EMBERLYNN’s POV: Tama nga ang sinabi ni Nanay kanina. Mainit sa Pilipinas. Pag labas pa lang namin sa NAIA tagaktak na ang pawis ko. Agad pumara si Tatay ng taxi. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Pinag sobrero din nila ako at mask. Gano’n din ang ayos nila. Nang huminto na ang taxi agad kinuha ni Tatay ang backpack ko. Inalalayan kami ni Inay pagpasok ng sasakyan. Nang makapasok na si Tatay sa katabi ng driver. “Sa Cubao bus terminal boss.” Tumango naman ang driver. Hindi mapuknat ang mga mata ko. Ang daming sasakyan. “Ano ba yan ang traffic!” Reklamo ng driver. Walang may sumagot sa kanya kahit si Tatay. Ako naman tuwang-tuwa dahil ito ang unang pagkakataon kong makakita ng maraming sasakyan na dikit-dikit at parang walang usad. Nag-eenjoy din ako sa malalaking billboard palabas n

