EMBERLYNN’s POV: Nanginginig ang king mga kamay habang hawak ang sulat ni Rem. Isang buwan matapos niyang umalis. Nangako siyang susulat. Oo nga at ito hawak ko ngayon pero dinurog ang aking batang puso. Walang tigil ang pag-agos ng luha sa aking mga mata. Nanlalabo na rin ang aking mga paningin. Halos wala na akong maaninag na letra sa binabasa ko. Isang yakap mula sa aking likuran ang aking naramdaman. “H’wag kana umiyak Len-len please.” Naiiyak na saway ni Jenna sa akin. Lalong bumilis ang daloy ng luha ko. Tinakpan ko ang aking bibig para walang ni ingay na kumawala. Sumiksik din ako sa gilid ng higaan ko. “Ang sakit Jenna, akala ko totoo siya sa akin. Mali pala ako.” Mahina kong sumbong sa kanya. Lalong humigpit ang yakap niya sa akin. Hindi na ako nahiya. Yumakap din ako. Sa kanya

