na buksan mo ang bintana. ang daming lamok na may dalang dengue." lumapit iyon sa bintana at sinerado ito kasabay ng pintuan ng balkonahe. "ang init po kasi. kaya binuksan ko lang para may mapasok naman na hangin.kaso wala parin talaga kaya lumabas muna ako sa may balkon." wika ko rito. "now it will be cold here. kaya palitan mo na yang suot mo. diba i told you earlier change your clothes? you never did listen." medyo may inis na sa boses nito. at kailan pa ito naging tatay ko para pagsabihan ako kung ano ang dapat at hindi dapat kong suotin? "hindi ako sanay sa mga pajama eh. naiinitan ako agad. kaya ganito lahat gamit ko pag nasa bahay at wala naman kame kasamang lalake kaya comportable ako sa mga ganito. "well, not here! i wont allow you to wear those kind of clothes here. so better change now!" maawtoridad na utos nito. napa kunot ako ng noo sa sinabi nito? at sino ba siya para utus-utusan ako? kung ayaw ko pala mag palit ano naman ngayon? hindi naman ako trabahante dito para maging sunod sunuran nito. "wala kana bang sasabihin pa? kasi kung wala na. makakaalis kana. inaantok na ako." inis ko pa na sabi rito.sabay turo ko palabas ng pintuan.agad naman din ito sumunod at humakbang na palabas ng silid. pero bago pa ito tuluyan maka labas sa may pinto ay tinapunan muna ako ng pilyong ngiti at lumabas na ng tuluyan. agad ko naman isinerado at nilock iyon. at lumakad papunta ng closet para kunin yung comforter na inilagay ni lola kanina baka raw kakailanganin ko iyon. pagkakuha ay muli ko itong isinerado at lumapit na sa kama para humiga nakaka ramdam na ako ng lamig. dali dali akong sumampa sa kama ng may kumatok muli. hindi na ako nag isip kung sino pa iyo. at bumaba muli sa kama para pagbuksan ng pinto nitong kumakatok.