"May Panty ka?"
"Po?"
"I mean, saan ba nagtitinda ng mga damit dito?"
"Sa bayan po kami bumibili ng gamit," sagot nito.
"Gano'n ba?"
"Wala ka pong panty?"
Napangiting nahihiya siya sa tanong nito, pero tumango na siya.
"Oo, eh. Wala akong dalang gamit."
"Ay, may isang dosenang panty po ako sa kuwarto ko po. Hindi pa po nagagamit kakabili lang kasi ni lola no'n kahapon. Magkakasya ho siguro sa inyo iyon."
"Pwede akin na lang, bibilhin ko."
"Palitan niyo na lang po kapag nakapunta po kayong bayan."
"Sige, pahiram na rin ng damit, huh."
Lulubusin na lang niya ang pang-aabala, babawi na lamang siya. Alam niyang nakakahiya ang ginagawa niya, pero nandito na siya eh. Wala siyang choice.
"Sige, po. Maligo ka na po. Ilalapag ko na lang dito ang damit pagbalik ko. Completo po ng gamit panligo sa banyo pwede niyo pong gamitin," anang Cindy.
Tumango siya.
Iniwan na siya ng bata. Dali-dali siyang pumunta ng banyo dahil lagkit na lagkit na rin ang pakiramdam niya.
Mabilis lang rin siyang naligo. Paglabas niya ay may nakahanda nang damit sa kama. Kaya ginamit na niya iyon. May baby bra din. Napangiti siya, kasya kaya sa kaniya ang baby bra?
Sa edad na 26 ay petite pa rin siya pero malaki ang hinaharap niya. Hindi naman masyado malaki pero maipagmamalaki na rin.
Sinubukan niyang isuot iyon. Buti at nagkasya. Pati panty na may nakaburdang Monday, Tuesday, Wednesday, Thursday, and so on ay nagkasya rin.
Pagkatapos niyang magbihis ay humarap siya sa salamin.
Napangiwi siya ng ang t-shirt na kulay puti na may disenyong sailor moon na anemie ay naging crop top sa kaniya.
Buti na lang nagkasya ang pajama ni Cindy sa kaniya. Pero cute naman ring tignan. Simple but sexy. Kaya napangiti na siya.
May kumatok sa pintuan kaya napalingon siya.
"Pasok," aniya.
Bumukas ang pinto at niluwa si Cindy.
"Wow, ate ang ganda mo. Nagkasya sa iyo ang gamit ko. Pero ang damit hindi kasya," natatawang sabi niya.
"Oo nga eh," natatawa rin niyang sagot.
"Pero, ang ganda at ang sexy niyo po," puri pa nito.
Kaya bumukadkad na ang atay niya.
"Hahanapan pa po kita ng mga damit ko na malalaki sa akin. Ano po pala pangalan niyo po ate?"
Kanina pa pala sila nagkasama hindi man lang siya nakipagkilala.
"Ako si Ammira, Ammir na lang para cute."
"Kasing ganda mo po ang pangalan mo, Ate Ammir."
"Sa 'yo rin naman, ang sweet ng pangalan mo. Cindy, tunog candy," aniya.
Natawa naman si Cindy.
"Halika na po. Tinatawag ka na po ni Lola magtatanghalian na po tayo."
"Sige, gutom na rin ako. Kahapon pa ako hindi kumakain ng maayos."
Bumaba na sila at dumeretso na sila sa kusina. Pagdating nila ay mga mata ng dalawang tao ang sumalubong sa kaniya na nakatingin sa kaniya mula ulo hanggang paa.
Nando'n din si Gyven kaharap ni Lola Lia at titig na titig sa kaniya– sa boobs niya to be exact.
Habang si Lola Lia nakatingin sa tiyan niya.
Kaya naman hinatak na niya paitaas ang pajama niya. Para matakpan ang tiyan niya.
Mukhang naiilang siya sa mga titig ng mga ito. Pilit niya ring hinahatak ang damit niya paibaba. Saka yumuko.
Sh*t, naman! Bakit ganito sila dito? Pang-conservative ang mga titigan nila. Kaya tuloy nate-tense si Ammira.
"Maupo ka, Iha," utos ng matanda. Kaya umupo siya sa bakanteng upuan. At ang bakanteng upuan na iyon ay katabi ng kay Gyven.
Gusto sana niyang tumabi kay Lola Lia pero naunahan siya ni Cindy. Alangan namang pakipag-away siya kay Cindy para magpalit sila kaya umupo na lang siya sa tabi ni Gyven. Narinig pa niya itong bumuntonghininga.
Sarap naman bigwasan ng lalaking 'to. Kung makabuntonghininga akala mo naman problema ang dala ko… aniya sa isip.
"Anong pangalan mo?"
Unang tanong ni Lola Lia. Bakit gano'n? Bakit parang nakakatakot kausap ang matandang 'to?
Wala kasing mababakas na kung anong emosyon sa mukha nito.
"A-ammira, po," tipid niyang sagot. Takot siyang magkamali. Hindi niya alam, pero may something kasi sa matanda na takot siyang magkamali.
Tumingin pa siya kay Cindy na animo humihingi ng tulong. Kahit wala namang ginawa ang matanda sa kaniya.
Nginitian lang siya ni Cindy saka sumubo ito ng kaniyang pagkain.
"Bakit parang takot kang sumagot, Ammira?" puna ng matanda saka sumubo na rin.
Narinig naman niya ang pasinghap na ngisi ng katabi.
"P-po… ahh, hehe." Wala talaga siyang mahagilap na sagot dahil sa kaba.
"Be comfortable, hindi naman kami nangangagat," sarkastikong sabat ng lalaki.
O, baka dahil sa presensiya ng lalaki kaya siya nagkakaganito. Bakit naman?
Bumuntonghininga siya.
"Pasensya na po," hinging paumanhin niya sa matanda.
"Anong apelyido mo?" ikalawang tanong nito.
Sasabihin ba niya ang apelyido niya? Pero baka taga-manila rin itong si Gyver at baka kilala niya ang family name niya dahil sigurado naman siyang nasa business industry rin ang pamilya nito.
"F-Fernandez, po," sagot niya na pilit tinatago ang kaba.
Mabuti na rin iyong sigurado.
"Kumain ka," utos ng matanda.
Kaya agad siyang sumandok ng kanin.
Bakit ba ganito siya? Kakaiba talaga ang dating ng matandang to eh.
"Bakit ka napadpad dito?"
"Gusto ko pong iligaw ang sarili ko," diretsang sagot niya.
"Kakaibang dahilan," komento nito.
Wala na siyang narinig na mga tanong nito. Tahimik na rin ang hapagkainan. Tanging kalansing na lang ng mga kubyertos ang naririnig niya.
"Ammira, huwag ka nang umupa ng kuwarto," mayamaya at sabi ng matanda.
Natigil sa pagsubo si Ammira. Kung gano'n palalayasin siya dito? Saan siya pupunta nito?
"Po?"
"Tumira ka dito ng libre hangga't gusto mo. Pero tumulong ka sa gawaing bahay ayaw ko ng tatamad-tamad," wala pa ring emosyong saad nito.
"Talaga po?" Nabitawan pa niya ang kutsara at tinidor niya dahil sa galak. Saka tumayo at lumapit sa matanda saka yumakap.
Ngayon komportable na ang pakiramdam niya dahil mukhang mabait ito.
Tinapik pa ng matanda ang braso niya habang nakayakap siya mula sa likod nito.
"Thank you po, talaga," bulalas niya.
"Yeheyy, may kuya ako, ngayon may ate na rin ako," masiglang saad ni Cindy.
Kumalas sa pagkakayakap si Ammira saka tumakbo patungo sa taas.
Mabilis niyang binuksan ang bag niya saka kumuha ng isang bundle ng pera. Saka muling bumaba at inabot sa matanda.
Gulat naman na nagpalipat-lipat ng tingin ang matanda sa kaniya at sa perang nasa kamay niya.
"Hala, totoong pera ba iyan?" manghang tanong ni Cindy.
Tumango naman si Ammira.
"Panggastos po dito, Lola. Para may ambag po ako."
"Naku, Iha. Kadaming pera naman iyan. Mayaman ka ba?"
Tumango si Ammira.
"Tanggapin mo na lola." - Cindy.
"Tumahimik ka, Cindy. Hindi ko matatanggap iyan, Ammira. Kung gusto mo ikaw na lang ang bumili ng mga kailangan sa bahay. Pero hindi ko matatanggap iyan."
"Pero…"
"Hindi tumatanggap si Lola Lia ng pera na hindi niya pinaghirapan, Ammira," sabat ng lalaki kaya napatingin siya dito.
Parang napahiya naman siya. Kaya napakagat labi na siya.
Nag-iwas naman ng tingin si Gyver sa kaniya nang makita ang ginawa niya.
"Pasensya na po kayo," hinging paumanhin niya. Pakiramdam niya kasi may kasalanan siya.
"Wala kang dapat ihingi ng pasensya."
Magkatapos nilang kumain ay nakipagkwentuhan siya kay Cindy. Wala naman din siyang ibang makakakuwentuhan. Alangan naman iyong lalaking masungit. Hindi rin p'wede kay lola dahil bukod sa busy, eh ano namang pag-uusapan nila history?
"Hindi na babalik si nanay, naglayas kasi siya. At ang sabi niya sa huling sulat niya ay hindi na siya babalik dahil maganda na ang buhay niya," kwento ni Cindy.
Tinanong kasi niya kung bakit sa kuwarto ng nanay niya siya pinatuloy. Kasalukuyan nga silang nasa kuwarto niya.
"Gano'n ba? 'Di mo siya namimiss?"
Umiling ang dalagita.
"Bata pa kasi ako no'ng umalis siya. Hindi ko na nga maalala ang boses niya."
Natahimik siya sa sinabi ng bata. Naawa kasi siya dito dahil bata pa pala ito nang iniwan ng nanay. Ang ama rin nito ay hindi daw niya kilala.
"Ikaw ate, naglayas ka rin po ba sa inyo? Wala ka naman sigurong iniwang anak 'no?"
"Oo, naglayas ako. Pero kapag maayos na ulit ako, uuwi naman ako. At oo, wala akong anak," sagot niya.
Speaking of naglayas Naalala na naman niya ang ginawa ng boyfriend niya, na siyang dahilan kung bakit siya naglayas. Gusto niya ulit maiyak, kahit na nangako siya sa sarili niya na hindi na siya iiyak pero naiiyak talaga siya eh. Ayaw na nga lang niyang mangako kasi lagi namang napapako.
Naalala pa niya kung paano hawakan ni Ace ang kamay ng kapatid niya. Kung paano niya ito protektahan laban sa kaniya at kung paano siya mag-alala rito.
"Ate Ammir, ayos ka lang. May namuong luha po sa mata niyo," may pag-aalalang saad ni Cindy.
"Huh?" saktong paglingon niya dito ay tumulo ang luha niya na agad naman niyang pinahid. "Pasensya ka na, Cindy huh? Hindi ko mapigilan eh," tuluyan na siyang napahikbi ng sabihin iyon.
Ginagap ni Cindy ang kamay niya saka tumayo ito at hinila siya kaya tumayo na rin siya.
"May ipapakita ako sa 'yo, ate," anang Cindy.
Nagpatianod naman siya sa hila nito hanggang sa makalabas sila. Dumaan sila sa likod ng bahay at patakbong tinungo ang kakahuyan. Umakyat pa sila ng bundok na hindi naman masyadong matarik hanggang sa makarating sila sa tuktok.
"Anong lugar ito?" aniya na may pagkamangha. Habang hingal na hingal.
Paano ba naman kasi, tumatakbo si Cindy kaya tumakbo na rin siya ayaw naman kasing bitawan ng bata ang kamay niya.
"Sa lugar na ito, p'wede mong isigaw ang sakit na nararamdaman mo. Pwede mong ilabas ang sama ng loob mo," anang Cindy.
Napangiti siya. Matured rin mag-isip ang batang ito at kahit 'di mo sabihin ay alam niya ang nararamdaman mo.
Humakbang siya sa may pangpang saka nilinga ang paligid.
Patag sa ibaba ng bundok na iyon at kita ang maraming bahay na animo langgam sa liit.
"Iyan po ang bayan," biglang sabi ni Cindy sabay turo sa malayo.
Tumango lang siya. Marami ring malalaking bato sa paligid. Bukid pala ang talaga ang Village na ito.
"Isigaw mo na ate. Gusto mo ako ang mauna? Walang makakarinig sa 'yo dito. Kung meron man hindi ka rin naman nila kilala."
"Sige ikaw na mauna," aniya.
Tumango si Cindy saka humarap sa bangin.
"'Nay! Sana magpakita ka na sa akin! Hindi kita namimis pero gusto kitang makita!" sigaw ni Cindy naiiyak rin ito.
Naglikha ng echo ang boses ni Cindy
Napangiti siya. Alam niyang namimiss ng bata ang nanay niya pero tinatanggi lang nito.
"I hate you!" Sumunod namang sumigaw si Ammira. "Sobrang sakit ng ginawa mo! Saan ba ako nagkulang?! Saan ba ako nagkamali? Pangit ba ako?! Kapalit-palit ba ako?! Then why?!" sigaw niya, umiiyak na rin siya. "Mga hayop kayo, minahal ko naman kayong lahat! Pero bakit ako pa ang napili niyong saktan ng ganito?" dagdag pa niya.
Napaupo pa siya saka tinukod ang dalawa niyang siko sa tuhod niya at ginulo niya ang kaniyang buhok. Kailan kaya ang huling araw na iiyak siya? Sana ngayon o 'di kaya bukas.
"Ayos lang iyan, ate," alo ni Cindy sa kaniya saka hinimas ang likod niya. "Sabi ni lola ang sakit ay lilipas rin kaya alam kong lilipas rin po iyan. Huwag ka lang magtanim ng galit sa puso mo."
Lumingon si Ammira kay Cindy saka ngumiti.
"Bata ka pa pero magaling kang magpayo."
"Si lola po talaga ang nagsasabi ng ganiyan."
Pinahid ni Ammira ang luha niya.
"Bakit umibig ka rin ba?"
Agad na umiling si Cindy.
"Narinig ko lang silang nag-uusap ni Kuya Gyver dati. Sinaktan rin kasi siya ng nobya niya dati. Lagi nga siya dito eh, nahuhuli ko siya ditong nilalabas ang sama ng loob."
"So, chismosa ka," pabiro niyang saad.
Natawa naman si Cindy. Mukhang nakakalimutan na ni Ammira na malungkot pala siya.
"Hindi naman sa gano'n."
"Hindi pa rin ba nakakamove on si Gyver? Kaya nandito pa rin siya sa inyo, hanggang ngayon?"
"Matagal na iyon, dalawang taon na. May narinig nga akong usapan na ikakasal daw si Kuya Gyver, pero ayaw niya. Hindi ko maintindihan eh," anang Cindy. Kung gano'n ikakasal pala ang baklitang iyon.
Ayaw mang aminin ni Ammira pero may isang bahagi ng puso niya na nanghihinayang sa isiping ikakasal na pala iyon.
"At nandito lang ngayon si Kuya kasi pinarusahan siya ng daddy niya ng isang linggo," patuloy ni Cindy.
"Pinarusahan?" naguguluhang tanong niya. Mas lalo tuloy nagkaroon siya ng interest malaman ang tungkol kay Gyven.
"Hindi rin ako sigurado, hindi ko alam ang kuwento. Basta kapag nandito si Kuya Gyver ibig sabihin may kasalanan siya sa kanila at si lola ang magbibigay ng parusa sa kaniya. Dating yaya niya kasi si lola kaya kilala na ng pamilya nila. At takot rin si Kuya Gyver kay Lola Lia."
"Anong parusa ang ipinapataw sa kaniya."
"Kung ano iuutos ni lola. Minsan magdadaro sa palayan o 'di kaya sa manggahan sa pinyahan minsan din mga gawaing bahay."
Tumango-tango si Ammira. Iba rin pala ang pamilya ni Gyver.
"Sa kanila ba ang lupaing ito?"
"Opo, hanggang sa bayan ay sakop ng mga Alvaro. Sobrang yaman nila. Minsan nga noong sumama ako papuntang Manila ay, naligaw ako sa bahay nila kasi sobrang lawak at laki. Parang mall," anito na nangingislap ang mga mata habang binabaliktanaw ang marangyang bahay ng mga Alvaro.
"Talaga?"
Tumango siya.
Mukhang nabaling na talaga sa chismisan ang kanina'y drama nila.
Nagulat si Ammira ng biglang may tumahol na aso sa likuran niya kaya awtomatikong napatayo siya pero sa pagtayo niya ay nawalan siya ng balanse papuntasa bangin.
Parang bumagal ang takbo ng oras habang nakatingin siya sa bangin na kakahulugan niya. Narinig pa niyang sumigaw si Cindy.
Katapusan na yata niya kaya napapikit na lang siya. Kakaumpisa pa lang mukhang mamamatay na agad siya. Ang saklap naman ng buhay niya.
Pero muli siyang napamulat ng may humapit sa baywang niya at lumutang siya sa eri.
At sa isang iglap lang ay nasa dibdib na ng isang lalaki ang mukha niya. Habang ang mga braso nito ay nakahapit pa rin sa maliit niyang beywang.
Parang tumigil rin ang t***k ng puso niya. Huminga pa siya ng malalim hanggang sa unti-unti niyang naramdaman ang muling pagbabalik ng t***k niyon. Hanggang sa tumibok na iyon ng mabilis. Pabilis ng pabilis.
Nag-angat siya ng noo para makilala ang lalaking sumagip sa kaniya.
Nakatingin rin ito sa kaniya, at habol ang hininga nito. Naramdaman din niya ang pagtaas baba ng dibdib nito na mukhang hingal na hingal.
Animo nagliwanag ang paligid at tanging puting liwanag lang ang nakikita sa paligid.
Tila may kumakantang mga anghel sa langit.
Nasa langit na ba siya? Anghel ba itong nakayakap sa kaniya ngayon na may malapad at matigas na dibdib?
Mahabaging ama, kung anghel man ito akin na lang… sigaw ng malanding bahagi ng kaniyang isip.
Kanina lang nasasaktan siya pero ngayon mukhang handa na naman siyang masaktan ulit.
Naramdaman pa niyang lumapat ang kamay ng lalaki sa kaniyang mukha.
Itutuloy…