"Señorito?..... Ano pong ginawa n'yo dun sa basement?" Napatingin si Ms. Mildred kay Agnes. "T-teka, magkasama ba kayo ni Agnes?" "Oo magkasama nga kami." Nanlaki ang mga mata ni Agnes sa guwapong amo, huli na para senyasan niya ito. Nataranta siya habang si aeros naman ay ipinagkibit-balikat lang ang kanyang sinabi at tila wala lamang ito sa kanya. Ang hinala naman ni Ms. Mildred ay lalong nadagdagan, pinagmasdan niyang mabuti ang nakayuko nang si Agnes. "Meron akong ipinahanap kay panget, kaya magkasama kami dito sa basement...... Bakit, may problema ba doon?" Biglang wika ni Aeros. "May ipinahanap kayo?" Dudang-tanong ng mayordoma. "Ano naman po yun, puwede bang malaman, señorito?" Nangunot ang noo ng binata. "Isa yun'g painting na iniregalo ng kung sino sa lola ko, paborito niya

