MADELINE’s POV: Isang linggo matapos mailibing ang aking ama. Wala akong ginawa kundi imbestigahan ang pagkamatay niya. Mula sa trajectory ng pagbaril. Ang posisyon at kung saan nanggaling ang bala. Wala akong resources. Pero pinilit kong alamin ang totoo. Bawat gabi dinadalaw ako sa panaginip ko ng aking ama. Na tigilan ko na ang paghahanap ng katarungan pero hindi ko magawa. Hindi ko kayang basta talikuran na lang. Siniyasat ko rin ang angulo kung ilang metro ang layo sa pinagmulan ng krimen at ang distansya ng baril. Nakipag tulungan din ako sa mga pulis bilang consultant. Pero isinantabi ko na ang paghihiganti. Gusto lang makulong ang tunay na may sala. At managot sa batas ang kriminal. Pero habang lumalalim ang pagsisiyasat ko sa katotohanan, may umaaligid na sa bahay namin. Doon na

