MADELINE’s POV: Hindi alam ng mga magulang ko na uuwi ako ngayon sa Morong. Sobrang init pa rin sa Pilipinas. Hinubad ko ang aking jacket. Nag-abang ako ng taxi papuntang Cubao bus station. Sobrang excited na akong makita ang mga magulang ko. Ilang araw ko lang silang makakasama pero susulitin ko iyon bago ko sisimulan ang misyon na naka atang sa akin. Hindi ko pa kilala kung sino ang ka team ko dito para sa mga koordinasyon. Kasi hindi ko naman kaya itong mag-isa. Pero samakatuwid excited na kinakabahan ako sa misyong ito. Ano yan crush agad picture lang? Pero parang akong pinako sa kinatatayuan ko ng makitang palabas sa exit ang lalaking babantayan ko. ROMULO SOESANTO? Mas matangkad at gwapo ito sa personal. Naka salamin pa siya kaya lalong naka dagdag sa appeal nito. Napapalibutan ito

