Wala silang imikan ni Gyven habang naglalakad. Pinagdasal niya na sana isang hakbang na lang bahay na ni Lola Lia. Dahil gusto na niyang umakyat sa kuwarto niya at maligo.
Pero may kalayuan mula dito sa bakanteng lupain pauwi.
Yakap-yakap pa niya ang sarili sa takot na umalingasaw ang amoy niya.
Ikaw kasi nagpadala ka sa sulsul ng mga bata. Oh, ano ka ngayon? Tameme?... Pang-aasar ng isang bahagi ng utak niya.
Malay ko ba 'no, that he will act like my Daddy at may pasundo-sundo pang nalalaman… Pagtatanggol naman ng isa pang bahagi ng utak niya.
Naku! Nababaliw na yata siya dahil nagtatalo na sila ng sarili niya.
"Are you cold?"
Napasinghap pa si Ammira nang biglang nagsalita si Gyven.
What's with that caring tone?
"H-hindi," nauutal niyang turan.
I sh*t ka self. Bakit ka ba gan'yan si Gayven lang 'yan. Iyong baklang lagi mong…
Natigilan si Ammira nang may malambot siyang bagay na naapakan. Hindi siya gumalaw dahil nahuhulaan niya ang bagay na iyon. Bagkus ay dahan-dahan niyang binaba ang paningin. Gano'n na lang ang panlalaki ng mata niya when she saw the sh*t spreading on her feet.
"What the…" napabulalas na rin si Gyven nang makita ang dahilan ng pagtigil ni Ammira.
Inipit ni Gyven ang labi niya para hindi mapabunghalit ng tawa. At mukhang napansin agad iyon ni Ammira kaya sinamaan siya nito ng tingin.
"Sinad'ya mo 'to 'no!?" inis niyang akusa rito.
"What? No! Tae 'yan nang kalabaw 'no at maganda ang shape niyan pagdaan ko kanina. Alangan naman kumuha pa ako ng tae ng kalabaw para sa 'yo," pigil ang tawang sabi nito.
"So you know that there is a poop here and you didn't even tell me! Naghihigante ka ba?" inis pa rin niyang sabi habang inaalis ang paa sa dumi ng kalabaw. "Disgusting!"
"No, I just…" hindi na nito mapigilan ang kumuwalang tawa. "I just…" muli na naman itong bumunghalit ng tawa at hindi na natapos ang sasabihin dahil mukhang tuwang-tuwa ito sa nangyayari.
Mas lalo lang nahiya ang pakiramdam ni Ammira. Amoy pawis na nga siya amoy tae pa siya. Lord sana lamunin na lang siya ng tae… este ng lupa.
Napatingin si Ammira sa lalaki na hindi pa rin tumitigil sa katatawa.
Lahat ng inis niya ay naglaho habang pinagmamasdan si Gyven na halos maiyak sa kakatawa. First time ba nitong makakita ng tao na nakaapak ng tae?
Tila bumagal ang takbo ng oras habang nakatingala si Ammira sa binata. Natutunaw siya sa nakikitang saya ng lalaki. Para siyang ginagayuma ng halakhak ni Gyven at natutukso siyang pakinggan lang ito at nagdarasal na sana 'wag itong tumigil sa kakatawa.
Hindi na rin niya mapigilan ang bibig na kusang umaawang habang ina-appreciate ang nakikita at naririnig niya. Gyven is like a son of goddess, his laugh is so powerful that makes her mesmerized. His face that full of charm. Ang katawan nitong makisig just like hercules. Gyven is one of the ideal man that most girls wanted. Kaya hindi siya magtataka kung bakit gano'n na lang maka-react si Rose Ann kanina.
Ilang babae kaya napaiyak nito? Ah, ito pala ang umiyak dahil sa babae. Pero ang tanga naman ng babaeng iyon na saktan ang kayaga ni Gyven. Is she doesn't feel like what Ammira felt right now as she looking at this guy?
At ang isiping iyon ay nagpapalambot sa puso ni Ammira. Nakakadagdag pogi points at nakaka turn-on ang lalaking iniiyakan ang babae. Dahil ang ibig sabihin no'n marunong talaga siyang magmahal.
"Hey? Why you look so stunned?" Panggigising ni Gyven sa naglalakbay niyang diwa.
Nagising naman ang diwa niya pero nakatitig pa rin siya kay Gyven. Napakaperpekto talaga ng mukha nito. Ano kayang pakiramdam kung yayakapin siya nito? Siguro mainit ang katawan ni Gyven at nakapagpapagaan ng anuamng mabigat na nararamdaman niya.
"Ammira!" untag ni Gyven nang wala pa ring nakuhang reaksyon kay Ammira .
"H-huh?" animo naalimpungatang sagot nito.
Para kasing nagising siya mula sa mahimbing na pagkakatulog at nanaginip ng napakagandang panaginip.
"Guwapong-gwapo ka na ba sa akin at kung makatitig ka parang hinuhubaran mo na ako?"
Nag-iwas nang tingin si Ammira dahil sa narinig. Naramdaman pa niya ang bungisngis nito. Masyado ba siyang halata?
Sa muling pagtingin niya rito ay dala na niya ang mukhang naiinis. Gano'n siya kabilis mag-transform just to cover up her feeling.
"Ha! In your dream!" kaila niya.
Iwinaksi na lamang niya ang isiping iyon at nagfucos sa tae na nasa paa niya na kahit anong pahid niya sa damuhan ayaw matanggal lahat.
"Halika." Napaigtad si Ammira nang biglang hawakan ni Gyven ang pulsuhan niya. Naglikha ng kakaibang daloy ng boltahe sa kaniyang kaugatan ang hatid ng mainit na kamay ni Gyven.
Pakiramdam niya ang init ng kamay ng binata ay naglakbay patungo sa mukha niya dahil biglang kumalat ang init sa mukha niya. Alam niyang namumula na siya sa mga sandaling iyon.
Lihim niyang sinaway ang sarili. Pero paano ba? Kung ang katawan niya ay hindi na sumusunod sa dikta ng utak niya at patuloy siyang pinagkanulo nito. Dahil imbes na umayaw ay nagpatianod siya sa hila ng lalaki. Mukhang tuluyan na ngang nagmalfunction ang sistema niya.
Napakagat labi siya dahil sa naaabot ng isip niya. Ano na bang nangyayari sa kaniya?
Ammira, nakaapak ka kang ng tae lumambot na ang puso mo… kastigo niya sa sarili.
Ilang minuto silang naglakad ni Gyven habang nakahawak pa rin sa pulsuhan niya ay nakarating sila sa isang maliit na ilog.
"Punasan mo na iyang paa mo d'yan, amoy tae ka na," anang Gyven nang bitiwan nito ang kamay niya.
At animo nagwelga naman ang kalooban niya dahil ayaw niyong bitawan ni Gyven ang kamay niya. Gusto niyang manatili ang kamay ni Gyven na nakahawak sa kaniya. Panatag kasi ang pakiramdam niya.
Nababaliw ka na naman, Ammira…
Kailan pa siya naging ganito?
Inirapan niya si Gyven saka lumakad na papunta sa malinaw na tubig. Hindi naman iyon malalalim, kaya lumusong na siya. At nilinis ang sarili. Sobrang lamig ng tubig at dagdagan pa ng malamig na paligid dahil unti-unti na ring natatalo ng dilim ang liwanag sa kalangitan. Basa pa ng pawis ang damit niya.
Umalis na siya sa tubig at bumalik sa gawi ni Gyven ng masigurong malinis na ang paa niya.
Nagulat siya ng biglang naghubad si Gyven. Napalunok pa siya habang pinagmamasdan ang katawan nitong… yummy.
Hindi naman niya first time nakakita ng katawan ng lalaki. Nakita na nga niya lahat kay Ace. Pero bakit ganito ang epekto sa kaniya habang nakatulala sa katawan ni Gyven.
Muling ipinilig niya ang ulo. This is not right. Pero bakit hindi niya maiwas ang mga mata niya sa binata?
Tumingin si Gyven sa kaniya saka ngumiti ng nakakaluko. Anong gagawin ni Gyven sa kaniya? Re-rapen kaya siya?
Niyakap niya ang kaniyang sarili dahil baka totoo ang iniisip niya.
"Suotin mo itong damit ko dahil baka matuyuan ka ng pawis," anito nang iabot ang damit nito sa kaniya.
Bumuntonghininga na may dalang relief naman ang ginawa ni Ammira.
"Eh, maghuhubad ka? Ibabalandra mo katawan mo?" wala sa sariling saad niya.
Lihim namang sinaway niya ang sarili dahil sa pagsatinig niya sa huling mga salita niya.
Napasmirk si Gyven. "You have nothing to worry, I'm use to it."
"Use to it? Sanay kang ibalandra ang katawan mo sa mga tao?"
"I mean, normal naman sa lugar na ito na maghubad ng pang-itaas ang mga lalaki. Walang malisya. 'Di tulad sa siyudad. Tumutulo agad laway nila. Kahit nga ikaw muntik na…"
"What? Ang taas ng pangarap mo," kunwari'y inis niyang saad para hindi na matutuloy ang sasabihin nito.
Natawa naman si Gyven at namangha na naman siya. Naliligaw talaga sistema niya kapag tumatawa na si Gyven.
"Tanggapin mo na itong damit kung ayaw mong magkasakit at kung ayaw mong maabutan ng dilim dito," pagpupumilit ni Gyven.
Wala naman siyang magawa at mukhang desperado naman ang lalaking ipasuot sa kaniya ang damit nito kaya pahablot niya itong kinuha.
"Turn around."
"I will," pagkasabing iyon ay umikot ito paharap sa likod.
Lumingon muna si Ammira sa paligid at nang masigurong walang tao ay mabilis siyang naghubad.
Saka sinuot ang napakabangong damit ni Gyven. Napangiti pa siya habang inaamoy. Parang gusto niyang maglumpasay sa naaamoy niya. Parang niyayakap siya ni Gyven.
"Are you done?" biglang tanong ni Gyven kaya napabilis tuloy ang pagsuot niya ng damit at baka bigla itong lumingon.
"Not yet, stay still," aniya habang aligaga sa pagpasok ng kamay niya sa manggas nito.
At nang matapos ay nauna na rin siyang naglakad.
Natatawa at naiiling na lamang si Gyven.
"ATE AMMIR, bilis. Umaandar na ang sasakyan ni Kuya Gyven baka maiwan tayo."
"Sandali lang ang sikip nito, hindi kasya sa dede ko," reklamo niya habang aligaga sa paghubad ng damit na isusuot sana niya pero hindi kasya.
Pupunta sa bayan si Gyver dahil inutusan siya ni Lola Lia. At huling araw na ni Gyver dito dahil pinapasundo na siya ng daddy niya. Patunay ngang nandito na ang driver nito.
At sasama siya para makabili ng gamit niya at gamit sa pagluluto. Lulunukin muna niya ang pride niya for today.
"Ito na lang ate oh," abot ni Cindy sa kulay brown niyang long-sleeve.
"Hindi ito bagay sa square pants."
"Bagay iyan. Subukan mo," anang Cindy. Kaya sinubukan na niya.
Pinalitan na rin niya ng pantalon ang square pants niya. Iyong pantalong suot niya noong napadpad siya dito.
Nang maisuot niya ay kita ng kunti ang tiyan niya. Pero ayos lang rin naman tatakpan na lang niya ng sling bag niya. Baka makurot na naman siya ni lola Lia sa singit dahil sa pagsusuot nito ng damit na kita ang tiyan.
Dakilang conservative pa naman si Lola.
Pero ayos lang ramdam naman niya na parte siya ng pamilya.
"Ayos na iyan, ate. Ako na lang ang magpaalam kay lola para 'di ka niya makita," anito saka nauna nang bumaba.
Kinuha niya ang sombrero niya at sinuot saka bumaba na rin.
Nakaparada na rin sa labas ang itim na Hilux ni Gyver.
Pagkatapat niya ay binuksan na niya ang backseat saka umupo.
Nagulat pa siya matapos isarado niya ang pintuan ay katabi niya pala si Gyver.
"Ah, sa tabi na lang ako ng driver," aniya saka akmang bubuksan ang pintuan.
Ilang na ilang talaga pakiramdam niya kay Gyver.
"Bakit ayaw mo bang makatabi ang guwapong tulad ko?"
"Ay mahangin. Bumabagyo ata," aniya pa na kinangisi lang ni Gyver.
"Just stay here, dahil nandiyan na rin si Cindy. Hindi umuupo si Cindy sa likuran dahil nahihilo siya. Kaya dito ka lang."
"Weeh, ikaw yata gustong makatabi ako, eh."
"Hell no!"
Ganito lagi nauuwi ang pag-uusap nila ni Gyver—sa asaran.
Wala na rin siyang magawa nang buksan na ni Cindy ang front seat at umupo na ito roon.
"See? All of us know that."
Umirap si Ammira saka humalukipkip at sumandal sa backrest ng upuan. Ayaw na rin niyang makipagtalo rito dahil lagi naman itong panalo.
Umaandar na ang sasakyan. Sinalampak niya ang headset sa taenga niya saka pumikit. Mahaba-haba pa ang biyahe nila. Sabi ni Lola Lia kanina ay dalawang oras ang biyahe. Kaya itutulog na lang niya ito.
"AMMIRA, GISING, Ammira," sambit ni Gyven.
Nagising si Ammira na nakasandal sa balikat ni Gyven. May jacket pang nakapatong sa katawan niya. Mabilis naman lumayo siya rito saka tumukhim at binuksan niya ang pintuan.
Nahigit pa niya ang hininga niya nang bigla siyang hatakin ni Gyver, dahil nang akma niyang bubuksan ang kotse ay may motor na mabilis ang takbo na dumaan sa gilid ng kotse nila. Kung hindi siya hinila ni Gyver sigurado siyang mahahagip siya ng motor kasama ang pinto ng kotse.
Napabuga ng hangin si Ammira habang nasa tapat ng dibdib niya kaniyang palad at nakasandal pa rin kay Gyver. Akala niya lalabas na sa rib cage niya ang puso niya dahil sa gulat. At sa kabang bigla na lang niyang naramdaman nang dumikit ang katawan niya sa katawan ni Gyver. Nagmukhang niyakap ni Gyver si Ammira sa likuran dahil sa itsura nila.
"That was fast," bulalas niya.
"Walang seminar ang mga driver dito kaya extra ingat ka," seryusong saad ni Gyver.
"S-salamat. I almost lost my soul for the third time," aniya ng bahagyang lumayo kay Gyver. Third time dahil no'ng una ay iyong nabilaukan siya, pangalawa ay iyong muntik na siyang mahulog sa bangin at ngayon na muntik na siyang mahagip ng mga motor na iyon.
Mukhang nakatadhana yata si Gyver bilang super hero niya. Sign na siguro ito para magpakabait na siya sa binata.
"You're alwayas welcome."
Nauna nang lumabas si Gyver at doon na rin lumabas si Ammira sa nilabasan ni Gyver.
Nagpalinga siya sa paligid. Ang daming tao, nakakalula. Marami rin namang tao sa mall pero hindi tulad dito na siksikan. At halo-halo ang amoy. Hinawakan niya ang kaniyang sling bag dahil baka may tulisan dito.
"Hey, halika na. Ayaw mo bang bumili?"
"H-huh?" Nagulat siya dahil ilang metro na rin pala ang layo nila sa kaniya.
Kaya lumakad na rin siya papunta sa mga ito. Umalis na rin ang sasakyan nila para makahanap ng parking area.
"'Di ba may pupuntahan ka? Kami na lang ni Cindy." Nabanggit kasi nito kanina na may pupuntahan ito.
Ngumiti si Gyven. "It's okay, hindi mo pa kabisado. Kaya 'wag kang magtiwala kay Cindy dahil minsan lang iyan napupunta dito at baka maligaw pa kayo," anang Gyven.
Tango lang ang sinagot ni Ammira saka nagpatuloy na sila sa paglalakad. Tama naman ito.
Itutuloy…