episode 7

1760 Words
halos lahat ng madaanan nilang mga empleyado sa hospital mapa nurse at doctor pati narin ang ibang mga pasyinte ay napapalingon sa kanila habang naglalakad., kusa ding gumigilid ang mga ito sa kanilang dinaraan. . . at maririnig din ang mga bulong bulungan ng mga ilan sa mga ito. hindi niya iyon pinapansin sanay na siya sa mga ganoong bagay. . . nang marating nila ang VIP room ng kanilang ama tuwang tuwang yumakap si carmen sa kanilang dalawa. bakas ang saya at lungkot sa magandang mukha ni carmen. ngumanti din siya ng yakap dito.ganoon din si zeb. mahal na mahal nila ang babaeng ito. nagiisa lamang kasi itong babae sa pamilya at nagkataon pang ina nila si carmen. malaki ang respito nila sa kanilang inang si carmen. hinalikan niya ang noo nito na parang pinaparamdam dito na andito lamang siya palagi para sa ginang. alam niyang gustong tumulo ng luha sa namumulang mata ni carmen ngunit pinigilan ito ng babae dahil may ibang taong naroon. hinalikan din sa noo ni zeb si carmen bago lumapit sa nakahigang ama. hinawakan ang kamay nito. . sa isang iglap ang zeb na parang isip bata kanina na umaktong teenager ng makakita at makakilala ng isang magandang binibini ay nagbagong anyo bilang isang kagalang galang na doctor at anak kay zaldy. . maririnig ang mahinang pagtawa ni zaldy ng sermunan ito ng doctor na anak. "dad, lagi kong sinasabi sa inyong alagaan niyo ang inyong kalusugan tingnan niyo ang itsura niyo ngayun.?". sermon ni zeb sa ama. "son buhay pa ako at malakas." nakangiti nitong wika. napangiti siya, nahagip din ng kanyang paningin ang pagngiti ni taylor na nasa tabi ng ama nitong si edward.hindi na lamang niya iyon pinansin. . at kahit kilala na nilang magkapatid si mr.evans ipinakilala parin ito ng kanilang ama sa kanila. naging magaan ang naging takbo ng usapan. sinabi din ni dr.evans na maari ng makalabas ang kanilang ama kaya wag na silang masyadong magalala. . . hindi din nagtagal ay nagpaalam na ang mga ito upang makapagsulo silang pamilya. naging masya ang bawat minuto ng mga sandaling iyon. namiss niya ng husto ang ama't ina. sa isang iglap bumalik sa pagkabata si zorren at zeb. biruan at tawanan ang tanging maririnig sa kwartong iyon ni zaldy clowford. . . hindi narin nagtagal pa si zorren sa hospital at nagpaalam na sa kanyang ama at ina maaga pa kasi siyang papasok sa opisa ng ama bukas. bukas kasi ang kanyang unang araw bilang CEO ng emerald crude oil group of companies.siya ang magiging kinatawan ng amang si zaldy at siya ring papalit dito bilang CEO. kahit alam na ito ng lahat ng investors at board members alam niyang mahihirapan parin siyang makumbinsi ang mga itong magtiwala sa kanya. . . si zeb ay balak nagpaiwan doon. bilang doctor na anak gusto niyang siya ang magbantay sa huling gabi ng ama sa hospital. . " mom sumama na po kayo kay kuya pauwi ng mansiyon.". si zeb. . "pero paano ang daddy niyo.?" nagaalalang tanong nito habang nasa tabi ni zaldy at hawak ang kamay nito. . "mom, doctor po si zeb wag na kayong magalala kay dad,." si zorren. . ayaw pa sanang pumayag ni carmen pero sinangayunan niya at ni zaldy ang sinabi ni zeb. "don't worry honey. sutil man itong si zeb at minsay isip bata ngunit isa na itong magaling na doctor alam kong hindi ako pababayaan ng anak mo. " nakangiting wika niya sa ni zaldy habang nakatitig sa mga mata ni carmen. . napapakamot naman sa kanyang batok si zeb. nagtawan silang apat. . kaya naman humalik sa noon ng kanyang asawa si carmen at tumayo na. nagpaalam na ito kay zaldy. .. hinalikan din ni zorren sa noo ang ama at tinapik ang palikat ni zeb bago inalalayan si carmen. . "bantayan mo ang daddy mo zeb.". may tiwalang ngumiti si carmen kay zeb. sinulyapan ang asawa bago nagpatianod ng sumama kay zorren. . . naging masaya ang buong mansiyon pag dating nilang dalawa ni carmen.. tuwang tuwa ang mga nakababata pa nilang kapatid. ng makita siya ng mga ito. ang anim na nakabababta pa nilang kapatid ay mga pawang teenager na. si zaimon,zerome,zandro,.zandy,zandrie at ang bunsong si zed. . mas magiging masaya pa sana ang araw na iyon kong nakalabas na ang ama ng tahanan at kong naroon din ang iba pa nilang kapatid. makikita sa mukha ni carmen ang saya ngunit mababanaag parin ang lungkot. . . . . kinabukasan maaga siyang naghanda upang pumasok ng opisana nagpatawag ng board meeting ang kanyang ama kahit nasa hospital pa ito. at siya bilang magiging bagong CEO ngayong araw ang siyang haharap sa mga board member ng kanilang kompanya.kasama ang inang si carmen ang tumatayong vice president. . nakita niya ang kanyang inang nakatayo sa malawak na sala ng mansiyon. alam niyang hinihintay nito ang kanyang pagbaba. at bilang vice president ng kanyang ama. kasama niyang pupunta ng kompanya si carmen. kagalang galang ang ginang sa suot nitong highwest fitted skirt na dirty white ang kulay. habang nakatack-in dito ang long sleve na na kulay puti at pinatungan ng dirty white na suit. may nakasuot na ternong kwentas at hikaw na perlas. may suot na kulay puting fluppy hat na may nakataling kulay pulang ribbon. habang ang magagandang paa nito ay nakasuot ng kulay pulay poited shoes. . . nakangiting sinalubong niya ang ina. hinalikan ito sa noo. "good morming mom.". "good morning hijo nakatulog kaba ng maayos.?". nakangiting tanong ni carmen. " opo, wala parin kayong kupas mrs.clowford.". aniya dito at kinuha ang kamay ni carmen hinalikan ang likod niyon at inakay ito palabas ng mansiyon. umabrisiyete naman ang ginang ng may ngiti sa labi. . . sa emerald crude oil group of companies, nagkakagulo ang mga empleyado madami din nagkalat na security guard na pawang naksuot ng kulay itim. ang mga camerang nagkikislapan. . . ng magsimulang magdatingan ang mga matataas ang katungkulan at meyembro ng board ng kompanya. hindi halos magkamayaw ang mga media at empleyado upang makita ng personal ang mga ito. . unang dumating ang chief marketing manager na si mr. edmond clay. masasabing mataas ang katungkulan nito sa kompanya. isa itong malayong kamag-anak ng clowford at isa sa pinakamayaman sa kanilang pamilya at sa buong banda. ito rin ang dating nag mamay-ari ng 80% shares ng kompanya. ngunit bumagsak ito. at ng panahong iyon ang kanyang lolo ang nilapitan nito dahil umaangat ng umaangat na noon ang negosyong binuksan ng kanyang lolo. binili ng kanyang lolo ang 70% shares ng kompanya nito kaya naman ang natira na lamang dito ay 10% at dahil ayaw nitong bumagsak ng tuluyan at pagtawan ng mga tao lalong lalo na ang mga nakakakilala dito. nilunok nito ang pride at mula sa pagiging dating CEO ng companya bumagsak ito sa pagiging chief marketing manager. . . ang sumunod na dumating ay si brain brown ang chief financial. ang pinakamataas namang namamahala sa financial ng kompanya. isa itong banyagang nagmula sa europa. nasa 40's na ang edad nito ngunit kagalang galang parin ito at bakas parin ang gandang lalaki ni brain brown noon kabataan pa nito. . marami pang mga sumanod na dumating sa mga ito. kaya naman hindi rin nagpapaawat ang mga media sa pagluha ng mga litrato ng lahat ng mga dumarating. . halos sabay sabay namang dumating sina simon white ang production manager. . alexander clowford apo ng kapatid ng kanyang lolo.si alexander ay nasa med 30's na. may 15% shares ito sa company. at ito ang gustong maging susunod na CEO ng 50% na nakasapi ng board members. . nagkumustahan ang mga bagong dating. maririnig din sa mga pinaguusapan nila ang pangalan ni zorren. nasa late 20's pa lamang si zorren.kaya naman ang mga may edad ng meyembro ng board ay walang tiwala sa isang batang susunod na CEO hindi parin nila nakita si zorren ni minsan. bukad kay edmond clay at alexander. . . " alexander, kumusta.?" malapad na ngiti ni edmond sapagkat malayong kamaganak ay mas pabor ito kay alexander na siyang susunod bilang CEO ng kompanya. nakangiti namang nakipagbatian dito si alexander. marami din mga empleyado ang nakatingin dito. dahil gwapo si alexander at kahit sinong babae ay pagpapantasiyahan ito. " mabuti naman po uncle." magalang na bati niya dito. " mr. white narito narin pala kayo.". si edmond. ngumiti naman si mr.white na nasa 50's na ang edad. "nagtataka nga ako kung bakit ako naririto ngayun.". pabirong wika ni mr.whites. " kailangan paba ang formal na pagpapakilala ng susunod na CEO ng companya.?". si mr.brown. " sa tingin koy pareho tayo ng iniisip mr.brown. " nakangising wika ni edmond clay. " masyado pang mura ang panganay na anak ni mr.clowford para ito ang pumalit bilang CEO hindi ba?". malakas na pagtawa ni edmond. " hindi ko nga din maintindihan, kung bakit isang batang CEO ang gusto nilang pumalit kay CEO zaldy clowford, dahil ba sa ito ang panganay na anak?". tanong naman ni mr.brown. biglang natahimik ang lahat ng may humintong tatlong sunod sunod na sasakyan. at mabilis na nag babaan ang sakay ng unang at huling sasakyan. . . kaya naman nabaling doon ang mga media at nag-uunhang makalapit at makakuha ng larawan sa kung sino mang baba sa magarang sasakyan. binuksan ng dalawang lalaki ang magkabilaang pinto ng sasakyang nasa pagitan ng dalawang sasakyang dumating. iniluwa nito si vice president carmen clowford kagalang galang ang itsura ng ginang. kasunod ang isang matangkad at gwapong lalaki. kagalang galang din ang suot nitong mamahaling suit na bumagay sa malapad na balikat nito. walang iba kundi ang panganay na anak ni carmaen si zorren clowford ang bagong CEO ng emerald crude oil group of companies. . seryoso ang mukha nito. ngunit lahat ay matatawag ang pansin pag ito ay tinitigan. nabagayan ng pangahan nitong mukha ang matangos nitong ilong. ang dalawang kulay itim at nangungusap nitong mata na tinirnuhan ng makapal na kilay. ang manipis na labing natural ang pagkapula. nagsimulang magkislapan ang mga camera. . " ITO BA SI MR.ZORREN CLOWFORD,ANG LAKAS NG DATING NIYA." . "ANG GWAPO NIYA,". . "HINDI AKO MAKAPANIWALANG MALAKAS NG DATING NIYA.SA PICTURE AT T.V KO LAMANG SIYA UNANG NAKITA KAHAPON.". . SA TINGIN KO CRUSH KO NA SIYA." . . "TUTOO PALANG BATA PA ANG BAGONG CEO,PERO ANG GWAPO NIYA AH." . "BALITA KO WALA PA SIYANG KAKAYAHANG MAGING BAGONG CEO". . ilan lamang yan sa mga bulong bulungan na maririnig. . naunang lumakad si carmen papasok ng building sa likod nito ang anak na si zorren.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD