MADELINE’s POV: Laking pasasalamat ko ng pauwi na kami ng Pilipinas. Hindi rin nagtagal sina Romulo sa Singapore. Pilit kaming pinag lalapit ng tadhana kahit ilang segundo lang na paghaharap, pakiramdaman ko isang malalim na memory iyon na nakaukit sa aking isip. Kahit segundo lang iyon, para sa akin parang oras na ang katumbas noon. Kahit nga masilayan ko lang sapat. Sapat na nga ba Madz. Aminin na higit pa doon ang gusto mo. Buong maghapon lang, akong nakatingin sa kanya. Wala itong ginawa kundi tumawag ng tumawag sa telepono. Kung wala siya sa glass window gumagamit ako ng thermal devices. Kahit ata nakapikit ako kilalang-kilala ko pa rin kahit bulto lang niya ang nakikita ko. Gano’n kaliwanag nakikita ng puso mo si Romulo Maddy! Kung pwede nga lang hindi matulog para lahat ng oras

