THEY INFILTRATED ‘Solomon’s Wisdom Bar’ owned by none other than Aries Santillan. Candice and Luna went inside the bar as a customer.
While si Smile naman ang naiwan sa getaway vehicle ng grupo as their back up in case they will be needing one.
Si Jacob naman ay kasalukuyang nasa office ni Aries at naghahanap ng files that they can use as an evidence for his illegal activities while he was an active commanding officer of the Philippine Army.
Bahagya pang nataranta si Luna dahil narinig niya ang planong pagbalik ni Santillan sa opisina nito para kumuha ng isang file at maipahatid niya sa business partner niya tomorrow morning.
“s**t! Wrath, you done?” nag-aalalang tanong ni Luna sa kasama.
Kahit hindi niya makita ang itsura ni Wrath ay alam niya na nakakunot-noo na ito ngayon dahil almost 15 minutes na rin niyang hinahanap ang file na kinakailangan nilang mahanap sa lugar na ‘yon.
“Almost. Why, Lust?”
“Aries is on his way back to his office. Hurry up!” she explained.
“What? Damn it! Interrupt him, Lust. I won’t get out of this office empty handed.” He commanded.
“On it.” Dumako ang tingin niya kay Candice na pasimple naman siyang tinanguan bago tumayo si Luna sa kinauupuan at maglakad papalapit sa nakatayo ng si Aries Santillan.
Bago pa makalayo si Santillan ay nakalapit na sa kanya si Luna, ilang segundo lamang ang lumipas ay sinadya siyang banggain ni Candice na agad naman niyang ginamit na rason to spill her wine on to his shirt.
“Oh my god! I’m so sorry.” Luna said while trying to wipe his shirt with her bare hands.
Napatulala naman si Santillan nang makita niya ang kagandahan ng kaharap. Luna smiled seductively and apologized again.
“It’s okay. Angel,” He said while looking at her with his fiery and malicious eyes.
“I assume that you’re new here?” dagdag pa nito.
“Oh yes, I am. My friend invited me here to celebrate my birthday,”
“Really? That’s great! Happy Birthday! Hope you enjoy your birthday here at my bar,” bati niya sa dalaga habang malisyosong nakatitig sa mukha ng dalaga bago bumaba ang tingin sa gawing dibdib ni Luna na lalong ikinaluwag ng ngiti nito.
“Typical pervert,” mahinang bulong ni Luna.
“I know right,” natatawa namang sagot ni Candice gamit ang maliit na mic at listening device na nakakabit sa likuran ng kanilang mga tainga.
Luna smiled again to show her fake appreciation to his greeting.
“Thank you, Hottie!” Kinindatan pa ng dalaga ang heneral bago tuluyang umalis.
Muling narinig ni Luna na nagsalita si Candice na ngayon ay nakaupo na sa isang high chair stool sa harapan mismo ng bartender ng bar.
“Good job, Lust. Your codename suits you very well.” Candice chuckled.
“I know, right,” pag gaya pa ni Luna kay Candice kanina.
“Wrath, Santillan is on his way. You only have 30 seconds,” Candice informed, Jacob.
“Acknowledge.”
Ilang segundo lamang ay narinig nila sa kabilang linya ang pagmumura ni Santillan kaya naman nag-aalalang nagkatinginan sina Luna at Candice.
“Wrath. You okay? Have they seen you?” pagtatanong ni Luna.
“Nope,” bulong naman ni Jacob.
“Eh bakit galit na galit si Santillan at naririnig pa namin siya rito sa listening device?” tanong naman ni Candice.
“He saw two of his men unconsciously lying on the ground, nakita rin niya yung open window,” he answered.
“So, where the hell are you?” muling pagtatanong ni Luna.
“Outside the window and it’s really cold out here,” reklamo pa ng binata.
Habang natataranta si Santillan sa pag-check kung anu-ano ang mga nawalang papeles ang nakuha sa kwarto niya ay naghiwalay naman si Candice at Luna.
Umakyat si Luna sa second floor ng bar kung saan naroroon ang mga kuwartong ginagamit ng mga parokyano ni Santillan sa pag gamit ng illegal na droga at pagsasamantala sa mga kababaihang bihag ng heneral.
Sa hagdan palang ay sinalubong na si Luna ng isang lalaking may maskuladong pangangatawan.
“Excuse me, Miss? Hindi po kayo pwede rito,” sita sa kanya nito kaya naman ay mabilis siyang yumuko at nag kunwaring lasing.
Nag-angat lamang siya nang tingin sa lalaki nang makalapit na ito sa kanya at matamis na nginitian ito.
Nang bahagyang mawala sa sarili ang lalaki dahil sa ngiting ibinigay niya ay malakas niyang sinipa ito sa tuhod na naging dahilan ng pagkakaluhod ng maskuladong lalaki.
Nagpakawala naman si Candice nang napakalakas na suntok na hindi namalayan ni Luna na nakasunod na pala sa kanya.
Tumama sa panga ng lalaking may hitsurang hindi gagawa ng maganda sa planeta ang pinakawalang suntok ng dalaga.
Pagkarating nila sa second floor ng bar ay naghiwalay sila upang mabilis na suyurin ang mga kwarto rito.
Candice took the left side while Luna went to the other side.
Maraming kwarto rito pero halos lahat ng binubuksan ni Luna ay puro walang mga tao.
“Envy, status?” Luna asked.
“Negative. I can’t find her.” Candice replied.
Natigilan naman si Luna dahil may naririnig siyang mga mahinang pag-iyak. Sinundan niya ‘yon at napatapat siya sa isang silid na kulay pula ang pinto.
Malakas niyang sinipa ang pinto para bumukas. Tumambad sa kanyang mga mata ang halos na sa sampung kababaihan na umiiyak at halatang natatakot sa kanyang biglaang pagdating. Inisip niya na baka narito rin si Amanda so she tried to look for her.
“Is there any girl named Amanda Buenavista here?” Napangiti naman si Luna nang may magtaas ng kamay at lumapit sa kanya.
“Y-yes? I’m Amanda, who are—”
“I’m here to help you, Mr. Montes sent me.” Nakita ni Luna na lumiwanag ang mukha ni Amanda dahil sa pagpapakilala niya at pagpapaalam rito kung sino ang nagpadala sa kanya.
Lumingon muna siya sa mga babaeng nasa likuran niya bago muling humarap sa tagapagligtas. “How about them? We can’t leave them here,”
Dumako rin ang tingin ni Luna sa mga babaeng nasa loob ng silid. Ang ilan sa mga ito ay hindi maipagkakailang mga menor-de-edad pa.
Ang lahat ay takot subalit pilit na pinatatatag ang sarili sa pag-asang muli pang makakasama ang mga mahal sa buhay.
“Who says that we’ll leave them behind?” tanong ni Luna na napangiti pa nang maalala ang linyang ‘no trolls left behind’ sa huling DreamWorks movie na pinanood niya.
Nginitian naman ni Amanda si Luna at tumango upang saglit na kausapin ang iba pang bihag na babae. Ilang saglit lang ay naghahanda na rin ang mga ito para sa gagawin nilang pagtakas.
“Catasthrope, please give us a safe route.” Luna commanded their artificial intelligence bot sa communication device na suot niya.
Nakakonekta ‘yon sa headquarters at sa kanya mismo. Catasthrope is every agent’s means of escape kapag nasa mission sila. Halos lahat kasi ay alam nito.
Isa ang aspeto ng advance technology sa mga rason kung bakit hinahangaan niya ang Hierarchy.
“Calculating safe route.” Lalong lumapad ang ngiti ni Luna nang marinig ang automated voice ni Catasthrope.
“Run straight to the hallway and turn left. Mr. Smile is waiting for you outside, Ms. Lust.” Maya-maya pa’y dagdag nito.
“Got it, Cat! Thanks!”
“My Pleasure. Commencing Black out in…5…4…3…2…1”
Pagkatapos ng countdown ni Catasthrope ay agad na nagdilim ang paligid dahilan para matakot ang mga kasama ni Luna.
“Activate fox eyes.” Luna activitated her contact lenses to help her increase her vision and see everything in the dark.
A few moments later, Luna heard a man’s voice on her listening device.
“In position, waiting for the package to arrive.” Smile announced.
Paglabas ni Luna kasama ang iba pa sa pintuan ay nakaabang na rin doon sina Wrath at Envy kasama ni Smile.
She then later heard several footsteps approaching their position. She’s hundred percent sure that they were Santillan’s men.
“We’ve got company!” Luna informed the other three agents while detaching her gun from her holster na nakakabit sa left leg niya.
Ganoon din ang ginawa nina, Jacob at Candice. Si Smile naman ay agad na nagtungo sa driver’s seat preparing for their sweet escape.
Everyone heard a loud and rumbling noise coming from the engine of their car but it was immediately replaced by the sound of wheezing bullets and loud voices of men after them.
“Cover fire!” sigaw ni Luna.
Patuloy ang pakikipagpalitan nang putok ng grupo nina Luna sa mga kaaway na katulad nila ay kapwa nagkukubli rin para hindi sila tamaan ng bala.
Ilang sandali pa ay nakita ni Luna si Jacob na dinukot ang smoke grenade na nakalagay sa left pocket nang suot nitong loose jeans at mabilis na inihagis sa loob ng pathway na pinanggalingan nina Luna kanina.
Nakangisi pa siyang kumindat kay Luna bago sila sabay-sabay na tumakbo papunta sa sasakyan na mabilis namang pinasibad ni Smile.
Nagtataka namang lumingon si Candice sa likod ng sasakyan bago nagsalita.
“What the heck? Why are they not following us?”
Jacob took off his mask and grinned, all the girls aside from Candice and Luna inside the van was surprise at the sight of his gorgeous face they probably remember who he is now.
“Because I, the Great Wrath, shot their tires.”
“Oh nice, what a smart move from the most stupid person I know,” Candice murmured.
All of them inside the van laughed including the traumatized women who’ve been at the hands of a criminal, except for Jacob who is innocently looking at all of them.
“Why? What? Where? Why are you all laughing?” nagpapalipat-lipat pa sa kanilang lahat ang tingin ng lalaki.
“Nothing,” Luna briefly answered.
They brought the women to the nearest police station kung saan napag-alaman nilang galing pala sa iba’t-ibang probinsya ang mga ito.
At dahil nga isang secret organization ang Hierarchy ay nag panggap na lamang sila Luna na nag mabuting loob na isakay ang mga nakitang kababaihan sa daan at ihatid sa istasyon ng mga pulis.
Ayon sa kwento ng mga ito ay naloko raw sila ng isang illegal recruiter na ipadadala raw sila sa ibang bansa upang mag trabaho, ngunit pagdating nila sa Maynila ay sa bar na ‘yon lamang sila napunta at sapilitang ginawang s*x workers.
Nasa ‘di-kalayuan naman si Mr. Montes na agad bumaba sa kinaroroonang sasakyan nang matanaw si Amanda na nasa Police station.
She ran towards her and tightly embraced her love like there’s no tomorrow. He must be really worried for his dear girlfriend.
“Sana all,” wika ni Jacob na nakangiti habang nakatanaw sa magkayakap na magkasintahan.
“What’s sana all?” Luna asked.
Nalipat naman ang tingin ni Jacob kay Luna na nasa tabi nito at inakbayan ang dalaga.
“And that my friend will be your assignment, try to find some time or motivation to use social media as well, Luna. It’s really fun to use.”
Kinindatan pa siya nito bago ito tuluyang pumasok sa van.
Sumunod naman agad si Candice kay Jacob sa sasakyan pero bago ito tuluyang sumakay ay tinapik pa siya ng dalaga sa balikat na para bang sinasabi nitong isa siya sa mga pinakaboring na taong kilala nito.
She gave the couple a last glimpse, she then met the man’s gaze. He simply nods and mouthed the words, Thank you.
Luna smiled at them and bid her farewell. Pumasok na siya sa sasakyan at tumabi kay Candice na nakatutok sa cellphone.
“What are you doing?” Luna asked.
“Nothing, Lu. I was just checking my schedule for photo shoots this week,” Candice replied.
Her best friend is one of the most prominent faces in the modeling world. She’s a super model who’s often getting requests from international shows from different countries.
“Why? Going somewhere again?” muling tanong ni Luna sa kaibigan.
Candice grimaced. She’s completely annoyed for the idea of visiting other country again just to please well-known, sophisticated, arrogant, higher-ups of the society.
“Supposedly, but I think I won’t go anywhere else.” nagdadalawang-isip na sagot ni Candice
“Aren’t you excited? As far as I remembered, you really love what you are doing. Why are you having second thoughts? Pagsingit naman ni Jacob na kanina pa pala nakikinig sa pinag-uusapan nang matalik na magkaibigan.
“I’m tired.” Candice answered.
“Tired of what? The runway?” pangungulit pa ni Luna.
“No, not the runway. I’m tired of pleasing the higher-ups. They’re very irritating and their narcissism makes me want to p**e,” Candice replied with full honesty.
“They think that the world revolves around them and they are better than anyone else. Rich women will clap for me while watching me on the runway, but will talk ill when I’m not around. They will host extravagant parties while neglecting those people who begs them for food. I truly despise them, I am sick of them,” she added.
Namagitan ang nakabibinging katahimikan sa pagitan ng magkakaibigan. Hindi alam kung ano ang iniisip ng bawat isa. Sabay-sabay na napabuntong-hininga.
“This society is f****d up.” The three of them said in unison, and then sighed again.