Chapter 8

2197 Words
"MAGKANO LAHAT?" tanong ni Ammira sa casher matapos i-punch lahat ng pinamili nila. Buti na lang at may ganitong establishment dito sa bayan. Kompleto ang kagamitan. 'Yon nga lang mga low quality ang mga products. Pero 'di bale na mapagtatiyagaan naman. Bumili na rin siya ng oven na non-electronic. Tapos na rin silang mamalengke dahil inuna nila iyon. Tinagdagan na rin niya ang groceries supply nila baka maubusan sila at hindi pa sila makakabalik sa bayan. "Ninety-nine thousand, eight hundred forty-five point thirty, maam," anang casher. May tinging nagdududa pa ito kay Ammira. Did she think Ammira can't pay those? "Tumatanggap kayo ng card?" aniya sa casher na panay nguya sa bubble gum nito. "Hindi po ma'm, cash only," sagot nito na nakataas pa ang isang kilay. Problema nito? Tumango naman si Ammira saka dinukot ang isang bundle ng pera sa bag niya. "Here, keep the change," aniya nang iabot nito ang pero. Bumalatay naman sa mata ng babae ang pagkamangha saka nakangiti na ito at tinanggap ang pera. "Thank you, Maam," anito. Tumango lang si Ammira saka hinanap ng mga mata niya kung saan naghihintay si Gyven at Cindy. Mabilis niya lang itong nakita dahil nasa may exit lang ito ng establishment. Ngumiti pa ito ng tumingin sa kaniya saka lumakad papasok sa loob at pumunta sa gawi niya. "Is everything ready?" Tumango siya. "Ang ibang gamit mo nasa sasakyan na at naghihintay na sa labas," imporma nito saka walang paalam na kinuha ang naka cellophane at naka-cartoon na pinamili. Dumating rin ang driver para tulungan siya sa iba pang nakakarton na groceries. Matapos makuha ang resibo ay sumunod na siya rito. Napahinto pa siya nang magdesisyon na tingnan ang cellphone niya dahil kanina pa ito tunog ng tunog at pilit niya iniignora. Mukhang may signal na nga dito sa bayan. She open her cellphone and saw the messages from different persons. Binuksan niya iyon isa-isa at binasa. Galing iyon sa mga kasamahan niya sa trabaho, sa mommy niya kay Ashley at sa manager ng Cafeteria niya. Mga weekly report. Nothing bad naman. Hanggang sa madako siya sa isang text messages na nagpatindig ng balaihibo niya—galing sa unknown number. Hinahanap siya nito. At nakiusap na mag-usap sila. And that messages was from Ace few days ago. Sinabi pa nito sa minsahe na aayusin nila ang lahat, dahil magulo sa kanila. And her parents were looking at her. Pinatay niya ang kaniyang cellphone at pilit na iniignora iyon. Pero may isang bahagi ng puso niya na gustong umuwi. She missed them. Ang Daddy niya, Mommy, si Ashley and Ace. Umiling siya para iwaksi ang mga nasa isip. Nagpatuloy na siya sa paglalakad hanggang sa makarating sa sasakyan nila at pumasok na sa loob. "Are you okay?" tanong ni Gyven nang mapansin ang malungkot na mukha ni Ammira. Tumango naman siya. Napasinghap pa siya ng biglang tumunog ang cellphone niya. Kaya tiningnan niya ito. May tawag at alam niyang galing iyon kay Ace gamit ang ibang numero dahil iyon din ang gamit nito pantext. Hindi niya alam ang gagawin but she found herself answering the call. Nanginig pa ang kamay niya nang marinig ang familiar na boses sa kabilang linya. Ang boses nitong nagpapangiti sa kaniya dati. How she missed those voice. Pero ngayon, gumuguhit ang sakit sa puso niya kapag naririnig niya iyon. "Mira," sambit ulit ng nasa kabilang linya nang walang marinig na sagot mula sa kaniya. Gusto niyang maiyak. Mahal na mahal niya si Ace, pero hindi na niya ito pwedeng balikan. Gusto niya ulit yakapin ito pero impossible. Pero kung manghihingi ito ng tawad ay baka mapatawad niya ito at tanggapin ulit. Pero masasaktan rin ang kapatid niya. Kahit naman gano'n ang ginawa ni Ashley ay mahal pa rin niya ang kapatid at pipiliin niyang masaktan maibigay lang ang kaligayahan na nais ni Ashley. Kaya nga umalis na lang siya agad at hindi na sinubukang bawiin si Ace. At mukhang mahal rin naman si Ashley ni Ace, she saw it when he tried to protect Ashley from her. "Mira, I know you're there. Mira I'm sorry for what I have done. Please umuwi ka na. Let's talk and let's settle everything," narinig niyang sabi ni Ace. Nanghihina ang kalooban niya. Isang pangungumbinsi na lang ni Ace masisira na ang harang na pinundar niya sa pagitan nilang dalawa. "A-Ace…" "Ashley is looking for you, at nahihirapan na siya. She's blaming herself dahil akala niya napahamak ka na. She's too pity and I'm afraid na baka ikasama niya iyon." Natigilan si Ammira sa sumunod na sinabi ni Ace na mas lalo lang nagpabigat sa nakaramdaman niya. Napakuyom pa siya ng kaniyang kamay at mahigpit na napahawak sa aparato. She was hoping. Namasa na ang mga mata ni Ammira nang mga sandaling iyon. Wala na talaga siyang pag-asa pa kay Ace. Si Ashley pa rin ang iniisip nito. He was doing all of this just for Ashley. Wala na talaga siyang lugar sa puso nito. Napaka-insensitive, ni hindi man lang inisip kung ano ang mararamdaman niya. But, at the same time she's glad naman na mahal ni Ace si Ashley. In that way panatag siya. Alam naman niyang mabait si Ace at aalagaan niya si Ashley. Marahil ay hindi lang talaga sila ang destiny. Pero masakit pa rin sa kaniya ito. It will take time to heal. Nagulat si Ammira ng biglang hablutin ni Gyven ang cellphone niya. "She's okay, she's happy. So stop bothering her and don't talk to her!" angil ni Gyven sa kabilang linya, saka pinatay ang tawag nito. He even take her sim and throw it. "Ano bang ginagawa mo, Gyven?" asik niya rito. Tiningnan siya ni Gyven. Wala siyang nababasang anuman sa mga titig nito. Isang malamig na titig lang iyon. "This is better. You're here to move on. At kung magpapakamartir ka, you're just wasting what you invested," walang emosyong sabi ni Gyven. Lalo lang tuloy siyang napaiyak. Isang iglap lang, she found herself sobbing in Gyven's arm. Hinahaplos ni Gyven ang buhok niya na nagpagaan sa mabigat na bagay sa puso niya. His warmth give her comfort. He's right, she's here to move on. At ang ginawa ni Ace at ni Ashley sa kaniya ay hindi simpleng pagkakamali lang. They choose to cheat on her. They choose to ruin what they have, so she will let them suffer and deal for what they've done. They deserve it. And she deserves someone better and contented to her. Hindi naman siguro masama kung magpapaka-sekfish siya minsan. Just now. Balang araw magiging masaya rin siya kasama ang taong nakatadhana sa kaniya. Matapos kumalma ay pinakawalan na siya ni Gyven. Umandar na rin ang sasakyan nila at tuluyan ng umalis. HABANG nasa biyahe ay abala ang paningin ni Ammira sa labas ng bintana. Pinagmamasdan ang bawat nadadaanan nila. Iniisip ang mga bagay na pinagdaanan niya. At kinukumbinsi ang ang sarili, that everything happen for a reason. HINDI mapakali si Gyven habang panakaw na sumusulyap kay Ammira. Tulala ito habang nakatingin sa labas. He don't understand himself everytime he sees Ammira cry. Nararamdaman niya ang bigat sa puso nito, animo nahahawa rin siya. Alam niya ang sakit na nararamdaman nito dahil naranasan na niya ito. Pero alam niyang mas masakit ang nararamdaman nito. Mas malaki ang impact ng sakit kapag babae ang nakakaramdam niyon. Mas mabigat at mas masakit. Kaya nga sa t'wing nakikita niya itong malungkot parang gusto niya itong yakapin at iparamdam dito na iwan man siya ng buong mundo, nandito naman siya. Nandito ang mga bisig niya na handang iparamdam sa kaniya na hindi siya nag-iisa. Minsan tuwang-tuwa ito kapag naiinis siya kaya hinayahaan na lang niya itong inisin siya. Kung 'yon lang ang makakapagpasaya sa kaniya. Kung iyon lang ang makapagpangiti sa kaniya. Bakit pa niya pipigilan kung ikagagaan rin naman iyon ng kalooban niya. Seeing Ammira smile is like an achievement for him. He feels like Ammira is precious and fragile that needs his extra care. Dahil karapat-dapat itong ingatan. Gag* lang iyong taong nanakit dito. Alam niyang sa sandaling ito iniisip ni Ammira ang lalaking iyon. Kaya he needs to do something para mabaling sa iba ang iniisip ni Ammira. "Wanna eat?" aya niya dito nang iabot ang isang pulang mansanas kay Ammira. Napatingin ito sa mansanas saka bumaling sa kaniya. He saw again the pain that drawn in her eyes when their eyes meet. "Don't think to much. Nakakapangit iyon, sayang naman kung pumangit ka," pang-aasar niya dito. Sumimangot naman si Ammira saka tinalikuran siya ulit. Ano bang gagawin niya para harapin siya ni Ammira. Parang nadagdagan lang yata ang lungkot nito sa sinabi niya. Hindi naman kasi niya alam kung paano ito suyuin. "Ayaw mo ba ng mansanas? Baka gutom ka na, hindi ka pa kumakain simula nang dumating tayo," aniya na pinagdarasal na pansinin siya nito. Tumikhim pa siya ng wala pa ring sagot na nakuha mula sa dalaga. Binaba na lang niya ang kamay niya dahil nakakangalay na rin. "Bahala ka na nga d'yan ang hirap mo namang suyuin," himig nagtatampong saad ni Gyven. Do'n lang lumingon si Ammira sa kaniya na namumungay ang mga mata. "Pasensya ka na Gyven, may iniisip lang kasi ako. Akin na nga iyang apple ang kulit mo," aniya saka hinablot ang mansanas rito at kinagatan na nga niya. Napangiti naman si Gyven habang nakatingin kay Ammira na kinagat ang mansanas. "Hindi pa pala iyan hugas," biglang sabi ni Gyven na nalalaki ang mga mata. Agad namang niluwa ni Ammira ang nginuyang apple. "What?!" bulalas niya saka tiningnan ng masama si Gyven Napapakamot naman ang binata sa ulo habang nangingiti. "Hindi ko naman akalain na kakagatin mo agad," alanganin niyang sabi. "Ang bobo ng mindset mo," gigil na hampas niya kay Gyven. "Sana sinabayan mo ng tubig pagkabigay mo. Walang hiya ka, inaasar mo lang ako, eh." Patuloy pa rin niyang hampas rito. Si Gyven naman panay tawa habang sinasalo ang mga hampas at kurot ni Ammira. Natatawa na rin sina Cindy at ang driver nito. Matapos magsawa ni Ammira sa kakahampas sa kaniya ay kinuha niya ang mansanas nito saka pinalitan ng bago at hinugasan bago binigay agad. "Thank you!" pasigaw na saad nito. Mas maganda pa rin sa pakiramdam kung nasa kaniya lang ang attention ni Ammira 'di baleng bugbog sarado siya. It's much better. TAKIP SILIM na nang makarating sila sa bahay. Pagkatapos pagtulungan nilang i-diskarga ang mga pinamili ay nagpaalam na si Gyven, dahil malayo pa ang byahe nila. "Ayaw mo bang maghapunan muna, anak?" pangungumbinsi ni Lola Lia. "Sa bayan na lang ho lola, mag-te-take out na lang ho kami. May emergency daw po kasi sa kompanya sabi ni Daddy," tanggi ni Gyven. "Gano'n ba? Oh, siya sige ikaw bahala. Mag-iingat kayo, madilim na ang daan." Bilin ni Lola Lia. Nasa sofa lang si Ammira at kunwari nanunuod ng TV pero ang totoo nakikinig sa usapan nila. Naramdaman pa niya ang mga titig ni Gyven kaya lumingon siya at sakto namang nagtama ang mga mata nila. Pero saglit lang iyon dahil nag-iwas naman agad si Gyven at bumaling kay Lola Lia. "Cindy, alagan mo sila lola huh. Alis na ako," paalam nito kay Cindy na nasa tabi ni Ammira. Tumakbo naman si Cindy sa kinatatayuan ni Gyven saka yumakap rito. "Opo, kuya. Balik ka po, huh," malambing na sabi ni Cindy. "Oo, naman. Gagawa ako ng kasalanan kay Daddy para makabalik ako." Napabungisngis naman silang dalawa. Napangiti rin si Ammira kahit hindi naman nakakatawa ang pinanunuod niya. Nasa kanila lang kasi talaga ang attention nito. "Ammira," tawag ni Gyven. Awtomatiko naman siyang napalingon. Ngumiti si Gyven saka tumango, pahiwatig na nagpapaalam ito. Gumanti na rin siya ng tango saka ngumiti. Tumalikod na si Gyven kasama sina Lola Lia at Cindy palabas ng bahay. Mabilis namang umakyat si Ammira sa taas at pumunta sa bobong. Hinintay niyang dumaan ang kotse ni Gyven roon. Makikita niya kasi mula sa bobong ang daan na dadaanan nito. Ilang minuto ang lumipas ay nakita nga niya. Saka hinatid ng tingin ang papalayong sasakyan ni Gyven. Nang tuluyang mawala sa kaniyang paningin iyon ay umupo siya at niyakap ang kaniyang tuhod. Tumingala pa siya sa kalangitan. Nagkalat ang mga bituin at kitang-kita ang ganda ng crescent moon. She smile, pero hindi abot sa mata. Mas lalo lang yatang bumibigat ang pakiramdam niya. She felt emptiness in her heart. Parang may malaking bakante roon. Parang nangungulila siya sa isang tao na hindi niya maipaliwanag. Sa pagkakataong ito hindi niya alam ang dahilan. Dahil pa ba ito kay Ace o dahil sa pag-alis ni Gyven. Naisip niya si Gyven, ang daily routine nila. Babalik kaya si Gyven? Pero kailan? Parang nasanay na siya na kasama ito. Naalala pa niya ang ginawa nito kanina. Alam niya ang purpose ni Gyven kanina kung bakit parang inaasar siya nito. Kaya nga hindi niya ito binigo. Nag-asaran lang sila hanggang sa makarating sila. Pero ang pinagtataka niya ay kung bakit tila alam ni Gyven ang tungkol kay Ace. At parang alam rin nito na nandito siya para mag-move on. Siguro minamarites na naman siya ni Cindy. Napapangiti na naiiling na lang si Ammira. Saka pinatong ang baba sa tuhod niya. At tumitig sa kawalan… Itutulo…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD