Kabanata 4

1758 Words
That night, heavy rain began to fall like rice grains. However, Mauve felt happier since she could take a break for a while, because in times like this, no customers dared to visit the lounge. Ngayon, ang tanging gusto na lang niya ay magbabad sa higaan hanggang sa muling sumikat ang araw. Ngunit gaano man ka-komportable ang kanyang kalagayan, hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Paano nga naman siya makakatulog kung patuloy siyang ginigising ng imahen ni Hebrew? She was living in the pub her whole life, but this was the first time she accepted a boarder whose aura seemed more important than their governor. Sino ba talaga ang lalaking 'yon? Bakit ba siya napadpad dito? Ilan lang ito sa mga katanungang umiikot sa ulo ni Mauve habang nakatitig sa kisame. Hindi niya nagawang makapagtanong kanina dahil sa eksenang nangyari. Gayunman, pinagkatiwalaan niya ito agad hindi dahil sa malaking halagang ibinayad ng binata, kundi dahil sa pagtatanggol nito sa kanya. As her mind sailed somewhere else, somebody knocked on the door. Immediately, her heart pumped stronger for she knew, behind that door was none other than the gorgeous Hebrew himself. "Sandali lang," mahinahon niyang bulong habang ang kaba niya'y lalong tumitindi. Nagbuntong-hininga muna siya bago ito pagbuksan. When she opened the door, her breath halted, seeing those deep set of dark-hazel eyes gazing back at her. "Hi, Mauve. Nagising ba kita?" Pinahapyawan ni Mauve ng tingin si Hebrew mula ulo hanggang paa. Magulo ang buhok nitong nakalugay hanggang balikat. For some reason she found it extremely manly and attractive. Naka-sweatpants lang din ang binata. Hindi niya maikakaila na magaling itong magdala ng kahit anong damit. Although at that moment, Hebrew was literally shirtless. "Hebrew, bakit gising ka pa? May problema ba sa kwarto mo?" usisa ni Mauve na pumihit ng tingin sa katabing silid, makaiwas lang na tumitig sa malaking katawan ng kaharap. "Room's okay, Mauve. Just wanna ask if you're serving a night snack. I'm hungry." "Ganun ba?" Tumingin si Mauve sa maliit niyang relo sa braso. It was already nine p.m. Wala nang maghahanda ng pagkain dahil bukas pa babalik si Ella. Kung babalik pa ito matapos ang nangyari. "Sige, magluluto ako. Mauna ka na lang sa baba kasi magbibihis pa ako." "Thank you." Hebrew smiled. Ang isang maliit na kataga lamang galing sa mga labi ni Hebrew, dagdag pa ang matamis nitong ngiti ay sapat na upang matunaw ang sinumang makasilay nito. Marahil ay nalusaw na rin si Mauve kung mahina lang ang kanyang pagpipigil. "I'll wait for you downstairs, okay?" dagdag ni Hebrew bago talikuran si Mauve. Nang makaalis ang binata, naghanap si Mauve ng maayos na isusuot upang kahit minsan lang ay maging kaaya-aya siya sa paningin ng ibang tao, bagay na 'di niya maintindihan sa sarili. Ano ka ba naman Mauve? Hindi naman mahalaga sa'yo kung anong itsura mo, ah! Bakit ngayon, nagpapaganda ka pa? puna niya sa sarili nang humarap siya sa malaking salamin. Kung tutuusin, hindi na niya kailangang magpaganda. She was undeniably beautiful with a face like an angel. And her curves were damn noticeable that even wearing a rag, she would still shine like a royal woman. "Bahala na nga, minsan lang naman ako maging mukhang tao," bulong niya at nagbuntong-hininga na tinungo ang pintuan palabas ng kwarto. o0o Kung kanina'y sa mga isusuot problemado si Mauve, ngayon nama'y ang tanawin ng bar ang halos tumunaw sa kanyang paningin. Nagkalat pa rin ang mga basag na bote sa sahig at mangilan-ngilan na lang ang maayos na upuan at mesa. "Ano nang gagawin ko rito?" halos naluluha niyang reklamo. Wala sa sariling napaatras siya ngunit agad ding bumalik sa huwisyo nang tumama ang kanyang likod sa isang tila matigas na pader. "You don't have to worry about the damages here, Mauve. Like what I said, I'll take charge of everything." Hindi man maipaliwanag ng sarili, unti-unting gumaan ang pakiramdam ni Mauve. Hindi dahil sa pangakong narinig, kundi kung paanong sa mababa at malambing na boses ay humagod sa mga labi ng estranghero ang pangalan niya. Marahang tumikhim si Mauve at bagaman naiilang, taas-noo siyang tumitig sa mga namumungay pang mata ng binata. "Kaya ba malaking halaga ang binayad mo sa'kin?" kunot-noong tanong ni Mauve. "What? No," natawang tugon ni Hebrew. "That check is for my stay here. Hayaan mo, bukas ng umaga bibilhan ko ng kapalit ang lahat ng nasira rito, okay?" "Sige. Naniniwala ako sa sinasabi mo," ani Mauve at muling nagbuntong-hininga. Hebrew's lips curved upward creating a perfect smile. But he said no more words. Pumihit na lang siya sa mahabang counter ng bar at binuksan ang dalang laptop habang si Mauve ay naiwang nakatayo sa likuran niya. Gustong usisain ni Mauve ang ginagawa ni Hebrew. Ngunit sa sariling isipan na lang nauwi ang kanyang curiosity. Akala ko ba nagugutom siya? Bakit may lakas pa siyang gawin 'yan? Gayumpaman, bago pa siya mahuli ni Hebrew na nakatitig sa kanya, binaltas niya ang daan patungong kusina. "Maupo ka muna rito habang nagluluto ako sa loob. Hindi naman ako masyadong magtatagal," ani Mauve sa binata. Ang totoo'y inaasahan na ni Mauve na magpapaluto ang bagong bisita. Wala naman kasing malapit na kainan o convenience store man lang sa paligid ng lounge niya. Kahit nga mga bahay na residencial ay malimit makita. Saka 'yon naman talaga ang silbi ng maliit niyang cafeteria— ang takbuhan ng mga boarder. Ang problema, sa mga panahong walang klase sa pinakamalapit na unibersidad, aalog-alog ang boarding house niya pati na rin ang kainan. Ilang minuto pa ang nakalipas at nailapag na ni Mauve sa harap ni Hebrew ang isang plato ng malaking burger at isang tasang kapeng brewed. Pagkatapos nito'y marahan siyang umatras. "Puwede ka nang kumain, Hebrew." Though not used to that kind of meal, Hebrew thoroughly ate it. "This burger is good." "Mabuti naman at nagustuhan mo," nakayukong wika ni Mauve. Sandaling huminto sa pagnguya si Hebrew. "Why not?" tanong niya sabay higop ng kape. "Para kasing hindi ka sanay sa ganiyang pagkain." Mahinay na tinapos ni Hebrew ang laman ng bibig bago magsalita. "I can't blame you. Sanay naman akong hinuhusgahan ng iba," malungkot na bulong ni Hebrew. "S-sandali..." Hindi napigilan ni Mauve na mag-alala nang makita ang pagbabago ng reaksyon ni Hebrew. Kaya agad siyang napaupo sa tapat ng binata at hindi sinasadyang inabot ang kamay nitong may hawak pang tasa. "Hindi gano'n ang ibig kong sabihin. Para kasing masyado kang mataas para sa ganitong lugar kaya nasabi ko 'yon." Imbes na tumugon, napatingin si Hebrew sa mga kamay nilang magkadikit. Kaya lihim siyang napangiti at binitiwan ang tasa, sabay hawak sa kamay ni Mauve. "You know what, your hand feels so soft." Mauve's eyes grew bigger as Hebrew squeezed her hands tighter. She wanted to pull it from him but Hebrew had no plans of doing such a thing. "H-hindi mo ba tatawagin ang lolo mo? Baka nagugutom na rin siya." Pilit na itinatago ni Mauve ang tensyon na bumubuo sa kanyang dibdib. But even though her heart was beating like a jackhammer, for her the unexpected skin contact between them was a new experience. Umangat ang tingin ni Hebrew sa dalaga. "He's asleep. But if possible, can you just prepare another meal for him?" "O-oo naman. Walang problema," ani Mauve na alanganin ang ngiti. Sa laki ba naman ng binayad mo, mukhang kailangan ko talagang magluto lagi para sa inyo," pabirong wika ng dalaga.Gayunman, alam niyang sobra-sobra pa rin ang halagang 'yon para sa simple niyang apartment. "It covers you too." Mauve blinked rapidly. "A-ano?" Hebrew cleared his throat and let go of Mauve's cold hand. "I'll add extra money for the meal, but it includes you too. Gusto kong lagi mo akong sasabayan sa pagkain, alright?" Nais mang sumagot ni Mauve, nabaling ang atensyon niya sa maliit na piraso ng burger na nakatusok sa tinidor. It was suspended in the air in front of her face. "Please have a bite. Ayokong ako lang ang kumakain," malambing na bulong ni Hebrew. "H-hindi mo ako kailangang subuan..." mariing pagtanggi ni Mauve habang halos iharang ang mga kamay. "Sige, kung gusto mo sasabayan kita. Magtitimpla lang ako ng gatas ko. Hindi na hinintay ni Mauve ang tugon ng binata. Mabilis siyang tumayo sa mesa at tinungo ang kusina. Nang bumalik siya sa counter, napansin niyang seryoso na naman si Hebrew habang nakatitig sa laptop. Ang sipag naman ng taong 'to, Mauve mentally smiled. Walang ingay na bumalik siya sa upuan at pinanood na lang niya si Hebrew. "Um, kung hindi mo mamasamain, gusto kong malaman kung anong trabaho mo?" "Why?" tanong ni Hebrew ngunit nananatiling nasa laptop ang mga mata niya. Kasi boarder kita rito. "Wala naman. Gabi na kasi at wala ka naman sa Maynila. Pero kung makapagtrabaho ka, para kang may hinahabol na kabayo." "Really?" Pansamantalang tumigil si Hebrew at humigop ng kape. He smiled at her and said, "I'm a writer." "Writer?" Napataas ang dalawang kilay ni Mauve. "Yeah, and I came here in your place to get new ideas about what to create," wika ni Hebrew at muling ipinagpatuloy ang ginagawa sa laptop. "Pero bakit?" tanong ni Mauve habang inililigpit ang mga platito at mga tasa. "Wala naman masyadong interesante sa lugar namin. Isa pa hindi naman kilalang tao ang mga nakatira rito." "Maybe that's for you," natatawang wika ni Hebrew. "Pero sa tingin ko, marami akong makukuha para sa susunod kong nobela." "O-okay?" Tumango na lang si Mauve bilang pagsang-ayon bagaman may bahid pa ng pagdududa. Ano nga naman ang makukuha niya doon na kahit nga signal ng telepono ay hindi man lamang inaabot? Maaaring noon, sikat ang bar-apartment na itinaguyod ng kanyang ina. Ngunit lahat ay nagbago nang mamatay ito sa isang malakas na bagyo at halos lamunin ng trahedyang iyon ang kanilang kabuhayan. Mayroon nga siyang ama ngunit hindi na ito bumalik matapos ang insidente. Dalawang oras na ang lumipas at paakyat na si Mauve sa kuwarto niya. Si Hebrew ay nasa baba pa rin dahil sa kung anu-ano pang tinatapos nito sa laptop. Gusto man niyang samahan si Hebrew, pinili niyang magpahinga na lang. Hindi rin naman pinapakita ng binata ang sinusulat nito. "Siguro gan'on lang talaga ang mga nobelista, hindi nila kinukwento ang mga akda nila hangga't hindi pa tapos," bulong ni Mauve nang mapasandal siya sa pinto ng kuwarto. Mayamaya'y napatingin siya sa divider kung saan nakasalansan ang napakaraming libro. Nakangiting nilapitan niya ito at bumunot ng isa. "Nakapaglathala na rin kaya si Hebrew? Kung kasing-galing siya ng paborito ko'ng si Malik, bibili rin ako ng mga nobela niya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD