EMBERLYNN’s POV: Hindi ko maipaliwanag ang aking naramdaman. Naninikip ang aking dibdib pagkalabas ko ng kuwarto ni Elizabeth. Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Sa nakita ko sa video sa ginawa niya kay Cassandra, at sa kapatid niyang si Cedera, at sa nakita ko ngayon, nagtatalo ang aking isip at puso. Magagalit ba ako? O bigyan siya ng pagkakataon, na magbago. Kung darating pa ba ang panahon na iyon? Putol ang mga paa niya. Kaya siguro siya laging galit sa mga nurse na naka-assign sa kanya nalaman niya na kinakaawaan siya. Gaya ko mayroong awa pero nasa isang bahagi ng aking isipan may galit ko. Dahil kumampi siya kay Darius. Ako ang naging bunga ng pagmamahalan nila. Kung nagmahalan nga. Paano kung hindi? Every one-hour tsini-check ko ang overall health status ni Rem. Hindi man l

