Chapter 5

2296 Words
Akala niya kung ano na ang gagawin ng lalaki pagkalapat ng kamay nito sa mukha niya. 'Yon pala ay tinulak siya nito palayo dito na animo diring-diri sa kaniya. "Enjoy na enjoy kang humilig sa dibdib ko, binibini," saad ni Gyven na pinagpagan pa ang damit nito. Parang nag-uusok ang ilong ni Ammira dahil sa sinabi nito. Medyo totoo naman ang sinabi nito. She was enjoying. Pero paano naman ang pride niya? Kaya hinarap niya ang lalaki. Binabawi na niya ang sinabi niya kaninang para itong anghel dahil ngayon para itong demonyong bakla. "Nanlalait ka ba?" "Bakit may sinabi ba akong kalait-lait? Just say thank you, for saving your life." "No! Because you're the reason kung bakit muntik ko nang harapin si Satanas," ganting pang-iinis niya. "At bakit ako? Ako ba iyong mahilig magkape at tahol lang ng aso ko muntik nang humiwalay ang kaluluwa mo sa katawan mo sa gulat?" Bakla nga, hindi nagpapatalo eh. Sumasagot talaga. "Akala ko kasi ikaw iyong tumahol!" inis na sigaw niya. "What!?" "Sabi ko mukha kang baklang aso!" Pagkasabing iyon ay tumalikod na si Ammira saka nagmartiya paalis. Natatawa namang sumunod si Cindy. "Hey, I'm not a gay!" sigaw ni Gyven. "Lukuhin mo aso mo!" ganting sigaw ni Ammira. *** "ANG INIT ng dugo niyo sa isa't-isa ni Kuya Gyven, ate," natatawang sabi ni Cindy nang makababa sila ng bundok. "Sira ulo pala 'yon 'no?" inis na turan niya. "Mabait naman iyon si kuya. Mabait nga iyon sa mga kapit-bahay namin." "Bakit sa akin, hindi?" "Sinabihan mo kasi ng bakla." "'Yong aso na dala mo, sa kaniya iyon?" Pag-iiba niya ng topic. "Iyong limang aso po? Oo, sa kaniya iyon." "Mana sa kaniya 'no." "Mababait din iyong aso, ate. 'Yong hinabol ka nila naglalaro lang 'yon sila. 'Di ba po sabi ko huwag kang tumakbo. Eh, tumakbo ka kaya hinabol ka nila. Akala nila nakikipaglaro ka sa kanila." Pinagtatanggol talaga ng batang ito ang aso nito at kuya-kuyahang mukhang asong— cute. Este, pasaway! "Huh? E, kung makangisi nga iyong aso niyo parang galit na galit." Napaigtad na naman si Ammira nang may tumahol na aso at lumapit pa sa kanila. Nanayo rin ang balahibo nito at ngumisi. Pero mukhang masaya naman ito sa paraan ng paggalaw ng buntot nito. "Darna," masayang tawag ni Cindy sa aso. Alaskan malamutes na may mix breed ng siberian husky ang asong iyon, malaki ang katawan at mabalahibo. Ang asong dala ni Gyver kanina ay German Shepherd, iyong tatlo may labrador retriever dalawa at ang isa ay golden retriever. Sinong hindi matatakot 'pag iyon ang humabol sa 'yo? Tapos lima pa. "Ate, hawakan mo. Mabait naman si Darna." "Huh, s-sigurado ka?" Nakangiting tumango si Cindy. Hindi naman niya alam kung bakit sunod-sunuran siya sa bata dahil ginawa naman niya iyon. At tama nga ito, umupo pa ang aso habang hinihimas niya ito sa ulo. Tumayo rin ang aso at animo yumakap sa kaniya. Hindi naman talaga siya takot sa aso. Pero hindi kasi niya kilala ang aso at mas lalong hindi rin siya kilala ng mga ito. Ang totoo nga niyan ay namatayan siya ng tatlong aso last year dahil sa sakit. Purong chihuahua ang dalawa at ang isa ay bulldog. "Sino iyong aso na kasama ni Gyven kanina?" "Si Cyber iyon. Makulit rin iyon pero si kuya Gyver lagi no'ng kasama. Iyong ibang aso naman mababait rin." Tango lang ang sinagot ni Ammira rito. PAGLIPAS ng gabi ay maaga silang naghapunan at pumanhik sa kani-kanilang kuwarto. Si Ammira naman ay nasa bubong. Sa likod na bahagi ng bahay kasi ay may extention, iyon ang kusina. At nasa may bintana ang bobong no'n. Kaya naisip ni Ammira na dumaan sa bintana para magpahangin sa bobongan. Tatlo ang kuwarto sa palapag na iyon, sakto namang nasa gilid ang kuwarto niya kaya simple lang ang pag-akyat sa bubong. Ang harap niyon ay kakahuyan. Malamig rin ang simoy ng hangin pero hindi na iyon alintana ni Ammira. Kasing lamig lang naman iyon ng aircon niya sa kuwarto niya na laging naka-full cool. Binuksan niya ang kan'yang cellphone at tiningnan ang signal. Wala pa lang signal sa dakong ito ng Cagayan Valley. Pero mabuti na nga siguro iyon. Tumitig si Ammira sa screensaver niya kung saan picture nilang dalawa ni Ace ang nakalagay. Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala na wala na sila ni Ace. Na gano'n na lang kadali itapon ang lahat pagkatapos ng walong taon. Bumuntonghininga si Ammira ng makaramdam ng pamimigat ng dibdib. Ano bang gagawin niya para makalimot siya? Para mawala sa isip niya ang mga masasayang alaala nila ni Ace. Hindi niya maitatangging namimiss niya si Ace. Hindi naman kasi gano'n kadali kalimutan si Ace dahil naging masaya naman siya sa piling nito. Nasanay na ang sistema niya na kasama si Ace. Mundo niya si Ace. Kaya nga nasasaktan siya ng ganito. Pero wala na si Ace. Wala na sa kaniya, hindi na siya ang kasama nito. Hindi na siya ang mahal nito. Kaya dapat umpisahan na niyang kalimutan si Ace. Sasanayin na niya ang sarili niya na sa paggising sa umaga wala nang magtetext sa kaniya ng goodmorning, wala nang magtatanong sa kaniya kung kumain na ba siya. Wala nang mag-aaya sa kaniyang kumain sa labas. Na wala nang susundo sa kaniya galing sa trabaho. Na wala nang magbibigay sa kaniya ng mga rosas at wala na siyang yayakapin. At higit sa lahat wala na siyang jowa! Hindi na siya ang kaligayahan ni Ace at hindi na siya ang nagpapasaya rito. Binuksan niya ang cellphone niya at pumunta sa gallery. Halos larawan nila ni Ace ang naroon. Mas lalo lang siyang masasaktan at mangungulila kung mananatili iyon doon. Kaya walang ano-ano'y binura niya iyon lahat. Pati ang numero nito ay burado at nakablock na. Kabisado niya ang numero nito pero alam naman niyang hindi rin niya ito makukuntak dahil walang signal dito. Ang mga long sweet message nito araw-araw ay binura na rin niya. Lahat ng bakas ng alaala ni Ace sa cellphone niya binura niya lahat. Napatitig rin siya sa cover ng kaniyang cellphone. Nando'n ang larawan nilang dalawa at ang combination ng pangalan nila— Ammace. Sinadya talaga nilang ipagawa iyon. Pero wala na itong halaga ngayon kaya mabilis niya itong hinubad sa aparato niya at niyupi saka tinapon kung saan. Nilagay niya ang kaniyang cellphone sa gilid niya saka niyakap ang tuhod niya at humilig roon. Hinimas rin niya ang kaniyang mga binti. "It's all over, Ammira. The eight years is over. Masaya na siyang wala ka," aniya sa sarili. Pumikit siya para pigilin ang luha niyang gusto na namang kumuwala. Pero mas lalo lang kumuwala iyon at nagsunod-sunod sa pagtulo. Bakit ba niya iiyakan ang taong sinaktan siya? Hindi nila siya deserve. Pero naiiyak talaga siya, tao kasi siya. May puso at damdamin, hindi katulad ng nanakit sa kaniya na minahal pa niya. SAMANTALA. Nakapamulsa si Gyven habang naglalakad sa likod na bahagi ng bahay. Gusto niya kasing magpahangin habang nag-iisip kung paano niya sasabihin sa ama na ayaw niya sa plano nitong arrange marriage. Pumunta siya dito sa village para mag-isip. Alam niyang magagalit ang ama niya kung tatanggi siya. But he don't want to risk his happiness forever, para lang sa isang business negotiations. Bakit ba kasi kailangan siyang gawing pain ng mga ito para sa ikakaunlad pa lalo ng negosyo nila? Maunlad na nga. O baka nadala na naman ang ama niya sa sulsol ng iba. Wala sa bukabularyo ni Gyven ang gano'n. Para sa kaniya, sagrado ang kasal at magpapakasal lang siya sa taong mahal niya hindi sa taong gusto ng iba para sa kaniya. Napatigil si Gyven ng may nahulog sa harap niya. Pinulot niya iyon. Isa iyong case ng cellphone na may personalize name pa na 'Ammace'. At mukhang kay Ammira iyon galing, base na rin sa larawang nakadisenyo sa Phone case kasama ang isang lalaki. Napatingin siya sa bobong saka umatras para silipin kong nando'n ba ang babae. At tama nga nando'n ito. Nakaupo, yakap ang tuhod nito at nakapikit ang mga mata. Batid niyang malungkot ito. No'ng una pa niya itong makita sa bus, namumugto ang mga mata nito, nakikita rin niya ang sakit sa mga mata nito kahit na nang-iinis ito sa kaniya. Kahit na ngumingiti ito ay mababakas pa rin ang tunay na nararamdaman ng puso nito. Napatingin ulit siya sa case. Nakatitig siya sa mukha ng lalaking katabi ni Ammira. Ito kaya ang dahilan? He tsked. Saka binulsa ang case at pumasok na sa loob. *** "ATE AMMIR, ito lampaso," abot ni Cindy sa isang bunga ng niyog na hiniwa. Wala na iyong laman at mukhang gamit na gamit na. Inutusan kasi sila ni Lola Lia na maglampaso ng umagang iyon. Kinuha niya ang lampaso saka tinitigan at bumaling kay Cindy. "Saan ito gagamitin?" inosenteng tanong niya. "Sa sahig. Hindi mo alam iyon?" Umiling siya. "Sige turuan kita." Napangiti si Ammira. Madami siyang matututunan dito. At mukhang challenging sa kaniya ang mga ito. Aabalahin na lang niya ang sarili sa mga kakaibang gawaing bahay dito. Kaysa isipin ang mga walang kwentang tao. Sinimulan na nila ang paglilinis. Tuwang-tuwa si Ammira habang naglalampaso. First time niya talaga ito gawin sa buong buhay niya. Iyong tutuwad habang hawak ang lampaso na nakatapat sa sahig saka itutulak ito hanggang sa dulo tapos babalik ulit. Pakiramdam niya nagmukha siyang siraulo, pero sabi ni Cindy normal daw iyon. Kaya hinayaan na lang niya kung ano ang magiging itsura niya. Total wala namang ibang tao. Nasa hagdanan na siya naglalampaso sa unang baitang sa baba. Nakaluhod siya habang nilalampaso ang sahig ng maigi. Kagat-kagat pa niya ang labi niya dahil minsan nanggigil siya. Nang makita niya ang alikabok she simply blew it and continued. Napatigil pa siya ng may makitang dalawang pares ng paa na nakatsenilas pa. Tinitigan niya muna ang paang iyon saka nag-angat ng mukha. Si Gyven na nakatingin lang sa kaniya. Aba nagmukha yata siyang si Cinderella sa pakiramdam niya at hindi prince charming niya ang kaharap niya kun'di ang malditang madrasta. "O, Gyven. Bakit ka nakatunganga d'yan kay Ammira? Maglinis ka rin, doon ka sa kusina dahil mag-aayos ako ng bulaklak sa labas," utos ni Lola Lia ng dumaan ito. Parang umurong naman ang kayabangan ni Gyven ng tumango ito. "Opo, Lola Lia," magalang na saad nito. Mukha ngang takot talaga ang damulag na ito kay Lola Lia. Kaya napabungisngis si Ammira. "What?!" malamig na sambit ni Gyven. Tumayo si Ammira. "Wala. You may pass," aniya pa saka nilahad ang kamay na may dala pang lampaso. Hindi siya pinansin nito saka nagtuloy na sa paghakbang. Pero sa hindi inaasahan ay pagkalapat ng paa nito sa baitang kung saan naglalampaso si Ammira ay nadulas si Gyven. At bumagsak sa sahig. Parang nayanig pa ang buong bahay sa nangyari. Bigla namang humagalpak ng tawa si Ammira dahil sa nakita niya. Nag-animo demonyo tuloy siya dahil namimilipit siya sa kakatawa. Nang makita ni Cindy ay nahawa na rin ito sa tawa niya. "Shut the f*ck up!" Napatigil sila sa sigaw ni Gyven. Namumula pa ang mukha nito hanggang sa tainga. Mukhang galit ito. Napatitig pa ang lalaki kay Ammira na may matalim na titig. Inipit pa ni Ammira ang kaniyang bibig para pigilan ang tawa niya. Minsan lumulusot talaga ang tawa niya kaya ramdam niya ang inis ni Gyven. Padabog na tumayo si Gyven habang hawak ang beywang nito. "Masaya ka?" inis na tanong ni Gyven. Tumango pa si Ammira. Kaya mas lalo lang nainis si Gyven at tinalikuran na siya. Palihim na namang tumawa si Ammira. "Deserve," pabulong niyang saad. Pinagpatuloy na ni Ammira ang paglalampaso hanggang sa itaas. Natatawa pa rin siya kapag naaalala ang eksenang iyon. Nabalian kaya ang lalaking iyon. Ang hambog kasi. Ilang oras rin ang ginugol nila sa paglilinis at pakiramdam ni Ammira bogbog ang katawan niya. Sumalampak siya sa sofa ng living area. Si Cindy naman ay may ginagawa pa rin hanggang ngayon. Sana all na lang talaga sa katatagan ng katawan ng mga ito kumpara sa kaniya. Parang gusto niya tuloy kumain ng meryenda. Lumabas siya para hanapin si Lola Lia. Agad naman niya itong nakita kaya nilapitan na niya ito. "Lola," tawag niya rito. Lumungin naman ang matanda na may bitbit na maliit na pangbungkal ng lupa. "Meron po ba kayong, harina, itlog, baking powder at butter?" tanong niya. "Subukan mong tingnan sa kusina, Iha. Bakit magluluto ka?" Tumango si Ammira. "Opo, ipagluluto ko po sana kayo ng meryenda." "Aba'y mabuti. Siya sige maghalungkat ka lang sa kusina. Itanong mo kay Cindy kung may hindi ka mahanap," anang matanda saka tinuloy ang ginagawa. "Opo." Pumasok na siya sa loob. Walang tao sa kusina pagdating niya. Naghanap na rin siya sa mga cup board doon ng kakailanganin niya para sa lulutuing pancake. Buti at mabilis niyang nahanap kaya inumpisahan niyang i-mix ang mga sangkap. Nang matapos ay unti-unti na niya itong niluluto. "Lola, ang bango naman ng…" Natigil si Gyven sa pagsasalita nang si Ammira pala ang nasa kusina. Lumingon ito sa kaniya saka ngumiti. "Hi, want some?" yaya ni Ammira sa kaniya. Nagsalubong naman ang kilay ni Gyven dahil sa magandang pakikitungo nito sa kaniya. Dapat kasi susungitan siya nito o tatawanan. "Marunong ka pa lang magluto." "Yes, of course. I love baking and cooking. It's my stress reliever, it's giving me peace of mine," sagot ni Ammira saka bumaling na sa niluluto. Tumango lang si Gyver saka pumuwesto sa kitchen counter at umupo sa stool roon. Sana pala magluto na lang lagi si Ammira para hindi siya asarin nito. Kumuha siya ng isang pancake at nilagyan ng honey saka sumubo. Napapatango naman siya ng magustuhan ang lasa niyon. "Ano masarap ba?" "Hindi masarap," anang Gyven saka kumuha ng isa at umalis. Kumibalikat naman si Ammira. "Kunwari pa," bulong niya. Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD