Pagkabukas ng pinto ay muli nanaman akong natigilan sa pagkat si stephen nanaman iyon. ano nanaman kaya ang sasabihin nito?
"what now?" naiinis na sabi ko.
"here, take this. you will be needing it anytime now."pangiti ngiti pa na wika nito na hindi narin nagtagal sa harap ko at umalis narin. habol ko nalang siya ng tingin sa may corridor papuntang hagdan pababa ng mansyon. pumasok narin ako sa kwarto at muling sinerado at nilock iyon. pagka lock ay humakbang na ako papunta sa may single sofa sa gilid ng kwarto at ilalapag ko na sana doon ang ibinigay ni stephen na hindi ko mawari kung ano yun. kaya sinipat ko muna iyon bago tuluyang ilapag sa sofa. terno na pajama set na napaka haba at laki. napaisip tuloy ako. anong gusto niyang palabasin pag isinuot ko ito magiging mukhang sanggol ako na ipinasuot ng nanay nung damit ng nakakatanda niyang kapatid? Ayoko! napa-anas ako sa aking sarili. at tuluyan nang inilapag ang mga iyon sa sofa at tumuloy na ako papuntang kama. pagka sampa ay agad akong humiga sabay hila ng comforter. nakatulog naman ako agad.
napabalikwas ako ng gising pamungas-pungas na tinignan ang alarm clock sa bedside table. 3:30am palang ng madaling araw.
halos magdadalawang oras palang ako nakatulog. sobrang nilalaming pala ako kaya kakaiba yung nararamdaman ko. hindi din kasi ako sanay na may aircon matulog sa gabi kasi wala naman kame nun.hindi sapat na panangga yung comforter sa lamig na dala ng aircon. kaya pala sabi ni stephen na kakailanganin ko iyong pajama set. totoong kailangan kona iyon ngayon. kaya dali-dali akong bumaba ng kama nilapitan ko ang single sofa at kinuha yung pajama set agad ko iyon isinuot. tama nga ako sobrang haba nitong manggas ng pang itaas at sobrang haba naman ng pajama. malamang sa kaniya ito. dahil pang kapre ang tangkad niya. comportable na ang pakiramdam ko ngayon dahil sa suot ko. itinupi ko nalang ang manggas at pajama para mag mukhang normal naman ako sa suot. pagkuway sumampa na muli sa kama at nahiga na.
nagising ako sa katok ng pintuan. "scarlet, gising na. magtatanghali na. hindi kana naka almusal." wika ni lola na may pagalala sa boses nito. sinipat ko ng mabuting ang alarm clock at ganoon nalang ang gulat ko ng makita kung anong oras na. mag-aalas dose na ng tanghali. agad ay bumaba ako ng kama at pinagbuksan ng pintuan si lola. nagulat pa ito sa itsura ko. malamang nagulat ito sa suot kong terno na pang giant.
"scarlet! ano yang suot mo? kay stephen yan. nagpaalam kaba na gagamitin mo yan? ayawna ayaw pa naman nun na ginagalaw ang mga gamit niya." may pagkahisterikal sa boses ni lola. pano niya nalaman kay stephen itong suot ko?
"pano niyo nalaman na sa kaniya ito. la?" curious ako kung bakit niya alam. at ayaw naman pala nito na ginagalaw ang mga gamit niya. pero bakit niya ipinasuot ito sakin?
"naku scarlet, hubarin mo na yan. baka maabutan pa niya na suot-suot mo yan. san mo ba yan nakuha? sa loob ba ng cabinet ba?" wika ni lola sabay turo sa cabinet sa loob ng silid ko.
"Hindi po la." untag ko. "pero bakit niyo alam na sa kaniya ito?" muling tanong ko.
"may initials yang mga pang tulog niya. gaya niya'ng suot mo." s.s.w may nakalagay sa may bulsa. sabay turo ni lola sa may bulsa ng long sleeves na suot ko.
"ehh la, siya po ang nagbigay nito sakin kagabi. nakita niya ata ako sa may balkonahe na nagpapahangin. kaya kumatok siya kagabi at ini-on yung aircon hindi kona man kasi alam pano ito buhayin eh." sabay turo ko sa aircon.
"at pagkatapos inabot niya ito sakin para siguro hindi ako lamigin." pagpatuloy kopa.
"iyan kasi. puro ka kasi short pants at croptops. napapansin na ata ni stephen kaya ka pinagsuot ng ganyan." turo nito sa suot ko.
"o'siya sigi na. mag hilamos kana at kakain na tayo. hindi kana nakapag almusal, pagsabayin mo nalang breakfast at lunch. sigi na hilamos kana at sumunod ka nalang sa kusina." sabi ni lola sabay talikod na palabas ng silid. naghilamos,toothbrush at inayus ko lang ang buhok ko sa salamin. pagkuway lumabas narin ng banyo. kinuha ko lang yung cellphone sa bedside table at agad rin lumabas ng kwarto. naglalakad na ako sa may corridor ng may nag salita.
"hi! are you Stephen's cousin?" anang baritong boses ng lalaki sa harap ko. hindi ko kasi napansin na may ka enkwentro ako dahil nakatuon iyong mga mata ko sa aking cellphone. marami kasing messages sa gc naming magkakaibigan. nag angat ako ng mukha sabay tingin sa lalakeng nasa harap ko. gwapo ito,chocolate brown ang mga mata,maputi,maganda ang hubog ng katawan masasabing nag gi-gym rin ito,matangkad at maganda ang pagkakaayus ng buhok naka side swept gentleman hairstyle iyon. mukhang ka-edaran lang din ni Stephen. ako ba ang tinatanong nito? napatingin ako sa likuran ko. mukhang ako nga ang kinakausap niyo.
"a-ako po ba? tanong ko rito na may pagdududa parin kung ako nga ang tinatanong nito sabay turo sa sarili ko.
"yes, I'm talking to you. are you stephen's cousin?" ulit na tanong nito. napa iling-iling ako sabay sagot
"hi-Hindi po. a-ano po. uhhmm.." nauutal na sagot ko. pagkuway may nagsalita muli. pero kilala kona ang boses na yun. si stephen. "hey! i was looking for you. lunch is ready." sabay akbay nito sa lalaki.
"i was about to get my phone. i left it inside the room." wika pa ng lalake kay stephen. "you didn't tell us you got a beautiful cousin dude." pangiti ngiti pa ito bumaling ang tingin kay stephen. hindi naman nakasagot si Stephen sa tanong ng kaniyang kaibigan.
"get your phone now. sunod kana lang sa kitchen dude.foods ready." tanging sagot nalang nito sa lalake. tumango tango nalang ito sabay lakad papuntang kwarto siguro dito rin ito natulog. naka pang bahay lang kasi ito. ng malapit na ito sakin at muling nag salita sabay angat ng isang kamay "My name is james, and you are?" napa kunot ako ng noo. nagpapakilala ba ito sakin? akmang sasagot ako ng may humila sa aking kamay at ito na ang sumagot.
"she's not interested james.and she's too young for you." tatawa-tawa pa na sabi ni stephen sabay hatak sakin palayo sa kaibigan nito papuntang hagdan. ng makababa na kame tuluyan ng hagdan ay muli ito nag salita.
"i knew it will suit you best. it looks good on you." turo nito sa aking suot. na kaniya naman iyon. pano'ng maging look good eh ang haba at ang laki naman yun sakin. kunot noo ko siyang tinignan. at hindi na nagsalita. inunahan kona ito sa paglakad papuntang kusina. pagpasok ng kusina deretso agad ang aking mga mata sa mga pagkain na nakahain doon maraming pagkain ang nakahanda sa lamesa. parang may party naman dito ngayon. untag ko sa aking sarili. hindi kona na pansin na may mga nakaupo na palang ibang mga bisita sa lamesa dahil tumunog ang cellphone ko. may message si joela. nagreremind nagreremind na mag vi-video call kame mamayang 1pm bibili kasi siya ng mga dadalhin dito sa maynila. may inutusan din kasi ako kaya much better kung nakikita ko raw ng aktwal ang pinabibili ko ng hindi siya sisihin. ni-reply ko iyon sabay lakad papuntang lamesa at naupo sa may bakanteng upuan doon. hindi parin ako nag angat ng tingin sunod-sunod na kasi ang messages ni joela at mariane.
"Hi! are you perhaps. stephen's girlfriend or cousin?" friendly na tanong ng boses babae. ganoon nalang ang pagkabigla ko sa pag angat ng tingin ay nakatitig ang mga ito sakin. dalawang babae at isang lalaki. kung hindi ako nagkakamali ito yung lalaki na dumating kagabi kasunod sa sasakyan ni Stephen sa may gate. napamaang lang ako sa kanila. hindi ko alam ang sasabihin. agad-agad na lang ako nag excuse at akmang tatayo na hinanap ng mga mata ko si lola.
"no. you will be joining us!" anang isang lalake na papasok na sa kitchen. si Stephen iyon. umiiling-iling ako.
"hi-hindi na po. sasabay lang ako kina lola." at tumayo na nang tuluyan. naglakad na ako palabas ng kitchen ng magsalita ulit ito.
"tapos na sina lola kumain. kaya sa amin kana sasabay. there's no point in rejecting my offer now scarlet." ma awtoridad na wika nito sabay hawak at hila nito sa kamay ko pabalik sa upuan na inupuan ko kanina at ito naman naupo sa katabing upuan ko. kitang kita ko ang bahagyang pagka gulat sa mga mukha ng mga kasama nito. gulat na, parang ngayon lang nila nakita si stephen na medyo seryoso.
"hey! calm down dude. you're too serious. matatakot yan lalo sayo." patawa-tawa pa na wika ng lalaking sa pagkakadinig ko ay nag ngangalang albie.
"shut it albie! your not funny." sabat ni stephen dito.
"I'm not being one even. I'm just saying dude." pa tango-tango pa sa huling sabi nito. parang may pinagusapan tong dalawa. at parang may alam itong lalaki sa akin? piping sabi ko sa aking sarili. kung ano man iyon. wala din akong idea.
"lahat ng problema may solusyon. kapag walang solusyon 'wag mo ng problemahin." sabat pa ng papasok na nagpakilala kanina bilang james na tatawa-tawa rin.
"bakit kasi ang biyernes santo ng mukha mo Stephen?" muling sabi pa nito.
"yeah, what's with the face Stephen? kanina lang eh hindi maipinta yang mukha mo sa sobrang saya. may pa handa-handa kapa ng maraming pagkain." pailing-iling pa anang isang babae na maganda. maputi at mukhang socialite ito.
"i must agree!meron kaba ngayon sven?" tumatawang sabat namam ng isa pang babae mukhang modelo. ang kikinis naman ng mga ito. buti nalang din at inalagaan ng husto ni mama ang skin ko kaya nakakasabay ako sa mga ito at hindi masyadong nakakailang.
"scarlet, andiyan kana pala mabuti naman at sumabay kana kina Stephen. pinaluto niya yang mga yan para sabay-sabay na raw kayong kumain.
"at kame ay tapos na rin. o'siya sigi na, kumain na kayo." wika pa sa amin ni lola.
"lola isay, puwede po bang humingi ulit ng ice kay manang tina? natunaw na kasi tong mga ice sa ice bucket."anang isang babae na mukhang model.
"sigi ija,sabihan ko si tina." sagot ni lola rito.
"salamat po lola." " thanks lola isay." sabay na wika ng dalawang babae.
"shall we eat?" sabat pa ni james na tumingin pa kay stephen.
"Go on." sagot pa nito kay james. pagkuway kumuha ng kanin at akala ko ay ilalagay iyon sa kaniyang plato. ngunit sa plato ko iyon nilagay. natigilan ako sa ginawa nito. baka akalain ng mga kaibigan nito ay may relasyon kame. kaya pinigil ko iyon.
"ako na, kaya ko naman. hindi naman po ako lumpo." sabi ko rito. tumingi lang ito sa akin at parang wala narinig. sunod naman ay kinuha nito ang beefsteak at muling naglagay sa aking pinggan. hindi na ako nag salita. kasi parang wala naman patutunguhan ang pagtanggi ko. nagumpisa na akong kumain dahil narin sa gutom.
"scarlet,by the way. my name is carmie Stephen's friend." ngumiti lang ako rito.
"and I'm precilla. also stephen's friend. we've known each other since we were in 3rd year highschool. we're all classmates then became friends up until now." muli akong ngumiti at tumango-tango sa mga ito.
"alam namin lahat ng sekreto nitong si Stephen. since then, wala yang tinatago samin." muling sabat ni precilla na may pilyang ngiti sa labi sabay tingin kay stephen.
"Ohhhhhhh! i knew it!" sabat pa ni albie na naniningkit pa ang mga mata. sa itsura nito ay parang alam niya kung ano ang ibig sabihin ng mga ito. nagpalipat lipat lang ako ng tingin sa mga ito. na may pagtatanong sa aking mukha. mukha ba akong may interest sa mga sinasabi ng mga ito?ano bang kinalaman ko sa buhay ng lalaking to sa tabi ko? para kasi masyado nila akong ini-involve sa lalaking ito.
"ganun po ba. good to know that you've known each other that long." tipid na sabi ko na nakangiti. pagkuway bumaling na muli ang tingin ko sa aking plato.
"yes,and just so you know. he was once inlove with a particular girl. if i'm not mistaken. hanggang ngayon parin ba stephen?" untag ni carmie na tumingin pa kay stephen at naghihintay sa sagot nito. hindi naman na kumibo si stephen. ngunit nagpatuloy parin si carmie sa sinasabi nito.
"yeah, i think hanggang ngayon parin yan umaasa sa babaeng yun. nakakaawa na nga. dahil hindi na yan nagka girlfriend kakaasa ata." at tumawa pa ng nakakainis sabay tingin muli kay stephen. tumikhim naman si stephen pagkuway nagsalita.
"masyado na kayong nag eenjoy sa pang aasar at pag laglag sakin.
"kumain na nga lang tayo." muling sabi nito.
"how old are you now scarlet?" tanong naman ni james. na mukhang walang idea sa mga sinasabi ng mga kaibigan niya. tumingin ako rito at sumagot sa tanong nito.
"15 years old palang po." tumango-tango lang ito sa sagot ko. at muling nag tanong.
"san ka nag-aaral? anong kurso ang kukunin mo?"
"sa bulacan po ako nag-aaral, sa st. lorence high school po. turning grade 10 student palang po. pero gusto kong mag business management or nursing. may time pa naman po akong mag isip para diyan." take business management instead scarlet. sabat naman ni stephen." napatingin ako rito. nangingi alam na ito sa desisyon ko.
"pagiisipan ko pa lang po. marami pa naman akong oras magisip." sagot ko nalang rito.
"i agree. take business management course scarlet. siguro by the time na gumraduate kana ay kame na ang nagmamanage ng mga business ng aming mga magulang. puwede kang mag apply sa amin. no need interview." natigilan ako sa sinabi ni precilla. ang ganda naman ng plano kung seryoso ang mga ito sa sinasabi. pero matagal pa naman iyon eh..
"talaga po? magandang idea po sana yan. pag iisipan ko yan.dahil matagal pa naman po ako makakapagtapos." sagot ko kay precilla. "baka mag advance ka. kasi balita ko consistent honor student ka." tumango ako sa tanong nito. "opo,kailangan ehh. kasi scholar po ako eh."
"kung kasing talino ka siguro namin. malamang proud na proud talaga sa amin parents namin." tumawa pa ito ng pagak. "deal namin yan scarlet, kung business management ang kukunin mong kurso. pili ka lang sa aming lima kung san mo gustong mag apply." seryoso pa na wika ni albie.
"opo,pagiisipan ko yan." untag ko sa sinabi ni albie.