Kabanata 3

1729 Words
"Are you okay, miss? Nasaktan ka ba?" kunot-noong usisa ni Hebrew. Dinig ang pag-aalala sa mababang boses niya. Ilang sandali ring napatitig ang dalaga sa mga mata ni Hebrew. She was still stunned… at the same time fascinated by his dark hazel brown eyes. "Ah… o-okay lang ako." Hebrew nodded as he frowned, putting all his guards down. "Good." Ang akala niya, umalis na ang matabang lalaki dahil sa labas ng pinto niya ito tinadyakan. Ngunit nang humakbang siya papunta sa dalaga, nadama niyang dinakma siya nito sa balikat at bago pa man siya lumingon ay may kung anong matigas na bagay ang tumama sa kanyang batok. "Hayop ka! Wala kang karapatan para saktan ako, bata!" "Damn it!" asik ni Hebrew habang nakabulagta sa sahig. Hindi pa siya nakaka-recover pero pinilit niyang iangat ang mukha nang marinig ang sigaw ng babae. "Bitiwan mo ako! Bastos ka, manong! Isusumbong kita kay Kapitan!" "Ay, wala siyang magagawa dahil sasama ka sa 'kin at tuturuan kita ng leksyon. Iyon ay sa paraang magugustuhan mo!" Humahalakhak ang matabang lalaki habang nakahawak sa buhok at baiwang ng dalaga. "Aray ko, manong! Nasasaktan ako!" Nais pigilin ng dalaga ang mga luha. Ngunit lubhang masakit ang pagkakasabunot ng lalaki sa kanya. Wala siyang magawa kundi magpatangay dahil mas malakas ito sa kanya. Nang masaksihan ito'y dumilim ang paningin ni Hebrew. Ayaw niyang nakakakita ng binabastos na babae. Maaaring iwas siya sa commitment sa babae ngunit ang makitang pinupuwersa ang mga ito ay hindi kaya ng kanyang puso. May nanay din naman siya, hipag, at ate. Kahit sinong babae ay hindi niya nanaising bastusin nang ganito. Hebrew stood up in a towering height behind the scumbag. Mas matangkad naman siya ng ilang pulgada sa matabang lalaki kaya balewala sa kanya kung malaki ang katawan nito. Para lang itong ampaw na walang laman kundi hangin. Siya naman ay batak ang mga kalamnan at wala ni isang guhit ng taba. "Is that your f*****g practice, you idiot? Hurting women?" Hebrew roared. When the jerk faced him, he kicked him between his fat thighs. Nanlaban pa ang lalaki ngunit sa pagkakataong ito'y hindi na pinalad. "Kapag nakita pa kita rito, ipapadampot na kita sa mga pulis, naiintindihan mo ba?" The young woman was still in shock, but her lips parted in astonishment. She hadn't seen such a man prettier than him before- deep set of mesmerising eyes, a roman nose, chiselled jawline. His long-hair was tied into a low man bun just behind the neck, making him look very streetwise. Ibagay pa rito ang suot na corduroy jacket na bagaman ikinukubli ang katawan ng binata ay halata pa rin ang katikasan dahil sa pagbatak ng mga braso nito at natatanging tindig. Her almond eyes were not even blinking as she watched the newly spotted stranger banging the stout man all over the place like a punching bag. Pero nang mapagtanto niyang kaunting baso na lang ang natitirang hindi pa nababasag, agad siyang lumapit kay Hebrew at hinawakan ito sa braso. "T-tama na sir. Sa tingin ko, hindi na siya uulit!" Hinihingal na tumingin si Hebrew sa paligid at binitiwan ang lalaki na namimilipit sa sakit. Samantala kahit hirap kumilos, pinilit ng matabang lalaki na lumabas ng pub at mga salita ng pagbabanta ang iniwan niya bilang alaala. Hebrew finally gazed at the woman and although a bit exhausted, he freshly dashed his perfect smile. "I'm sorry for what happened. If you could just direct me to the owner of this lounge, I'll talk to him and pay for the troubles I've cause here." The woman uttered no words. Paano niya gagawin 'yon kung sa mga titig pa lang ng binata'y tila nang-aakit na? Eto naman siya't naninigas sa sariling kinatatayuan at hinihintay na lang niyang matunaw ang sariling mga paa "Oh, hindi pa pala ako nagpapakilala!" Hebrew extended his arms to offer his open hand. "I'm sorry, my name's Hebrew. Hebrew Khan. And you are?" She blinked twice and her eyes went down to his hand. She was hesitating to accept it, but she chose to do it as curiosity about the stranger crept into her nerves. "A-ako si Mauve," she whispered, flashing her sweet smile to him. "Mauve?" In his soothing low voice, Hebrew chanted the woman's name. His sound was filled with admiration and curiosity. Unknown to the woman in front of him, at the back of Hebrew's head, he was already studying her. "Pretty. Just like its owner." Mauve raised her head. Although receiving compliments was already an old story for her, she still managed to show her appreciation. "Salamat." Sumibol ang pamumula sa kanyang mukha. Bagaman mahirap alisin ang paningin sa kaharap na binata, bumaling ang mga mata niya kay Jim na papalapit sa pintuan. "Bumalik ako sa sasakyan dahil akala ko matatagalan ka pa sa pakikipagbugbugan," hinihingal na sabi nito bitbit ang maleta. "Kasama mo ba siya?"tanong ni Mauve na nahihiyang ngumiti kay Jim. Hebrew turned his head towards the door. He walked over to Jim and smiled as he helped him carry the luggages. "Lolo naman, sabi ko ako na ang magdadala ng mga gamit natin. Bakit lumabas pa kayo sa kotse?" Tila naglaho ang p*******t ng likod ni Jim dulot ng pagbubuhat. "L-lolo?" aniya nang tuluyang makapasok sa loob. "Kailan mo pa—" "Mauve, this is my Lolo Jim." Hebrew blocked the old man from questioning him. Inakbayan niya ito habang nakatingin sa naguguluhang dalaga. "We're gonna be renting here. I hope there's still rooms for us. Tig-isa kami." Hindi na muling nagsalita pa si Jim. Bagaman hindi pa niya ganap na suportado ang desisyon ng binata'y kibit-balikat na naman siya sa desisyon nito. "D-dito?" hindi makapaniwalang usisa ni Mauve. With her eyebrows raised, she scanned the expensive strangers standing in front of her. "Sigurado kayo?" "Yeah." Hebrew said, picking up his huge luggage. Lumapit siya kay Mauve at nang pulgada na lang ang pagitan nila'y muli niyang ipinamalas ang matamis na ngiti. "So, can you show us the way now? Kailangan na naming magpahinga. Lalo na si Lolo." "P-pero..." Mauve was hesitating as she squeezed her lips. Paanong ang mga taong kagaya nila'y mapapadpad sa lugar na 'yon na tila hindi pa naaabot ng sibilisasyon? Bakit doon pa sa antigong apartment niya nanaising tumuloy ang mga ito? Sari't sari pa ang katanungan sa isipan ni Mauve at sa pananabik na malaman ang mga kasagutan ukol rito, lumabas sa kanyang mga labi ang tugon na hindi niya inaasahang sasabihin. "Sige. Sundan n'yo ako sa taas. o0o Walang ibang maririnig sa pasilyo kundi ang mabagal na yabag ng mga sapatos ni Hebrew. Una nang naihatid ni Mauve si Jim sa kuwarto nito at ngayo'y patungo naman sila sa silid ni Hebrew. "Malayo pa ba?" tanong ni Hebrew nang muli silang humakbang sa ikatlong palapag. Hindi niya akalaing ganito kataas ang apartment. Kung tititigan kasi ito mula sa labaa ay tila karaniwan lang ang laki. Kaya ngayon ay napapabuga na lang siya ng hininga sa tuwing may lalagpasan silang silid. "Ito ang magiging kuwarto mo," ani Mauve nang tumigil siya sa pintuang katabi ng isa pang hagdan pataas. Marahan niya itong binuksan. "Pasensiya kung ito ang ibinigay ko sa 'yo. Ito lang kasi ang alam kong papasa sa panlasa mo," dagdag ni Mauve na kinakagat ang labi. With keen and inspecting eyes, Hebrew explored the room. Sa bawat estante at kagamitan, napapatango na lang siya. "Not bad," aniya. Mula sa appliances hanggang sa mga dekorasyong nakadikit sa asul na pader, halos kumpleto na sa kagamitan. Hindi man maihahalintulad sa silid niya sa condo unit at sa kuwarto niya sa mansyon, sa isip niya'y maaari na ring pagtiyagaan ang silid na ito. "I think I can stay here for a few months," he sat on the mattress and ran his hand over its cottony surface. "Sandali…" Mauve frowned as she crossed her arms over her chest. "Matatagalan ba kayo rito?" "Yeah," ani Hebrew at nahiga sa kama. May unan naman ngunit sa mga braso siya umunan. It highlighted the lean muscles of his arms. "Bakit mo tinatanong?" "Kailangan kong malaman. Ganoon talaga kapag may uupa. Tinatanong ko kung hanggang kailan sila," paliwanag ni Mauve sabay lunok. Iniwas niya ang paningin sa nakahigang binata bago siya tuluyang matulala sa magandang tanawin. Marahang bumangon si Hebrew. Humakbang siya kay Mauve habang may kinakapa sa loob ng coat. Pagkatapos nito'y dumukot naman ng ballpen sa bulsa at sinulatan ang isang pahina ng checkbook. "Ang totoo niyan, hindi ko alam ang eksaktong ilalagi namin dito. Kaya ito lang muna ang maibabayad ko." Maiging tinitigan ni Mauve ang binata at bago siya muling magtanong, iniaabot ni Hebrew sa kanya ang tseke. "I'm sorry kung ngayon ko lang naibigay ang payment." Mauve shifted to the check. Pagkabasa ng halaga rito'y halos lumuwa ang kanyang mga mata. "fifty thousand pesos? Okay ka lang ba?" "Bakit? Kulang ba?" Piniga-piga ni Mauve ang mga mata at muling tumitig sa tseke. In her thought, it was too good to be true. Sinong mokong nga naman ba ang magbabayad ng ganito kalaking halaga para sa kapirasong kuwarto? Wala naman siyang maiaalok na malawak na swimming pool, cafe, o modernong gym equipments. Ang tanging maihahandog lang ng kaniyang munting 'hotel' ay sariwang hangin, mala-Paraisong Eden na hardin at makapigil-hiningang Malaya Falls na matatagpuan lang sa likod-bahay. "Masyado lang malaki ang halagang ito. Kung tutuusin, dalawang libo lang ang upa. Sa laki ng gusto mong ibigay, parang gusto mong isanla ko sa 'yo ang bahay ko," paliwanag ni Mauve. She extended her arms to lend the check back to Hebrew. "Oh, please just accept it. Sabihin na lang nating fee ko pa 'yan para sa iba pang bagay." He wrapped his large hands around Mauve's hands with that piece of check inside it. "Sige na. Just keep it." Mauve wanted to pull back. Ngunit mahigpit ang paghawak ni Hebrew sa mga kamay niya. For some reason, their skin contact sent a sudden electric charge up and down her spine. Hindi niya batid kung masisiyahan ba o mag-aalala sa tinuran ni Hebrew. "A-anong ibig mong sabihin tungkol do'n sa iba pang bagay?" "I don't know exactly." Nagkibit-balikat si Hebrew. "Sabihin ko na lang sa 'yo kapag naisip ko na," aniya at binitiwan na ang mga nanlalamig na kamay ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD