EMBERLYNN’s POV: Naninibago ako sa ikinikilos ni Raider. Lalo pa siyang naging masungit. Mainit ang ulo sa akin. Si Rem naman mas naging malambing. Walang palya ang pag dalaw nila sa akin tuwing sabado at linggo. Tapos ko rin ang aking pagsusulit sa aming mother superior. Gano’n pa rin ang mukha niya sa iba at sa akin kung may kasama kami. Ngunit kung kami lang, nagtatagalog na siya. Si Carina hindi pa rin nagbabago wala na itong ibang ginawa kundi ang awayin ako. Gusto ko nang lumaban pero talo lagi ako kasi pinagtutulungan nila ako kasama ng alalay niya. “Lalim naman ng iniisip niyan!” Pukaw sa akin ni Rem. Nagpaalam ako sa aming mother superior baka pwede sa shed na lang ako mag aaral. Nag-angat ako ng tingin at pilit na ngumiti sa kanya. “Oh, bakit sambakol ‘yang mukha mo? Ayaw mo

