Kabanata 2

1785 Words
Nagsindi ng isang sigarilyo si Hebrew at bumuga ng usok kasabay ng pagsagot sa matandang alalay. "Si Selina mismo ang nagsabi sa 'akin bago siya lumayas." Nagbibiro ka lang, hindi ba?" Jim's voice howled as the wind blew stronger. Just by imagining what Hebrew had sad made him totally lost his composure. "Naku, Hebrew. Kapag nalaman nila na nakausap mo si Selina, lalo silang magagalit sa 'yo." Niluwagan niya ang sariling necktie at maingat na kumapit sa malamig na bakal. Kaunting maling kilos lang, maaari siyang madulas at mahulog sa gilid ng barko.  Hebrew sighed. "Wait, Jim. You have to hear me first…" "Hebrew, sa oras na malaman 'yan ng Ate Beatrice mo, papalayasin ka niya nang tuluyan sa Khan Daily Bulletin. Alam mo namang lagi ka niyang hinahanapan ng butas." Sa kabila ng pagbabanta ni Jim at ng maligalig na buga ng hangin sa laot, nanatiling kalmado si Hebrew na tila nakikinig lang sa paborito niyang musika. Alam niyang magagalit ang matandang alalay kaya nga pinili niyang maglahad sa lugar kung saan walang ibang nakakakilala sa kanila at kung saan hindi magwo-walk out ito. "Pinakiusapan ako ni Selina na ilihim ang pupuntahan niya at pumayag ako. I don't break a promise, Jim," bulong ni Hebrew na muling tumanaw sa madilim na karagatan. "Naiintindihan ko si Selina. Naluluto na ang isip niya dahil sa araw-araw nilang away. Siguro kailangan din niyang magpahinga minsan sa lugar na malayo sa mansyon." "Ito ba ang payapang sinasabi mo? Na kailangan pa nating lumusong sa lugar na hindi nakikita sa mapa dahil nagkakagulo na sa pamilya?" "Oo, Jim." Tipid na ngumiti si Hebrew sa matanda na tila nadagdagan pa ang mga guhit sa noo. "I think Kuya Beau have learned his lesson. Siguro naman kapag nakita niyang muli si Selina, hindi na niya pababayaan ang asawa niya. Masyado siyang naka-focus sa broadsheet, hindi niya naiisip na nababale-wala na ang asawa niya." Hanggang ngayon, nakikita pa rin ni Hebrew ang labis na lungkot mula sa mga mata ni Selina bago ito sumakay ng taxi. It was three months ago. Sapat nang panahon para makapag-isip ang hipag niya. Kaya ngayon, kukunin niya ito saan mang lupalop ng Pilipinas magtago. "Sana nga't makita natin siya, Hebrew. Buntis pa naman ang hipag mo bago umalis." "We will find her." Hebrew nodded, lightning another cigar. "Maliit lang naman ang Canyunez." "Paano ang budget mo?" Hindi napigilan ni Hebrew ang matawa. "Iyan ang bagay na hindi ko pinu-problema." For Hebrew, appreciation was maybe a bit scarce. Pero sa salapi ay wala siyang issue. Aside from being a famous novelist and an online editorial head of KhanDailyBulletin.com., his father was secretly wiring a six-digited money allowance in his account. Ito lang ang kayang ibigay ng ama sa kanya.  "I'm gonna find Selina and anything behind this mission will all be credited to me. Hindi sa mga private investigator, hindi sa mga pipitsuging tauhan ni Kuya Beau, understand?"  Jim was silent but as Hebrew looked into his eyes, they screamed tension. Pero katulad ng madalas mangyari, uunawain na lang niya ang binata. "Bahala ka na nga." He extended his arms to Hebrew and soothingly tapped his shoulders. "O, siya. Magpapahinga na ako sa cabin. Hindi ako makakatagal sa lamig ng hangin dito sa labas." Jim slowly turned his gibbous back at Hebrew and lumbered away from him who was already in his fifth stick of Marlboro. Habang papalayo ang matandang alalay ay hinahatid niya ito ng paningin. Alam kong hindi mo ako matitiis, Jim. Hindi mo ako ilalaglag. Thank you for being by my side, he thought, releasing a perfect circle of smoke from his mouth.  Time streamed by with the ocean waves and now it was 5:30 in the morning. Habang papalapit ang higanteng barko sa Canyuez Port, unti-unti nitong ibinababa ang bakal na tulayan. Kasabay nito'y umugong ang tunog na tila trumpeta. Agad na tumayo si Hebrew mula sa barstool ng isang cafe doon. He turned his curious gazes through the cafe's glass window and his lips parted in amazement. Heavy mists obscured his view of the island, but as they got closer and closer, though it was a bit dark, different shades of green and brown began to shine its beauty at last.  "What an island," bulong niya at hinigop ang natitirang latte. o0o "Kahit maliit ang Canyuez, marami din palang mga hotel dito." Jim was holding a brochure which he got from a female crew as they left the ship. "Okay, let's see..." He cleared his throat and skimmed through the pages. "Midtown House, Buj Hotel, Traveller's Inn, Canyunez Hotel..." "We're not staying in any of those hotels." Hebrew snapped, as he drove out of the ship. Binaybay niya ang malaking gate hanggang sa tuluyang makalabas sa daungan. He was now in a different world, in a rural place unknown and far from the complicated city. Strangely, he felt peace and so at home.  "Bakit hindi?" Jim asked. His brows furrowed in confusion. "Sa totoo lang, kahit buong hotel, puwede mong upahan dito hanggang sa makita natin si Selina." Hebrew shook his head. "That's a fact, Jim. Pero mas gusto kong mag-check in tayo sa hindi masyadong kilala na lugar. Hindi atin alam, baka may bigla tayong masalubong na kakilala natin. Marami kayang pumupuntang turista rito." "Sabagay, tama ka." Ikiniling ni Jim ang paningin sa labas. Hindi nito napigilang ngumiti dahil sa natatanaw na hanay ng mga punong niyog sa gilid ng highway. Ang ang mahabang hanay ng mga berdeng kabundukan ay tila walang katapusan.  "Teka, alam mo ba ang eksaktong lugar si Selina?" "Hindi. Pero naniniwala akong makikita natin siya kaagad. Magkakakilala naman ang mga tao rito." His foot pressed the accelerator harder. Wala namang ibang sasakyan. "Humahanga ako sa tiyaga mo, Hebrew," matamlay na papuri ni Jim. "Sana makita ng pamilya mo ang pagsisikap mong makuha nang buo ang pagmamahal nila. Lalong-lalo na si Beatrice." "Wala naman akong ibang choice, Jim." Kaliwa't kanan ang paningin ni Hebrew hanggang sa lumiko siya sa isang kalsada. Doon ay makikita ang mga nakaparadang tricycle sa tabi at ilang sibilyan na nagmo-motor. "Involved na ako simula pa lang. Saka kagaya nga ng sinabi ko, baka makakuha ako ng bagong inspirasyon para sa susunod kong nobela. Ilang linggo na rin akong kinukulit ng editor ko sa Flippage."  "Oo nga pala. Bakit ba hindi na ako nasanay sa 'yo? Mahilig ka nga palang mag-multi-task." Jim closed his eyes and pressed his back firmer on the car's seat. "Siya, gisingin mo na lang ako 'pag nakapagdesisyon ka na kung saan tayo tutuloy." "No problem." Hebrew drove for an hour, making him frown impatiently. Lalo pa siyang nag-aalala dahil habang lumalayo siya ay pasikip nang pasikip ang daanan.  "Nasaang lupalop na kaya kami?" Inihinto niya sa tabi ang kotse at lumabas muna. Sinundan naman siya ni Jim na kagigising pa lang. "Nawili ka yata sa pagmamaneho, Hebrew." Iginala ni Jim ang paningin ngunit bigo siyang makakita ng kahit isang bahay. "Mukhang walang nakatira rito. Puro punong kahoy lang." Hebrew sighed, catching his forehead. "Sorry, Jim. Dapat nakinig ako sa 'yo na sa hotel na lang tayo tumuloy." "Kailan ka ba nakinig sa 'kin?" ani Jim at nagbuntong-hininga. Lumingon siya sa di-kalayuan at maya-maya'y sumilay ang ngiti sa mga labi. "May bahay doon," he said, pointing his index finger to the other side of the road. "Really?" Agad na lumingon si Hebrew sa dakong itinuturo ng matanda. Nang makita niya ito'y kumintal ang ngiti sa kanyang mga labi. "Mauve's Traveller Pub?" bulong ni Hebrew. Namilog ang mga mata niya sa pagmamasid dito. "Akalain mong may paupahan pala sa ganitong lugar." Konkereto ang dalawang palapag na bahay. Masukal ang papunta roon ngunit nang pumasok sila sa nakabukas ng gate ay hindi napigilan ni Hebrew ang humanga sa ganda ng compound. Sa bawat dako ay may namumulaklak na halaman na halatang busog sa pag-aalaga. Maganda rin ang pagkaka-landscape. Napansin pa niya ang malawak na fishpond sa likod ng Nara at sa kabilang dako naman ay may palaruan. Hindi rin nakatakas sa pandinig niya ang lagaslas ng tubig sa bandang likuran ng bahay. Tila ang tubig na iyon ay nagmumula pa sa mataas na bahagi. Mula sa kaniyang kinatatayuan ay tanaw niya ang batis. Papunta na sana si Hebrew sa likod-bahay nang may marinig siyang sumisigaw sa loob ng pub.  Awtomatikong pumihit si Hebrew upang mag-raid sa loob. Kahit na pinipigilan siya ni Jim ay walang pakialam. o0o "Isang beer nga!" One stout man shouted as he waved his arm in the air. Nang hindi siya nakakuha ng pansin mula sa counter, agad siyang tumayo at marahas na pinabagsak ang makapal niyang mga kamao sa mesa. "Sabi ko, isang beer!" "S-sir, hindi po kami nagbebenta ng beer dito," mangiyak-ngiyak na tugon ng isang balingkinitang babae. "Ano ba 'yan. Magsara na nga lang kayo!" Dismayado itong umiling. Mayamaya'y biglang napangisi. "Alam mo, miss. Ang ganda mo 'pag natatakot. Ano nga pala ang pangalan mo? Gusto mo bang umupo sa table ko?" "H-ho?" Napalunok ang babae at marahang umatras. "P-pasensiya na po, sir. Dito lang po sa likod ng counter ang puwesto ko." "At nagpapakipot ka pa, ah!" Tumayo ang matabang lalaki sa barstool at bagaman may harang na mahabang mesa, maliksi niyang dinakma ang braso ng babae. "Magbabayad naman ako, ah! Magkano ba ang gusto mo para mailabas kita?" "Mawalang-galang nga ho, hindi tini-take-out si Ella!" The fat guy turned his head over his shoulder and stared at the young woman standing behind him. Hindi nito namalayang lumuwag din ang pagkakahawak kay Ella kaya nakawala ito at humahagulgol na tumakbo palayo. "Hindi ho ba kayo nahihiya? Ang laki-laki ng katawan n'yo pero nambabastos kayo ng babae?" The woman said, raising her eyebrow. "Ang lakas din ng loob mo na kausapin ako nang ganyan! Hindi mo ba ako nakikilala? Bisita ako ng kapitan n'yo rito. Nakikiusap siya sa 'kin na pondohan ko ang ipapagawa niyang evacuation shelter kaya dapat makisama ang lahat ng tao rito sa 'kin." "Talaga ho?" The young woman asked in amazement but sarcasm was painted all over her kind and angelic face. "Ipagpaumanhin n'yo ho, sir. Kung kayo ang magbabayad para sa evacuation center dito, mas gugustuhin ko pang magpatangay na lang sa darating na bagyo." "Aba'y hindi ko na gusto ang hilatsa ng dila mo, babae!" Lumipad ang kamay nito. "Stop!"  Ang makapal na kamay na nakalaan sana sa dalaga'y agad na sinapo ni Hebrew. He squeezed and twisted the stout man's wrist. "Aray ko po!" Nang magbukas ito ng paningin ay nakahandusay na sa may pinto. "Walang hiya ka. Pakialamero ka!" Sinikap nitong tumayo, ngunit hindi pa nga umaangat ang mukha, muli itong tinadyakan ni Hebrew.  "Get out!" he roared. "Kung hindi. Mas malala pa diyan ang matatanggap mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD