the billionaire's first love episode 8

2444 Words
habang kumakain na kame nang dessert napa tingin ako sa wall clock sa may dining area biglang nasagi sa aking isipan si joela. oh no! may usapan kame na ala-una ay mag vi-video call kame dahil pupunta siya nang mall para mamili ng mga inutos kong dadalhin nila ni mariane papuntang maynila sa sunod na linggo. napasarap kasi ang usapan namin. ang gaan na kasi nang loob ko sa mga barkada ni stephen, kahit kasi saksakan nang yaman ang mga ito ay napaka down to earth. at ako na rin ang nag kusa na kung puwede ay ate at kuya nalang ang itatawag ko sa kanila. nakakailang kasi tawagin ang mga ito sa mga pangalan lang nila. di hamak na 5 years ang agwat ko sa mga ito. nag agree naman ang ilang, maliban nalang kay stephen at james. 'wag na 'wag ko raw na subukang tawagan sila ng kuya dahil hindi niya raw ako papansinin sabi pa ni james. si stephen naman parang na offend at hindi na kumikibo hanggang ngayon. pagka check ko sa aking cellphone may 8 missed calls at sandamakmak na messages na sa messenger. agad-agad naman akong pumindot nang video call at tumayo na rin sa pagkakaupo. "importante lang po, may tatawagan lang po ako." untag ko. sabay naman nag thumbs up ang dalawang babae. si albie ay busy rin sa kadutdot at james ay nakatingin lang sa akin. si stephen ay kunot noo lang ako tinignan. dali-dali akong naglakad palabas nang dining room at naisipan ko na sa pool area nalang makipag video call sa aking mga kaibigan dahil presko at tahimik doon. pagka labas sa may pool area ay agad ako'ng naglakad patungo nang lounge. "sorry talaga girl, hindi ko napansin yung oras. at kumakain kasi ako." sabi ko kay joela sa kabilang linya. umirap ito, pero alam ko na nagbibiro lang ito. hindi marunong magalit si joela. "fine. buti na lang at kasama ko si Chloe ngayon. kasi kung nag-iisa lang ako ngayon sa mall malamang nag walk-out na ako. at hindi kona bibilhin ang mga churva mo!" sabi nito. si Chloe ay pinsan niyang matalik na school Mate rin namin sa SLHS. "oh ano na ipabibili mo? andito na ako sa loob nang bulacan's best pasalubong?" pag mamaldita pa na sabi nito. habang ako ay hindi mapigilan matawa sa itsura nito hindi bagay na maging maldito. kasi napaka sweet nang mukha nitong bakla. "Okay, lahat nang flavors ng pastillas. 5pcs each flavor. pero yung ube gawin mong 8pcs ha. at minasa narin mga 5 jars. yung malaking jar ha." sabi ko pa rito habang nag-iisip pa kung ano pa'ng idadagdag. "nako girl bayaran mo ang mga ito. hindi yan libre noh! marami ka pang ipon kaysa sa'kin. ." tatawa-tawa pang wika nito. "bakit may sinabi ba ako na libre yan? 'wag kang mag-alala babayaran ko yan. kasi kung hindi baka hindi na mauulit." sabay tawa ko pa rito. ngunit naputol iyon nang may nag salita. "How important is that call? para iwan mo ang iyong pagkain sa lamesa?" paglingon ko ay si Stephen iyon na kunot nanaman ang noo. ano nanaman drama nito. para isang subo nalang iyon nang ube cake. sabi ko sa aking isipan. "sorry po importante kasi po yung tawag. may usapan po kasi kame ng kaibigan ko na 1pm kame mag vivideo call. hindi ko napansin na 1:30 na pala." pagkuway sabi ko na lang. tumawa lang ito nang pagak sabay hakbang palapit sa aking inuupuan. "next time 'wag mong pag hintayin ang pagkain para lang tumawag sa mga lalake at makikipag tawanan." wika nito na may pagkairita sa boses at lumakad na papasok ulit sa loob nang mansyon. "bakit ba ang high blood nito sa'kin? ano bang nagawa ko sa kaniya na maging ganito siya ka cold?" pa-anas na sabi ko sa aking sarili. "sino 'yon girl? bakit parang galit sayo?" tanong ni joela sa kabilang linya. "amo ni lola 'yon. pinag sabihan lang ako, dahil hindi ko inubos iyong pagkain ko." sagot ko pa rito. "nag madali kasi akong tumayo habang kumakain pa pagka kita ko sa oras kanina." pagpatuloy ko pa. "gano'n ba? gora na ubusin mo na iyong pagkain mo girl. nabili ko naman na mga inutos mo. wala ka naman na siguro idadagdag pa?" nag-alalang sabi pa nito sakin. "oo iyon lang naman ang ipapabili ko girl. thank you ha. kita kits nalang tayo rito sa sunod na linggo." wika ko pa rito. "okay okay girl. ubusin mo na iyong pagkain mo. baka masesermonan ka nanaman. iyong matanda ba na amo ni lola isay ba yan?" tanong ulit nito. "hindi, girl. yung anak yan. hindi ko nga alam kung bakit parating high blood sa'kin yan. bata pa naman at gwapo, napaka yaman din. pero parang may pinagdadaanan palagi sa buhay eh." anas na sabi ko na inilapit ko pa yung cellphone sa aking bibig para walang makakarinig na ibang tao. "akala ko nga makakapag relax ako rito dahil solo ko ang buong mansyon nila. pero mukhang malabo. palagi kasi ito sumusulpot kung na saan ako." pagpatuloy ko pa na sabi kay joela. "may pamilya na ba yan?" tanong muli ni joela sa akin. "single nga raw ito sabi nang kaniyang mga kaibigan. at may gusto raw itong babae pero parang ayaw sa kaniya nang babae? or natotorpe lang ata, kaya sa akin niya binubuhos lahat ng katorpeham niya sa babaeng gusto niya." pahayag kong muli kay joela. "uy girl, baka may something yan sayo ha? kasi ganyan ang mga lalake sa babaeng gusto nila pero na totorpe. kaya imbis na ipahiwatig nila. eh nagpapaka high blood na lamang sila para hindi mahalata na may nararamdaman sila." natatawa na sabi pa nito. "hoy! alam mo girl, tigilan mo nga ako. alam ko naman na impossible iyon mangyari. may gusto nga siyang babae. take note,"babae" hindi batang babae gaya ko.alam mo rin naman na wala din yan sa isipan ko.storbo sa pangarap yan." pag mamaldita ma sagot ko dito. "o'siya sige na. alam.kona ayaw mo sa mga ganyan. napaka defensive mo ata girl?" natatawang sagot nito. "hindi ako defensive. I'm just stating the fact okay? sigi na i need to go na. see you next week. love you mwah." pag-papaalam ko pa rito sabay flying kiss. pagkapasok ko ng mansyon pagka tapos kong makipag-usap kay joela nakasalubong ko si james sa may sala "so, who is the lucky guy?"seryosong tanong nito na tinutukoy ay ang kausap ko kanina sa phone. at bakit naman parang curious ito?pero hindi ko naman dapat pa e-explain kung sino ang kausap ko hindi ko naman siya kapatid. sa halip ay lumakad na lamang ako at hindi na sumagot sa tanong nito. nahagip ko agad si lola na nasa kitchen island na kumakain ng cake habang nakikipag kwentuhan kina carmie at precilla. habang nakikinig lamang si albie at Stephen sa mga ito. nakita agad ako ni lola at nagtanong patungkol kay joela. "oh kamusta si joel? kelan ang luwas nila papuntang maynila scarlet?" napa tingin ang lahat sa'akin sa tanong na iyon ni lola. hindi ko alam kung bakit ako naka ramdam ng guilt. dahil ba joel ang sabi ni lola? at baka aakalain nila na may kasintahan na ako. at bakit ang mga kilay ni Stephen ay nakasalubong.galit ba ito? O sadya na ganito lang talaga ito kung tumingin sa tao? pero bakit naman ako magi-guilty? sa halip ay sinagot ko na lamang ang tanong ni lola. "opo la, sa makalawa na ang luwas nila. kaya niya ako tinawagan dahil may mga inutus din ako sa kaniya na bilhin." wika ko sabay naupo sa bakante na upuan malapit kay precilla. "So? what's the plan for tonight? tuloy ba dinner natin sa ravens?" pag-babalewalang tanong ni carmie sa grupo. naka pasok narin si james sa loob ng kitchen. "of course! tuloy tayo. ngayon na nga lang tayo lalabas ulit for dinner na completo." sabat ni precilla sabay lingon sa'kin. "at dapat sasama ka scarlet ha. ipinag-paalam ka narin namin kay lola." nilingon ko si lola na tumatango-tango lamang bilang sagot kay precilla. "oo nga naman scarlet, sumama kana para maka pasyal-pasyal ka naman. at hindi ka maboring rito sa loob ng mansyon" sa halip ay sabi ni lola sabay lapag ng saucer na may cheesecake. tinignan ko lamang si lola. ganito ba siya ka trusted sa mga ito. at parang tinatabuyan pa ako palabas ng mansyon. pero totoong mababait naman talaga at napaka marespeto ang mga ito. lalo na kay lola. hindi mo aakalain na mayayaman ang mga ito. tama ang pagpapalaki sa mga ito ng kanilang mga magulang. "opo. anong oras po ba ate carmie?" baling na tanong ko rito. "7:30 pm reservation natin sa ravens. so, we have to be there on time. kasi napaka busy ng resto na iyon. pag na late tayo, mapupunta sa iba yung reservation slot natin. " wika pa nito. "doon na lamang tayo magkikita-kita later. so, we have to go home na carm. para makapag pahinga at makapag-ayus tayo mamaya." sabat naman ni precilla kay carmie. habang ang mga boys ay busy rin sa pag-uusap tungkol sa businesses ng kanilang mga magulang. "sven, we will go ahead na. see you later nalang again. be on time boys please!" pagpapa-alala ni carmie sa mga ito. "sasabay na ako palabas." untag ni albie sabay tayo nito sa upuan. at nag bro fist na sa dalawang boys. si james dito nag stay sa mansyon ni sven dahil medyo malayo raw ang condo nito sa makati. nag sitayuan naman ang mga ito ay sabay-sabay na lumabas sa kitchen. nakapag-paalam narin ang mga ito kay lola at sa iba pang kawaksi. Nagising ako sa katok sa pintuan. at boses ni lola. "scarlet,gising na. naku bata ka! nakalimutan mo ata may lakad kayo." natigilan ako sa sinabi ni lola. at nagmadali akong ipagbuksan siya ng pintuan. napasulyap ako sa alarm clock sa bedside table. "naku po! bakit hindi ako nakapag alarm. ang tanga ko naman! " anas ko sa aking sarili. at tuluyan ng nabuksan ang pinto. "naku! sabi ko na nga ba nakatulog ka talaga. 6pm na scarlet! hindi kapa nakaligo at nakapag ayus. si Stephen at james ay kanina pa nasa sala. kinatok kana nila pero wala raw sumasagot. at baka nakatulog ka nga raw." ani lola sakin sabay abot ng tuwalya. ano?! nakakahiya, kinatok pa talaga nila ako. ano ba naman kasi yan scarlet. wala ka nga ginawa buong maghapon pero kung makatulog parang nilampaso ang buong mansyon. pagsesermon ko sa aking sarili. habang lumalakad papuntang banyo. hindi na rin ako nagtagal sa pagligo dahil hindi naman din ako pinawisan sa buong araw. nagmadali narin ako maghanap ng susuotin. pinili ko ang aking fave na body-con dress na peach. nag blow-dry narin ako ng aking buhok at naglagay ng moisturizer. at very light na blush on at liptint narin. nasanay na rin ako mag-lagay ng mga light makeups dahil sa mga shows at events na sinasalihan ko. pagka dry ng aking buhok kinulut ko na rin iyon sa bandang ibaba lamang at nag half-up hair style at nilagay ng peach na bow na hair clip. sinipat kong muli ang aking itsura sa salamin bago lumabas ng silid. pagka bukas ko ng pinto ay nasaktohan din na nasa harap si Stephen ng pinto mukhang kakatok ata ito. natigilan ako dahil hindi ko ine-expect na pupuntahan ako nito rito. "are you done? we have to go. male-late na tayo sa dinner. " sa halip ay sabi lamang nito. nakatingin lang ako rito. hindi mo kasi mapigilan na hindi ito titigan. sa ganda ng hazel brown na mata nito perfect shape din ang ilong at namumula na mga labi. kahit sa simpleng ayus nito hindi parin maikakaila na ang guwapo nito at anak ng mayaman. nailang tuloy ako. nababagay ata ako na makasama silang mag-babarkada? baka ma-out of place ako. Tumikhim ito bago muling nagsalita. napansin niya ata na natuliro ako. "shall we go now? or tutunganga ka na lamang diyan? i know I'm That gorgeous man. but don't make it too obvious scarlet. " wika nito na tumuwa pa ng malakas sa huling sinabi nito. napakurap-kurap ako sa sinabi niya. ang kapal naman pala ng apog nito. "excuse me! kung inaakala niyo po na yun ang nasa isip ko, well sorry to burst your bubble. ngunit iba ang iniisip ko. na kung dapat pa ba akong sumama. dahil hindi naman ako mahilig sa mga ganiyang lakad ng mayayaman. at makakain ko naman din ang mga pagkain na sine-serve sa restaurant na yan dito sa bahay." pagtataray na sabi ko rito. "what's the chaos all about sven?" untag ni james na biglang sumulpot likuran ni Stephen. "carmie called, they're on their way to ravens. so, we have to go now. " pagpatuloy pa nito. "well, someone is being a drama queen here. or being a childish having tantrums. wala naman akong sinasabing masama. biglang nagwawala." sagot nito sa unang tanong ni james. tinignan ko lamang ito sabay irap. alam ko ako ang tinutukoy nitong childish. "well, we don't have time for that now. just continue it later after the dinner. you have to come with us scarlet, magtatampo sayo ang dalawang ate mo."tukoy ni James sina precilla at carmie na mga ate ko. buti nalang talaga nirerespeto ko ang mga kaibigan nito. dahil kung hindi, hihindi talaga ako rito. hindi ko rin alam kung bakit inis na inis ako kay Stephen. wala naman siyang ginawang mali. kung iisipin nga napaka childish ko talaga. para dun lamang sa sinabi nito kanina. lumabas narin ako sa kwarto at sinerado na ang pinto. sabay narin kameng tatlo lumakad pababa ng hagdan. "here, use steve's car. " untag ni Stephen kay james sabay abot ng kung anong susi dito. "no sven, I'm riding on your car. i don't want to drive. i might get drunk and can't drive on our way home. "sagot nito kay stephen. "no beer tonight james. we have a minor with us remember? at baka may dadaanan kapa?you might bump with sabrina tonight?" tatawa-tawa pa na sagot nito kay james. "you know what happened between me and sab right? i don't want to hear about her again sven.so please stop mentioning her name." kumunot ang noo nito sabay hablot na lamang sa susi na nasa kamay ni stephen at lumakad na papunta sa isang red na sports car. katabi sa sports car na puti ni stephen. pagkapasok nito sa sasakyan pabagsak nito sinerado ang pinto at ipinaharurot na ang sasakyan. sino kaya si sabrina? bakit parang galit na galit si james rito? at mukhang nagtampo rin ito kay stephen. "get in the car." untag ni Stephen na ipinagbukas pa ako ng pintuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD