Chapter-2

1892 Words
Habang nagbubura ng mga sulat galing sa puting tisa sa may black board ay may narinig akong tumawag saking pangalan kaya napatalikod ako para harapin kung sino ang tumawag saken "Ano yun Stellar?" tanong ko sa babaeng may hawak ng walistambo habang napangiti " August diba sa thursday na tayo mag rereport ?" " ou " mabilis kong sagot " pwedeng gawin ba naten yun mamaya pagkatapos maglinis" napatingin muna ako sa wristwatch ko , 4:00 pm na at napakagat ng lower lip bago ko muli syang lingunin. " hindi na ako pwede eh..hahanapin na ako ng Mama ko..tyaka i message nalang kita sa part mo sa Social media " " Sige na .. August , tawagan ko nalang Mama mo para sayo...Please" sabay pagdikit ng magkabilaang palad nya at mukhang nagmamakaawa . mukhang kakaiba si Stellar ngayon pero pinagbigyan ko padin sya , kinuha ko sa bulsa ng palda ko ang Cellphone at sinimulan na i dial ang number ni Mama , pagkatapos ng pang apat na ring ay sinagot na ni Mama ang tawag ko. "Hello Cleo?" rinig ko galing sa kabilang linya " Mama may gustong kumausap sayo" at pinasa ko ang cellphone ko kay Stellar ngunit naglakad sya papalayo saken habang kinakausap si Mama 'Bakit kailangan nya pang lumayo?' tanong ko mula sa isip , habang nagatataka at pinagpatuloy ko nalang ang pagbubura ko sa blackboard , ilang saglit ay bumalik na sya ng nakangiti "Payag na sya August" at abot saken ng Cellphone. malaking katanungan saken kung paano nya napapayag si Mama ko eh sobrang strikto yun pag dating saken. ________________________________________________________________________________ "8:30 pm na pala" bulong ko ng makita ko ang oras mula saking wristwatch . andito kami ngayon ni Stellar sa may tabi ng kalsada habang naghihintay ng masasakyan kong Jeep, pagkatapos kasi ng report ay sa kanila Stellar nadin ako naghapunan ,kinapa ko ang gilid ng aking bulsa at ng maramdaman ko ang cellphone ko ay naalala ko si Mama 'Bat kaya hanggang ngayon di pa sya tumatawag o nag tetext man lang?' at napaisip ako kung bakit nung sinusubukan ko syang tawagan kanina ay di nya ako sinasagot at di man lang sya nag rereply sa mga text ko... at napa kunot ako ng noo. napaharap ako kay Stellar ng marinig ko syang magsalita "may problema ba August?" alala nya "Si Mama ko kasi di pa tumatawag o nag tetext" "Baka busy lang sya August..oh! ayan may papalapit ng Jeep" at napatingin ako sa may kanan at hayun na may papalapit ng Jeep samin . pinara ito ni Stellar at huminto ito samay tabi "Sige Stellar una ako..." tingin sa kanya habang nakangiti "Ingat ka August and Bye-bye" ngiti nya habang nagwawave saken .. ginantihan ko sya ng ngiti ,nagwave din ako sa kanya at pagkatapos ay nilingon ko ang Jeep , sinimulan ko ng lapitan ang Jeep at pagkatapos ay sumakay na ako sa may Loob ,pansin ko na ako lang ang nag iisang sakay na pasahero ng Jeep kaya sa dulong parteng kanan ako umupo at nagsimula ng umandar , nilingon ko ulet si Stellar at nag wave muli habang nakangiti. ilang minuto ang nakalipas ng makadaan kami sa kaldasang patay sindi ang ilaw ay saktong huminto ang Jeep, napatingin ako sa Manong driver .. mukhang sinusubukan nyang paandarin ulet ang sasakyan ngunit pagkatapos ang 4 na beses ay napatingin sya saken. "Ineng pasensya na ...ayaw na mag start ang Jeep ngunit di na kita sisingilin ng bayad"paumanhin ni Manong driver saken "Sige po " banggit ko pagkatapos nun ay bumaba na ako at nag lakad pa diretso ilang saglit ay nakaramdam na ako ng takot kaya naisipan kong dumaan nalang sa short cut para makauwi na ako agad at dahil din walang dumadaan na pampasaherong jeep dito ngayon o ano mang ibang pampasaherong sasakyan, ngunit ng makailang hakbang ako papasok dito sa shortcut na eskinita ay mas lalo pang dumagdag ang nararamdaman kong takot dahil sa eskenitang dinadaanan ko ngayon ay napakatahimik ,walang katao tao ang dumadaan bukod saken , agad namang pumasok saaking isipan ang mga kwento nila Mama tungkol sa mga Babaeng nararape sa mga tahimik na eskinita na tulad nitong dinadaanan ko ngayon , nag umpisa nang kumabog ang aking dibdib sa kaba at takot na aking nararamdaman ngayon . bigla akong kumaripas ng takbo at nanalangin na sana'y walang mangyari saking masama ngayon pero ilang lamang ay may natapakan akong bato kaya agad akong nadulas at napasalampak sa may sementong kalsada "Aray!" hinaing ko habang sinusubukang tumayong muli , paika-ika akong humahakbang ngayon dahil sa sakit na aking nadarama mula saking lulod , tuhod at ang kanan kong paa . ng malapit na ako sa may labasan ng eskinita ay nakahinga na ako ng maluwag kasabay nito ang pagkawala ng takot at kaba na aking nadarama, ngunit ilang hakbang lang ay di ko mapaliwanag ang dahilan kung bakit bigla akong nadulas nang di naman madulas ang semento , pero agad namang may humawak ng kaliwa kong braso ,agad naman akong napalingon sa nilalang na iyon. "Ayos kalang ba ,Langga?"alala nyang tanong saken? pinagtataka ko kung bakit di ko man lang sya naramdaman "Ayos lang po ako" agad kong sagot sa kanya at binitiwan nya na ang aking braso at tiningnan nya ako ..tingin ko sinusuri nya ako mula sa kanyang mga titig , bumalik ako sa realidad ng marinig ko syang nagsalitang muli. "anong nangyari sayo?" dama ko sa boses nya ang pag aalala , mula doon ay tiningnan ko ang aking uniform nabahiran ito ng dumi na mula sa simentong kung saan ako nadapa. " nadapa po kasi ako kanina Kuya " tingin ko muli sa kanya , medyo familiar ang mukha nya saken ..parang nakita kona to mula kung saan. "Gusto mo aalalayan na kita?" "Hindi na po Kuya " sabay ngiti ko "kung ganun samahan mo nalang ako sa may pharmacy dyan sa malapit" di ko na sya tinanggihan dahil doon din naman yung daanan ko pauwe , habang naglalakad ng paika-ika ay narinig ko syang magsalita . "Ang tapang mo naman Langga at doon ka dumaan sa eskinitang iyon?" "bakit po?" "nung isang araw lang ay may tinangay na babae mula doon at ginahasa kung saan " "Talaga po?... di ko po alam yun " at napahawak ako sa may dibdib ko "bakit ka nga pala dumaan doon eh delikado dun?" "Pasensya na po Kuya ..kasi naman nasiraan yung jeep na sinasakyan ko sa may daanan kung saan papatay patay ang ilaw at no choice na ako kasi wala akong nakikitang dumadaan na mga pampasaherong sasakyan kaya sa short cut nalang po ako dumaan..tyaka di po sumasagot Si Mama ko po sa call o text ko po kanina " kita ko mukhang galit ang expression nya ng mabanggit ko si Mama...di ko din sya masisisi. ng makarating kami sa may Pharmacy na may convinience store ay uuwi na sana ako ngunit ay pinigilan nya ako at pinahintay, naisipan kong hintayin ko nalang sya sa labas ng pharmacy at umupo sa may sementadong hagdan ay napansin ko ang aking mga galos at gasgas sa mag kabilaang braso at lalo na sa may lulod ko na may tumutulo pang dugo , diko alam pero nang mapansin ko ito ay agad akong nakaramdam ng hapdi , agad ko namang kinuha ang panyo ko at pinahid sa aking sugat sa may lulod. "Langga" napalingon ako sa pinanggalingan ng boses saking kaliwa. "Kuya" Sambit ko habang nakangiti , sinundan ko sya ng tingin hanggang sa makarating sya saking harapan at umupo. "Naku! dami mo palang gasgas " sabay iling nya habang tinitingnan ako ,pagkatapos nun ay may inilabas sya sa may plastic bag na masasabi kong ointment , band ,cotton at binigyan nya ako ng soda ..agad ko naman tong kinuha , inilapag sa may tabi at nagpasalamat sa kanya. "Tiisin mo lang langga " paalala nya "Opo" at sinimulan na ang paggamot sa Sugat ko .. Napakagat ako ng lowerlip sa saket ilang saglit ay napukaw ang aking atensyon sa suot nyang bracelet , bigla kong naalala yung panaginip ko nung isang araw at yung punit na litrato mula sa kwarto ni Mama 'walang duda kaya pala sya Familiar saaken' at biglang nagtayuan ang aking mga balahibo, di ko maiwasan na tanungin sya. "Kuya" pagsisimula ko "Hmm" tingin nya saken habang inaasikaso ang sugat ko. "Kuya... Kilala mo po ba si Samantha Velez ?" "hindi ko sya kilala ngunit narinig ko na ang pangalan nya mula sa kaibigan ko" agad nyang banggit habang nakangiti . Pagkatapos nun ay tumayo sya at inabot nya ang kanan nyang kamay saken , agad ko namang hinawakan yun upang maalalayan nya ako mula saaking pag tayo. "Kuya ..salamat po pala sa lahat ..di nyo na po ako kailangan pang ihatid malapit na po ang bahay po namin dito " at tinuro ko ang bahay namin na 2 bahay nalang ang layo mula sa pharmacy. "Sigurado ka talaga langga ?"bakas padin ang pag aalala nya saken. "Opo ,Kuya " ngiti ko "Sige.. mag iingat ka Langga " sabi nya at kumaway na sya. nag paalam na ako sa kanya at nagsimula nang maglakad pero napahinto ako nang marinig ko syang magsalitang muli , dahil dito ay napalingon sa kanyang kinatatayuan. "Langga..pakisabi pala kay Samantha Velez ..gusto syang makita ni Putchoy at pakikumusta nadin sya " ngiti nya "Opo Kuya" ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- Ng makarating ako sa bahay ay agad akong kumatok sa gate ilang saglit lang ay may bumukas na sa pinto ng gate ngunit hindi si Mama kundi si Uncle Jeff . "Ikaw pala yan Cleo ...kanina kapa hinahanap ng Mama mo " kita sa mukha ni Uncle ang pag aalala Pinapasok na nya ako sa loob ng gate at nagdiretso na kami sa loob ng bahay "Uncle ..okay lang po ba si Mama ? kasi di nya sinasagot yung mga tawag o text ko po" Tingin ko sa kanya ".nahimatay kasi ang Mama mo kanina pero wag kana mag alala ayos na sya ngayon" ngiti nya habang haplos nya ang ulo ko . ito pala ang dahilan kung bakit andito si Uncle at kung bakit walang sagot si Mama kanina "tatawagin ko lang si Sam" at excuse nya saken para pumunta sa may kusina. Napaupo ako sa may couch habang tinatanggal ko ang aking sapatos at socks at inilagay ito sa may lagyanan. "Cleo...Kumain kana?" Boses ni Mama, napaharap ako kay Mama di ko mapigilan mag alala nang makita ko na maputla sya ngayon. "Opo Mama ....Mama sabi ni Uncle nahima" di kona natapos ang aking sasabihin ng magsalitang muli si Mama "Anong nangyari sayo !?" hinawakan nya ang pantaas kong uniform at hinawakan ang braso ko para suriin. "Nadapa lang po ako dahil sa clumsiness ko po Mama... wag na po kayo mag alala" tiningnan nya ako nang nakasimangot "kung ganon naman Sa susunod Anak ..mag iingat ka " banggit nya na may pag aalala padin sa mukha "Opo Mama " ngiti ko. Bigla kong naalala yung sinabi ni Kuya kanina saaken "Mama may nagpapakumusta po pala sanyo at sabi gusto kadaw po nya Makita " "Sino yan?" kunot nya ng noo habang hinahaplos ang ulo ko "Kuya Putchoy daw po " kita ko ang gulat sa mukha ni Mama ko na may halong takot. ______________________________________________________________________________________________________ Salamat at nagbigay kayo ng oras para basahin ito ... see you sa next chapter
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD