MADELINE’s POV: Parang pinipiga ang puso ko, habang naglalakad papalayo. Gusto kong bumalik, gusto siyang kausapin. Gusto kong mapalapit sa kanya. Gusto kong hilumin ang sagutan niyang puso. Alin ba ang uunahin ko, ang misyon ko o ang aking nararamdaman. Don't be stupid Maddy! “Hey!” Napatigil ako ng tinawag niya ako. Pero hindi ko siya malingon. Dahil ayokong ipagkanulo ang puso ko. Natatakot ako na baka kapag ginawa ko iyon. Tatalikuran ko ang aking misyon at makompromiso ang aking commanding officer. “Yeah?” Simpleng sagot ko. “What’s your name?” Napangiti ako, kahit paano, tinanong niya ang pangalan ko. Umiling ako. Gustong-gusto ko na siyang takbuhin pabalik at yakapin. Damayan siya. Pero hindi ko magawa. “I am just nobody. I am like you. My heart was shattered like glass because

