NAGPAKAWALA ng malalim na buntonghininga si Ammira habang nakatayo sa station ng bus. First time niyang pumunta sa ganitong klaseng lugar.
Pagkatapos makaalis sa bahay nila ay dumeretso siya sa Cafeteria para personal na kausapin ang manager doon at tagubilinan. Pagkatapos ay pumunta siya ng banko para e-withdraw ang savings niya saka nilipat sa bagong bank account niya. Baka kasi malaman ng ama niya na naglayas siya at i-hold ang mga cards niya kaya inunahan na niya ito.
May kinuha na rin siya mula sa savings niya na 100 thousand at baka mapadpad siya sa lugar na walang mga machine para makapag-withdraw. Iniwan na rin niya ang kotse niya sa labas ng bus station. Bahala na ang mga pulisya doon kung kukunin nila iyon. Ang magulang rin naman niya ang namomroblema sa oras na malaman ng mga pulis na pag-aari niya iyon.
Tanging ang bag lang niya na may lamang pera ang bitbit niya. Kasama na rin doon ang cellphone at wallet niya na may lamang mga cards.
Nagpakawala ulit siya ng malalim na buntonghininga saka pumikit. Ang unang bus na makita niya sa pagdilat niya ay ang bus na sasakyan niya.
At 'yon nga ginawa niya. Matapos idilat ang mga mata ay dumeretso na siya sa bus na namulatan niya. Sakto namang paandar na rin iyon. Isinuot niya ang kaniyang sunglass para itago ang kaniyang namumugtong mata at saka nagsuot ng sombrero at baka may makakilala pa sa kaniya dito.
"Miss saan ka punta?" tanong ng conductor ng matapat siya sa pintuan.
"To the moon," sagot niya saka dere-deretsong umakyat.
"Huh? Ah, miss sandali, kailangan kong malaman kung saan ka pupunta," anang konduktor habang humahabol sa kaniya.
Nakita niya ang isang bakanteng pandalawahang upuan. Umupo na siya doon.
"Kuya huwag mo na akong tanungin kung saan ako pupunta dahil hindi ko rin alam. Hindi ko nga rin alam kung saan ako nagkulang," aniya matapos makaupo.
"Pero ang route ng…"
"Shhh," pigil niya sa susunod na sasabihin nito. "Huwag mong sasabihin sa akin ang mga lugar lugar. Please. Ayaw kong malaman."
"Pero baka maligaw ka…"
"Gusto kong maligaw, kuya, gusto kong mawala. Gusto kong lumayo sa mga taong sinaktan ako at hindi ako binigyang halaga."
"Huh. Ah." Nangingiting napakamot ang konduktor sa kawalan ng isasagot. "Eh, paano ko malalaman kung magkano pamasahe mo? At kung alin ang bubutasan kong ticket."
Humugot si Ammira ng limang libo sa bulsa ng kaniyang dalang bag.
"Magkano ba pamasahe hanggang sa dulo ng mundo?"
Napakunot-noo ang konduktor sa tanong ni Ammira. Pakiramdam niya nakasinghot ang babae at mukhang high ito. O baka broken hearted ito.
"Huh, eh, hindi ko alam. Hindi po kasi sa dulo ng mundo ang rota nito," naguguluhang sagot nito.
"Ito, kasya na siguro iyan hanggang sa mapagod at sumuko ako."
Nanlaki ang mga mata ng konduktor dahil sa nakitang pera at sa hugot niya.
"Miss hugotera, sobra ito."
"Alam ko, sobra-sobra nga ang binigay ko. Pero bakit hindi pa rin sapat, bakit iniwan pa rin ako?" aniya. "Babayaran ko na rin ang upuang katabi ko dahil gusto kong mag-isa. At babayaran ko na rin ang susunod mong tanong para hindi ka na magtanong. At huwag na huwag mong babanggitin ang pangalan ng mga lugar sa akin, kun'di babawiin ko iyang pera. Kuha mo?" mataray niyang saad.
Tumango naman ang kundoktor saka ngumiti.
"At huwag kang ngumiti." Pahabol pa niya. Kaya naman napawi ang ngiti ng kundoktor saka napapakamot sa ulong nilubayan siya.
Sinalampak niya ang headset sa kaniyang tainga at nagpatugtog in full volume.
Umandar na ang sasakyan.
Nasa labas ng bintana nakaharap si Ammira habang nakatitig sa kawalan. Muli na namang naglandas ang luha niya ng magparamdam ang sakit at kirot sa puso niya.
Hanggang kailan siya magiging ganito? Sana pagdating niya sa lugar na hindi niya alam kung saan ay sana mawala agad ang sakit sa puso niya.
Bakit gano'n na lang kadali sa kanila na gawin kay Ammira ito. Naging mabuting anak naman siya, naging mabuting kapatid, naging mabuting nobya pero bakit hindi pa rin sapat? Ang masakit lang ay kapatid pa niya ang nang ahas sa boyfriend niya.
Buong buhay niya umiikot kay Ace. Lahat ng tiwala niya binigay niya, lahat ng pagmamahal niya. Pero hindi iyon naging sapat para maging kuntento siya kay Ace. Kahit habulin siya ni Ace na inaasahan naman talaga niya ay hindi nito ginawa. Basta na lang siyang sinukuan nito.
Marahil ay hindi talaga siya mahal ni Ace or maybe he fall out of love, dahil kung mahal talaga siya nito pipiliin niya si Ammira kahit na may anak pa sila ni Ashley. Pero hindi nangyari iyon. Isang tanong lang ang ginawa niya na sinagot agad ni Ace sa kaniya.
Baka nga noon pa man may gusto na talaga si Ace sa kapatid niya and the feeling is mutual.
Lalong napahikbi si Ammira. Sabayan pa ng tugtug sa headset niya na tagos sa pusong;
Wala na ba ako sa 'yong puso? Hindi na ba ako ang mahal mo? Bakit ba kailangan na mangyari 'to. Damdamin ay tuluyang nanlamig magwawakas na ba ang pag-ibig. Wala na ba? Oh wala na talaga.
"Mga hayop talaga kayo," bulong niya.
Naalala pa niya ang mga hagikhikan ng buong pamilya niya. "Ang saya nilang nasasaktan ako."
Iyak pa rin ng iyak si Ammira hanggang sa mapagod ang mga mata at puso niya at nakatulugan na niya iyon.
Pati sa panaginip niya ay umiiyak siya.
WALONG ORAS ang lumipas ng magising si Ammira. Gano'n na pala siyang katagal nakatulog. Pagtingin niya sa labas ay madilim ang paligid. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Umaandar pa rin ang sasakyan at ang ibang pasahero ay natutulog rin.
Tumigil na rin ang tugtog sa headset niya.
Dumaan ang kundoktor kaya tinawag niya.
"Kuya, nasaan na tayo?" tanong niya.
Lumingon ang kundoktor sa kaniya at tinitigan lang siya saka nagtuloy sa paghakbang patungo sa driver's seat.
Napangiwi si Ammira.
"Ah, oo, nga pala," aniya sa sarili ng maalala ang bilin niya sa kundoktor.
Kaya napangiti siya. Kasabay ng muling pagsungaw ng ngiti niya ay ang pangakong hindi na siya iiyak.
Tumigil ang bus dahil may isang pasahero na nagrequest na bibili ng pagkain. Bumili na rin ang iba. Nakaramdam na rin siya ng gutom pero pinili niyang huwag nang bumili.
Pero nagulat siya nang may nag-abot sa kaniya ng isang lunch box. Nag-angat siya ng mukha at nakita niya ang nakangiting kundoktor.
"Alam kong nagugutom ka na. Walong oras na rin ang byahe miss hugotera," nakangiting saad ng konduktor.
Napatitig siya sa kundoktor. What if ang kundoktor na ito ang forever niya?
No! Agad naman na kuntra ng isang bahagi ng isip niya.
Hindi naman ito pangit medyo may itsura rin, pero it's a big no!
Umiling siya para iwaksi ang nasa isip niya. Parang nagjo-joke time yata 'tong mindset niya.
"Ayaw niyo po?" animo bigong tanong ng kundoktor.
Ayaw niya talagang maging ka forever ka.
"Hindi pa ako nagugutom," pagsisinungaling niya.
"Naku kayo rin. Nasaktan na nga ang puso mo idadamay mo pa tiyan mo," saad ng kundoktor na binawi ang nakalahad na kamay na may bitbit na lunch box. Nagbawi na siya ng tingin sa kundoktor saka yumuko.
May hugot rin 'tong kundoktor na ito.
Umalis na ito at nagsisi siyang hindi tinanggap ang pagkain dahil animo may nagsusuntukan na sa loob ng tiyan niya.
Muli siyang napaangat ng mukha ng muling may naglahad ng lunch box sa kaniya.
Pero napakunot noo siya nang makita na hindi na ang kundoktor ang may hawak noon. Bagkus ay isang gwapong lalaki ang nasa harap niya ngayon. Nakasuot ito ng black leather jacket at mukhang yayamanin. Kahit nakashade siya ay klaro ang kumukinang na glass skin nito.
"Sabi ng kuyang kundoktor ibigay ko raw sa 'yo para pumayag kang makiupo ako. Babayaran kita para sa binayad mo sa upuan."
Pati boses nito nakakapanindig balahibo sa sarap sa pandinig.
"Miss hugotera, baka naman. Namimilit kasi. Sa unahan lang naman siya, naiwan daw niya kotse niya doon," sabat ng kundoktor na nasa likuran lang pala nito. "Guwapo naman din ito. Bagay nga kayo kaya pumayag ka na."
Nakita pa niyang ngumiti ang lalaki ng malapad. Hindi naman siya gano'n ka salbahe para hindi pagbigyan ang gwapong nilalang na ito. At mukhang mabango pa. Kaya tumango na siya saka tinanggap ang bitbit ng guwapong mama.
"Thank you," saad ng lalaki saka umupo sa tabi niya.
"Pasalamat ka guwapo ka," bulong niya.
Narinig naman niyang nag-smirk ang lalaki. Marinig yata siya.
Binuksan na niya ang lunch box at sinimulang kainin ang friendchicken na naroon at may pancit at kanin rin.
Gutom na talaga siya wala pa naman siyang almusal kasi nga may meeting siya kanina. Hindi na nga niya alam kung nasaan na ang kameeting niya at baka galit na ito dahil hindi niya sinipot.
Biglang napaubo si Ammira ng paghinga niya ng malalim ay may nahigop siyang kanin.
"Hey, are you okay?" mababakas sa boses nito ang pag-aalala ng itanong iyon.
"T-tubig," pilit niyang saad kahit umuubo pa rin siya.
Agad na tumakbo papunta sa labas ang lalaki agad naman itong nakabalik na may dalang mineral water.
Ibinigay nito sa kaniya ang bottled water na nakabukas na. Saka mabilis na tinungga. Halos maubos niya na rin ang laman ng bottle.
Umubo pa siya ng isang beses kaya may lumabas na butil ng kanin sa ilong niya. Agad naman siyang humugot ng tissue na nakadikit lang sa takip ng lunch box saka pinahid ang kanin sa ilong niya. Medyo nahiya siya do'n, pero bahala na hindi naman siya kilala ng lalaki. Saka alam naman niyang hindi na sila magkikita pa nito.
At nahimasmasan na nga siya.
"Ayos ka na?" tanong ng katabi niya.
Tumango siya.
"Salamat," may kasamang hiyang sabi niya.
"No problem."
Sinarado na niya ang lunch box at hindi na tinuloy ang pagkain.
Umandar na rin ang bus. Gusto niya sanang matulog kaso naba-bother siya sa presensya ng katabi na napakalakas nga naman ng dating sa kaniya.
Panay pa ang tingin niya dito, nakasandal ang ulo nito sa backrest ng upuan at nakapikit ang mata.
Binaba niya ang eyeglass niya para makita ng maigi ang mukha nito. Mas guwapo ito kung titingnan ng mabuti.
"Stop staring at me," biglang sabi ng lalaki sa paos na boses.
Sa taranta niya at ibinalik niya agad ang shade sa mata at iniwas ang tingin dito
"A-ako, ba pinagsasabihan mo?" kunwari'y tanong niya habang diretso lang ang tingin sa harap.
Naramdaman niyang umupo ng maayos ang lalaki at tumingin sa kaniya napatingin na rin siya. At agad namang nag-iwas ng tingin ng makitang nakangiti ito habang nakatingin sa kaniya. He's teasing her.
"Ikaw lang naman ang tumititig sa akin," natatawang saad ng lalaki.
Lakas loob niya itong nilingon.
"Paano mo nasabi? Nakatingin ka ba?" pagtataray niya.
"Nope. But I felt it," anito na nay pilyong ngiti.
"You're just dreaming, go back to sleep."
"I'm not sleeping."
"Stop talking to me, Mr. Stranger. I don't talk to strangers."
"But you are staring at a stranger. Will, it's not new to me. Lahat naman talaga napapalingon sa akin," pagmamalaki nitong sabi.
Napaawang ang bibig ni Ammira sa kayabangan nito.
Pero my point naman siya. Pero syempre, hindi siya papayag.
"Wow, yabang ah," kuntra niya.
Umiling ang lalaki saka nag-smirk.
Nag-iwas na rin ng tingin si Ammira.
Hindi rin naman nagtagal ay bumaba na rin ito. Medyo nanghinayang nga siya dahil gusto pa niyang maamoy ang bango nito. Naglalandian na ang brain cells niya sa pabango ng lalaki.
Mukhang guwapong lalaki ang magpapa-move on kay Ammira.
Pumikit na si Ammira at natulog ulit.
NAGISING siya dahil sa pag-uga ng sasakyan. Napahilot pa siya sa kaniyang leeg dahil sa muscle cramp. Mukhang matagal siyang nakatulog.
Dahil umaga na nga.
"Kuya bababa na ako," sigaw niya sa driver.
"Pagod ka na po, miss?" tanong ng kundoktor.
"Oo, pagod na pagod," exaggerated niyang sabi, saka tumayo at humakbang palabas ng pintuan ng buss.
"Mag-iingat ka d'yan!" sigaw ng kundoktor bago sinara ang pintuan.
Bumuntonghininga siya, pero naubo siya dahil na higop niya ang alikabok nang umandar ang sasakyan.
"Hoy! Mga walang hiya! Ang bastos," reklamo niya. Pero hindi naman siya narinig ng mga iyon dahil papalayo na ito.
Pinagpag niya ang sarili dahil may mga mumunting alikabok na kumapit sa katawan niya. Hinubad niya ang kaniyang hoodie jacket at pinunas sa sarili.
"Anong lugar kaya ito?"