MADELINE's POV: Paglapat ng likod ko sa dati kong kama, iba na rin iyon, may kutson na. Noon katre ng kawayan lang at pinatungan ng banig. Buti nasanay ang katawan ko sa gano’n dahil kung hindi mahihirapan ako sa training, dahil kung saan-saan lang kami abutan ng tulog. Sa mga puno, talahiban at sa maputik na lupa. Wala pa akong plano kinabukasan gusto ko lang mag enjoy maligo sa dagat at kumain ng kumain kasama ng aking mga magulang. Sigurado mag eenjoy din sila. I am so glad I'm finally home. Kahit ilang araw lang iyon, pakiramdaman ko taon na ang katumbas noon. Noong nasa deployment pinagdadasal kong hindi ako uuwi na tuwid ang paa dahil sigurado ako masasaktan ang mga tatay at nanay. Nakatingin lang ako sa kisame kahit wala akong nakikita, madilim na ang paligid naririnig ko na ang

