CHAPTER 3- DANGER

2737 Words
NAPABALIKWAS nang bangon mula sa kanyang pagkakahiga si Luna dahil sa sunod-sunod na pagkatok sa pinto. Nararamdaman pa niya ang epekto nang ginawa niyang pagsasaya kagabi. Pagbalik kasi nila sa Headquarters ng Hierarchy ay nag-party ang mga agents para raw sa successful mission nila. Nag barbecue party sila sa loob ng mansion kaya naman ang mukhang abandonadong mansion na nakasabit sa isang bangin ay nagmistulang nasusunog na establisyemento dahil sa kapal ng usok na bumalot dito. Dahil na rin sa tudyo ng mga kasamahan ni Luna ay naparami siya ng alak na nainom. Hindi na rin maalala kung paano pa siyang nakauwi kaninang madaling araw. Bumalik yung atensyon niya sa pinto dahil sa muling pagkatok ng kung sino mang nasa labas na tila ba nais na gibain na lamang ang nakasaradong pinto upang makapasok sa kanyang silid. Sapo-sapo pa ni Luna ang kanyang sentido na parang pinupukpok ng martilyo habang dahan-dahan siyang bumabangon at lumapit sa pinto upang pagbuksan ang gumagawa nang mga pagkatok. Nabungaran niya ang kanyang ina na sa edad na apatnapu’t walo ay maganda pa rin ang postura na bumagay sa maamong mukha nito, nag-aalala itong nakatingin sa kanya. Nasa likura nito si Elsa na isa sa mga maid ng pamilya Norhall dito sa bahay na may bitbit pang isang baso ng malamig na tubig. “Are you okay, Baby? I heard from Elsa na lasing na lasing ka nang ihatid ka ng boyfriend mo kagabi,” tanong ng ina ni Luna dahilan para matulala siya at sandaling mag-isip. Boyfriend? “What? Boyfriend? Who?” naguguluhang tanong niya sa ina. Nang hindi siya makasagot ay si Elsa na lamang ang tinanong nang naguguluhang dalaga. “Ammm. Yung ano po ma’am… yung sikat na hunk actor po sa channel 27?” mabilis naman na sagot ni Elsa na ikina-singkit ng mata ni Luna. Not because Luna is angry with their maid but because she’s trying to remember who the hell she was referring to. Hunk? Channel 27? “Kung hindi niyo po maalala ma’am, buksan niyo na lang po yung TV niyo, ang alam ko po kasi meron siyang palabas ngayon do’n eh,” Suhestiyon pa ni Elsa. Dahil na rin sa gustong malaman ni Luna kung sino ang tinutukoy ni Elsa ay sinunod niya na lamang ang suhestiyon nito at mabilis na binuksan ang malaking telebisyong nakasabit sa dingding ng kanyang kwarto at inilipat sa sinasabi nitong channel. Naibuga pa ni Luna ang iniinom na tubig sa pagkagulat dahil sa biglaang pagtili ni Elsa habang itinuturo ang screen ng telebisyon. “Ma’am, ayan po si sir! Ang gwapo po pala niyan sa personal,” Napapalatak naman ang ina ni Luna dahil sa expression ni Elsa na tila ba bumalik ito sa pagiging teenager na niyaya ng nagugustuhan nitong lalaki sa prom date at kilig na kilig. Pakiramdam naman ni Luna ay umabot na sa sahig ang kanyang panga dahil sa laki nang pagkakabuka niyon. “What the hell, Elsa? Hindi ko boyfriend iyang hudas na yan!” iritang bulyaw niya sa kasambahay. “Eh ma’am siya po kasi ang naghatid sa inyo rito kagabi eh, para pa nga po kayong sako ng bigas na pasan-pasan ni sir noong ihatid niya kayo sa kwarto eh, sabi niya rin kasi boyfriend niyo siya,” pagpapaliwanag ni Elsa bago mabilis na tumakbo palabas ng kanyang kwarto habang tumatawa. Hinagod-hagod na lamang ni Luna ang sumasakit na sentido dahil sa kunsuming nararamdaman. Si Jacob pala ang naghatid sa kanya at sa mismong bahay pa talaga nila, kaya pala hindi niya maalalang nag drive siyang pauwi rito kagabi. Si Jacob Peterson kasi ay isang sikat na artista sa isang malaking TV network, kaya naman hindi na nakapagtataka na na-recognize siya ng mga babaeng iniligtas nila nang makita ng mga ito ang mukha niya. Ang hindi lamang alam ng mga fans ng lalaki na bukod sa pagiging isang magaling na artista ay isa ring mahusay na secret agent ang kanilang iniidolo. “Hindi mo talaga siya boyfriend?” Nakataas kilay pang tanong ni Scarlett. “No, Mommy,” sagot ni Luna. “But he’s quite a good-looking guy.” Her mom added. “I don’t care, Mommy. He’s just a friend and my colleague.” Luna unconsciously replied. Luna later on realized what she has said. She silently cursed herself knowing that her mom might suspect her true connection to Jacob. “Colleague? You had a celebrity colleague?” naiintrigang pagtatanong ni Scarlett. “No! I mean y-yes… we’re business partners,” natatarantang paliwanag naman ni Luna. Luna knew that she failed to convince her mom about Jacob based on her facial reaction but thankfully Scarlett never mentioned Jacob again. “Okay, kaya ako nandito ay para i-inform ka na aalis kami ng Daddy mo today,” pagbago ni Scarlett sa topic. “Huh? Where are you going?” Luna asked. “We’re going to the states, we’ve got some business there to take care of.” Her mother answered. “For how long?” Nag-isip muna si Scarlett bago muling sumagot. Sa palagay ni Luna ay nagkaroon ng problema ang isa sa business ng mga ito roon kaya kailangan ang mga magulang pa niya ang personal na magtungo sa states ang resolbahin ito. “Maybe for about a couple of weeks, baby.” Luna pouted her kissable and gorgeous lips before she jumped towards her mother and tightly embraced her. Of course, before siyang maging Cardinal agent sa Hierarchy ay siya muna si Luna Norhall, ang nag-iisang anak nina Chase at Scarlett Norhall. “I’m gonna miss you, Mommy. You take care of yourselves, okay?” seryosong bilin ni Luna sa ina. “Of course, honey, It’s just a couple of weeks, Luna. We will see each other again after we solved our company’s minor problem. Kaya ikaw na muna ang bahala sa mga business na maiiwan namin dito pansamantala, okay?” “Sure, don’t worry, Mommy. I’ll take care of everything here.” Nakangiting sagot niya sa ina. “Very well then. I’ll go ahead first baby, kanina pa ako hinihintay ng Daddy mo,” paalam ni Scarlett sa anak bago tumayo sa higaan ni Luna. Bigla namang pumasok si Chase sa kanyang silid at mahigpit din siyang niyakap. “Take care of yourself habang wala pa kami ng Mommy mo Luna, okay?” “Opo. I love you both!” Isang group hug muna ang naganap bago tuluyang lumabas sa silid ni Luna ang mag-asawang Norhall. Bigla namang tumulo ang mga luha ni Luna pagkasara ng pinto dahil pakiramdam niya ay matatagalan pa bago niya makikitang muli ang mga magulang kahit na two weeks lang naman daw mawawala ang mga ito. Weird feeling. Ipinag-walang bahala na lang ni Luna ang kakaibang pakiramdam na bumalot sa kanyang pagkatao ilang sandali pa lamang ang nakararaan nang mag vibrate nang sunod-sunod ang cellphone niyang nakapatong sa study table katabi ng kanyang higaan. Mabilis niyang kinuha ito upang alamin kung kanino galing ang text message na natanggap niya at napagtantong sa Hierarchy pala nanggaling iyon. So, she immediately opened the text message. ‘Lust, Report at HQ today. We will be having an urgent meeting at 19:00 hours. Pope.’ Nagtaka naman si Luna dahil sa pagkakaalam niya wala pang new missions na dumarating at yung iba namang lower missions ay nakuha na ng mga Bishops at Archbishops last week. Lakad-takbo ang ginagawa ni Luna simula nang makarating siya sa Headquarters, nakatulog kasi ang dalaga kanina kaya naman ngayon ay nagkukumahog itong habulin ang nakatakdang call time nila dahil ilang minuto na lamang ay late na siya rito. Dahil sa pagkataranta at labis na pagmamadali ay hindi na niya nababati pa pabalik ang mga nakakasalubong niyang agents na sunod-sunod ang pag ngiti habang bumabati sa nagmamadaling dalaga. Sa wakas ay narating na rin ni Luna ang meeting room. Ngunit bago niya pihitin ang seradura ay itinapat muna niya ang tainga sa pinto upang alamin kung nag-uumpisa na ba ang meeting o may nakaabang na namang patibong para sa kanya. Luckily ay maingay pa sa loob at nangingibabaw pa ang boses ni Jacob na taas-noong bumibirit sa pagkanta nang buksan niya ang pinto. Bigla tuloy niyang naalala ang kalokohan ng lalaki kagabi. Bumuntong hininga muna si Luna bago tuluyang pumasok sa silid. Naabutan pa ni Luna na kunwaring hinaharana ni Jacob si Louie Anne Gray o mas kilala sa codename na agent Greed, isa rin sa pitong Cardinal agent ng Hierarchy at isa sa pinakamalapit sa kanya. Halata sa mukha ng babae ang pagkainis sa ginagawa ng lalaking nasa harapan nito. Ngumiti lamang ang dalaga nang makita niyang binatukan ni Luna si Jacob. “Hoy! Ang aga-aga napaka-ingay mo. Para kang kinakatay na kambing!” bulyaw ni Luna kay Jacob. Napasimangot naman ang lalaki at nagkukunwari pang iiyak na hindi naman natuloy dahil mabilis itong umilag sa ibinatong ballpen ni Jett Martins o agent Pride. Nakita rin niya sa kwarto ang best friend niyang si Candice na ngumisi lang nang mamataan si Luna. Sa gawing kanan ni Candice ay nakaupo sina Finn Johnson o agent Sloth na kita sa gwapong mukha ang pagkabagot sa buhay, at si Maxton Hopper o mas kilala bilang agent Gluttony sa Hierarchy. Umupo naman si Luna sa isang bakanteng upuan sa kaliwa ni Candice para magtanong kung bakit lahat ng Cardinal agents ay nasa meeting subalit umiling lamang ito sa kanya dahil hindi rin daw nito alam ang dahilan. Maya-maya pa ay nag flash na sa screen ng malaking monitor sa silid ang shadow image ng Pope bilang tanda nang pagsisimula ng kanilang biglaang pagpupulong. “Good evening, Agents. I apologize for the sudden meeting despite of your busy schedules. However, this is a very important matter that only skilled agents like yourselves could solve. I am pleased to see that everyone is here,” panimula ng Pope. “Are we going to a war, Pope? Lahat yata ng Cardinal agents ay ipinatawag mo ngayon?” pagbibiro ni Candice. “No, we aren’t, Envy. But we are taking a very big mission, and only you guys could definitely handle it,” sagot naman ng Pope kay Candice. “What is it all about, Pope?” seryoso na ring tanong ni Jacob. Alam ng bawat isa sa kanila na kapag pinagsama-sama sa iisang mission ang lahat ng Cardinal agents ay lubhang delikado ang mga misyon na ‘yon. It’s more like that they will be sent in to a war than just a mere mission. Bago muling magsalita ang Pope ay may lumabas sa mesang nasa harapan ng mga agents na red folders, bawat isang agent ay mayroon no’n. Binuksan ni Luna ang folder na nasa harap at napakunot ang noo ng dalaga dahil namumukhaan niya kung sino ang na sa mga litrato. Gen. Aries Santillan. “We have received an information that Gen. Aries Santillan isn’t just a simple criminal in uniform while he’s in active duty. Aside sa mga business niyang women trafficking at drug distribution sa bansa ay nakikipag sabwatan siya sa isang communist country para mag-develop ng isang deadly virus that could annihilate the entire population of a country in an instant,” “I don’t understand, Pope. Kung annihilation ang pakay nila kaya sila gumagawa ng virus ngayon, bakit hindi na lang nila bagsakan ng Nuclear bomb ang mga bansang hindi nila kasundo?” nagtatakang tanong ni Finn. “It’s because of the mutual agreement between world nations noong 1976, that no warring country would use Nuclear bombs to attack it’s opposing nation for the safety of the world population, Sloth,” paliwanag naman ng Pope. “I think they’re planning to release this virus once it is completed sa pinaka-makapangyarihang bansa ngayon na alam naman nating matagal nang hindi kasundo ng mga ito. They are planning to attack silently,” Jett uttered while raising his left eyebrow. “Silent attack so no one would notice that the deadly virus came from them. What an atrocious plan.” Maxton said, then he smirked. Natahimik ang lahat dahil sa posibleng mangyari sa hinaharap. Sa kabila nang nadarama nilang kaba para sa hinaharap ng mundo ay nagniningas naman ang kagustuhan nilang makatulong na pigilan na magtagumpay at maipakalat ang naturang virus. Natigil lamang ang pag lipad ng utak ng mga agent nang marinig nilang muli ang boses ng Pope. “That’s a very good deduction, Glutonny and Pride.” “So, what do we need to do? What’s the plan?” this time, Candice asked the Pope with visible determination in her eyes. “I’m glad you asked, Envy. We will start by cutting off all Aries Santillan’s source of income. We’ll sabotage his operations dahil nalaman namin na isa siya sa nag fu-fund sa project na ito. This is a very dangerous mission, Cardinals. I want you all to think about this carefully. Maiintindihan ko kung mayroong mga hindi sasama rito. There’s no shame on backing out for your own safety,” the Pope replied. Nagkatinginan ang lahat dahil sa sinabi ng Pope. Alam nilang lahat ang panganib na susuungin ng bawat isa sa kanila once they started the mission. Natatakot sila para sa sarili nilang kaligtasan, pero kung walang maglalakas loob na pigilan ang may masasamang adhikain ay malalagay din sa panganib ang buhay ng kanya-kanya nilang pamilya at ng mas nakararami pa. Batid ni Luna na ito rin ang naiisip ng kanyang mga kasama. “This is indeed a very dangerous mission, Pope. Bakit pa kami naging Cardinal Agents ng Hierarchy kung kailan kami pinaka-kinakailangan ay doon pa kami matatakot at magtatago na lang? danger is always a part of our lives as an agent. This is our job and this is our life. I will never turn my back sa mga responsibilidad ko bilang isang agent,” Luna said while squeezing her hand to find some courage. “Whoa. Luna ‘di ka ba naubusan ng hininga? That’s too long… yet so sweet. I’m in.” Ace said then he winks at Luna na ikinangiti naman ng dalaga. “That speech was completely superb! I’m in too!” nakangisi namang komento ni Louie Anne. Napanganga naman pareho sina Candice at Finn dahil sa inspirational speech ni Luna. They nodded at her to show that they won’t quit as well. Ngumiti naman si Maxton sa kanila at nag thumbs up pa. Napatingin naman ang lahat kay Jacob na usually ang siyang pinaka maingay sa lahat. Ramdam ni Luna ang tensyon sa paligid dahil sa pananahimik ng lalaki. Napalunok pa ang dalaga nang seryoso siyang tingnan sa mga mata ni Jacob bago ito magsalita. “I… I’m sorry,” Two words pa lamang ang naririnig ni Luna mula sa kaibigan ay tila ba alam na niyang hindi ito makikiisa sa layunin nila. She’s a little bit disappointed; they definitely need Jacob’s combat skills for this mission. But she can’t blame the man. Jacob is a star, rich, famous and successful like all of them, he probably doesn’t want to risk his life if there will be an option. “At first, I thought that I could do this, but everything changed when you guys especially Luna deliberately said that stopping Santillan and his cohorts is a very delicate mission, but…” Jacob looked down, hiding his eyes for them not to read his emotions. Everybody understood what he meant. He just wants his life not to be at risk again. “It’s okay bud, like what the Pope said earlier, there’s no shame in choosing your own safety, we totally understand.” Jett trying to console Jacob. Magsasalita pa sana si Luna nang biglang nag-angat ng mukha si Jacob at sinalubong ang mga tingin nila at ipinagpatuloy ang paglilitanya. “I can’t do this. I’m sorry everyone... but I can’t miss the fun. Of course, we’ll do this together! I will let those ugly bastards to suffer using my big and lovely muscles!” Kumekembot-kembot pang tumayo si Jacob at nag pose na parang body builder sa harap ng lahat. Binato naman siya ng ballpen ni Louie Anne na direktang tumama sa mukha nito kaya nakasimangot itong umupo ulit at kinindatan naman si Luna. “You dimwit! I thought you’re really going to miss the fun of teaching those bastards a lesson eh,” Maxton replied, and then chuckled. “I am truly proud and honored to work with you all, Cardinal Agents! I’ll be your guide for this particular mission,” Pope announced.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD