Chapter 3

2242 Words
SA TAKOT ni Ammira ay tumakbo na siya sa isang maliit na daan na nasa may gilid niya. One lane lang ang daraanang iyon, kasya ang isang four wheels na sasakyan. Hindi niya alam kung saan iyon papunta, pero bahala na si Batman. Dahil ang mga aso humahabol pa rin sa kaniya. "Ahhhh!" sigaw pa niya dahil malapit na ang mga aso sa kaniya. Buti na lang talaga naka-sneaker siya kaya comfortable siyang tumakbo. Pero bakit kasi hindi nag-imbento ng sapatos na pwede kang pabilisin tumakbo lalo na sa mga ganitong pagkakataon na nasa may pwetan na niya ang asong panay pa rin ang tahol. Nasaan na kasi iyong bata, bakit hindi niya inawat ang aso niya? Nilingon ni Ammira ang aso na palapit na talaga sa kaniya. Pinagdarasal niya na maging kabayo na lang siya para makatakbo siya ng mabilis. Nagulat si Ammira ng paglingon niya sa harapan ay nasa gilid na siya ng daan at huli na para magbreak dahil nasa maputik na palayan na siya. Nakadapa. Buti na lang talaga naitukod pa niya ang braao niya kaya hindi siya tuluyang nasubsob sa putikan. Nanlaki ang mga mata niya nang makita na tumalon ang mga ask. Mukhang desidido talaga ang mga aso na lapain siya dahil kahit nasa putikan ay handang-handa ang mga ito. Mabilis namang tumayo si Ammira hindi alintana ang putik sa kaniyang pantalon at sa kamay niya dahil tumakbo pa rin siya palabas ng putikan at napunta na nga siya sa daan kaya nagtuloy-tuloy pa rin siya sa pagtakbo. "Broken hearted lang ako, pero ayaw ko pang mamatay!" sigaw niya. Sa kakatakbo niya ay napunta siya sa lugar kung saan marami nang kabahayan at marami ring tao. Mukhang ito ang pinaka-centro ng Village. Pinagtitinginan na siya ng mga tao. "Tabi!" sigaw niya ng may humarang sa daraanan niya. Agad namang umatras ang lalaking may daoang kariton. Pero nanlaki ang mga mata niya ng may nakaharang na kalabaw kaya pinilit niyang itigil ang pagtakbo kaya ang nangyari ay nadulas siya at pumasok sa ilalim ng kalabaw at lumusot sa kabila. Bumagsak naman ang katawan niya sa lupa. May pumito rin kaya natigil ang mga aso. "Ouch, I think I broke my spinal cords," daing niya habang nakapikit. Napangiwi pa siya dahil amoy putik siya. Tatayo na sana siya pero napaupo siya pabalik nang makita ang mga nagkukumpulang tao sa paligid niya. Ang bilis naman yata ng mga itong nalapitan siya. Animo ngayon lang nakakita ng magandang katulad niya. Dahil titig na titig ito sa kaniya. O ngayon lang sila nakakita ng animo siraulo dahil sa itsura niya at sa nangyari. Agad siyang tumayo dahil nagmukha na siyang pulubi. "Ayos ka lang, eneng?" tanong ng hindi naman masyadong katandaang babae– mga nasa 40 ito. "Kahit maputik siya ang ganda, ang slim at ang kinis. Ang tangkad pa," puna namam ng matabang babae. "Artista ka ba, Inday?" tanong rin ng isang mama. "Tagasaan ka?" Reporter ba ang mga ito? Ang daming tanong. Bakit ba siya dinala ng aso dito? "Ate!" sigaw ng isang bata na hingal na hingal. Nilingon niya ito. Ito iyong bata kanina na nagpapastol ng mga aso. Kaya sinamaan niya ito ng tingin. Ngumiti naman ang batang babae na sa tantiya niya ay nasa sampo o dose anyos. "Dios ko, kang bata ka muntik ng lapain ng aso mo itong magandang dilag," sermon ng isang babae na marahil ay nasa 30 more or less. "A-ayos na po ako. Buti nga at dito ako napadpad," aniya. Blessing in disguise nga. "Balik nga tayo sa pinag-usapan. Tagasaan ka?" Ay may marites pala dito. Akala niya sa manila lang meron. Laganap pala kahit sa kasulok-sulukang bahagi ng Pilipinas. "Sa Maynila po," sagot niya. Napatigil naman ang lahat sa narinig at nagkatinginan pa sa isa't-isa. "Ang layo pala ng pinanggalingan mo? Hindi pa ako nakakapunta doon ah," anang isa pang babae na sa tantiya niya ay nasa 20 pataas. "Anong lugar po ito?" tanong niya habang pinupunasan ang kamay niyang may putik gamit ang jacket niya na sa kabutihang palad ay hindi natapon. "Nasa Alvaro Village ka." "I mean anong province po ito?" "Probinsiya ba kamo?" "Oho," tumangong saad niya. "Nasa Cagayan Valley Province ka, Eneng," sagot ng matabang babae. Wow! Ang layo na nga pala niya sa Maynila. "Gano'n po ba?" "Naligaw ka ba?" "Opo," napapakamot sa ulo niyang sabi. "Aba'y, may dadaan namang bus bukas pwede kang sumakay doon." "Ay naku, ang totoo niyan po nililigaw ko po talaga ang sarili ko." Napakunot-noo naman ang mga taong nakapaligid sa kaniya. Mukhang naguguluhan yata sila sa sinabi ni Ammira. Sino ba naman kasing matinong tao ang ililigaw ang sarili. Tumawa si Ammira para kunwari nagbibiro siya. "Ang totoo po niyan, naghahanap po ako ng paupahang bahay," bagkus ay sabi na lang niya. "Mamamasukan ka ba bilang magsasaka dito, eneng?" tanong ng isang lalaki. "Wala nang bakante, kung gay-on," dagdag naman ng isa. Tumawa ulit siya saka winasiwas ang kamay. Nagmukha tuloy siyang timang. "Naku hindi po. Nagbabakasyon po ako, at naghahanap ng lugar na bago sa kaalaman ko. Parang nag-e-explore po, gano'n. Parang masarap po makalimot dito. Kaya gusto ko pong tumira pansamantala." "Pribado ang village na ito, Inday. Kaya kung maghahanap ka ng paupahan ay hindi mo iyan makikita dito. Sa bayan marami niyan." "Malapit lang po ba dito ang bayan?" "Kung lalakarin abay bukas ka pa makakarating. Wala na ring bus na dadaanan dito sa oras na ito. Isang beses lang dumadaan ang mga bus dito sa isang araw. At sa tingin ko dumaan na iyon." "Kupkupin niyo na lang po ako. Pangako hindi kayo magsisisi sa akin," walang hiyang sabi niya. Mamamatay siya sa labas kung mahihiya pa siya. Kakapalan na niya ang mukha niya. Kailangan na kasi niya ng matutuluyan saka nagugutom na talaga siya. "Naku, gustuhin ko man eh, maliit ang bahay namin. Kasya lang sa aming pamilya," anang matandang babae. Lumingon siya sa mga kasamahan niya. "Kayo ba, baka gusto niyong kupkupin ang magandang babaeng ito." Umiling silang lahat. "Maliit rin ang bahay namin, si Manang Lia lang naman ang may malaking bahay dito. At dalawa lang siya ng apo niya. Minsan lang din namang pumupunta si Señorito Gyven dito kaya baka pwede siya doon." Napangiti si Ammira sa narinig. Mukhang may pag-asa siya. "Sino si Señorito Gyven?" marites niyang tanong. "Anak ng may-ari ng Village na ito," sagot ng isa pa. "Ahh," tumatango-tango niyang saad. "Saan po ang bahay niya?" Nilingon nila ang batang babae na naroon pa rin sa likuran ni Ammira. "'Yan, iyan ang apo ni Manang Lia. Ikaw na bahala kumausap," anang babae saka iniwan na siya ng mga ito. Lumingon siya sa batang babae. Ngumiti ito sa kaniya kaya ngumiti rin siya. Mukhang kailangan niyang pakipagbati sa babae kahit gusto na niya itong kutusan. "Hi," bati niya. "Hi po, ako po si Cindy Barona. Narinig ko po ang pinag-usapan niyo. Halika po samahan ko po kayo kay lola. At saka pasensiya na po sa mga aso ko." At mukhang magiging housemate niya pa ang mga aso. Pero mukhang mabait naman ang batang ito. Kaya tumango siya at pinauna na niya itong maglakad. Ilang minuto lang ay nasa harapan na sila ng isang medyo malaki-laki naman ang bahay. Sa lahat ng bahay na naroon ay ito nga ang pinakamalaki. Mukhang dalawang palapag ito. Simple pero maganda ang desinyo. Purong kahoy ito, pero hindi mumurahing kahoy. Pati dingding ay pinalapad na kahoy o tabla. Naka-Varnish din ito kaya maganda tingnan. Hugis triangle ang bobong. Malaking triangle at mukhang iyon ang ikalawang palapag dahil may bintana roon. Binuksan ng bata ang kahoy na gate. Napahanga pa siya nang bumulaga sa kaniya ang maraming bulaklak sa bakuran. "Strict ba ang lola mo?" biglang tanong niya sa bata. Sabi kasi nila, kapag malinis ang paligid at maraming bulaklak strikto ang nakatira. "Oo, medyo, mukhang…" "Ano ba talaga?" aniya nang tumigil siya sa paghakbang. "Hmm, minsan kasi masungit si Lola, minsan din mabait. Kaya hindi ko masabi eh," naguguluhan rin niyang sagot. Tuluyan na silang pumasok sa loob. Ilang hakbang lang ay may nakita siyang isang lalaki. Nakapink ang bota nito at pink rin ang farmer's hot nito. Pati gloves nito ay pink din. Nakathwad pa ito habang nagbubungkal ng lupa. "Akala ko kayo lang ng lola mo? May bakla yata kayong kasama," aniya. "Naku ate, hindi po bak…" "Ahhhh!" sigaw ng lalaking nagbubungkal ng lupa. Tumatalon-talon ito habang tumitili. "Bakla…si…Señorito…" pabulong na sabi ni Cindy habang nakatingin sa lalaki na panay pa rin ang tili. Pero hindi na iyon narinig ni Ammira. Paano ba kasi, tumalon papasok sa bota niya ang maliit na palaka. "Ahh! Get out!" patuloy na tili nito habang winawasiwas ang kaniyang isang paa na napasukan ng palaka. Gustong matawa ni Ammira sa nakikita. Ang kisig-kisig ng pangangatawan nito pero bakla pala. Hindi niya makita ang mukha nito kasi ang likot nito. Baka nakalipstick rin ito. Nilapitan niya ang lalaki para tumigil na ito sa kakatili dahil nakakarindi. Kasi minsan pino ang tili nito minsan naman panlalaki. "Tulungan na kita," aniya sa lalaki. Hindi na niya ito tiningnan sa mukha ng tumigil ito kasi dumeretso na siya sa bota nito saka hinubad. Lumabas na rin ang palaka at tumalon palayo. Pabagsak naman na umupo ang lalaki sa damuhan at hinubad ang sobrero at ang gloves saka inis na binagsak sa lupa. "Ayos ka lang, sis?" tanong ni Ammira. Napakunot-noo naman nang lumingon ang lalaki dahil sa tawag ito sa kaniya.. Nanlaki ang mata ni Ammira ng makita ang mukha ng lalaki. Natutupo pa niya ang bibig sa pagkagulat. Pero ang lalaki nanatili lang ang kunot sa noo nito. What a destiny! "I-Ikaw?" "Oo, ako bakit?" anito sa baritunong boses. "Ikaw 'yong sa bus 'di ba? Iyong lalaking tumabi sa akin?" Lalo lang kumunot ang noo ng lalaki saka nag-aabot ang kaniyang kilay sa narinig. At nang ma gets ay nag-smirk ito. Ganito pala talaga kaguwapo ang lalaking ito sa malapitan at walang shade. "Oo, ako nga. Ikaw iyong babaeng panay titig sa akin 'di ba?" "Ngek! Hindi no," mariing tanggi ni Ammira. "Tsk." Tumayo ang lalaki. "Ang gwapo mo. Bakla ka pala, sayang crush kita eh," aniya na tila nanghihinayang talaga. "Anong sabi mo? Hindi ako bakla," mariing tanggi rin ng lalaki. "Hindi po bakla si kuya, ate. Nanghihiram lang siya ng gamit ni lola," sabat ni Cindy. "Wehh, ang tinis nga ng boses kung tumuli eh," aniya pa ba hindi nga naniniwala. "Wala akong pakialam kong ayaw mong maniwala," sabat ng lalaki sa inis na boses. Sana lang. "Akala ko, Cindy kayo lang ng lola mo dito at minsan ang anak ng may-ari ng Village." baling niya kay Cindy. "Oo nga po. At si Kuya Gyven po iyon. Iyang sinabihan niyo po ng bakla," natatawa niyang saad Napa 'O' naman ang bibig ni Ammira. Dahan-dahan siyang tumalikod saka lumunok. "C-cindy, halika na puntahan natin ang lola mo," akay niya kay Cindy. "Anong nangyayari dito? Sino iyong sumisigaw?" biglang tanong ng isang matandang babae. Mukhang hindi na niya kailangang puntahan ang lola ni Cindy dahil mukhang ito na iyon. "Si Kuya Gyven po, lola. Napasukan ng palaka sa bota niya," sagot ni Cindy. "Ayos ka naman ba, Gyven?" baling ng matanda sa lalaki. Tumango lang ito saka nagwalk-out. Suplado. Nahiya siguro sa tili niya kaninang pang-ultimate pa-girl. "Oh, sino naman ering babaeng kasama mo, Cindy?" Baling ng matanda sa kaniyang apo. "Lola, kupkupin natin si Ate para may ate na ako," pangungumbinsi ni Cindy. "Naku, anong akala mo dito ampunan?" "Ah, lola. Ang ibig pong sabihin ni Cindy, pangungupahan po ako kung sakaling may bakante kayong kuwarto," anang Ammira na ngumiti ng pagkatamis-tamis. Sana nga tumalab ang charm niya sa matanda. "Walang…" "'Di ba lola, may bakante pang kuwarto sa itaas, iyong kuwarto ni nanay?" sabat ni Cindy. Pinandilatan nito ng matanda si Cindy. Mukhang ayaw nga niyang may makikitira sa kanila. Pinanghinaan ng loob si Ammira, pero hindi siya susuko. Ayaw niyang maglalakad patungong bayan 'no. "Lola, magbabayad po ako. Kahit ngayon na po, magbabayad po ako ng isang taong advance," anang Ammira. "Lola, sige na po. Mukhang hindi naman po masamang tao si Ate eh. At saka may kasalanan po ako sa kaniya." "Ano?" "Hinabol po siya nila, Wanda, Darna, Cyber, Cyrus at Itching. Kaya po nalaglag siya sa putikan," sabi ni Cindy. Napataas naman ng kilay si Ammira dahil sa pangalan ng aso niya. Tumingin ang matanda sa kaniya mula ulo hanggang paa. Adakadabra, pumayag ka na lola… aniya sa isip. "Oh, siya sige. Maligo ka muna at mag-usap tayo pagkatapos," sabi ng matanda saka tinalikuran na sila. Napapalakpak at napapatalon naman si Ammira dahil sa galak. Gano'n din si Cindy at nag-aper pa sila. Pumasok na sila sa loob at nakasalubong pa niya sa sala ang lalaki kanina. Maayos na ang suot nito kaya lalong lumantad ang kaguwapuhan. "Hi, sis," panunundyong bati niya saka bumungisngis. Ngumusi rin si Cindy kaya lumukot ang mukha ng huli. Binilisan niya ang paglalakad at baka sakmalin siya ng lalaki, mukhang pikon pa naman ito. Umakyat sila sa itaas at pumasok sa loob ng kuwarto. Tama nga siya ng inisip kanina. Kuwarto nga nandito sa pa triangle na hugis ng bobong. "Maligo ka muna ate, lilinisin ko lang po itong putik." Napatingin siya sa dinaanan niya "Hala, Cindy ako na diyan. Nadumihan pala. Nakalimutan kong madumi pala ang sapatos ko." "Ayos lang ate kasalanan ko naman." "Ah, Cindy," tawag niya kay Cindy lumingon naman ito sa kaniya. "May panty ka?" Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD