MADELINE’s POV: Nakatulala lang ako sa mga papel na nasa aking harapan, ang sulat ni Robert ang tickets na gagamitin ko. Saan ako pupunta? Ano ang pipiliin ko. Gusto ko mang hanapin si Romulo. Pero wala na akong kakayahang gawin iyon. Wala akong resources. Baka lahat ng ito mawala sa akin. Mariin akong pumikit. Sinariwa ko ang mga pagkakataon na naukit ko siya sa isip. Ang ngiti, ang pagkibot ng labi niya, ang pagkunot niya ng noo, ang Paghilot-hilot niya ng sentido, ang dalawang beses na aksidenteng nagkalapit kami. Lahat iyon parang linta sa isip at puso ko. Mapait akong ngumiti, pero kasabay ng ngiting iyon ang luha na dumaloy sa aking nakapikit na mga mata. Pinatong ko ang aking kamay sa aking dibdib. Naroon ang sakit, hindi ko alam kung kailan hihilom iyon, pero alam ko, gaya ng s

