Chapter-3

1142 Words
ROXIE'S POV nabaling ang atensyon ko sa pag aari kong cellphone nang marinig ko ang tunog na nagpapahiwatig namay tumatawag saken ngayon , agad kong binaba ang kulay brown na sobreng hawak ko sa may kulay kahel na lamesa upang kunin ang cellphone sa kinalalagyan . "Debbie" bulong ko bago ko sinimulan i galaw ang hinlalaki ko pagilid upang tanggapin ang tawag "Hello ,Debbie" pag uumpisa ko "Roxie " ramdam ko na takot sya ngayon base sa kanyang pananalita. "Natatakot ako" pagpatuloy nya sa kanyang sasabihin. "Anong nangyayari?" Agad kong tanong "may natanggap kabang envelope na kulay brown?" agad napunta ang atensyon ko sa may envelope na tinutukoy nya. "Ou, bakit anong meron?" di ko pa nabubuksan ang envelope sa kadahilanang kakatanggap ko palang nito mula sender na letter T. "Yung natanggap ko kasi nakakakilabot ang laman " di padin nawala ang takot sa kanyang tinig, dahil dun ay binaba ko ang cellphone sa lamesa at sinet up ang loud speaker upang magamit ko ang dalawa kong kamay para buksan ang envelope , binuklat ko galing sa loob at inilapag ko sa may lamesa ang 2 papel at isang litrato. Una ang listahan na pinakita saken ni Sam nung isang araw, pangalawa naman ang kanyang litrato na wari'y may nakaguhit na straight line sa kanyang leeg at titik T sa noo ni Debbie na lula ang kulay dugong tinta, at ang pangatlo naman ay isang salitang masasabi kong aleman ngunit di ko mawari ang ibigsabihin. Wenn der Schuldner lebt, lebt auch der Ersatz ( AN: di ako sure kung tama mga beshies kasi naman google translate ginamit ko :-p) Durch: T "Ano to!?" kunot ko ng noo habang hawak ang larawan ni Debbie " trinanslate ko ang salitang nakasulat sa papel...at ang meaning ay kung buhay ang inutang, buhay din ang kapalit" Napalunok ako at nakaramdam din ng takot dahil ang salitang yan ay naalala ko na sinabi din samin ng taong yun bago sya nalagutan ng hininga. "Debbie , baka may nag praprank lang sayo?" Nakagat ko ang kaliwa kong hinlalaki , ganito ako pag tensyonado at kung nakakaramdam din ng takot. "I hope so na nanloloko lang , pero may nagsabi nadin satin noon nito diba at Ang Initial na T. Baka " Di ko na sya pinatapos magsalita "Imposible yan Debbie " At naputol na nga ang tawag nya saken, sinubukan ko sya muling tawagan pero di na sya sumasagot pa,binaba ko ang cellphone sa may lamesa at pinakalma ang sarili. "Sana nga prank lang ito" _______________________________________ 09:26pm ay inihatid ko ang anak ko sa kwarto nya at inihiga sa kama. "Mommy are you Okay?" Tanong nya na may pag aalala. "Mommy is Okay ...." Ngiti ko "But" pout nya habang pinopoint out ang ang gitna kung saan nagkasalubong ang aking kilay " evident po sa kilay nyo na you're not okay " Kiniss ko ang forehead ng anak ko "Mommy is just tired ,Baby " di padin nawawaglit ang ngiti ko. "You should sleep nadin Mommy " "Yes Baby" "Goodnight Mommy " "Goodnight" inilagay ko ang kumot hanggang maabot sa kanyang balikat. Inayos ko muna ang bangs nya bago pinatay ang ilaw at umalis sa kwarto. Di mawalawala sa isip ko ang pag uusap namin ni Debbie mula kaninang hapon. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ng palda at sinubukan muling tawagan si Debbie pero hanggang ngayon di padin sya sumasagot kaya ibinalik ko nalang sa bulsa yung cellphone at naglakad pababa papuntang kusina. Pagdating ko ay agad kong kinuha ang pitcher galing sa refrigerator at inilapag ko yun sa may lamesa at dumiretso ako sa may cupboard para kumuha ng isang baso na transparent, para Lagyan ng tubig galing sa pitcher. *Ding dong* *Ding dong* *Ding dong* "Sino kayang bisita ngayong dis oras na ng gabi?" Binaba ko yung baso at dumiretso muna sa tabi ng pinto para I switch on ang ilaw sa may labasan bago lumabas para harapin ang nag dodoorbell. "Hintay Lang" sambit ko ng makalapit ako sa gate upang buksan yung pintuan ,ngunit wala akong nakitang tao ..tumingin ako pakaliwa at kanan ngunit wala talagang tao, "Tssk. May nantritrip nanaman siguro" asar ko at isinara na yung pinto ng gate at nilock ito, napadpad ang tingin ko sa brown envelope na nakalagay sa may taasan ng gate , agad ko tong inabot at naglakad na pabalik sa looban ng bahay na bitbit ang brown envelope, ng makarating ako sa may sala ay naisipan kong maupo sa may sofa at inexamine ang brown envelope na hawak ko , ng wala akong makitang sulat ay agad ko tong binuksan at hinugot ang nag iisang papel na nakapaloob dito. Ang nakapaloob sa papel ay yung listahan kung saan nakapaloob ang aming mga pangalan ,agad kong napansin ang name ni Debbie sa pang una kung saan naka ekis na ang buo nyang pangalan gamit ang pulang tinta , bumalik ulet ang pag aalala ko na may kakambal ng takot. _______________________________________ Pagka alis ng school bus kung saan nakasakay ang anak ko ay dumiretso na ako sa loob ng gate upang maisara ito at naglakad papasok sa loob ng bahay. Agad akong nagtungo sa may pinanggagalingan ng tunog ng cellphone ko ang Sala at kinuha ito para sagutin ang Tawag. "Roxie " boses ni Sam na mukhang natatakot "Oh ,hello Sam napatawag ka?" Tanong ko sa kanya "Lipat mo sa channel 15 dali " "Huh?" Pagtataka ko "Si Debbie nasa balita " Kinuha ko ang remote at nilipat agad sa channel 15 , ng mapunta sa channel 15 ay napanuod ko ang isang news. "Natagpuang patay ang may bahay ng Isang Writer na Si Marrisa Debbie Kennedy Suarez sa kanyang kwarto ng Maabutan sya ng kanyang Asawa" agad kong nabitawan ang cellphone na hawak ko, Napalapit ako sa may tv . Pinakita ang video kung saan pinakita ang looban ng kwarto kung saan nakahimlay ang isang babae na nakabalot ang kumot hanggang dibdib ngunit blurred ang mukha ng babae at abala ang mga empleyado ng soco sa pag checheck. "Umanoy may 2 saksak ang biktima at mga insektong lumalabas sa mga saksak nito na di maipaliwanag ang dahilan " Napalunok ako at napakagat sa ng hinlalaki ,sobrang kabog ng dibdib at takot ang nararamdaman ko. At bumalik na sa news anchor ang camera. "Ayon sa pulisya nang chineck nila ang cctv footage ng bahay ay wala silang nakitang nanloob dito at bigla na lang daw natumba si Debbie pero ang kataka taka ay wala daw hawak na kutsilyo pero bigla nalang daw nagkaron ng hiwa ang kanyang tyan at leeg , dumagdag pa ang markang T sa kanyang noo" Di ko na kayang panuorin ang balita kaya pinatay ko ang tv gamit ang remote. "Posible kayang ?" Lapat ko ng palad saking labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD