Chapter Six

1274 Words
Chapter 6 A/N: What will you do if the person you like ended up becoming a relative? Hahahaha basahin nyo nalang para malaman....love lots! After that healthy encounter with Britney, dumiretso na si Lucas sa opisina niya. It's almost mid day ngunit hindi naman yun issue sakanya. Pumunta lamang siya dito upang pumirma ng mga papeles para sa approval ng mga supplies ng buong hospital at ireview ang mga minor problems na inilalapit sa Human Resource. Wala siyang pormal na oras ng pagpasok o pag-alis ng hospital. He also had other businesses to attend to. Kaya minsan nagugulat nalang ang sekretarya niya kung sumusulpot siya sa hospital. Madalas nahuhuli niya itong nangangapit office at nakikipag-usap sa ibang sekretarya roon. Katulad nalang ngayon. Wala nanaman sa desk niya ang babaeng dapat nagbibigay sakanya ngayun ng kape at mga reports. Pumasok na lamang siya sa opisina niya, his mood wouldn't be ruined by this simple act. Umupo siya sa desk niya at pinindot ang extension ng katabing office kung saan sa hula niya ay naroroon ang sekretaryang layas. "Mr. Agustus?" Sagot ng sekretarya sa kabilang office. "G-good Morning ho." "Good morning Merly. Naririyan ba si Jessica?" He could hear the panicked murmur of the two. Pinigilan niya ang sarili niyang humalakhak. "Please do tell her I want my coffee--black, and those reports she was telling me about on her email last night. Thank you." "Ah, yes po Sir! Welcome po. Bye po." Sabi nito, napagtanto niya na marahil ay naka loud speaker siya kaya di na nito kinailangan pang ulitin para sa sekretarya niya ang mga sinabi niya. Binaba na niya ang telepono at binuksan ang computer. Tinignan niya ang daily records ng ospital. Kung ilang pasyente ang lumalabas at pumapasok. Kung ilan ang mga charity at full private patient. And then absentmindedly na binabasa na pala niya ang scanned version daily charts log na isinulat ni Britney para sa isang charity case nito. He was so fascinated on how nice her hand writing were. Readable ito unlike other surgeons. Bibihira lang ang may magandang hand writing sa mga doctor especially surgeons. "You got to stop yourself from doing this." Sita niya sa sarili hinahod niya ang kaniyang buhok, he has a slightly wavy hair na medyo mahaba. Hindi na niya mapigil ang sarili sa paghahangang nararamdaman para sa dalaga. While having this realization, doon dumating ang text message ng ama niya. 'Dad Hubert: I saw the most beautiful woman on the way to the Senete.' Binasa niya ito. Tinignan niya ang relo niya, lunch break na nito kaya nakapagmessage sakanya. Napailing nalang siya sabay pindot sa mga letra at nagsulat siya ng reply para dito. 'Me: Oh really, sinong model or actress na naman yan Dad? I swear if she's younger than me, susulotin ko yan.' Banta niya sa ama. Sabay send nito rito. Maya maya pa ay may dumating na picture na galing sa ama. Larawan ito ng ina ni Britney papatawid sa kalsada sa kilalang business district ng lugar. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Lucas. "Oh, f**k me..." bulong niya sa sarili. Sunod na dumating ang message ng ama. Binasa niya ito. 'Dad Hubert: I sent her flowers, but I'm scared to even let her know it's from me. I'm pathetic.' Parang teenager ang ama niya pagdating sa babaeng tunay nitong mahal. He rolled his eyes saka nagsulat ng reply. 'Me: Why so sudden? Why just now rather!' Tanong niya. Dumating naman kaagad ang sagot ng ama. 'Dad Hubert: Love at first sight? I know it's cliche, but I realized what I really wanted the time I was stuck at a 90 second traffic. I want a whole family. You, me, Geraldine and Britney." Halos mahulog sa kamay ni Lucas mobile phone niya. "I'm fuckin' screwed." He said out loud mostly to himself subalit dumating na pala ang lakwatsera niyang sekretarya. "Ser, kape nyo ho." Sabi nito ngumingiti pa halatang nerbyos. At inilapat din nito ang mga reports. Wala sa sarili si Lucas. "Tell me Jessica, what will you do if the person you really like happens to be a close relative?" Tanong niya absentmindedly sa sekretarya na napanganga lamang sa tanong niyang iyon. "N-never mind. You can go now." He said dismissing her, at nagmadali na itong umalis. Nagsulat nalamang siya ng reply sa ama. 'Me: Just don't mess it up this time.' Susuporthan nalang niya ang ama. Mas-okay na iyon kesa naman magpatuloy pa ito sa pagiging babaero. At least the old man realized na gusto nito ang magkaroon ng pamilya. Pamilya na halos ayaw niyang maging parte pa, because he is falling for that feisty doctor. Sinapo ni Lucas noo niya sa realization na ito. He likes Britney that much. 'Why the hell did I let this happen to me?' Tananong niya ang sarili. Isa lang ang naiisip niyang sulusyon, ang ibaon ang sarili sa trabaho. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Nagising si Britney sa alarm ng kaniyang mobile phone. Magdadapit hapon na at kailangan pa niyang ipagluto ng hapunan ang ina at si Herley na halatang busy dahil sa pag-aayus ng mga painting sa gallery. Bumangon siya na mabigat ang kalooban. She just want to sleep the night away but she also have to be a daughter to her Mom. Pumunta siya sa kusina at nagsimulang magsain gamit at rice cooker. Hiniwa na din niya ang mga rikado para sa lulutuin niyang ulam. She was just wearing loose shirt and a pair female boxer shorts. She was humming along the 70's songs playing on her ipod. Maya maya pa ay nagsimula na siyang magluto ng uulamin nila. She wasn't a top chef, but she can assure anyone who'll try to eat her cooking would fall for it. Masarap siyang magluto. Bagay na dapat niyang matutunan ng maaga dahil sa busy schedule ng ina. Ng matapos niya ang mga niluluto ay nilagay na niya ito sa mga lalagyan. Inayus niya ito sa isang basket at saka bumalik sa kwarto niya upang maligo at ayusin ang sarili. Hindi kalakihan nag bahay nila Britney, nasa ground floor ang kwarto ng kanyang ina while her room was on the second. Magkasing laki lang ang mga ito at may sarisariling mga banyo. May walk in closet din kung saan makikita ang clothing preference ng mag-ina. Mahilig sa sun dress at bestida ang ina while Britney is more into ternos and mix and match. Masasabi ng mga taong pwedeng maging jet setter ang mag-ina dahil kahit anung damit ang isuot nila at tiyak na babagay. Although sa bansa nila na medyo may kaliitan sa height ang karamihan nahihirapan talaga siya bumili ng pants or paldang tamang tama lang ang sukat sakanya. Medyo may katangkaran din kasi si Britney kaya naman masmaikli tignan sakanyang mahabang legs ang anu mang suotin niya. She wouldn't characterize herself as skinny, dahil toned naman ang mga muscles nya at meron naman siyang curves sa tamang lugar. Her body wasn't a source of neither praise nor discouragement. Although she is addicted to running and weight lifting. She makes sure to do so daily for one hour. Ng matapos maligo ay pumili na si Britney ng isusuot. Dapat ay pormal dahil sa okasyon na mangyayari sa kanilang gallery. She chose to wear a botton down white chiffon long sleeves, with a pair of khaki colored skinny jeans na umabot lamang sa ankle niya and her trusty oxford shoe, with minimal accessories--bangle bracelet, pearl earrings with matching choker, and her watch. She then tossed her hair into a messy bun. She looked at herself in the mirror. Nagmukha siyang bagong graduate na millenial at hindi doctor. Kaunting make up and then she's ready to go.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD