Chapter 7
Madami na ring naganap na art exhibit sa gallery nila, ngunit ngayun ngayun lamang sila nagkaroon ng artistang cliente. Heart was the first one showcasing her painted bags. Sumunod yung isang title holder sa isang pageant, mga jewelries naman na designed nito, ngayun naman si Solenn na halos nilibot na ata ang buong mundo sa pag-aart exhibit. Medyo liblib kasi na lugar sa syudad nila nakatayo ang gallery. Although sa lugar kung saan may mayayama ito medyo sasadyain kasi talaga ang pagpunta dito. Intimate at cozy, iyun ang mga salitang maihahalintulad niya sa gallery nila. Ilang buwan pa ay magkakaroon na din ito ng coffe and tea shop. Madami din kasing napapadaang posh na studyante sa lugar kaya naisipan ng ina na maglagay ng coffee and tea shop since they already own the area.
Dumating si Britney sa gallery at napansin agan niya ang bagong logo ng building nila. 'G&B arts and antiques' sabi nito. Napangiti sya, sa wakas ay natutupad na ng ina niya ang pangarap nitong napending dahil sa katangahan niya noon. Pumasok siya sa employees door sa may gilid ng establishment bitbit ang basket ng dinner nila. May kusina sa likod ng arts & antiques hall doon sila tumatago kung ayaw nila pakiharapan ang mga asungot na dumarating sa gallery. Now however, it's a make shift meeting hall. Nandoon ang kasi ang manager ni Solenn at ang hired catering service para sa mga refreshments ng mga guests. Nag-uusap ito at ang ina niya.
Ngumiti sakanya ang ina ng makita siya nito. "Britney, anak." Saad nito habang umaakmang lumapit siya rito. Nilapag ni Britney ang dala niyang basket sa mesa at lumapit ito sa ina niya. Nakabihis na ito at mukhang fresh na fresh. Geraldine was wearing a floral formal dress shirt na pinarisan nito ng maroon skirt na lagpas sa tuhod nito. He hair was neatly styled into a semi ponytail. She was also wearing a subtile amount of make up. Yung tipong malalaman mo na siya ang may ari ng gallery. Nang makalapit na si Britney sa inay at hinalikan niya ito sa pisngi. "This is Britney, she's my daughter." Sabi niya sa manager ni Solenn na Middle aged na babae.
"Hello po." sabi ni Britney offering her hand for a handshake. She shook it.
"Yes, I know her. Solenn admires you." Saad nito habang nakatingin kay Britney. "Kaya naman she wanted to have her exhibit here." She was gesturing to the place. "And I could say that she didn't make a mistake. The place is stunningly beautiful!" Grabe ang ngiti ng ina ni Britney, habang siya naman ay halos mamatay sa curiosity.
"Thank you Bernadatte." Halatang na flattered ang ina niya sa sinabing iyon ng babae. "We actually worked closely with the interior designer so the place would fit our taste perfectly. To make sure it would not disappoint." Sabi pa nito. "Now if you'll excuse us, we'll just be a minute." Tumango lang ang babae habang hinila si Britney ni Geraldine sabay kuha sa basket na naglalaman ng pagkain at pumasok sila sa office ng ina. "Juicecolored...napasabak nanaman ako sa pag-iingles. Gutom pa man din ako." Sabi ng inang inilalabas na ang mga pagkain nila. "Asan na ba si Herley at makakain na tayo bago pa magsidatingan ang mga media."
"Paano kaya ako nakilala ni Solenn?" Sambit ni Britney na para bang wala sa sarili. Nagtataka talaga siya. Wala naman sila common friend eh. At sa sobrang busy niya sa hospital malamang wala din siyang social life.
"Alam mo naman naging issue mo a few years back. Malay natin she heard of you that way 'di ba?" Sagot naman nito. Dumating na si Herley dala ang mga kubyertos na gagamitin nila. "Tara na Herley at kumain na tayo."
"Hi ate Brit." Bati nito kay Britney. Tumango lang siya dito habang malalim pa din ang iniisip. "Anu problema nya ma'am?" Bulong ng dalaga sa ina niya.
Tinignan ni Geraldine ang anak niya, "Na shock ng malaman na kilala siya ni Solenn." Chismis ng ina niya. "Starstrucked ba." Humagikhik naman si Herley.
-------------------------
Tumunog ang mobile phone ni Lucas, may tumatawag sakanya. It was Nico, a close friend of his. The Argentinian is one of his business partners as well. Nagkakilala sila sa isang agricultural expo sa new york, fresh out from college silang dalawa noon. And up until today magkakulitan pa din sila pagdating sa mga bagay bagay out of their businesses.
" Hallo Lucas!" Bungad nito sakanya with his accent. "Yo!"
" O'la Nico." Pabirong sagot naman niya.
"Oh, you don't o'la me, my man! Unless you forgot about wifezilla's event tonight." Sagot nito habang halatang nakangisi. "You didn't forget, did you?"
He made a hearty laugh, inimbitahan siya ni Solenn sa art exhibit nito na magbubukas sa gabing iyon. Solenn was a big actress in their country at naging magkaibigan na din sila ni Lucas ng naging magkasintahan ito at si Nico. "Of course I wouldn't! She'll kill me if I miss it. I know your wife." Sabi nito, pauwi na sa mga oras na iyon si Lucas upang magbihis at pumunta sa event ng kaibigan niya.
"See I told you he's coming." Saad nito sa kabilang linya halatang kinakausap ng kaibigan niya ang asawa nitong si Solenn.
"Well he better." Rinig ni Lucas ang sabi ng babae. "Lucas papatayin talaga kita kung hindi ka pumunta. Wala ka pang pinuntahang exhibit ko." Pagsisingil nito kay Lucas na pinagtawanan naman ni Nico.
"Hala." Udyok pa ng kaibigan niya. May alam itong kaunting tagalog. "Anyways I'm also going to doll up. See you later." At pa habol pa itong bumulong,"actually I want you to come because I don't want to be the only straight man around the exhibit. Daming bakla doon. Ouch!" May ibinato ata na kung anu si Solenn sa asawa nito. Tumawa si Nico. "Bye," binaba na ni Nico ang telepono.
Ngayun lang si Lucas makakapunta sa art exhibit ni Solenn dahil masyado na siyang kinukulit nito. Ilang house party na din kasi sa bahay nila ang pinuntahan ng mga ito pero hindi pa niya napaunlakan ang kaibigan niya sa mga imbitasyon nito sa mga event nito sa bansa, especially sa mga lugar na malapit lang sakanila. Kaya naman gusto niyang maging maayus ang hitsura niya. He was also going to pick up the flowers he ordered, to congratulate his friend. At naawa na din siya kay Nico na halos nag-iisa lamang na lalaki kadalasan sa event ng asawa niya. Unless some of their married friends would come.
Nag-ayus na ng sarili si Lucas. He was wearing a semi casual khaki brown suit with his leather shoes and a watch to match. He styled his hair in a push back way to look more suave. Hinayaan niyang bukas ang first three bottons ng long sleeves polo niya and he ditched the tie para masmukhang casual ang hitsura niya. Most rich people would hire a stylist kung may mga event silang pupuntahan, Lucas was gifted with an innate swag. Kahit nga daw garbage bag ang ipasuot sakanya ay madadala pa din niya, says most style critic sa bansa nila.
-------------------
Nagsisisi si Britney na hindi siya nagsuot ng isa sa mga cute na dress na binibili ng ina niya para sakanya. She looked so normal as she was comparing her attire to elegantly dressed casual people arriving one by one sa gallery nila. Her mom was one of those entertaining them in small talks habang hindi pa handa magsagawa ng speech ang exhibit artist na si Solenn. May maliit na recieving hall na inayus parang magmukhang isang red carpet movie premieres ang gallery nila. Doon nagsipwesto ang mga photojournalist ng mga media outlet upang kumuha ng litrato sa mga matataas na personalities na pumunta sa event na iyon. When most of the guests arrived, may nilagay nang podium sa gitna ng exhibit area.
"Good evening ladies and gentlemen, may I please have your attention. It is with great honor for me to introduce to you all an enchanting actress and a divine artist who created these timeless pieces that are on display in this gallery today." Sabi ni Bernadette habang walang tigil ang pagpitik ng mga flash ng camera. "Ladies and gentlemen, Miss Solenn Heussaff-Bolzico."
"Thank you very much Miss Bernadette for that flattering introduction." Saad ni Solenn.
Nagsimula na mag speech si Solenn ng makita ni Britney si Lucas na pumasok sa gallery nila. Biglang bumilis ang takbo ng puso ni Britney. He was holding a huge bouquet of mixed wild flowers. At napaka gwapo nitong tignan. Nagulat nalang siya nang may maglagay ng tissue sa bibig niya.
"Laway mo ate Brit." Kantyaw ni Herley sakanya habang ngumingisi. "Ang gwapo ni Lucas!" She was fan-girling over him. "Makikiselfie ako sakanya mamaya."
Nang marinig ni Britney ang comment ng dalaga ay may kung anung inis siyang naramdaman. Sure over the years of them bantering lalong lalo na sa mga charity cases na ipinapasa sakaniya ng mga superiors niya made her hate him. Or does she really hate him. Oo naiinis siya dito lalong lalo na kung kinukwestyon nito kung papaano niya ginagampanan an g role niya bilang doctor sa mga pasyente niya. Other than that he was a perfect gentleman. 'Antipatikong gentleman kamo.' Saway niya sa parte niyang humohopia na din kay Lucas. 'Bakit nga ba kasi napaka gwapo ng dating ngayun nitong si Lucas.'
Tatalikod na sana si Britney when their eyes met. Then an even more irresistible smile appeared on his face. May kung anung parte sa pagkatao ni Britney ang natutunaw sa mga sigundong iyon sabay ng unti unting pag-init ng mga pisngi niya. Hindi umalis sa pagkakatitig sa kanya ni Lucas hanggan sa makalagpas na ito sakanya. Tila ba slow motion itong naglalakad patungo sa kakatapos lang magbigay ng speech na si Solenn. Ibinigay nito kay Solenn ang bouquet sabay beso dito sa magkabilaang pisngi. Pagkatapos nito ay hinarap naman ni Lucas si Nico para kamayan. Binati ng Binata ang dalawa at nag-usap na silang tatlo. Britney was so focused on them as if nag-oobserba siya ng mga dyos at dyosang bumaba sa lupa. She had to make an effort to stop herself from drooling over Lucas. Saka pa lamang niya nagawang tumalikod.
"Ate Brit, kilala ka ba talaga ni Solenn?" Tanong ni Herley sakanya.
Tinitigan muna niya si Herley bago niya nagawang makasagot. "H-hindi."
"Eh bakit sila papunta dito?" Sabay nguso pa nito sa direksyon kung saan nanggagaling sina Solenn. Sa gulat ni Britney ay napaharap siya sa mga ito. They were really coming. And Solenn was smiling at her.