EMBERLYNN’s POV: Napalabas ako ng silid nila Rem. Ano pala nangyari sa kanila? Napasandal ako sa pintuan. Ang lakas ng t***k ng puso ko, dahil sa pagkapahiya. Ganito ba talaga ang pakiramdam ng hindi totoong nag aral? Para akong tanga. Pinalipas ko muna ang ilang sandali para huminahon ang puso ko. Napahawak pa ako sa aking dibdib dahil sa matinding kaba. “Are you okay, nurse?” Kilala ko siya pero hindi ko alam kung sino sa kanila si Chlyde o Clint. Pareho kasi ang mukha nila. “Ah—eh opo sir, first day ko po kasi kinakabahan po ako.” Nauutal kong tugon. Kahit sobrang laming sa building dahil sa centralized aircon namumuo pa rin ang butil ng pawis sa aking noo. “Ang daming po. Aren't you too young for a nurse?” Nakakunot ang noo niya na tila nagdududa. “Ilang taon po ba dapat ang newly

