EMBERLYNN’s POV: Nakatingin lang ako sa kanya. Bihira din akong kumurap. Sa dami ng sinabi niya wala akong naintindihan. O sa madaling sabi ayokong intindihin. Ang aking dalawang braso naka patong sa aking dibdib. Katabi ko ang aking inay. Ramdam ko ang pangangatal ng kanyang katawan. “Yan na yon?” Matabang kong tanong. Ngumisi ang lalaking nagpakilala bilang aking ama. Naka suot siya ng mamahaling Armani suit. May hawak siyang malaking sigarilyo. “Matapang.” Komento nito. “May pinagmanahan.” Prangkang tugon ko. Sinalubong ko ang kanyang mga mata. “Bueno, gusto kong palitan ang pangalan mo. Isa kang Toledo dapat mong gamitin iyon.” Puno ng pinalidad sa boses niya. “Isa akong Fuentes. Mananatili akong Fuentes kahit kayo pa ang ama ko. Basta na lang kayo susulpot sa buhay namin. Walang

