Ipinagpatuloy ni Ava Leigh ang pagbabasa ng palitan ng mensahe nina Evan at ng babae nito pagkatapos niyang makakuha ng ebidensiya. Napag-alaman niya na matagal pala siya nitong niloloko.
Pitong buwan pa lang siyang buntis ay nag-uusap na ang dalawa. At ang mas ikinagagalit pa niya, alam ng babae na may kinakasama ang lalaking kinakalantari nito. Aware din ito na buntis siya.
“Ano’ng klaseng pag-iisip ba mayroon kayo? Paano ninyo naaatim na pumatol sa isang lalaki kahit una pa lang ay alam n’yo na ngang may karelasyon?” aniya sa sarili habang patuloy na lumuluha.
Pagkatapos niyang mabasa ang mga pinag-usapan ng taksil niyang kinakasama at ni Maridel, tiningnan n’ya ang profile ng babae.
Natuklasan niya na isa itong single mom. May dalawang anak at magkaiba ang ama. Hindi siya makapaniwala na nagawa siyang lokohin ng lalaking pinagkatiwalaan niya para sa isang babaeng may mga anak na din naman.
Hindi sa mababa ang tingin niya sa mga babaeng kagaya ni Maridel na naanakan pero walang asawa o kaya’y walang kinilalang ama ang mga anak. Sadyang nakakagalit lang na naghanap pa ng iba ang partner niya samantalang halos hindi nga sila nito magawang asikasuhin kapag nasa bahay.
May mga pictures pang ipinasa ang babae kung saan panakaw nitong kinuhaan ng larawan si Evan na nakikipaglaro sa anak nito. Nakakagalit lang, pagdating sa sariling anak, para bang wala itong amor. Samantalang nagagawa nga nitong makipaglaro sa batang hindi naman nito kadugo.
“Bakit, Evan? Bakit ipinagkait mo sa anak natin ang pagmamahal at pag-aalaga na lagi kong hinihingi sa ’yo? Namatay ang anak natin na wala man lang kayong kuha na nakangiti ka habang karga siya.”
Nababalot ng hinanakit at sama ng loob ang kaniyang damdamin para sa tatay ng kaniyang yumaong anak.
May iba pang larawan kung saan karga ng lalaki ang isang batang babae na sa tantiya niya ay dalawang taong gulang. Habang ang isang anak naman ni Maridel ay hawak ni Evan sa isang kamay. Ang lapad ng pagkakangiti ng kaniyang kinakasama sa lahat ng pictures na nakita niya.
Pero kapag inaaya niyang mag-picture silang mag-anak, hindi man lang ito ngumingiti at sapilitan pa.
Isa din sa mga nabasa niya ang labis na dumurøg sa kaniyang puso ay ang sinabi ni Evan sa babae, “Nakikisama na lang ako sa kaniya dahil sa bata. Ayaw kong magalit si Papa kapag pinabayaan ko silang mag-ina. Hindi ko naman talaga siya minahal.”
Nalaman din niya na sa online game madalas mag-usap ang dalawa. Kaya pala laging babad sa paglalaro si Evan, dahil ka-chat nito ang babae. Habang siya puyat at pagod sa pag-aalaga ng kanilang anak, ang lalaki naman ay nagpapakapuyat para lang makausap ang babae.
Gusto niya itong sampalin. Pero hindi niya magawa. Hindi siya makapaniwala na kaya nitong matulog nang mahimbing sa gabi. Ang lakas ng loob nitong magloko kahit katabi sila ni Vander.
“Evan, bakit kailangan mong gawin sa ’kin ’to? Bakit?” pabulong niyang tanong habang nakatingin sa partner niya.
Pakiramdam niya ay masisiraan na siya ng bait dahil sa mga nalaman. Sobrang bigat na ng d*bdib niya dahil sa pagkawala ng kanilang anak, natuklasan pa niya ang ginagawang kawalanghiyaan ng lalaking minahal niya ng sobra.
Halos hindi siya nakatulog. Magdamag siyang umiyak. Paulit-ulit niyang itinatanong sa sarili kung ano ba ang naging pagkakamali o naging kasalanan niya para saktan siya ni Evan.
“GOOD MORNING,” bati ni Evan kay Ava Leigh sa paos na tinig.
Nakahiga siya dito patalikod nang maramdaman niya ang pagpulupot ng braso nito sa kaniyang baywang. Tumiim ang bagang niya. Hinawakan niya ang kamay nito at inalis mula sa pagkakapulupot.
Umungøl si Evan bilang pagtutol saka muling ibinalik ang braso. Hinapit siya nito at isinubsob ang mukha sa kaniyang leeg. Hindi na siya nakatiis. Marahas siyang bumangon at humarap sa lalaki.
“Puwede ba, Evan! Tigil-tigilan mo ’ko!” singhal niya sa kinakasama. Bumangon ito at naupo sa kama.
“Ito naman, nilalambing lang.” Akma siya nitong yayakapin ulit subalit umatras siya ng ilang hakbang.
Umangat ang dulo ng labi niya. “Kung makaasta ka akala mong wala kang ginagawang kalokohan, ah!” Tumalim ang mga mata niyang nakatunghay sa lalaki habang mariing nakakuyom ang mga kamao.
Kumunot ang noo ni Evan, naging mailap ang mga mata. “T-Teka, ano ba ang pinagsasabi mo?” pagmamaang-maangan nito.
Lalong nagngalit ang mga panga niya. “Sino si Maridel Cañete? Ano ang meron sa inyo?” usisa niya kahit alam na niya ang totoo.
“Katrabaho ko dati ’yon,” tugon nito, hindi magawang salubungin ang mga mata niya.
“Talaga ba? Katrabaho mo lang ’yon?” nang-uuyam niyang tanong.
“Oo. At saka may mga anak na ’yon. Hinding-hindi ko ’yon papatulan. Ipagpapalit ba kita sa babaeng may anak na?” depensa kaagad ng lalaki kahit wala pa siyang binabanggit tungkol sa kalokohan nito.
“Huwag kang sinungaling, Evan!” Bumilis ang tíbôk ng puso niya at uminit ang sulok ng mga mata sa galit na nararamdaman. “Akala mo ba hindi ko nabasa mga pinag-usapan ninyo doon sa isa mong account?”
Nawalan ng kulay ang mukha nito. “Ang kapal mo! Pangalan pa talaga ng anak natin ang ginamit mo? Hindi ka man lang ba kinilabutan o kaya ay tinablan ng konsensiya habang nakikipagharutan sa babaeng ’yon?”
Bumagsak ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Tumaas-baba ang kaniyang d*bd*b. “B-Bakit mo ginawa sa ’kin, ’to, Evan? Ano ba ang naging kasalanan ko sa ’yo para Iokohín mo? May nagawa ba ’kong mali? May kulang pa ba sa ’kin?” puno ng pait at pagdaramdam na tanong niya.
Napayuko si Evan. Hindi nito sinagot alin man sa kaniyang tanong.
“Ano ba, sumagot ka!” Hindi na niya napigilang mapasigaw. Wala na siyang pakialam kung marinig man siya ng mga kasamahan nila sa bahay.
“Wala akong ginagawang masama, Ava. Hindi kita nilolokô,” kaila pa rin nito.
“Sige, ipagpilitan mo ’yang kasinungalingan mo!” Marahas niyang pinahid ang mga luhang patuloy na pumapatak sa kaniyang pisngi.
“Wala nga kaming relasyon ni Maridel! Katrabaho ko lang ’yon!” mariing tanggi ni Evan. “Kinakausap ko lang naman ’yon kapag stressed ako dito sa bahay,” pagdadahilan pa nito.
“B-Bakit siya ang kailangang kausapin mo? Nandito ako, Evan! Partner tayo. Kung may mga problema ka, sa ’kin mo sabihin. Willing naman akong makinig, eh. Kahit pa ako ang dahilan ng ikinaka-stress mo, pakikinggan pa rin kita.” Nanlalabo na ang mga mata niya dahil sa luha.
“Ang kulit mo naman!” bulyaw nito habang napapakamot sa ulo. “Hindi ko mahal ’yon, kayo ng anak natin ang mahal ko, Ava.”
“Mahal? Kahit kailan hindi mo pinadama kay Vanvan ’yang pagmamahal na sinasabi mo! Madalas kang nakatutok sa cellphone. Ni hindi ka nga yata tumagal sa pagkarga sa kaniya ng fifteen minutes! Mas gusto mong maglaro sa cellphone kaysa makipaglaro sa anak natin. Sa sarili mong anak wala kang gana pero sa mga anak ng babaeng ’yon, ang saya-saya mo habang nakikipaglaro sa kanila!”
Lalong nadúróg ang puso niya nang maalala ang mga larawang nakita. “Bakit kailangan mong magloko, Evan? Kung ayaw mo na, kung hindi ka na masaya, sana nagsabi ka! Handa naman akong magparaya, eh! Hindi ko naman ipagpipilitan ang sarili ko sa ’yo...”
Napaupo siya sa sahig, tila nauupos na kandila. Luhaan ang mga mata niyang nakatingala sa lalaki. Hindi pa rin nito magawang titigan siya sa mga mata. Kahit anong tanggi ng kaniyang kinakasama, hindi maikakaila ng mga mata nito ang katotohanan. Halata sa ikinikilos ng lalaki na hindi ito nagsasabi ng totoo.
“Tumayo ka na diyan, love.” Hinawakan siya nito sa balikat, pilit itinatayo. “Wala nga talaga kaming relasyon. Maniwala ka naman. Ikaw lang ang babaeng mahal ko.”
Mapait siyang napailing. “Nabasa ko lahat ng pinag-usapan ninyo. Lahat-lahat! Nag-uusap na kayo noong pitong buwan pa lang akong buntis. Sabi mo pa nga nakikisama ka na lang sa ’kin dahil sa sa anak natin, eh. Sana pala kung hindi ka na masaya, dapat doon ka na lang sa kaniya.”
“Ang kulit mo naman! Bahala ka sa buhay mo! Sabing wala nga kaming relasyon!”
Padabog na tumayo si Evan. Hindi siya makapaniwala na ito pa ang may ganang magalit sa kaniya matapos siyang gagúhín at pagmukhaing tàngà.
“Isipin mo na kung ano ang gusto mong isipin, Ava. Paniwalaan mo kung ano’ng gusto mong paniwalaan. Basta ako, wala akong ginagawang masama. Hindi kita niloloko, kayo ni Vanvan ang mahal ko,” dagdag pa nito bago siya iniwanan sa kuwarto nila.
Isinubsob niya ang mga palad sa kaniyang mukha. Gusto niyang sumigaw sa tindi ng galit, sakit, at sama ng loob na nararamdaman para sa lalaking pinagkatiwalaan niya ng sobra. Hindi niya akalaing IóIókohín pa rin siya nito kahit may anak na sila.