Chapter 6

2339 Words
"LOLA, may nagbibinta po ba dito ng tinapay?" tanong niya habang kumakain ng pancake. Pagkatapos kasi maluto lahat ng mixture ay tinawag na niya ang mga ito. "Wala, walang marunong dito. Minsan nga lang kami nakakakain ng tinapay. 'Yon ay kung pupuntang bayan," sagot ni Lola Lia. "May naisip po akong paraan. At para maging abala na rin po ako magbibinta ako ng tinapay at ilalako ko po dito sa mga kapitbahay. Pandagdag expencess na rin po" "Marunong kang magluto, ate?" tanong ni Cindy. Tumango naman ito. "Oo." "Maganda ang naisip mo. Sigurado akoang magiging mabenta iyan," anang Lola Lia. Ngumiti si Ammira. Kapag pupunta sila ng bayan bibili siya ng mga equipment, baking tools and ingredients. Sigurado siyang mag-e-enjoy siya. "Ammira, ikaw nga tanggalin mo nga ìyang lipstick mo. Baka makita ka ng mga tao sa labas sabihan ka pang pokpok. Kahit nasa bahay nagli-lipstick. Alam mo naman dito, ignorante ang mga tao sa ganiyan," puna ni Lola Lia. "Po?" Napahawak siya sa labi niya. "Hindi po ako nagli-lipstick," sagot niya. Kumunot naman lalo ang noo ng matanda. Napakamot na animo nahihiyang ngumiti si Ammira. "Normal po ang pamumula ng labi ko lola. Since birth po ito. Wala naman po akong ibang gamit ng mapadpad po ako dito." "Talaga, Ate Ammir?" manghang tanong ni Cindy. Tumango namam si Ammira. "Sigurado ka?" Nakangiti pa ring tumango si Ammira. "Ang swerte mo namang bata," anang lola. "Siguro sa ganitong bagay maswerte ako," aniya. Napawi ang ngiti niya nang may maalala. **** AT MANILA "Dad, tumawag na ba si Ate. May balita na ba?" tanong ni Ashley sa ama. Kakababa lang ng telepono nito matapos makausap ang mga pulis tungkol sa iniwang kotse ni Ammira sa labas ng istasyon ng bus. Umiling si Alvin Monreal, saka umupo sa sofa. Nanghihinang umupo na rin si Ashley. "Hayaan mo na iyong kapatid mo. Buhay niya 'yan," walang emosyong saad nito. "Pero, Dad, baka mapahamak si Ate." "Anong gagawin natin? Eh, hindi nga natin alam kung nasaan na siya. Hindi rin makuntak," parang naha-high blood na sabi ni Alvin. "Kasalanan ko lahat ng ito," sisi ni Ashley sa sarili. "Buti alam mo! Na-e-stress na ako dahil hinahanap na siya ni Juaquin," anang ama niya. Noong nalaman nilang buntis si Ashley ay agad na sinabi ni Alvin sa kaibigan no'ng araw ding iyon na hindi na matutuloy ang kasal ng anak nito at anak niya dahil buntis si Ashley. At para matuloy ang plano nila ay si Ammira na lang ang ipapalit, kaya gano'n na lang niya ka bilis tinanggal na si Ace pala ang nakabuntis sa anak. Kaya si Ammira ang ipapalit niya. Pero hindi na ito umuwi isang linggo na ang lumipas. Kaya nagkanda-ugaga na siya sa pagpapalusot sa kaibigan niya tungkol sa anak niya. Dahil balak nilang makipagkita para masettle ang lahat. Kung hindi pa rin uuwi si Ammira, masisira ang plano niya. Dahil mukhang maghahanap ng iba ang kaibigan niya. At sa oras na mangyari iyon malaki ang mawawala sa kaniya. "Alvin, nag-aalala na ako kay Ammira. Hanggang ngayon kahit tawag ay hindi niya ginawa. Paano kung napahamak na pala iyon," buong pag-aalalang saad ng asawa nitong si Riz. "Kasalanan natin 'to eh," dagdag pa nito. "Tumahimik nga kayo! Kasalanan niya iyon. Kung hindi siya umalis hindi siya mapapahamak kung napahamak nga," anito. "Kasalan mo ito, Alvin. Kung hindi mo lang pinilit si Ace na panagutan si Ashley hindi sana maglalayas si Ammira!" galit na sabi ni Riz. "Anong gusto mo? Palakihin niya ang anak niya na bastardo?! At mukhang nagkakagustuhan naman iyang dalawang 'yan eh." "Kahit na! Pinagalitan mo pa siya kahit na alam mong nasasaktan ang anak natin! At alam ko naman ang dahilan kung bakit wala lang sa 'yo nang malam mong si Ace ang nakabuntis kay Ashley. Dahil may pag-asa ka na tungkol sa pinag-usapan niyo ng kaibigan mo!" asik ni Riz. "Tumigil ka na, Riz!" "Hindi ako titigil hangga't hindi mo nahahanap si Ammira!" "Mommy, Daddy, tama na please," naiiyak na saad ni Ashley. "Ewan ko sa 'yo, Ash!" galit na sabi ng mama niya saka nag-walkout. "Huwag mo nang intindihin ang mommy mo," alo ni Alvin ng tuluyan na ngang umiyak si Ashley. Sa mga ganitong pagkakataon talaga mas kinakampihan ni Alvin si Ashley. Kaya marahil ay wala itong pakialam kahit na nasaktan nila si Ammira. *** @ALVARO VILLAGE "Ate Ammir, sama tayo sa labas. Maglalaro kami ng saranggola ng mga kaibigan ko," puno ng excitement na saad ni Cindy ng hapong iyon. "Saranggola?" Alam niya ang larong iyon. Iyong nagpapalipad ng saranggola but she never tried it before. "Opo, halika ka na po. Naghihintay na sila." "Cindy, pangbata iyon. Ikaw na lang kaya," tanggi niya rito. Ayaw niyang magmukhang ewan na nakikipaglaro sa mga bata. Nakita niyang sumimangot si Cindy. "Sabik pa naman ang kaibigan kong makilala ka kasi sabi ko may bagong ate na ako at ipapakilala ko sa kanila," malungkot na saad niya na nakapout pa. May magagawa ba naman siya sa palungkot effect nito? Eh, nagmukha na nga siyang bata dahil si Cindy lagi ang kasama niya niya. Hindi magtatagal mag-iisip bata na rin siya. Well, not bad. Kasi nasasaktan lang naman ang mga bata kapag nadadapa. At masaya ang buhay ng mga bata. Iyong malungkot sila ngayon mayamaya masaya na ulit sila. Lalo na't may makikita silang bagay na nagpapa-aliw sa kanila. Iyong nasasaktan sila ngayon, kinabukasan nakakalimutan na nila at ngumingiti ulit. Parang gusto tuloy niyang bumalik sa pagkabata. Walang problema, masaya lagi. Kapag pagod na matutulog lang tapos paggising energitic ulit. Hindi tulad sa kaniya, na kapag pagod na ang puso niya kahit itulog pa niya kinabukasan gano'n pa rin. Iyong nasasaktan siya, kinabukasan nasasaktan pa rin. "Sige na nga," aniya na kinasaya ni Cindy. Kaya hinila na siya nito palabas. Nagpaalam na rin si Cindy sa Lola Lia niya kaya lumabas na sila. Susubukan na lang niyang maging bata ulit para maging masaya ang araw na ito. Sa loob ng ilang araw niyang pananatili sa Alvaro Village ngayon lang ulit siya nakalabas. Pinasyal niya ang kaniyang paningin sa paligid, napakasimple at payak ng mga naninirahan dito. Tahimik rin at mukhang magkasundo ang bawat isa. Nakita niya ang isang matabang babae na nagwawalis sa bakuran. Isa ang babaeng iyon na kasama sa kumpulan no'ng hinahabol siya ng mga aso. "Hi," nakangiting bati niya rito. Nang lumingon ito sa kaniya ay malapad ang ngiti nitong binigay sa kaniya. "Ammira, ikaw pala," anito. "Opo, buti naalala niyo pa po pangalan ko," "Siyempre naman. Ako nga pala sì Monette," "Ikinagagalak ko po kayong makilala." "Kumusta naman ang pananatili po diyan kina Manang Lia?" "Ayos naman po, mababait po sila." "Nagkita na kayo ni Señorito Gyven?" "Syempre naman po…" "'Nay!" Napalingon silang tatlo sa pinanggalingan ng boses. Isang babae ang naglakad sa gawi nila. Nang matapat ito kina Ammira ay pinagmasdan siya nitong mabuti mula ulo hanggang paa. "Rose Ann, anak," masiglang bati ni Aling Monette na mukhang matagal na nawalay sa kaniyang anak. Niyakap niya rin ito ng saglit. "Sino siya, nay?" tanong ni Rose Ann na mukhang nag-iba ang timpla ng mukha. "Siya si Ammira, bagong nakatira kina Manang Lia. Ammira ito naman ang anak ko si Rose Ann, nag-aaral siya ng senior-high sa bayan. Kaya minsan lang umuuwi. Bakasyon kasi ngayon kaya umuwi." "Hi," nakangiting bati niya. Tumingin ulit ang babae sa kaniya mula ulo hanggang paa. Kaya nailang tuloy si Ammira sa paraan ng paninitig ng babae na sa tantiya niya ay nasa labing walong taong gulang. "Kaano-ano mo si Papa Gyven?" "Anak ka ni Gyven?" gulat na tanong ni Ammira. Mas lalo tuloy nagsalubong ang kilay ng babae. "Inaasar mo ba ako?" inis niyang sabi. Mukhang mali yata ang nasabi ni Ammira. "Rose Ann, ano ka ba? Mahiya ka naman," saway ng nanay nito pero hindi pa rin natinag si Rose Ann at mas lalo lang siyang tinitigan ng madilim. "Nawala lang ako saglit may nangahas kay Gyven… aray nay!" daing nito ng hampasin ni Aling Monette. "Ikaw talagang bata ka kung ano-ano na pinagsasabi mo. Pumasok ka na nga sa loob." Bumaling si Aling Monette sa kaniya. "Pasensya ka na sa anak ko. Patay na patay kasi 'yan kay Señorito Gyven. Eh, 'di naman pinapansin," anito. "Nay!" anang Rose Ann na may halong hiya at inis ang boses. Saka padabog na pumasok sa loob. Napangiti naman si Ammira sa inasal ni Rose Ann. "Aling Monette, dadaan lang po ako. May gagawin lang kami ni Cindy," paalam niya dito. Baka kasi kung saan-saan pa umabot ang pag-uusapan nila. Mukhang inip na inip pa naman si Cindy. Tumango na lang ito saka tinalikuran na nila. May nakakasalubong pa siyang ibang mga tao, ngumingiti sa kaniya ang mga ito. Mukhang mga friendly, kaya ginagantihan na rin niya ito ng ngiti. Hanggang sa umabot sila sa isang bakante at malawak na lupain. May mga bata rin na sumisilong sa nag-iisa at malaking puno ng sampalok sa gitna ng malawak na lupain. Nang mapansin ng mga ito na papalapit sila at nagsitakbuhan na sila. Nakakatuwa silang tingnan. Mga limang taon hanggang sa sampong taon ang edad ng sampong bata na tumatakbo. "Sila ang mga kaibigan mo?" tanong niya kay Cindy. "Opo." Pagkasabing iyon ay tumakbo na si Cindy para salubungin ang mga ito. Naglakad na rin si Ammira palapit. May mga dalang saranggola na ang mga ito. "Oh, ito Cindy sa 'yo 'to." Inabot ng isang batang lalaki rito ang malaking saranggolang gawa na. "Siya ate mo, Ate Cindy?" tanong ng isang batang babae na cute at chubby. Mga nasa pitong taong gulang ito. "Oo, siya ang Ate Ammira ko, Alysha," sagot ni Cindy. Pinakilala ni Cindy si Ammira sa mga bata. Hindi na nga matandaan ni Ammira ang mga pangalan ng mga ito dahil sa ka cute-an nila. Nagsimula na ring maglaro sina Cindy. Tumatakbo ang mga ito habang hinihila ang saranggola gamit ang sinulid. Ang saranggola ni Cindy ay nasa himpapawid na at malayang sumasayqw sa hangin. Naaaliw naman si Ammira habang nakatingala at pinagmamasdan iyon. Medyo malakas na rin ang hangin kaya iyong ibang saranggola ay pumaitaas na rin habang tinatakbo ng ibang bata. Napakagandang tingnan, nakakatuwa. Napansin ni Ammira na binaba ni Cindy ang saranggola niya at nang tuluyang makababa ay pumunta ito sa gawi niya at binigay ang saranggola kasama ang nirolyong lubid. "Ikaw naman magpalipad, Ate Ammir," yaya ni Cindy. "H-huh?" Hindi ba p'wedeng maging audience lang siya? "Sige na po bilis habang malakas pa ang hangin," tumatalon na saad nito na animo na e-excite. Tinanggap niya ang saranggola. Kapag talaga may mapadpad na tao dito nakakahiya talaga itong gagawin niya. Kilaki-laki na nakikipagsabayan sa mga bata. Sarap talagang kutusan nitong si Cindy. Lagi na lang siyang inuuto. "Nagpapa-uto ka kasi," kastigo ng isang bahagi ng isip niya. Then she walk no choice. "Paano ba ito?" "Ganito ate, akin na muna ang saranggola." Binigay niya ang saranggola saka hinawakan ang magkabilang gilid nito habang ang rolyo ng sinulid ay nasa kaniya. "Itaas mo ang kamay mo ate." Sinunod naman niya ito. "Pagbilang kong tatlo tumakbo ka, isa, dalawa, tatlo…" Tumakbo nga si Ammira. "Unti-unti mong pakakawalan ang sinulid ate!" sigaw ni Cindy kaya ginawa naman niya. Para siyang batang may malaking dede na tumatakbo habang umaalog iyon. Tumakbo pa siya hanggang sa tumaas ang saranggola. Nitingnan niya ito at nakangiting tumingala habang tinatanaw ang saranggola niya habang tumataas. Tumigil na siya sa pagtakbo. Mas masaya palang pagmasdan ang saranggola kapag alam mong ikaw ang nagpapalipad. Nanlaki ang mata ni Ammira ng mabitiwan niya ang lagayan ng sinulid. Lumitaw ito sa ere. Kaya pilit siyang tumalon para abutin iyon pero malakas ang hatak ng hangin kaya tuluyan na itong tinangay. Kagat-labi siyang tumingin kay Cindy. Saka nagpeace sign. Tumawa lang naman si Cindy saka tinawag na ang mga kaibigan para maglaro ng tagu-taguan. As usual, kinukulit na naman siya ni Cindy na sumali kaya wala na naman siyang nagawa. Naglaro sila hanggang sa nag-aagaw na ang araw at ang gabi. "Save!" sigaw ni Ammira nang pagawi sa base nila. Tumalon-talon pa siya na parang bata. "Ammira!" Napatigil siya nang may tumawag sa kaniya. Hinanap na niya rin iyon at kusa naman itong nagpakita sa kaniya. Nanlaki ang mga mata niya nang makita kung sino ang tumawag sa kaniya. "G-Gyven," sambit niya. Napa-smirk pa si Gyven habang nakatingin sa kaniya na pawis na pawis na. Pakiramdam nga niya magkasing-amoy na sila ng mga bata. Magulo na rin ang buhok ni Ammira kaya nakaramdam siya ng hiya rito. Basang-basa na rin ang dibdib niya. Nahuli pa niya si Gyven na nakatingin sa dibdib niyang bumabakat dahil sa pawis niya. Bakit ba ang hilig tumambay ng mata ni Gyven sa dibdib niya? Bigla tuloy lumakas ang kabog ng dibdib niya. Kaya naman tinakpan niya iyon gamit ang dalawa niyang palad. "Kuya Gyven," anang Cindy habang hinihingal ng magawi sa kanila. "Cindy, umuwi na raw kayo sabi ni Lola Lia, gumagabi na," anito. "Opo, kuya," anang Cindy saka tumakbo na kasama ang mga kaibigan nito. "Teka…" natigilan si Ammira. Walang silbi kung tatawagin niya ito dahil lumalayo na ito. Napatingin pa siya kay Gyven na nakatingin rin sa kaniya. Nag-iwas siya ng tingin, sobrang nakakahiya talaga ang itsura niya. Hindi siya confident. Wala siyang imik na humakbang. Dumestansiya pa siya sa lalaki para hindi nito maamoy ang pawis niya. Pero nagulat siya nang lagpasan niya ito ay bigla na lang nasa gilid na niya ang lalaki. She step back, kaya napahinto si Gyven lumingon ito sa kaniya. "What?" seryusong tanong ito. "M-mauna ka na," nauutal niyang sabi. Umuurong ang mapang-asar niyang ugali dahil baka siya pa maasar kapag gumanti ito mas marami itong maaasar sa kaniya ngayon. "Why?" "Amoy pawis ako, Gyven. You might not like my smell," nahihiya niyang sabi. "It's okay. I don't care anyway," sagot nito. Napatingin si Ammira rito. Anong ibig nitong sabihin. Wala siyang pakialam sa amoy niya o wala itong pakialam sa kaniya. Naipilig ni Ammira ang kaniyang ulo. Bakit ba niya binibigyan ng ibang kahulugan ang simpleng I don't care nito ? Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD