"ohh, mr. zorren clowford hindi ko akalaing darating ka ngayung araw,? akala ko ay magtatago ka sa likod ng pantalon ng tatay mo.", sabay tawa ng nakakaluko si edmond.
.
at dahil sa binitiwan nitong salita mas lalo dumami ang mga tao at empleyadong nakikiisyuso sa kanila.
.
nginitian lamang niya ito at hindi pinansin.wala siyang planong patulan ang taong ito. wala din naman kasi siyang mapapala dito.nilagpasan lamang niya ito kasunod ng kanyang inang si carmen.
.
.
at nakipag batian sa ibang board member na naroon, kaya naman ibinaba ni edmond ang kamay na inabot nito upang makipagkamay sana sa kanya.
dahil napahiya ang lalaki sa kanyang ginawa muli itong nagsalaita.
.
"ngayon ko lang nalamang bastos ka pala.". matigas ang boses nito.
.
dahilan upang mapalingon siya rito at ngumiti ng nakakaluko,.
.
"oh mr.edmond clay? tama ba.?" parang alanganing tanong niya at hinarap ito.
.
nakita niyang naningkit ang mga mata ng lalaki.
.
" ito ba sa tingin niyo ang dapat na maging bagong CEO ?". nangruruming tanong nito sa malakas na boses.
.
nag-umpisa nanaman ang bulong bulungan.
kilala niya ang lalaking ito bata pa siya noong makilala ang isang ito.
si edmond clay ang nagmamay-ari ng halos mahigit kalahating shares ng kompanya ngunit dahil bumagsak ito at nabaon sa utang ang dating mapagmataas at CEO ng emerald crude oil group of companies ay lumapit sa kanyang lolo.at napilitan nitong ibinta sa kanyang lolo ang 70% na shares nito sa kompanya.
.
.
"bakit , mr.clay mayron pa bang ibang nararapat bukod sa akin?sino sa tingin mo ang nararapat para sa posisyon bukod sakin.?". matigas na tanong niya dito.madilim na ang kanyang mukhang kanina lamang ay maaliwalas pa.
hindi na siya ang dating batang lalaki na madalas magtago sa likod ng pantalon ng kanyang ama. sa tuwing makakaharap ang lalaking ito noon..
.
.
naging mailap ang mga mata ni mr.clay dahil sa binitiwan niyang salita.
.
doon naman lumapit si alexander clowford ang apo ng kapatid ng kanyang lolo.
nilingon niya ito.
.
" zorren nagiging walang galang ka yata sa harap ng isang mas nakakatanda sayo.
alalahanin mo nag-uumpisa ka pa lamang ngunit si uncle edmond marami ng karanasan." nakangising pagtatanong ni alexander kay edmond.
.
.
"parang ngayon ko lang napansing nandiyan ka pala mr.alexander clowford, ? at sa tingin ko hindi ka naman kasali sa usapang ito tama ba?..". mariing wika niya dito.
.
naging mailap ang mata ni alexander dahil sa kanyang binitiwang salita.
.
.
"anyway kong wala na kayong ibang sasabihin pa mauuna na kami, magkita na lamang tayo sa board meeting.". pag-tatapos niya ng usapan at tensiyon sa mga sandaling iyon.
.
nakangiti niyang inalalayan si carmen. nakasunod naman sa kanilang likuran ang nag-aapoy sa galit na mga mata ni edmond clay at alexander clowford.
.
hindi siya papayag na basta basta na lamang silang aapak apakan ng mga taong ito gaya ng ginawa ng mga ito noong panahong walang wala pa sila kahit singkong duling.
.
nasaunahan nila ang isang body guard na siya rin pumindot ng down botton ng elevetor para sa mga VIP na gaya nila.
.
.
narating nila ang dating opisina ni zaldy s ikatatlumpong palapag ng gusali. gaya kanina pinagbuksan sila ng pintuan ng body guard na nakasunod palagi sa kanila. malaki at magarang pinto ng opisinang iyon.. pinauna niyang pumasok si carmen bago sumunod dito.
.
.
napakalaki ng opisinang iyon ng kanyang ama.
nakita niyang umupo sa sofang naroon si carmen at nakangiting tumingin sa kanya.
.
"nagustuhan mo ba ang bago mong opisina hijo.?". malambing na tanong ng ginang.
.
.
nilingon niya ito.
."yes mum.magaling talagang pumili ng design si dad.". nakangiti niyang sagot dito.
.
hindi pa sila nagtatagal sa loob ng opisina ng pumasok ang dating secretary ni zaldy.
may dala itong dalawang tasa ng kape.
at magalang na ibinaba sa mesa sa harap ni carmen ang isang tasa habang ang isa ay hawak pa nito.
.
noon naman naupo sa harap ni carmen si zorren.kaya inilapag na ng secretary ang isa pang tasa ng kape sa harap ni zorren.
maganda at balingkinitan ang katawan ng dating secretary ni zaldy bata pa ito siguro ay hindi nagkakalayo ang kanilang mga edad.
.
akma na sana itong lalabas ng pigilan ito ni carmen.
.
"miss Go, siya ang aking anak ang bagong CEO siya rin ang magiging bago mong paglilingkuran inaasahan kong magiging maganda ang inyong magiging trabaho.".
si carmen.
.
yumuko sa kanyang harapan si miss.Go.
.
"kinagagalak ko po kayong makilala president. ". mahinhing wika ni lucy.
.
tiningnan lamang niya ito.likas kay zorren ang pagiging suplado.
ngunit magalang parin naman siya sa mga babae lalo at kaharap ang ina.
.
"magbutihan mo ang iyong trabaho siguradong magkakasundo tayo.".si zorren sa malamig na tinig.
.
"opo president". magalang na sagot nito.
pero makikita sa magandang mukha nito ang pagkadismaya. " gwapo sana ang sungit naman. hhmmp.".bulong ni lucy bago tuluyang magpaalam at lumabas ng upisinang iyon.
.
.
naiwan sa loob ang mag-inang carmen at zorren.
.
"alam kong kaya mo hijo may tiwala kami ng dad mo sayo.". pagpapalakas ng loob ni carmen.
.
ngumiti si zorren sa ina.
.
"so let's go mum.ayaw kong makitaan ng kahit isang butas ng mga board member, alam niyo naman pong mainit ang dugo sakin ni mr.clay.".
.
naunang tumayo si zorren at inalalayan ang ina.
pinagbukas ito ng pintuan naghihintay sa labas ng kanyang bagong opisina si secretary Go at tatlong body guard.
nakaipit sa dibdib ni secretary Go ang kulay puting folder na naglalaban ng mahahalagang dokumento.
yumuko ang mga ito at pinauna silang maglakad.
pilit namang sumasabay sa kanila si secretary Go. at pinaliliwanag ang ilang mga bagay habang naglalakad sila patungo sa conference room.
.
.
pinagbuksan ng pintuan ng mga body guard ang mag ina.
bumungad sa kanila ang malawak at magarang conference room.
naroon na lahat ng board member may mga bote ng tubig sa bawat harapan ng bawat isa.
.
bumuntong hininga muna si zorren bago tuluyan pumasok sa loob ng conference room.
inalalayan niyang makaupo si carmen bago naupo sa upuang nakalaan para sa kanya.
habang sa kanyang likuran nakatayo si secretary Go.
.
makikita ang mga nagtatanong na mga mata ng ilan sa mga ito bakit siya ang nakaupo sa upuang nakalaan para kay PRESIDENT ZALDY CLOWFORD.
.
.
nakita niyang kinawayan ni carmen si secretary Go.
lumapit naman ang huli sa ginang.
.
" narito na ba ang lahat secretary Go.?".
bulong nito.
.
"opo vice president". magalang na sagot ni miss.Go.
.
maririnig ang mga bulong bulungan at halos lumalakas na paguusap at tanungan ng mga naroon sa kanikanilang mga katabi.
.
ibinagsak ni carmen ang kanyang palad sa ibabaw ng desk nito. naging dahilan upang tumahimik ang lahat.
tumayo ito sa kanyang pagkakaupo.
" dahil nandito na tayong lahat maaari na siguro akong mag-umpisa.siguro naman ay alam niyo na ang nangyari sa aking asawang si zaldy clowford ang ating presidente. kaya tayong lahat ay naririto ngayon.". muling nagkaroon ng ingay.
.
"kaya naman narito sa inyong harapan ang aking panganay na anak, zorren clowford at ipinakikilala ko siya sa inyong lahat bilang ang magiging bagong presidente at CEO ng kompanyang ito." malakas ang boses ni carmen sa sinabing iyon.
.
nag-umpisang magtanong ang ilan.
.
"vice president nakakasiguro ba kayo sa batang iyan, sa tingin ko ay napakabata pa niya para maging CEO.?". tanong ng isang nasa 50th years old ng lalaking nakaupo sa tabi ni mr.edmond clay. makikita sa mukha ni edmond ang pagngiti ng nakakaluko dahil sa narinig nitong tinanong ng lalaki.
.
.
" oo nga vice president hindi naman naming hahayaang malugi kami at maubos lahat ng pinaghirapan namin ng dahil sa isang bata lamang" isang may edad ng babae ang nagsalita isa itong investors ng kompanya.
.
tumayo si edmond.
"mukhang tama ang kanilang sinasabi mrs.vice president.hindi namin hahayaang bumagsak ang kompanyang ito kasama kami dahil lamang sa isang batang CEO. kaya nakakasiguro ba kayo sa isang bata upang maging isang presidente.?". nakakalukong tanong ni edmond clay.
.
"tama vice president isang batang CEO wala pang karanasan ang gusto niyong humawak ng ating negosyo.mukang kalukuhan yan.".si simon white.
.
nakikinig lamang si zorren sa mga ito.alam niyang mangyayare ang bagay na yon.
dahil sa nasa late 20's pa lamang siya alam niyang mako-question ang kanyang kakayahan..
.
"bakit hindi muna natin siya subukan.". sabat naman ng isang babae. ilegante itong tingnan at sa tingin niya ay hindi nagkakalayo ang edad nito sa kanyang ina.
.
" subukan tama ba ang narinig ko madam young.?" tanong ni mr. brain brown sa nagsalitang babae.
.
.
tumayo si alexander.itinaas ang kanang kamay. kaya tumahimik ang lahat. nakakaluko ang ngiti nito. at animo nagmamayabang dahil kaya nitong mapatahimik ang nagkakagulong board member. .
.
" huminahon tayong lahat, parang may point naman si madam young, bakit hindi natin subukan ang kakayahan ng isang batang ito.bigyan natin ng pagkakataon at pag hindi niya nagawa ng maayos ang kanyang trabaho maari tayong magpatawag ng isang emergency board meeting upang pagbotuhan ang gusto nating maging CEO at karapat dapat sa posisyon..ano sa tingin mo mr.clay.?" nakangising tanong nito kay edmond clay.
nakita niya ang nagliwanag na mga mata ni edmond.
.
si alexander ay kompiyansang kompiyansa ng mga sandaling iyon ng ilahad ang mga binitiwang salita.
.
"may point ka mr.clowford. siguro naman sasang ayon si mrs.vice president dito.?". tumingin si edmond kay carmen. at hinihintay ang pag-sang-ayon ni carmen.
.
" tama, may point nga ito." pag sang-ayon ng iba pa.
.
hindi umiimik si carmen.tumingin ito sa kanya sa nag-aalalang mukha.
.
." bakit mrs.vice president wala ka bang tiwala sa iyong batang anak na siyang hinihirang mong maging CEO ngayon ngayon lang.". nakangising wika ni edmond. hindi talaga ito titigil hanggat hindi nakukuha ang gusto.
.
doon na hindi nakatiis si zorren.
tumayo siya ibinagsak ang kamao sa ibabaw ng desk sa kanyang harapan.
biglang natigil ang mga nagkakagulong memyembro ng board.nag-aalinlangang biglang napaupo si alexander.
.
.
"sa tingin ko mas matanda at marami nga kayong kaalaman kaysa sa akin.ngunit para kayong mga walang pinag-aralan sa inaasal ninyo ngayon.para kayong mga batang nagtatalo sa iisang candy.". maawtoridad at matigas ang kanyang boses ng mga sandaling iyon. nagsalubong ang makakapal na kilay dahil sa galit na gustong sumabog sa kanyang dibdib ano mang oras.
.
natahimik ang lahat sa kanyang binitiwang mga salita. parang nga batang pinagalitan ng kanilang ina.
.
.
" at dahil narinig ko ang lahat ng mga opinyon at gusto ninyong mangyare.
sige sumasang-ayon ako sa gusto ninyong lahat..". madilim ang mukha at malakas na wika ni zorren.
.
napatingin ang kanyang inang si carmen sa kanya sa nagaalalang mukha.
.
.
ngitian niya ito ng bahagya upang mawala ang pagaalala nito.
.
"magaling kung gaoon mr.CEO." wika ni mr.clay na may ngiting tagumpay.
.
.
matapos sabihin ang mga katagang iyon, inalalayan niya ang kanyang ina patayo sa kinauupuan nito.
.
.
"kung wala na kayong sasabihin.? meeting adjourned". nanginginig ang kanyang tinig sa pinipigilang galit sa kanyang dibdib. .
.
.
bago pa makatayo ang lahat mabilis niyang inalalayan ang kanyang ina palabas ng conference room na iyon.kasunod ang hindi magkandarapang si miss GO.
.