EMBERLYNN’s POV: Ang dami kong natutunan sa loob ng isang buwang pagpapanggap. Lamang lang siguro ako dahil mabilis kong matandaan ang dapat gagawin kahit hindi ako dumaan sa tamang pag-aaral. Hindi pa rin ako tumitigil mag aral ukol sa lahat ng scope ng nursing. Bumili na rin ako ng iba’t-ibang libro. Naging masigasig akong matuto. Nakalabas na rin si Tatay Norman. Nakatanggap na rin ako ng unang sahod ko. “Nay, sahod ko po.” Itinulak ko ang sobre sa harapan niya. Hindi ko pa rin naman nabibilang kung magkano ang sweldo ko. Gulat iyan ang nagpangiti sa akin. “An—anak?” Maluha-luha na naman ang mga mata niya. Tumayo ako. Niyakap siya mula sa likuran nito. Maaliwalas din ang mukha ni Tatay. “Para po sa gastusin natin dito sa bahay nay,” malumanay kong saad. “Pero anak, hindi pa naman n

