EMBERLYNN’s POV: Tulala pa rin ako sa nangyari. Wala si Carina ilang araw na matapos kong iwan siya nang walang malay sa basement. Hindi ko naman siya napatay diba? Ilang segundo ko lang iyon ginawa alam ko hindi naman niya ikamatay iyon. Pero binalot pa rin ako ng takot, at nakonsensya ako sa aking ginawa. Puno ng pagsisisi ang isip at puso ko. Lahat ng ibang bata ilag na rin sa akin. Walang ni isang lumapit maliban kina Aldo at Jenna. Lalo pa nang malaman nilang hindi pa bumabalik si Carina. “Len-Len?” Mahinang tawag ni Jenna sa akin. Hindi ko siya nilingon. Natatakot ako baka husgahan niya rin ako. Ramdam ko ang pagpisil niya sa aking mga balikat. Amoy na amoy ko ang mainit niyang hininga malapit sa aking tainga. “Nandiyan na si Carina,” imporma niya sa akin. Para akong nabuhayan ng

