Nagising si zorren bago pa sumapit ang alas o'tso ng gabi,. isang madaliang kilos ang kanyang ginawa bago bumaba ng hagdan.
ng malapit na siya sa puno ng hagdan ng kanilang masiyon napatingin siya sa minibar kung saan niya iniwan ang kanyang nakababatang kapatid na si zeb.
wala na ito sa pagkakataong iyon inisip na lamang ni zorren na umaakyat na ito sa kanyang kwarto para magpahinga.
marahil ayaw talaga ng kausap ni zeb naisip niya.sabay kibit balikat na tinunton ang garahe kong saan nakaparada ang kanyang sasakyan.
ngunit nagulat na lamang siya ng makita itong nakatayo sa gilid ng kanyang kotse. nakahalukipkip ang mga braso nito,. nakasuot ng maong na pantalon at leather na jacket nakabonet ng kulay itim.
malamig na ang simoy ng hangin dahil papasok na ang winter ng mga panahong iyon.
"ang tagal mo kanina pa ako dito.". walang emosyong wika ni zeb.na tela ba naiinip na.
napangiti si zorren.
"mukhang gusto mong sumama sakin?" bagkos isang tanong din ang kanyang binitawan dito.
hindi siya nito sinagot. hinagis niya ang susi ng kanyang kotse kay zeb.
mabilis naman ang naging pag kilos nito.
sinalo nito ang susi na kanyang hinagis at umikot patungong driver's seat.
ng pareho na silang makasakay sa kotse at parehong maisuot ang kanilang mga seatbelt hinanda na ni zeb para paandarin ang kotse ng biglang may sumungaw sa backseat. si zeby at zem.
nangunot ang noo ni zorren siya ang pangay sa labing dalawang magkakapatid at lahat ng kanyang mga nakababatang kapatid ay nasa collage pa. ngunit dahil dito na nga halos lumaki sa america ang mga ito gaya niya kaya mas naging malapit sila sa isa't isa,. hindi na lamang magkakapatid ang turingan nila kung hindi magbabarkada.
lahat silang anim ay naging independent gaya ng ninanais ng kanilang mga magulang silang magkakapatid ang ikalawang henirasyon ng kanilang pamilya. ANG PAMILYA CLOWFORD.
alam din nila ang naging buhay at nangyare sa matandang clowford noong ito'y walang wala pa. kaya bawat isa sa kanilang magkakapatid ay may mga nakaatang na obligasyon sa balikat kahit pa nga pinayagan silang kunin nila ang propesyon na hilig nila sa kolehiyo kailangan parin nilang gawin ang ambag nila para sa pamilya.upang mas lumawig pa ito at manatili sa kanila.upang hindi mapunta sa wala ang lahat ng pinaghirapan ng kanilang lolo.nagmamay-ari din ng isang malaking kumpanya ang kanilang pamilya. ang emerald crude oil group of companies,. at kanilang amang si zaldy ang CEO nito sa mga sandaling iyon. ang kanilang kompanya ang halos nagsusuply ng langis sa kanilang bansa bukod pa doon ay may emerald cusmetics corporations pa sila. na sikat sa buong bansa.dahil sa magandang quality at dekalidad na mga cusmetics na kanilang pinoproduced.
.
.
" anong ginagawa niyo dyan.?". tanong niya sa dalawang kapatid na nasa likurang upuan.
.
.
habang si zeb ay napailing na lamang, hindi umiimik si zeby ang isnabiro at arogante sa dalawang kambal,.
.
.
"sasama kami?". malawak ang ngiting wika ni zem. si zem ay nasa ikalawang taon nito sa collage. madalas itong nasa bar mahilig itong sumama sa mga kaklase niya lalo na tuwing weekends. halos magkapareho ito ng ugali at si zeb.
.
.
"it's weekends bro." . nakangiting wika ni zem.
.
napailing na lamang si zorren kay zem.
.
hinahayaan nalang kasi ito ni zorren basta ba hindi nito hinahayaan ang pag-aaral.
matalino si zem, kumukuha ito ng bussines admistration sa pinakasikat na unibersidad sa america ang hardvard university kung saan siya nagtapos at kung saan doon din nag aaral si zeb,zeby, zedden at zaiden.
.
.
habang walang imik naman na nakaupo sa tabi nito si zeby.
.
.
"wag niyo akong pansinin.". walang pakialam na wika ni zeby
.
.
mas lalong naiiling ni zorren ang kanyang ulo sa inasal at sinabi ni zeby.
kahit kailan talaga walang pakialam ang isang ito.
dati pa man ay ganito na si zeby walang pakialam sa iba, kabaliktaran ni zeb, ganun paman silang nakakakilala dito ay lubos ng kilala ang character nito. matigas lamang itong nakikita ngunit malambot din ang kalooban nito.
para lamang isang bakal n panangga si zeby mukhang matibay at hindi basta basta tinatablan ng bala. ngunit ang kalooban nito ay isang marupok at puting tupa.
.
.
"zeb danaan natin si whitney sa bahay niya.". utos ni zorren.
.
.
hindi umimik si zeb,nagpatuloy lamang ito sa pagmamaneho.
hindi pa sila halos nakakapag park sa harap ng bahay ni whitney ng nakita na nila itong nakatayo sa gilid ng garahe.
.
.
ibinaba ni zorren ang bintana ng kotse sa kanyang tapat.
.
.
"let's go.".maikling yaya niya sa babae.
bumukas din ang tatlong side na bintana ng kotse.
.
.
" wow... the four brothers of clowford clan is here.".nakangiting wika ng babae.
ngumiti si zorren.
bumaba naman si zeby para ipagbukas ito ng pinto.
kahit naman isnabiro at arogante si zeby marunong itong gumalang sa babae.
kilala nila si whitney madalas kasi itong labas masok sa kanilang masiyon kaya sanay na sila sa blonding babaeng ito.
"hi sweety zeby, you look more handsome tonight.". malanding pagbati niya kay zeby,.
walang kaimo-imosyong ngumiti si zeby. matapos alalayang makasakay si whitney sumakay ng muli si zeby.
.
.
"oh... hey you are here too young handsome guy.".bati naman nito kay zem.
nakaupo ngayun si whitney sa pagitan ng dalawang gwapong binatang si zeby at zem.
.
.
"it's my pleasure to be one of your date tonigth beautiful lady.". makatang wika ni zem hanggang tenga ang matamis na ngiti nito. inabot ang makinis at maputing kamay ni whitney at hinalikan iyon.
maririnig ang maharot na hagikhik ng babae sa loob ng kotse.
.
.
si zem ang isa sa kilalang babaero sa kanilang magkakapatid ng harapan.
kaya naman napapailing nalang silang tatlo sa inasal ng nakababata sa kanila.
.
.
proud na proud naman sa sarili si whitney ng mga sandaling yon.
sino ba naman ang hindi magiging proud kung may apat na naggugwapuhan lalaki at matitipuno ang kanyang makakasama ngayung gabi.sinisigurado niyang maeenjoy niya ang gabing iyon.
.
.
narating nila ang isang magarbo at mamahaling resto bar. mahal ang bar na iyon dahil kilala ang lugar na iyon na para lamang sa mga mayayaman at makapangyarihang personalidad sa bansa ang maaaring makapasok sa lugar na iyon.
ngunit dahil isa sa kanilang pag mamay-ari ang lugar na iyon. hindi mahirap para kay zorren at sa kanyang mga kapatid ang makapasok doon.
kahit pa nga hindi siya kilala ng mga tauhan at mga nagtatrabaho doon bilang isa sa nagmamay-ari nito.
.
.
"good evening sir".magalang na pagsalubong sa kanila ng security guard sa entrance ng emerald resto bar.
.
.
tiningnan ni zorren ang nakayukong security.at walang kahit na anong binitawang salita.
"please come in.". magalang parin ang security guard.
.
.
nakasunod sa kanya si zeb habang si whitney naman ay nakahawak sa magkabilang braso ni zeby at zem na nakasunod sa kanila.
.
.
malakas na tugtog ang maririnig mo sa napakalaking bulwagang iyon.
sa di kalayuan ay matatagpuan ang napakagandang bar area nito,. puro mamahaling alak lamang ang siniserved nila doon.
may mga magagandang babaeng sumalubong sa kanila. ang mga kasuutan ng mga ito ay halos iluwa na ang kanilang naggagandahang katawan.
marami din mga kalalakihan at kababaihang naggagandahan ang naroon.
dahilan upang aliw na aliw si zem.
.
.
luminga linga si zorren sa paligid tila ba may hinahanap ang kanyang mga mata.
ng hindi niya mahagilap ng kanyang mata nagtanong siya sa security guard na bumati sa kanila kanina sa entrance.
" nasaan si manager tommy jones?".
"sandali lamang po at tatawagin ko." mabilis na tumalima ang security guard.
naisip siguro nito na isa silang mahalagang panauhin dahil sa kanyang pananalita at itsura.
maya maya pa ay nahagip na ng kanyang paningin si tommy jones ang manager ng bar na iyon. na siya lang ding nakakakilala sa kanilang magkakapatid.
" magandang gabi po mr. clowford pasinsiya na po kayo may inasikaso po kasi akong importante.". nakayukong paliwanag nito.
.
hindi niya ito sinagot tinapik lamang niya ito sa balikat,.
kaya mabilis nitong inilahad ang palad.
"dito po tayo mr.clowford.". .at nagpatiuna ng lumakad.
.
"kumusta ang negosyo?". tanong niya kay tommy habang naglalakad sila paakyat ng hagdan patungo sa isang VIP rooms. nasa taas ito at anito nakalutang na kwarto sa itaas ng dance floor ng bar. purong salamin ang paligid nito kaya naman kitang kita mula sa taas ang mga taong nagkakasiyahan sa ibaba.
.
.
"maayos naman po mr.clowford.". si tommy.
.
.
pinagbukas sila ni tommy ng pinto. at isa isa silang pumasok roon.
.
"magpapahatid po ako ng maiinom niyo mr.clowford.".
.
tinapik niya ito sa balikat.
"thank you". maikling sagot niya dito.
.
.
"mauuna na po muna ako.paalam nito."
bago pa maisara ni tommy ang pinto muling nagsalita si zorren.
".mr.jones hindi ako nagpunta dito para maging isang boss. i'm here to enjoy this night.". pahabol niya kay tommy bago nito naisara ang pinto.
ngumiti si tommy.
"enjoy sir.". maiksing wika nito.yumuko muna ito at nagpaalam na sa kanila.
itinaas lamang niya ang kanyang kanang kamay at tuluyan ng pumasok at sumunod sa mga kapatid sa loob ng magarang VIP room na nakalaan sa kanila.